One.

Tanging Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

Ako nga pala si Minjeong Fuentes, isang mag-aaral sa Binju National High School. Dahil sa hirap na dinaranas namin ngayon, naisipan kong magtinda ng pisbol sa labas ng sikat na unibersidad dito sa amin.

 

Noong nasa elementarya pa ako, nakakita kasi ako ng nagtitinda ng pisbol sa labas ng paaralan namin noon. Kaya ngayon, sa hirap na dinaranas namin, ito ang naisip ko.

 

Nagtitinda ako upang makatulong sa mga bayarin sa aming bahay. Ang aking pangunahing produkto ay ang pisbol. Bawat araw, bumibili ako ng limang kilo ng pisbol mula sa aking supplier. Ang isang kilo nito ay nagkakahalaga ng 65 pesos. Kaya’t kapag inimultiply ko ito sa lima, ang aking puhunan ay umabot ng 325 pesos. 

 

Para sa sauce naman, hindi ito lumagpas ng dalawang daang piso ang aking gastusin araw-araw. Sa ganitong paraan, ang kabuuang gastusin ko para sa isang araw ay nasa 420 pesos. Ito ay kasama na ang puhunan para sa pisbol at ang gastos para sa sauce.

 

Nakakatuwa dahil hindi naman ako nalulugi sa aking pagnenegosyo. Sa bawat isang kilong pisbol, meron itong 210 pieces, may mga pagkakataon pa nga na may sobra pa ako. Ito ay nagsisilbing tanda na ang aking negosyo ay may mabuting kita.

 

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng aking sipag at tiyaga, pati na rin ang paggamit ng aking natutuhan sa paaralan, ang pagtitinda ng pisbol ay naging isang mabisang paraan para makatulong sa mga bayarin sa aming bahay. 

 

Ang pagtitinda ay naging isang mahalagang bahagi ng buhay ko bilang isang estudyante. Bagaman patuloy pa rin ang aking pag-aaral, ang Open High School Program ang pinili kong salihan upang matugunan ang aking pangangailangan sa edukasyon. Sa programa na ito, mayroon kaming pasok tuwing Sabado lamang, na nagbibigay sa akin ng oras para makapag hanapbuhay.

 

Ang katotohanan ay hindi ko kaya na makapasok sa paaralan araw-araw. Ang kahirapan talaga ang nagtulak sa akin na magtrabaho. Kahit hindi gaanong maganda ang kalagayan namin sa buhay, hindi ko nais na si Mama lang ang mag-isa sa paghahanapbuhay. Gusto kong maging kasangga ni Mama sa pagsisikap na mapabuti ang aming kalagayan.

 

Nakakalungkot isipin na kami na lang ni Mama ang natira sa mundong ito. Ang aking ama ay pumanaw dahil sa isang malubhang sakit. Ang kanyang pagkawala ay hindi lamang nagdulot ng kalungkutan sa aming pamilya, kundi nag-iwan din ng mga pinansyal na suliranin. Hindi sapat ang aming pera upang matugunan ang mga pangangailangan namin sa pang-araw-araw.

 

Ala dos na pala kaya naisipan kong ihanda ang tinitinda kong pisbol. Alas kwatro pa kasi ang uwian ng mga estudyante sa SM University, at ganitong oras talaga ako naghahanda. Determinado akong magtinda ng pisbol dahil alam kong marami ang nagugutom pagkatapos ng kanilang mga klase.

 

Pagkatapos kong maghanda ay pumasok na muna ako sa banyo para makaligo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Ngayon lang ulit naka-update kasi may pasok na kami. */umiyak
Anw, thank you sa nagbabasa nito. ^⁠_⁠^

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Chapter 5: 😭
Hiccups_ #2
Chapter 5: Akala ko gusto niyang lumayo kasi bumilis yung tibok ng puso niya, 'yun pala kasi amoy araw siya
kwinterrr_
#3
Chapter 4: may gusto ba si minju kay minjeong dito? hahhsshah
kwinterrr_
#4
Chapter 3: minju 💀
kang_ddeul
#5
Chapter 3: awww, hugs kay min at sa mama niya 🥺 pero uyyy minju is on the move 👀 ambait bait ni rina, ang genuine lang 🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 2: hala ang cute cute ni minjeong dito 🥺 pero ang daming girlies~ HAHAHA or baka friend lang sila ni rina? :))
MyJMJTY
#7
seated po,