Three.

Tanging Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

“Minjeong!!” boses palang alam ko na kung kanino eh. Nandito ako ngayon sa sala namin nanonood ng telebisyon. Dahil sa pag sigaw ulit ni Ryujin ay lumabas na ako ng bahay namin.

 

“Sigaw ka naman nang sigaw eh,” sabi ko rito.

 

“Sorry na, gusto ko lang naman ipaalam sa’yo na wala tayong pasok bukas. Nag chat kasi si Sir Fab kagabi na hindi raw muna siya makakapasok, at sagutin nalang daw natin ‘yung assessment sa major subject natin. Next next saturday na raw natin ipapasa.” paliwanag nito sa akin.

 

“Ah, sige, salamat. Bakit nga pala wala si Sir?” tanong ko.

 

“Hindi pa rin magaling si Sir, akala ko nga papasok na naman si Minju.”

 

Kainiz, binanggit na naman.

 

Mabait naman si Minju eh pero hindi talaga ako komportable kapag kasama ko siya. Panay kasi siya tingin sa akin tsaka napaka-concern niya palagi sa akin. Hindi talaga ako sanay. Hindi naman kami close eh pero kung makalapit siya sa akin, parang magkasama na talaga kami ng ilang taon eh.

 

“Anyari sa mukha mo, pre?” tanong ni Ryujin at natatawa pa nga ito.

 

“Wala, naiinis lang ako kay Minju.” makatotohanan kong sabi sa kanya.

 

“Nakita ko kayo kagabi sa plaza ah.”

 

“Pinilit niya akong pumunta doon. Nakakainis talaga. Palagi niya akong pinagbabantaan kaya hindi ako makatanggi sa mga gusto niya.” ilang araw palang kasi kaming magkakakilala tapos ganun na agad siya sa akin.

 

“Baka gusto ka nun?” sarkastikong saad nito sa akin.

 

“Tanga, as if naman.”

 

“Malay mo, kayo talaga ang para sa isa’t-isa.” agad kong binatukan si Ryujin.

 

“Umalis ka na nga, kadiri na mga sinasabi mo.” 

 

“Sus! Kinikilig ka naman.” babatuhin ko na sana ito ng maliit na bato pero agad naman itong tumakbo.

 

Takot naman pala.

 

Hindi ko rin alam kung anong meron kay Minju, kung bakit siya lapit nang lapit sa akin. Panay kwento rin siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay, as if naman talaga na may pake ako. 

 

Joke.

 

Bukas ko na lang siguro gawin ‘yung assessment na sinasabi ni Ryujin, since wala naman kaming pasok bukas. Pumasok na pala ako sa loob ng bahay namin, tsaka pinatay ko na ang telebisyon dahil nawalan na rin ako ng gana manood.

 

Nagtungo ako sa kusina namin, at nakita kong wala na pala kaming kanin kaya naisipan ko munang magsaing. Pagkatapos ay nagtungo na rin ako sa aking kwarto, at nakita ko ang isang garapon kung saan ko nilagay ang sukli ni Miss Ganda nung nakaraan. Hindi ko kasi siya nakita, ilang araw na, kaya hindi ko nasusuli ang sukli niya. 

 

Matapos kong makakuha ng damit ay bumalik ulit ako sa kusina namin. Maliligo sana ako pero wala rin pala kaming ulam kaya magluluto muna ako ng gulay. Marami kasing biniling gulay si Mama kahapon, kaya ito na lang din. Uuwi rin si Mama ngayon kaya mas mabuting magluto na ako para pag nakauwi na siya, makakain na agad kami.

 

Ginisang okra pala ang lulutuin ko ngayon.

 

Alam niyo ba na ang okra ay likas na mababa sa sodium at naglalaman ito ng potassium isang mineral na tumutulong upang ma-regulate ang blood pressure at mapanatili natin ang malusog na balanse ng fluids ng ating katawan. Kaya kung ako sa inyo, kumain na rin kayo ng okra. Maliban kasi sa masarap ito, marami rin itong benepisyo para sa ating katawan.

 

Matapos kong makapagluto ay nagtungo na rin ako sa aming banyo para makaligo. Hindi rin naman ako nagtagal kaya natapos din agad ako. Sa banyo na rin ako nagbihis dahil ’yun ang aking nakasanayan. 

 

Nang nakabihis na ako ay sakto namang nakarating na si Mama sa bahay, marami itong dala kaya nagtataka ako. 

 

“Ano ‘yan, Ma?” tanong ko sabay mano kay Mama. 

 

“Binigay ito ng kaibigan mo.” tumaas naman ang isa kong kilay.

 

“Anong pangalan, Ma?” 

 

“Minju.”

 

Ha?

 

Kailan ko pa ‘yun naging kaibigan?

 

“Ma, hindi ko ‘yun kaibigan.” sabi ko, pero hindi ako pinakinggan ni Mama at nagtungo lang ito sa kusina namin. Iniisa-isa niyang nilabas ang mga dala nito.

 

Akala ko pa naman ano, mga pagkain din pala tsaka meron pang carbonara ang paborito ko.

 

“Hindi ko naman talaga ito tatanggapin pero nagkusa siyang kunin ko ito, kaya wala na akong nagawa at tinanggap ko na.” narinig kong saad ni Mama.

 

Si Minju talaga.

 

“Hindi mo talaga ‘yun kaibigan? Sabi niya kasi magkaibigan daw kayo.”

 

“Naniwala ka naman agad, Ma.” sabi ko sabay umupo.

 

“Nakapagsaing ka na ba?” tumango ako.

 

“Nagluto rin ako ng ginisang okra, Ma.” masaya kong sabi.

 

“Dito ka muna, magbibihis muna ako saglit.” sabi ni Mama at nagtungo agad ito sa kanyang kwarto.

 

Naiwan ako rito sa aming hapag. Kinuha ko rin ang mga dala ni Mama. Maliban kasi sa carbonara, meron ding mga cupcakes tsaka mga biscuits na rin. 

 

Hindi ko na talaga gets si Minju. 

 

Natapos na si Mama kaya umupo na rin ito. Nagsimula na rin kaming kumain, at nakita ko naman sa mukha ni Mama na nasarapan ito sa niluto ko. 

 

What if magtayo nalang ako ng karinderya dito sa amin? 

 

Chos.

 

May mga araw kasing tamad akong mamalengke lalo na kapag madaling araw. Tsaka, natatakot din ako kasi ako lang mag-isa. Ayaw ko rin naman na si Mama ang uutusan ko, kasi meron din siyang trabaho. 

 

Nagpatuloy lang kaming kumakain. Habang iniisip ko pa rin itong mga binigay sa akin ni Minju. Natatakot na talaga ako sa kanya. I mean, ang weird niya lang talaga. Yung mga pinapakita at ginagawa niya sa akin sobrang weird talaga. Si Ryujin nga na kaibigan ko ilang taon na eh hindi nga siya ganun kagaya ni Minju eh, kaya sobrang weird talaga, ulit ulit. 

 

Tapos na kaming kumain kaya ako na ang nag prinista na maghugas ng pinggan. Pumasok na rin si Mama sa kanyang kwarto dahil magpapahinga raw muna siya. Nilagay ko naman sa aming mini ref itong binigay ni Minju, tsaka kumain din ako ng konting carbonara.

 

Maliban pala sa okra na nabanggit ko kanina, ang carbonara rin ay naglalaman ng maraming nutrients na maaaring maging kapaki-pakinabang sa ating katawan. 

 

Speaking of carbonara, naalala ko na naman nung grade 10 palang kami ni Ryujin, nag debate kami about, “Which is better spaghetti or carbonara?” 

 

Tawang-tawa pa rin ako sa mga sinasabi ni Ryujin dati, kaya ang ending nun eh natalo sila kasi hindi niya talaga nadepensahan nang maayos ‘yung spaghetti. 

 

Share ko lang naman.

 

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito pero may narinig talaga akong umiiyak. Nang maglakad ako patungo sa kwarto ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Ngayon lang ulit naka-update kasi may pasok na kami. */umiyak
Anw, thank you sa nagbabasa nito. ^⁠_⁠^

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Chapter 5: 😭
Hiccups_ #2
Chapter 5: Akala ko gusto niyang lumayo kasi bumilis yung tibok ng puso niya, 'yun pala kasi amoy araw siya
kwinterrr_
#3
Chapter 4: may gusto ba si minju kay minjeong dito? hahhsshah
kwinterrr_
#4
Chapter 3: minju 💀
kang_ddeul
#5
Chapter 3: awww, hugs kay min at sa mama niya 🥺 pero uyyy minju is on the move 👀 ambait bait ni rina, ang genuine lang 🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 2: hala ang cute cute ni minjeong dito 🥺 pero ang daming girlies~ HAHAHA or baka friend lang sila ni rina? :))
MyJMJTY
#7
seated po,