CHAPTER 12
Teach Me, Save MeWinter’s POV
Nagising ako sa phone notifs ko. Ugh. Ang sakit ng ulo ko.
Winter and the 6 Dwarfs
Nag-iiZA: Papasok na kami today Win
Nag-iiZA: Para di na sad ang beshy namin
Si Iza ang nagpangalan ng gc namin. Hindi ko sure kung bakit yan ang naisip nyang name. Hindi naman ako katangkaran. Ako lang pinakamatangkad sa kanila. Never din akong nag-exhibit ng leader behavior kaya para sakin ang weird ng name ng gc. Tinanggap ko na lang na hindi ko maeexplain kung pano mag-isip si Iza. She gave us witty nicknames too.
Winter and the 6 Dwarfs
adWINistrator: rhyme! <3
Nag-iiZA: Thanks for recognizing my talent Win.
Ligaya: see yall later!
Nag-iiZA: ui Joy, umayos ka mamaya ha.
Nag: iiZA: Wag ka masyadong pahalata
Jennie Not Solo: why? Anong meron?
Nag-iiZA: baklang yan, tinuro ko kahapon yung bagong prof, crush agad
Ligaya: love at first sight bih pag nakita nyo sya grabe talaga yung ganda
Ligaya: Win, nagmeet na kayo right? Mabait ba sya?
adWINistrator: hindi sya mahirap mahalin
Ligaya: ASJKFHALSJKFH whaaaat, WIN said that
adWINistrator: i mean! knowing you..
Hindi sya mahirap mahalin FOR YOU
Jennie not Solo: Haha yes or no question lang kasi Win,
bakit may pagmamahal na nainvolve
Jennie not Solo: pag nafall si Win kay Miss Karina wala ka ng pag-asa joy
Ligaya: pano pag sinabi na nung pari sa kasal namin ni Miss K na
speak now or forever hold your peace biglang
dumating si Win para mag object
Nag-iiZA: hahaha tbh mas magandang ship name
ang winrina kesa joyrina lol
Ligaya: I hate this place.
Ligaya left the group chat.
adWINistrator: HAHAHAHAHAHA
Nag-iiZA added Ligaya in the group chat.
Nag-iiZA: mamaya na chika. magready na kayo. Wag magpalate!
Is it because pito lang kami sa 3rd year? After all, kaya ko lang naman pinili ang kursong ito ay para konti lang ang classmates ko. I feel comfortable sa mga kabatch ko ngayon. It’s like they’ve known me for years.
They never made me feel alone kapag kasama nila ako. At pag gusto kong mag-isa, hinahayaan nila ako. Never nila akong pinilit gawin yung mga bagay na tinanggihan kong gawin. They make sure to always invite me kapag may mga plan sila and they don’t mind kapag tumanggi ako.
It seems suspicious sometimes, the way they know how to act around me, especially Iza. But I’m not complaining. Parang perfect nga ang life ko. Ako lang talaga yung problema.
I went to school hoping na sineryoso ni Mark yung sinabi ko kahapon. I don’t want to see him anywhere near me. I went straight to our classroom. As usual, I’m the first one to arrive. I sat sa usual seat ko sa likod. I thought maaga rin si Miss Karina pero nauna pa ang mga classmates ko sa kanya.
8:45am nang makumpleto ang mga classmates ko. They sat in front of me pero hindi naman ganoon kalayo na nagmumukha akong loner. Still, may space silang nilaan for me.
8:55, I started to wonder if papasok ba ang prof namin.
She did. Buzzer beater.
Other than being not so early today, the way she greeted and smiled at everyone was similar to what she did on the first day of class.
As expected, all of my classmates except Iza and Joy dahil nakita na nila si Miss Karina kahapon, were surprised at her beauty.
It didn’t take long until all
Comments