Eros
Where Love GrowsNoong bata pa kami madalas naming nilalaro ang bahay-bahayan. Kami ni Karina ang nagiging magulang parents, kase sina Ningning gusto nilang maging anak. Sa amin ay more on nagluluto sa plastics lutuan at yung iba pang gawaing bahay na alam namin. Sila naman ay naglalaro sa isang tabi at tatawagin nalang kapag kakain—ng mga kunyareng lutong dahon.
Kung papanoorin ang mga chikiting na naglalaro nito parang ang dali-dali lang magkapamilya ano?
Sabagay for fun para sa kanila....
Naalala ko noong ikasal ang ate ko ay hindi ko makakalimutang tumawag ito sa amin sa mismong gabi ng honeymoon nila ng kanyang asawa.
Ang loka ang lakas-lakas ng iyak, kaya 'yung asawa niya ay inaalo siya at paminsan-minsan natatawa sa lagay ni ate.
Bigla raw kaseng namiss nito itong bahay at kami, sabagay dito na rin talaga kaming dalawa lumaki at nagka-isip.
Never naman kaming tumagal na nawala rito sa bahay, malapit lang yung school at university na pinagpasukan namin noon mula rito.
Walking distance nga lang kung gugustuhin.
Hindi namin naranasang mag dorm at tumira malayo sa bahay.
Feeling niya raw ay nagkaka separation anxiety siya ngayon.
Kawawa naman.
Tumagal pa nga yung call eh, rinig ko yung mga pangaral at paalala ng magulang ko sa dalawang bagong kasal.
May pahabol pa si mama na magpakabait daw si ate sa asawa niya. Huwag raw magiging sakit sa ulo.
Kaya medyo kinabahan din ako noong mga oras na 'yun. Ano kayang mangyayari kapag ako naman ang nalagay sa sitwasyon ni ate.
Nakakakaba at excite ang idea na balang araw ay magkakaroon din ako ng sariling pamilya.
Kaya nang dumating at nagkatotoo ito.
Doon ko mas nalaman na iba pala talaga ang ganap ng magjowa palang kayo kesa sa kasal na no?
On my wedding day, I was the happiest human being dahil ikakasal na ako at last sa best friend ko na naging girlfriend at ngayon ay asawa ng si Karina.
Hindi ko pa maiwasang magmukhang basang sisiw noon dahil sa pag-iyak. Isipin mo, ang babaeng nakasama mo mula pagkabata halos alam na lahat ng baho mo sa katawan hanggang sa paglaki ay siya ring makakasama mo bilang may bahay. Pati nga yung mga witness noong araw na 'yun ay inaasar ako. Sa sobrang lakas ng iyak ko baka raw takbuhan ko pa si Karina.
Nako kung alam lang nila.
We were facing each other smiling widely magkahawak kamay habang patuloy ang pagtulo ng aming mga luha.
She whispered, "I love, you." and squeezed my hands.
Ang sarap lang talaga mag reminisce minsan about sa past events na nangyari sa buhay mo.
Five years of being married, what else could I ever ask for if I already have her?
Having my wife in my life was a dream come true.
Noong unang taon namin ay sobrang nangapa kami sa mga adjustments na kailangang gawin.
We were so thankful to our families na talagang inalalayan kami pati yung mga kaibigan namin na halos ginawa ring tambayan itong bahay.
Ang daming changes.
Yung pagkakaroon ng sariling bahay, wala ng nanay na gigising at magluluto ng pagkain sa inyo tuwing umaga. Mga gastusin, groceries, bills at marami pang iba.
Sabi pa nga diba ng matatanda ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag sinubo mo at napaso ka ay maluluwa mo agad. Hindi ganun kadali ang pag-aasawa. Panibagong responsibilidad na dapat handa
Comments