Chapter 1

Attached to her Heart

Kinuha ni Kungsoo mula sa Cupboard ang matalim na Kutsilyo , kulay puting Chopping board at iilang mangkok , platito at inilapag ito sa gilid nang Sink bago sya pumunta sa kinalalagyan ng Refrigirator para kunin ang iilang gulay at karne para sakanyang  lulutuin sa umagahan nya sa hapong Ito.
pagkatapos nyang linisan ang mga rekados ay kinuha nya ang bawang at inilapag ito sa  taas ng Chopping board , kinuha ang kutsilyo at nagsimula nang maghiwa.
Ang tanging ingay lang na kanyang naririnig ay ang tunog nang kutsilyo na bumabagsak sa may chopping board  sa bawat hiwang ginagawa nya at ang tunong nang pagkahiwa ng nasabing rekado ay huni sa kanyang  tenga na medyo nagpapalimot sa kanya sa Sakit na kanyang pinagdadaanan kaya gustong gusto nya ang ginagawa sa kusina nang  biglang

Ne miraera naege geureodeoni
( You said I was your future )
kumanta nang napakalakas at  with feelings si Baekhyun sa likod ni Kyungsoo , sa gulat nya ay nahiwa nya ng very light ang kanyang kaliwang hintuturo.
"Tssk"  asar na banggit ni kyungsoo habang tinitingnan yung tumutulong dugo galing sa kanyang hintuturo. biglang nawala ang katahimikan nya dahil sa napakaingay na bisita.
patuloy lang sa pagkanta si Baekhyun , pumunta si Kyungsoo sa may Sink at binuksan ang gripo para mahugasan ang nagdudugo nyang hintuturo.
Gwageoga doeeonni
( Am I now just your past? )
Ojik naman saranghandadeoni
( You said you only love me )
Ne maeumeun yeongwonhi
( that your heart )
Nae gyeoteman meomunda geureodeoni
( Would forever stay by my side )
Nae jeonbureul georeosseo geuraetdeoni
( So I gave you my everything )
Nal tteonabeoryeonni Ajikdo nan neol gidarijanni
( And now are you leaving me? )
Nae maeumeun yeojeonhi
( I'm still waiting for you, my heart will always )
Neol kkeureodanggyeo gravity
( Draw you in like gravity )
Napahinto si Baekhyun at sinundan si Kyungsoo sa may gilid ng kusina.
"Ay nako di nag iingat"galit at may pag aalala nyang banggit nang makita nyang ginagamot ni kyungsoo ang daliri nya "masakit na nga ang Puso mo nadagdagan pa ng Sakit mula sa Sugat, kawawa ka naman"
huminto si Kyungsoo sa kanyang ginagawa at hinarap si Baekhyun.
"Pero alam ko sa ngayon gusto mo nang hug" open arms at nginitian si Kyungsoo
"Mama mo Hug" Pikon nyang banggit at kinurot sa kanang tagiliran si Baekhyun na may pwersa" Sino ba namang di masusugatan sa ginawa mo"
"Sorry na"pagsusumamo ni Baekhyun habang binaba ang kamay para piliting ilayo ni Kyungsoo ang kamay nya dahil ito ay nasasaktan,mas ginamitan pa ni Kyungsoo ng pwersa ang kurot ng ilang saglit bago nya binitiwan si Baekhyun.

"Bakit kaba nandito?" crossed arms ni Kyungsoo
"Bakit, bawal ba kita dalawin?"
"Hindi naman ako bawal dalawin basta hindi Byun Baekhyun ang pangalan nang dadalaw"
"Ouch, it really hurts " at lapat nya ng kanang kamay sa kanyang dibdib na mukhang nasasaktan "pre wag mo akong ganyanin kung ginanyan ka nya"
"Tangina mo" asar Banggit ni Kyungsoo at diretso nya ulet sa ginagawa nya kanina ang paghihiwa.
"Nag aalala lang ako sayo baka isang araw mabalitaan nalang kita sa news" at tabi nya kay Kyungsoo
"anong balita?"
"na ang one of the Vocalist nang B&D named Doh Kyungsoo na natagpuang sinaksak ang model/ actor/ Rapper na si Oh Sehun"
napahinto ulit si Kyungsoo sa kanyang ginagawa at binigyan si BAekhyun nang side eye.
"Galing ako sa Japan dahil ambassador ako nang isang brand na saktong  na ambassador din yung Oh Sehun , tapos nakita ko doon si Sayuri"
biglang nanlungkot ang mata ni Kyungsoo nang marinig nya ang pangalan ni Sayuri mula kay Baekhyun.
" kasi sya yung isang model na makakasama namin sa photoshoot"
 at inilabas ni Baekhyun mula sa kanyang kaliwang bulsa ang kanyang Smart phone, pumunta sa Gallery at pinakita ang Picture kay Kyungsoo.
Picture na nakuhanan ni Baekhyun na Hinawakan ni Sehun ang kamay ni Sayuri.
napahinto sa paghahalo si Kyungsoo sa gamit ang sandok at napakuyom ang magkabilang kamao at mukhang galit.
"hindi yan kasali sa shoot" inexit ang gallery , nilock ang phone at ibinalik nya ang Cellphone sa kanyang bulsa.
"gusto ko na ngang bugbugin yung Sehun, kaso lang pinigilan ko sarili ko ...." at pinatay ni baekhyun yung kalan bago ulit sya magsalita
"tigilan mo na kasi ang Hiatus na yan "  nilayunan niya si Kyungsoo at pumunta sa may cupboard para kumuha ng plato,mangkok at kubyertos
napabuntong hininga si Kyungsoo.
"Tara. kain na Tayo, Kyungsoo"  side eye ulit ni Kyungsoo.


Pagkatapos ni Kyungsoo magbihis at magpatuyo ng buhok ay dumiretso na sya sa kanyang kama ngunit napahinto sya nang makita nya ang nakahigang si Baekhyun habang busy sa kanyang smart phone.
"wala kabang balak na umuwi sa inyo?" crossed arms ni kyungsoo na nakasimangot
"bukas na ako uuwi. baka kasi nalulungkot kang mag isa. malamig pa naman ngayon" binaba ni Baekhyun yung smart phone at inilapag sa kanyang dibdib at nginitian ang nakatayong si Kyungsoo.
napataas ng kilay si Kyungsoo dahil sa huling sinabi ni Baekhyun, di nya inaasahan na masasabi yun ng taong to kahit parang abnormal to( not always)
"Gago. umuwi ka na nga sainyo" hila ni kyungsoo ng kumot at sipa kay Baekhyun, napaikot at nahulog mula sa kama ang kawawang nilalang ngunit agad syang umupo at tiningnan si Kyungsoo nang naka Pout.
"tigilan mo nga ako sa ganyan mo,nakakakilabot ka" at bato ng unan nito kay Baek.
tumawa lang si Baekhyun at bumalik ulit sa kama at nag pose ng draw me like one of your french girl pero sinipa ulit sya ni Kyungsoo.
________________________________________________________________________________________________
Pumunta ng Hospital si Kyungsoo dahil pinatawag sya ng Mama ni Sayuri.
nagsuot sya ng black cap ,light blue hoodie, black pants at white shoes. nang makita nya ang Mama ni Sayuri ay nginitian sya nito at binati.
dumiretso silang dalawa sa room ng family doctor ng pamilya na si Kim Jumnyeon.
"Doc.bale its been 6 months  na but still my daughter doesnt have any memory of him"
" did you all try to reconnect to her especially you Mr. Doh?" tanong ni Doc.
inalala ni Kyungsoo  ang mga bagay na ginawa nya noong una , nung panahong nasa hospital si Sayuri nagpapagaling mula sa injuries na natamo nya galing sa isang aksidente..
di sya maniwala sa mga sinasabi  sa kanya, at nagagalit sya sa binata. makita palang sya ay kulang nalang eh magwala  ito pero di sya napapagod at nawawalan ng pag asa dahil ang goal nya ay maalala sya nito kahit, at sa anong paraan ang gagawin nya. kahit nga muntikan pa sya patawan ng restraining order dahil di nya ito nilulubayan 24/7 at kahit maging sirang plaka pa sya sa paulit ulit nyang paalala sa kanya at buti nalang nasa side ni Kyungsoo ang pamilya nya dahil nga kasal sila .pero nawala ang lahat ng yun nang padalhan sya nito ng divorce paper nung nakaraang buwan, at tingin nya walang idea ang parents nya tungkol dito.
"I stopped when she went to Japan for her shoots"  di nya sinabi ang totoo.
tiningnan si Kyungsoo ng Mama ni Sayuri bago tiningnan si Doc. Jumnyeon at nagsalita.
"kaya nga i asked him why he didnt follow her there.but he just said , he wanted her  to give space to breathe just for a moment.. pero di naman mag gigive up si Kyungsoo diba" at binalik ulit ang tingin nya kay Kyungsoo.
sumagi nadin sa isip nya na pumayag na pirmahan na yung Divorce paper pero may isang reason na nagtutulak sa kanya na hindi pirmahan. edi no pa? PAGMAMAHAL.
"
Doh Kyungsoo you are known to be  a man of perseverance for nothing, just reconnect to her and one day she'll remember you" banggit ni Doc habang naka smile.
"yes, diba  kung ano-ano  ang ginawa mo hanggang sa mapansin  ka ng anak ko at di kalaunan  nahulog at nagpakasal sya sayo.. tyaka di mo kasalanan ang nangyari sa kanya. aksidente ang lahat"
 


TBC.


,
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet