I.

Mcfloat at Pares
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakita ka na ba ng isang tao na sa sobrang ganda ay mapapatanong ka na lang sa Diyos kung gaano ba katagal ang ginulgol niyang panahon upang maihulma ang ubod ng perpektong nilalang na iyon at tila ba gugustuhin mo na lang samahan kahit saan?

 

A person who lives up to the definition of God’s masterpiece and what a science freak would call a “very good specimen.” Lovey was never a science freak at hindi rin naman siya maka-diyos. She doesn’t even look at most people, siya yung tipo ng tao na may sariling mundo. 

 

She was born with a golden spoon in a big dining room filled with different delicious food and empty chairs. 

 

Lovey is used to luxurious things for she grew up getting expensive gifts instead of her parents' presence causing her to construct huge walls around her that aren't easy to get through. 

 

Kaya maging siya ay nagulat nang matagpuan na lang niya ang sarili niya ngayon na kumakain ng tig-25 pesos na pares sa tabi ng kalsada kasama ang taong supposedly ay magdedeliver lang naman ng inorder niyang mcfloat a month ago. 

 

//

 

Isang buwan ang nakaraan, July 8, 2023. Isang tipikal na sabado sa nakararami at isang espesyal na sabado para kay Lovey. Ito lang naman ang unang sabado niya sa kaniyang condominium. 

 

Malapit lang ang lokasyon ng kaniyang condo sa pinagtatrabahuhan niyang kumpanya na ang may-ari ay mismong kapatid niya. She moved there to live alone and independently. Sawa na kasi siya na maging dependent sa mga helpers nila sa mansion ng mga Aguista at gusto na rin talaga niyang bumukod upang matuto sa buhay. 

 

Lovey spent most of her saturday arranging the furnitures she ordered online sa mga small local businesses para narin suportahan ang mga ito. 

 

Nang gumabi ay nagluto lamang siya ng tuna pasta na inspired sa Tiktok video tutorial na nakita lang niya kahapon. Around 10 pm bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding cravings, she suddenly want to drink mcfloat. 

 

Calorie deficit who? Mabilis niyang binuksan ang delivery app na Grabfood at nagplace ng order. Dahil sa sayang naman ang small order fee, nag add na lang siya ng mccrispy chicken sandwich solo. Agad namang may tumanggap ng kaniyang order at 20 minutes ang estimated time of arrival ng rider na iyon. 

 

Habang naghihintay, nagpatugtog siya ng album ni Taylor Swift na “Speak Now (Taylor’s Version)” sa salas gamit ang speakers na naka shuffle at full volume pa. Habang siya ay nagsa-soundtrip sa pang-apat na kantang kakatugtog pa lamang na may pamagat na “Enchanted”, tumunog ang doorbell na muntik na niyang hindi marecognize dahil sa lakas ng boses ni Taylor Swift. 

 

Agad naman siyang nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ito.Sa pagpihit niya ng doorknob hanggang sa paghila niya rito upang mabuksan ang pintuan na tanging nakaharang sa pagitan nilang dalawa, tuluyan nang narinig sa ika-dalawampung palapag ng gusali na iyon ang musikang nanggagaling sa unit niya. 

 

When she finally looked at the person in front of her, she was taken aback upon meeting a pair of beautiful monolid eyes. 


“Delivery for Ms. Lovey Elle D. Aguista?”


“I was enchanted to meet you~” kanta ni Taylor Swift ng chorus mula sa napakalakas na speakers.

 

Black cap, black jacket, white t-shirt underneath, taller than her, pale skin, monolid eyes, long wavy black hair, heart-shaped lips, sharp jawline, thick eyebrows, pointed nose, long eyelashes, and an angelic voice. Ang babaeng nakatayo ngayon sa harapan niya habang bitbit ang paperbag ng McDonald’s ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong mundo. 

 

Oo, dinaig pa ang Kpop idol na bias niya sa kagandahan para sa mga mata niya. Kaya wala siyang masabi kung hindi ay-


“I do.” 


“Po?”


Takang tanong sa kaniya ng delivery girl. Bigla namang nanlaki ang mata niya nang marealize niya kung ano lang naman ang lumabas sa kaniyang bunganga. 

 

Lovey fixed her posture and cleared . “Yes, that’s me.” sagot niya habang nakangiti na agad namang sinuklian ng malawak na ngiti nung isa. 


"This night is sparking, don't you let it go." 


“Ito na po yung order niyo.” dahan dahan at maingat na iniabot sa kaniya ang kaniyang order habang hindi nabubura ang ngiti sa mga labi.


"I'm wonderstruck, blushing all the way home."


“Bali 133 po lahat.” She handed the receipt to Lovey. “Thank you.” in return, binayad naman niya dito ang 200 pesos na buo. 


"I'll spend forever wondering if you knew." 

 

Base sa bilis kumilos upang makakuha ng panukli, siguradong batak sa ganitong klase ng trabaho si ate delivery girl. 

 

“Ito po yung sukli, salamat po sa pag-order.” nakangiti siya nitong tinanguan bago tumalikod at maglakad papaalis.


"I was enchanted to meet you." 

 

//

 

Lovely was indeed enchanted to meet the girl who delivered her food. Noong gabing iyon, mas inuna pa niyang tignan ang pangalan ng nagdeliver sa screen ng kaniyang cellphone bago kainin ang inorder niya. 

 

Wari ito ay ang tinatawag kadalasan ng mga tao na “Love at first sight.” ngunit, subalit, datapwat- ito ay hindi agad-agad na love.

 

“To summarize it, you fell in love with a woman you saw for the first time two days ago?” Kausap ngayon ni Lovey ang kaniyang matalik na kaibigan na si Bella. 

 

“Anong fell in love? Ganyan ba ang tingin mo sa akin beh?” nakasimangot niyang tanong habang hawak ang telepono sa tenga. 

 

“Yes.” sagot naman ng nasa kabilang linya. 

 

Bumuntong hininga ang ating bida. “Love agad? Hindi ah.” na agad namang nirespondihan nung isa. 

 

“Welp, your tweets and tiktok reposts says otherwise. Lovey you can't marry a woman you just met!” pag gaya nito sa linya ng isa sa mga character ng movie na Frozen. 

 

“Wow, Elsa? Hindi ko naman sinabi na papakasalan ko agad, grabe parang hindi naman ako dalagang Filipina non ‘no!” pagtanggi niya. 

 

“Eh hindi ka naman pure Filipina-” sumabat na naman ulit si Lovey. 

 

“What I’m trying to say is that- she looks like someone I ought to fall in love with.” she said that while smiling unconsciously. 

 

“It’s the same thing.” na nawala kaagad at napalitan ng pag-irap. Ilang minuto pa ng kanilang chikahan ang nangyari bago ibaba ni Lovey ang tawag dahil kinakailangan na niyang mag pilates workout. 

 

Nauso kasi sa kanilang mga magkakaibigan ang pag papilates instead na mag heavy workout at mas uso rin ito sa henerasyon nila dahil nga ito ay aesthetically pleasing at elegante sa mata kumpara sa ibang mga tipo ng workout. Makalipas ang mahigit dalawang oras niyang nakalambitin, nagpahinga na siya. 

 

On her way home, natanaw niya ang drivethru ng Wendy’s. Naisip niyang kumain ng caesar salad supreme ngunit may naisip siyang ideya bago pa siya lumiko dito, sakto na may tumawid sa pedestrian lane. 

 

Isang ideya na nagresulta sa kaniya upang maglagay ng light make-up kahit na nasa loob lang naman siya ng kaniyang unit, alas otso ng gabi. 

 

She’s betting on her luck na matapat ulit ang order niya kay Ms. Enchanted. Mabilis na lumipas ang bente minutos na estimated waiting time sa pagdating ng kaniyang order, nag-reapply pa ito ng lipbalm bago pumunta sa pintuan upang buksan ito.

 

“Delivery for Miss Lovey?” and her luck worked. 

 

She greeted the delivery girl with a smile she practiced for hours. 

 

“Thank you, Miss?” tila nagtaka naman ang rider sa biglaang tanong ng customer na nag-order. Narealize naman kaagad nito na nakapag-deliver na siya rito ilang araw ang nakakalipas. 

 

“Yale na lang po, thank you sa pag-order ulit Miss Lovey.” masiglang sagot nito bago i-abot ang sukling 55 pesos ng kaharap niya.

 

“Thank you Yale! Unique ng name mo, anyway Lovey na lang kahit wala ng miss” tumango-tango si Yale. 

 

“Sige, thank you po ulit.” muli nitong ngiti. Pinanood ni Lovey na nagmamadaling umalis ang delivery girl na nagngangalang Yale. 

 

Sa totoo lang ay alam naman na talaga niya ang pangalan nito dahil nakalagay na sa application tuwing nag-oorder siya. 

 

//

 

“Yale.” bigkas niya sa pangalan. 

 

Kasalukuyan siyang nakikipag coffee date kasama si Bella sa Starbucks. “Ganda ng name ah, nacucurious tuloy ako kung ano ba talagang itsura non.” uminom ito ng kaniyan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
user459174826274193
Hello! This is only a one-shot po.. Thank you for reading regardless~ <3

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 1: Bitin po otor baka nmn haha
Eybrelros #2
Chapter 1: One shot lang ba talaga to? Sure na?? Final answer po??🥺
zjkdlin0121 #3
Chapter 1: may kasunod paba to? hehe
gomhyunnie23 #4
Chapter 1: Bitttiiiiinnnn
howdoyouknowmee
546 streak #5
Chapter 1: Uyy