10 questions

Where Love Grows
Please Subscribe to read the full chapter

 

HS Days

 

"Asan si Rina, bakit wala ata rito?" Tanong ni Ningning sa tabi ko samantalang si Ryuin naman ay kaagad na umakbay sa akin. 

 

 

"Kasama yung Jacob na kaklase natin, ngayon na ata nila sisimulan 'yung by partner na assignment." Mahinang sabi ko habang nagsisimula na kaming maglakad palabas ng school. 

 

 

4th year high-school na kaming apat, isang taon nalang din at college na. Magkakaklase kami at yung sinasabi ko kaninang by partner na assignment ay kabibigay lang kanina ni ma'am. Ewan ko ba if sadyang masipag lang si Karina or tamad kami dahil next week pa naman ang pasahan nun. Si Ningning yung kasama kong gagawa at napag-usapan namin na sa susunod na araw nalang ito sisimulan. Tingin ko naman ay hindi ito ganun kahirap. 

 

 

"Sus, gagawa lang pala ng assignment eh.Parang sira naman ito, huwag ka ng malungkot. Si Ningning na raw bahala ng inyo." Ryujin said at pabiro naman siyang binatukan nitong isang katabi ko. 

 

 

 

"Pero oo nga teh, anong laban nun sa'yo. Classmate lang 'yun ni Karina tapos ikaw mala premium bff ang galawan niyo, kaso torpe nga lang. Yan ang sakit mo teh." 

 

Loko, lantaran naman kase 'yung pagkagusto ng lalaki sa kaibigan namin. 

 

 

"Tama, ikaw pa naman manok ko. Gumalaw ka na, dami pa namang iba pang gustong magparamdam sa beauty and brain nating friend." Dagdag ni Ryujin. 

 

 

 

Hindi naman bago sa kanila na matagal na akong may gusto kay Karina. Noong time na litong lito ako sa nararamdaman at naghahanap ng mapagsasabihin ay silang dalawa agad ang nilapitan ko. Hindi naman kase pwedeng kay Karina diba? Noong sinabi ko sa kanila ang lahat, hindi naman na sila nagulat. Hinihintay nalang din daw na sa akin mangaling mismo na may nararamdaman ako sa kanya, hindi bilang best friend lang. Natawa pa nga sila dahil sadyang halata daw yung pagkabading ko sa tao dahil ibang-iba ang trato ko rito kumpara sa kanila mula pa noon. Daig ko pa raw ang asawa kung pagsilbihan ko ito. 

 

 

Hindi ko alam, siguro ay may satisfaction akong nakukuha kapag ginagawa ko 'yun. Gusto ko rin na palagi siyang kasama at nakaka-usap even though hindi naman ako palasalita. Gusto ko palaging naririnig 'yung mga kwento niya, kahit 'yung iba ay tungkol sa pagkagusto niya sa dinosaur at buwaya. Kahit medyo kakaiba ang mga ito ay napapangiti nalang din ako dahil sa enthusiasm niya habang nakukwento.

 

 

Kung maganda siya noong mga bata kami ay mas lalo siyang gumanda ngayon. Hindi na rin nakapagtataka na ang daming humahanga sa kanya mapababae man o lalaki... at isa na nga ako roon. 

 

 

 

'Yung sinabi ni Ningning kanina na may advantage raw ako dahil kaibigan ko naman siya. Tingin ko ay 50/50 rin, natatakot din kase ako at some point. Hindi naman sa nag-eexpect ako ng something from her, ang iniisip ko lang kase ay baka iba ang kalalabasan kapag umamin ako. Kung may isa man akong lubos na pinapahalagahan sa buhay, 'yun ay ang friendship namin ni Karina. Ayokong masira or magkaroon ito ng gap just because of me. Maybe I just need some courage pa, naduduwag pa rin kase. 

 

 

 

____________________

 

Nasa bahay na ako ng makatanggap ng message from her. 

 

 

Nasa bahay na raw ito at maliligo lang saglit. 

 

 

Nagreply naman kaagad ako and told her na magpahinga muna siya after. 

 

 

I'll just wait for her message, I'm eager din naman na malaman kung kumusta siya. 

 

 

Nakahiga na ako sa kama at nanonood ng videos nang nagreply siya. 

 

 

She said sorry at hindi raw siya nakasabay sa amin. Ang sabi ko naman ay okay lang. Kinumusta ko na rin kung ano ng progress sa assignment nila. Okay lang naman daw, marami na ring nagawa kahit papaano. Magaling din naman daw kase 'yung partner niya kaya hindi siya gaanong nahihirapan. 

 

 

Katulad ng nakagawian ay inaya niya akong manood ng movie sa discord may nakita raw kase siya sa netflix na magandang panoorin. After that ay natulog na rin kami dahil may pasok pa bukas. 

 

 

 

Kinabukasan, hindi na naman daw siya makakasabay dahil inaya siya ni Jacob na gawin ulit yung assignment nila. Sinabihan niya naman ito na pwede kahit online nalang sila mag-usap, but the guy insisted na mas better if sa personal para mas magawa nang mas maayos. This time ay nakapagpaalam na siya sa dalawa. 

 

 

 

Mag dadalawang araw palang namin siyang hindi nakakasabay umuwi ay namimiss ko na kaagad. Mas masaya kase kapag kasama siya, may taga awat kapag nagkukulitin na kaming tatlo nila Ryu. Sa aming apat parang siya kase yung mother figure hahahahaha.

 

 

 

Habang naglalakad papasok ng subdivision ay natanong ni Ryujin out of nowhere kung ano sa tingin namin ang gusto ni Karina sa isang tao. Syempre wala siya rito kaya siya ang napag-uusapan. 

 

 

 

Napa-isip ako, ano nga ba ang gusto ni Karina sa isang tao? Sa tagal naming magkakaibigan ay katulad namin wala pa rin itong nakakarelasyon. 

 

 

At kanya kanyang sagot 'yung dalawa, samantalang ako hindi na umimik. Hindi rin kase sigurado kung anong gusto niya.

 

Never ko pa naman natanong sa tao. 

 

 

Tumawag siya kinagabihan at nag sorry pa nga dahil medyo late na siya nakauwi, sa sobrang focus daw kase nila sa ginagawa ay hindi na nila namalayan ang oras. Pansin ko ang pag-kaantok sa boses niya, sinabihan ko siya na matulog na. Ang sabi niya okay lang, gusto niya pa raw akong kausap. Nagpaalam ako sa kanya na mag ccr lang saglit pero pagbalik ko ay mahimbing na itong natutulog. 

 

 

Natawa ako. Mukhang napagod ata. 

 

 

Humiga na rin ako at pinanood siyang natutulog hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. 

 

 

Pagkagising ko ay nakapatay na ang call. Siya na ata ang nag-end nito. 

 

 

Kinabukasan, papasok na kami sa room ng makitang may nag-aabang kay Karina sa pinto. 

 

 

Jacob, may dala itong bulaklak at chocolates. 

 

 

Anong meron? 

 

 

"Hey, flowers and chocolates for you," nakangiting saad nito at inabot ang mga dala kay Karina.

 

 

Naka likuran lang maman kaming tatlo.

 

 

Alangang tinanggap ito ng isa," Thank you but para saan ito?" Naguguluhang tanong niya at nilingon kaming tatlo na nasa likod. 

 

 

Yung mga dumadaan na ibang estudyante ay napapasulyap na rin sa gawi namin. 

 

Marahil ay naiintriga sa maagang live show.

 

Biglang bumaba ang energy ko. 

 

 

 

"For being my partner... I mean dun sa activity na pinapagawa sa atin, just a thank you gifts." 

 

 

"Ah hindi ka na dapat nag-abala, thank you rin for cooperating and being a big help." tumingin ulit siya sa amin, mukhang inaaya na kaming pumasok. 

 

 

Handa na kaming tumuloy papasok ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
WNTR10
A/N: Just a friendly reminder to message me about your friend request. I will not accept that unless you guys communicate with me first.

Comments

You must be logged in to comment
clang2
#1
Chapter 3: Yieeeeee
Winteoor #2
Don't let your intrusive thoughts win ba Zari? 😭
JiminJeong_Winrina
#3
Chapter 1: Thought it was in English.😒.
umjichang #4
Chapter 8: Chapter 8: naalala ko yung tiktok na "wag mo ko palo mama ha"
bae_dantes #5
Chapter 8: grabee ang cute nilaaa🥺🥺 mapapawen na sana ako kaso mahal ang gatas pala😅
Enterusername_here
#6
Chapter 8: Ang cute cute talaga ackkkk....
Ardem_Joseph23
#7
Chapter 8: Dagdagan na ang mga bata. Para maging ate na si Zariah
Karina_1234 #8
Chapter 8: "Zariah and her intrusive thoughts"
Karina_1234 #9
Chapter 8: Naipit na nga HAHAHAHAHAHAH Zariah naman😭
kaekeikkr
#10
Chapter 6: MAHAL ANG GATAS MAHAL ANG GATAS MAHAL ANG GATAS HDJHKEHAKJSHDKSA