Mini miss u

Where Love Grows
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang sakit na ito. 

 

 

Dahil ba sa kakapanood ko ng tiktok at palaging may dumadaan sa fyp ko 

 

 

O hindi kaya ay nakuha ko sa anak kong babae na kada makikita ko ay naririnig kong kinakanta 'yon. 

 

 

 

May sakit na ata ako.... 

 

 

Mini miss u syndrome... 

 

 

Walang pagkakataon na hindi ko bigla biglang kakantahin 'yan. 

 

 

 

Ang malala pa ay with choreo palagi. 

 

 

 

Sa tuwing mag ccr, magpapakain sa mga alagang aso, magluluto, aasikasuhin ang mga anak at yung nanay nila at marami pang iba. 

 

 

 

Kulang nalang ata pati sa pagtulog ay kumanta at sumayaw ako. 

 

 

Bakit noong kapanahunan namin ay hindi ako sinasali ni mama sa mga ganung contest?

 

 

 

Nabubuhay tuloy bigla ang aking inner child ngayon. 

 

 

 

Katulad nalang ngayong naghuhugas ako ng pinagkainan namin. Katatapos lang namin mag dinner at ako na ang naglilinis ng mga pinggan and on cue.... 

 

 

 

Hello madlang people mabuhay! *Kaway sa kanan, kaway sa kaliwa. Flying kiss with both hands.* with full energy pak! 

 

Mini miss u! * V shape ng kamay sa chin *

 

Hayup puno pala ng sabon yung sponge na hawak ko. Dumikit na tuloy sa baba ko. 

 

 

Anyway... 

 

 

Mini miss u! *ilagay ang crown sa ulo*

 

 

Again, from the top! 

 

 

Naka three rounds din ata ako ng ganun hanggang sa marinig ko ang tawa ng aking mahal na asawa. 

 

 

 

"Bal, hahahaha you're so cute. Pero sa tingin mo kailan ka kaya matatapos hugasan 'yang mga plato." She's leaning on the wall habang nakatakip ang isang kamay sa bibig. 

 

 

Aba may audience pala ako kanina pa. 

 

 

Tiningnan ko yung ginagawa ko, pasensya na kayo ah kailangan ko muna kaseng kumayod sa pagkanta at pagsayaw. 

 

 

Nilapag ko muna yung sponge at naghugas ng kamay at pinunas ito sa aking damit. 

 

 

 

Ayan wala ng bula. 

 

 

 

Naglakad ako palapit kay Karina na parang mga batang rumarampa sa mini miss u.

 

With my imaginary lava gown. 

 

With matching taas pa ng kamay na para talagang beauty queen. 

 

 

 

Ang supportive ng asawa ko, kanina pa siya tawang-tawa. 

 

 

Sensya na kinareer ko na talaga ang isang ito. 

 

 

"Baby, I can't hahhahaha." Oh diba sabi ko sa inyo eh. 

 

 

 

Nasa tapat niya na ako ngayon at binigay ang aking nakamamatay na pose. 

 

 

 

Ginaya ko lang naman si Catriona Gray at may paghawi pa ng buhok, kaso naalala ko maikli nga pala ito. 

 

 

"Bal, shhhhh makinig ka hindi pa ako tapos." She raised both hands and signaled me to continue

 

 

okay... 

 

 

"Good evening, ladies and gentlemen! My name is Winter Kim, 18 years of age at naniniwala sa kasabihang....Mahalin mo lang ako habang buhay at ako na ang bahala sa y time natin gabi-gabi. Meron pa, saktan niyo na ako, huwag lang ang prinsesa ko." Nakita ko ang mamumula ng kanyang tenga at pinanlakihan pa ako nga mata.

 

 

I just winked at her and closed my introduction with... 

 

 

"And I thank you!" 

 

 

 

After 30 mins ko pa ata bago natuloy yung paghuhugas dahil bigla akong hinila ng asawa ko papasok ng kwarto. 

 

 

Inawardan niya na ako ng korona niya sa kama charot. 

 

 

 

Kinaumagahan ay maaga kaming nagising at nag-ayos, may pasok na kase. 

 

 

Ihahatid ko pa si Eros sa school, by the way grade 2 na pala siya. And maybe next year when Zari turns five ay ipasok na rin namin siya sa kinder. 

 

 

Tapos sunod kong ihahatid si Karina dahil coding ang sasakyan niya ngayon kaya ako muna ang driver ng pamilyang ito for today. 

 

 

 

 

When we arrived at Ero's school we accompanied him hanggang sa room niya. 

 

 

Pinabaunan na rin namin ito ng pagkain niya mamayang lunch at snacks. 

 

 

8am - 3pm ang pasok nito. 

 

 

 

Maaga ko naman siyang hinahatid dahil mahirap na at baka maipit kami sa traffic. 

 

 

 

 

Tapos mamaya pagkatapos ko siyang sunduin ay dadaan muna kami sa shop bago pumunta sa momny nila at deretcho uwi na.

 

 

Ganito palagi ang set-up kapag coding si Karina or ako ang maghahatid sundo sa kanyang sa trabaho. 

 

 

 

Bago mag 8am ay nakarating na kami sa pinagtatrabahuhan ni Karina. 

 

 

"Baby, ingat kayo ah. Love, Zari, behave to your mama ah. I'll see you later, okay!"She kissed me on my lips and did the same sa anak namin. 

 

 

Kumaway pa ito ng nasa entrance na. 

 

 

I also transferred Zari to the passenger's seat. 

 

"Do you want to buy something before we head to the shop?"I asked her, but she shook her head immediately and gave me her eyes smile. 

 

 

Mas okay na ito habang on the way kami at baka may gusto pala siyang ipabili.

 

 

"Wala naman, ma. Can we go na sa shop, Ninang Ningning promised me na she will give me a piece of her bake cake." I kissed her cheek at dahan dahan ng pinaandar ang sasakyan. 

 

 

 

Pagkapasok palang sa shop ay kaagad siyang tumakbo kay Ningning. 

 

 

 

She's too excited about her cake eh. 

 

 

Ako naman ay chineck ang working area, different equipment at supply. 

 

So far so good. 

 

May mga customers na rin dito. 

 

"Lods, mamayang bago magtanghali ay i-dedeliver pala namin 'yung orders na cake, sandwiches and cookies ni ma'am Lopez." 

 

 

 

Napatango ako, familiar na sa akin ang mukha at pangalan nito. Paano ba naman ay halos kada linggo ay may order 'yan dito. 

 

 

I've talked to her many times already and she told me she owns a boutique near here. 

 

 

Mukhang bata pa 'yon sa tingin ko nga ay kaedaran lang din namin. 

 

 

"Grabe talaga alindog mo, Win. Palaging sold out at dinadayo!" pang-aasar niya, paano ba naman eh niloloko ako na kaya raw pabalik balik yung tao ay dahil sa akin. 

 

In her words pa nga eh, " Mukhang bet ka nun."

 

 

Hindi ko nalang pinansin. 

 

 

After staying here sa baba ay inaya ko na si Zari sa office ko. 

 

 

 

Originally ay office naming tatlong magkakaibigan 'yon pero dahil nga minsan ay dumadalaw si Karina at most of the time ay nandito yung dalawang bata. 

 

 

Ayun nagpagawa na rin kami ng isa pang room, para kay Ryujin at Ningning. 

 

 

Office nilang dalawa. 

 

 

Kaagad kong chineck ang sales and some emails. 

 

 

 

From time to time ay tinitingnan ko ang chikiting na kasama ko. 

 

 

Nasa couch siya at busy sa panonood. 

 

 

 

Nakakalahati niya na rin 'yung cake niya, ginawan na rin pala siya ng watermelon shake ni Ningning, which is her favorite drink. 

 

 

 

Ayan kaya nasasanay ang mga anak ko. Lahat ng gusto binibigay ng mga tao dito. 

 

 

Hindi ko na namalayan ang oras. 

 

 

 

Malapit na palang mag-lunch. 

 

 

Kaagad kong kinuha ang bag ko at nilabas 'yong packed lunch na ginawa ni Karina kanina. 

 

 

 

 

Nilutuan niya kami ng tocino, may hotdogs para kay Zari, bacon at salad. 

 

 

 

Umakyat din kanina sila Ryujin dito nagpaalam na magdedeliver na raw. Sinabihan ko na rin sila na bago bumalik ay kumain muna. 

 

 

Pagkatapos kumain ay busog na busog kaming dalawa ng anak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
WNTR10
A/N: Just a friendly reminder to message me about your friend request. I will not accept that unless you guys communicate with me first.

Comments

You must be logged in to comment
clang2
#1
Chapter 3: Yieeeeee
Winteoor #2
Don't let your intrusive thoughts win ba Zari? 😭
JiminJeong_Winrina
#3
Chapter 1: Thought it was in English.😒.
umjichang #4
Chapter 8: Chapter 8: naalala ko yung tiktok na "wag mo ko palo mama ha"
bae_dantes #5
Chapter 8: grabee ang cute nilaaa🥺🥺 mapapawen na sana ako kaso mahal ang gatas pala😅
Enterusername_here
15 streak #6
Chapter 8: Ang cute cute talaga ackkkk....
Ardem_Joseph23
23 streak #7
Chapter 8: Dagdagan na ang mga bata. Para maging ate na si Zariah
Karina_1234 #8
Chapter 8: "Zariah and her intrusive thoughts"
Karina_1234 #9
Chapter 8: Naipit na nga HAHAHAHAHAHAH Zariah naman😭
kaekeikkr
#10
Chapter 6: MAHAL ANG GATAS MAHAL ANG GATAS MAHAL ANG GATAS HDJHKEHAKJSHDKSA