Wakas.

Ikaw ang laman, alam, at aalamin ng aking puso.
Please Subscribe to read the full chapter

 

Buhay Kolehiyo

 

Andito na naman sa punto na madaming life lessons (pero academically din meron, of course)

Madaming taong makikilala, hindi mo alam kung pang matagalan ba sila o panandalian

Life is full of surprises sabi nga nila

 

May makakasama ka isang araw, kinabukasan wala na sila

Pero minsan, may mga nananatili sa tabi mo na pangmatagalan

at kadalasan, sila din ang kadamay mo sa lahat

 

kaya choose your circle wisely, guys.

 

Hindi kumpleto ang buhay kolehiyo kung hindi ka magkakaroon ng taong nakapagpabihag ng puso mo. Mapagbiro nga din naman si tadhana, pinapili ang puso mo ng isang estranghero na nakakaakit ang kaniyang mga ngiti, mata, at tawa—pero hindi mo alam kung ano ang kaniyang pangalan, kurso, at pangarap. Pero paano kung mag risk ka at kilalanin mo ang estranghero na ito?

 

1st Year  

Nagising si Seulgi sa most annoying sound in the world at yun ay ang kaniyang alarm. Unang araw ng kolehiyo, panibagong simula, panibagong stress….charot slight.

6:00 AM

 

Unti-unti nang napapagod
Sa aking puso'y humahagod
Sa paghintay hanggang sa dulo
Ako'y nalulunod

 

Tumayo si Seulgi sa kanyang higaan at lumabas na ng kwarto para kumain ng umagahan.

“Good morning ma, pa.” bati nito sa kanyang magulang na naghihintay sa kanilang lamesa para sabay sabay kumain, napansin ni Seulgi na nakatingin sa kanya ang mama nito at nagtanong

“ma, may kasalanan ba ako? Bakit nakatingin ka sakin ng ganyan?” maingat na tanong ni Seulgi at inisip kung ano ang kanyang ginawa kagabi na dahilan para ikagalit ng kanyang mom.

“wala lang anak, ang bilis lang ng panahon parang kahapon lang buhat ka pa namin.” sabi ng nanay ni Seulgi habang tinitingnan siya nito at hindi mabasa ni Seulgi kung ano man ang expression ng kanyang nanay.

“Si mama naman aga aga nagdrama.” Sabi ni Seulgi na may halong pagbibiro. Napuno ang umaga ni Seulgi ng tawanan at kwentuhan kasama ang kanyang mga magulang. Panibagong yugto sa buhay, panibagong mga tao, and one step closer to her dream.

 

Inihatid na lamang si Seulgi ng kanyang tatay sa unibersidad para hindi ito mahuli sa unang araw. Nagpumilit pa si Seulgi na magcommute na lang siya para daw mafeel nya ang main character vibes

 

“good luck sa first day and ingat ka, Seulgi.” Bati ng papa ni Seulgi.

“Thank you po, pa. pasok na po ako” Bumaba si Seulgi sa sasakyan at pumasok na sa unibersidad.

 

Ano nga ba ginagawa ng mga freshmen pag unang araw? Syempre hindi maiiwasan na maligaw, magtanong sa mga higher year kung saan ang room na nakalagay sa registration form, at syempre mag take ng pictures.

 

Habang naglalakad si Seulgi, napansin niya din ang isang freshmen student na nakatingin lamang sa kaniyang cellphone at halatang may hinihintay.

 

HindI inaasahang oras
Huminto na ang paglipas
Sa lugar na walang alaala
Nabigyan ng halaga

 

 

Maganda

Mataas ang ilong nito

May magandang ngiti

Mahaba ang buhok

Higit sa lahat, maganda ang kaniyang mata

 

Nakakapang akit.

 

Nagkatinginan sila at binigyan lamang si Seulgi nito ng bahagyang ngiti

 

Kupido nga naman, kung papanain mo pa ang tao, bakit din sa isang estranghero pa?

 

Ika'y aking nakita, 'kala ko namalikmata
Sa wakas, nahanap ko'ng hinahangad ng aking puso
Ito na ang segundo, 'di ko na palilipasin
Pilit na hahabulin

 

Lalapitan na sana ito ni Seulgi upang tanungin ang pangalan ng magandang estranghero ngunit nagsidatingan ang mga estudyante din na nagmamadali

Timing nga naman napaka off din minsan

 

‘makikita ko pa ba siya sa unibersidad na ubod ng lawak?’ tanong ni Seulgi sa kanyang sarili at naglakad na lamang papunta sa kanyang designated na classroom para sa unang subject.

 

Pero minsan, magpapasalamat ka na lang dahil nangyare yun.

 

“Okay kids!! Ako pala magiging professor niyo sa Anatomy and Physiology, call me Ms. Kim and wag sana Ms. Liit kung ayaw nyo makatikim ng minus points sa quiz.” Sambit ng professor nila Seulgi na nakagpatawa sa mga tao sa classroom.

 

“Since today’s the first day for all of you in Medical Technology, please introduce yourselves one by one and reason niyo kung bakit niyo napili ang MedTech as college program, isama niyo na din hobby niyo.” Dagdag ni Ms. Kim at nagtawag na ng estudyante para magpakilala sa harapan.

 

“Hello everyone, I’m Wendy Shon! Hobby ko pala ay kumanta. I chose this program because this is the best pre med.” Pakilala nito and a student chanted na mag sample sa harapan. Kumanta naman ito at naka standing ovation pa ang buong klase dahil dito.

“mukhang may pambato na tayo for Medical Technology week ah, okay next po” sabi ni Ms. Kim and signalled for the next student to go next.

“Hi po, I’m Sooyoung Park pero pwede nyo naman akong tawaging Joy, hobby ko po ay kumanta din and napili ko po itong program na to dahil interesting po” sabi nito at sabay ngumiti, naghiyawan naman ang mga kaklase dahil eto na nga, ang ganda ni Joy, matangkad, at higit sa lahat—maganda din ang boses.

“ang dami naman natin pangbato this year, may incentives yan guys ha” Ms. Kim said while smiling, kasi who wouldn’t smile when you got this class full of energy pero stress comes later charot one half. Natuwa si Seulgi nang marinig nya ang word na “incentives” sino ba naman hindi at plus points yan sa grades?

 

Nakatingin lamang si Seulgi sa mga kaklase niyang nagpapakilala sa harap, clapping for them after their introductions.

 

“Hi! I’m Yeri Kim, just call me Yeri. Hobby ko po ay gaming. Napili ko po itong program na to kasi nakaka curious po” Pakilala ni Yeri sa harap ng klase at nagcheer ang mga kaklase nito. Madami nga namang events pag college ka, madaming competition, at syempre incentives. Who wouldn’t love to join for that?

 

Susunod na tumayo si Seulgi at nagpunta sa harapan, pinagmasdan nito ang kaniyang mga kaklase hoping to find that mysterious girl that she saw in the school’s hallway.

 

“Hi, ako pala si Seulgi Kang, ang hobby ko po ay sumayaw. I chose this program kasi po best pre med daw” pakilala ni Seulgi sa harap at pinalakpakan ito ng kanyang mga kaklase, mabilis na umalis si Seulgi dahil nahihiya ito.

 

“magpapa sample pa lang sana ako eh, pero Seulgi ija, may dance group ang department natin. Sabihan mo lang ako if you want to join.” Sabi ng kaniyang professor at napasabi na lamang ito ng Yes prof at nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga kaklase nito sa harapan para magkakakilala na din sila.

 

Pero

Subalit

Datapwa’t

 

May isa pang estudyante ang pumunta sa harap, too familiar for Seulgi

 

O tadhana, mapaglaro ka talaga.

 

Tumayo ito sa harapan and Seulgi can’t help but look at her in awe.

 

Si ate ganda na nakatayo sa hallway kanina

 

“Hi everyone, I’m Irene Bae and my hobby is dancing. I chose this program because I’m interested in this field and will be useful for my med proper soon.”

 

Wala nang hininga, ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh, kahit ako'y matapilok, tuloy pa rin ang pagtibok
Ng puso kong sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo, oh, oh, oh
Malapit nang mapatingin, ika'y mapapasa'kin din

 

‘doc gamutin mo ko’

 

Seulgi, nababaliw ka na yata.

 

Nagkatinginan si Seulgi at Irene, at binigyan lamang siya ni Irene ng isang ngiting hindi nya makakalimutan.

 

Parang bumagal ang oras, parang silang dalawa lamang ang nasa loob ng room

Nginitian nya din lamang ito.

As if they were sending a message to each other.

 

“it’s nice to finally meet you, estranghero. Looking forward to be your classmate for the next 4 years.”

 

2nd Year

Sa loob ng school library nag aaral lamang sila Seulgi, Wendy, at Yeri kaysa pumunta sila sa mall na wala din naman magagawa kundi gumastos.

 

“guys, ano ba to? Hindi ko maintindihan kung anong mnemonic gagawin ko dito.” Reklamo ni Yeri sa dalawa na tahimik magbasa

 

2nd semester na ng 2nd year, malapit na mag third year. Konting kibot na lang pero kahit ganun mahirap pa din, pero kahit mawalan sila ng tulog hindi pa din sila sumusuko. Tiningnan ni Seulgi ang topic na binabasa ni Yeri at napakamot na lamang ito sa kanyang ulo.

 

Sa lahat nga naman ng itatackle pa nila na topic bakit sumakto pa sa Enterobacteriaceae?

 

“argh, don’t ask me how are we gonna make mnemonics about that topic” Wendy groans at dumukdok saglit sa table. Since last week pa sila nahihirapan sa topics nila for Microbiology, sabi nga ng mga senior nila isa to sa mga pinakamahirap na subject at literal na iiyakan mo talaga. Pinagpupuyatan nila to, kulang na lang ay dasalan nila ito para makapasa.

 

Seulgi just chuckled sa mga kasama nya na kasama nyang nahihirapan, at least she wasn’t alone and met these two na naka close nya agad nung 1st year. They’ve been together since then, parang puzzle piece sila, they just fit together. Yung other classmates nila, nakaka usap nila and they get along fine, lalo na sa mga groupings—sila Lisa and Momo na kasundo nya when it comes to dancing, si Rose and Jihyo na minsan kasama ni Wendy kasi trip nila mag karaoke pag vacant, and si Nayeon, Jisoo, at Yeri na kala mong triplets na hindi mapaghiwalay.

 

Bumukas ang pintuan ng school library at napatingin silang tatlo dito, napansin nilang pumasok sila Joy, Jennie, at Irene.

 

Irene Bae.

 

Isa sa mga top students ng year level nila and sobrang sipag mag-aral.

 

Napansin ni Seulgi na Wendy is on her phone at tinanong nito kung sino ang kausap

 

“ah chinat ko kasi si Joy if they’re up for a group study and ayun they agreed kaya nandito sila.” Wendy replied to Seulgi who just nodded and continued reading. The trio then arrived at their table and took a seat with them. Joy seated next to Wendy, Jennie and Irene next to Seulgi.

 

‘how am I gonna focus here kung katabi ko si Irene?’ isip isip ni Seulgi. Mula pa nung unang makita nya si Irene, may naramdaman na syang kakaiba para sa dalaga. Pag nakikita niya ito, bumibilis ang tibok ng puso niya, bumabagal ang oras at paligid nito.

 

Oo, tama kayo. Tinamaan si Seulgi sa isang estranghero at ngayon ay nagngangalan na “Irene Bae.”

“is it okay if I sit beside you?” tanong ni Irene nung napansin nito na Seulgi was just staring somewhere na parang may iniisip ito

 

Seulgi snapped back to reality nung marinig niya si Irene at sumagot lamang ito na ayos lang sa kaniya. Tumingin siya kay Irene saglit and she was met with her smile na nakaka akit, akala mo na hypnotize ka dahil sino ba naman hindi? Ang ganda ng ngiti ni Irene, yung bad day mo gaganda bigla.

 

“so anong topic na kayo?” tanong ni Jennie and kinuha ang notebook nito para magreview na din. Mga model students, literal na beauty and brains. Wendy took a look at her book and just sighed.

“Enterobacteriaceae” Wendy said in a voice na akala mo pasuko na sa subject.

Ngayon lang nakita ni Seulgi na ganito si Wendy. Sure Wendy is also smart, pero this subject just really is difficult, especially yung topic kasi ang daming kailangan kabisaduhin at aralin.

 

“hey, don’t give up just yet. We can do this.” Sabi ni Irene and giving them support kasi pare-parehas lang naman sila na naghihirap dito.

 

Seulgi agreed sa sinabi ni Irene and started reading her notes, pero sa totoo lang, she’s having a hard time focusing—sino ba naman hindi kung katabi mo crush mo?

“Seulgi, okay ka lang ba jan?” tanong ni Irene nang mapansin si Seulgi na nakakunot ang noo habang nagbabasa ng aklat.

“ah ayos lang ako, nag iisip lang kung pano mnemonic ko dito’ maikling sagot ni Seulgi para hindi siya mautal kay Irene. Nakakahiya naman kung mauutal siya, baka isipin ni Irene ang weird niya.

She felt Irene come close to her and took a closer look sa binabasa niya.

 

Parang si kupido talaga pinaglalaruan siya, parang sasabog puso niya anytime. Ang lakas ng tibok ng puso niya, iniisip kung maririnig ba ito ni Irene.

 

Ika'y muling nakita, at ngayon, alam ko na
Ikaw ang laman, alam, at aalamin ng aking puso
Pawala na ang segundo, isip ay gulong-gulo
Tuloy ang pagtakbo

 

“for that hindi mo naman need kabisaduhin lahat. Use the mnemonic HACEK and also take note na sila yung mga bacteria na associated with subacute bacterial endocarditis. Haemophilus spp, Aggregatibacter, Cardiobacterium hominis, Eikenella corrodens, Kingella kingae.” Sabi ni Irene as tip kay Seulgi na halatang nahihirapan sa topic nila.

 

“thanks Irene, I’ll take note of that.” Pasalamat ni Seulgi at nginitian si Irene. She noticed Irene look away quickly

Namumula ang pisngi?

 

Ah hindi possibe, baka guni-guni nya lamang ito.

 

“no problem, Seulgi” mahinang sabi ni Irene at nag aral na din and uknowingly to Seulgi, Irene was smiling.

Unbeknownst to the two, they got eyes on them and only shook their heads while chuckling at the scene they just witnessed.

 

3rd Year

 

“Wendy! Do we have an assignment for Hematology?” tanong ni Jennie kay Wendy and the gal looked at her phone for her notes para matingnan kung may assignment ba sila para sa subject nila na yun.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet