Losing Me

You're Losing Me
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sa totoo lang hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

 

Pagod sa trabaho, stress – at kami. 

 

Ang relasyon namin.

 

Para kasi akong may pinaglalaban na hindi ko alam kung ano. Ano nga ba ang pinaglalaban ko?

 

Tinignan ko ang nagbabadyang ulan sa labas. Nasa opisina ako at may isang oras pa bago ang out ko.

 

Pucha, sana hindi umulan. Wala nga pala akong dala na payong. 

 

“May sundo ka ba?” Nawala ako sa muni-muni nang marinig ko ang katabi ko. Si Yunjin, ang officemate ko.

 

“Wala nga eh. Mukhang uulan pa naman.” Kasunod non ang buntong hininga ko. Naalala ko kung bakit wala ulit akong sundo. Dalawang buwan na mula nung tuluyan ng nawala. 

 

“Bub, hindi pala kita masusundo. Nag-aya sila Ms. Young. Sa bar lang, doon malapit sa unit natin.” Agad na salubong sakin ng kabilang linya matapos kong sagutin ang call. 

 

Mababaw akong huminga bago sumagot.

 

“Okay, bub. Ingat kayo.”

 

Okay lang naman sakin pero nangako ka kasi.

 

Kung kailan sanay ka na, doon pa magbabago.

 

Gaano na ba tayo katagal pabalik balik sa ganito?

 

“Grab na lang tayo para hati tayo sa fare. Sakto na yon since magkatabi lang building natin.” 

 

Napalingon ako sa katabi ko at hindi na ako nagdalawang isip pa at um-oo na rin ako. 

 

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang office hours ko.

 

Malamig na simoy at tahimik na apartment ang sumalubong sakin. 

 

Malapit na akong masanay. Paulit-ulit. Lagi na lang ganito.

 

Pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako.

 

Nagtanggal ako ng heels at dumiretso sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso at nilagok ito. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto namin. 

 

Dali dali kong inalis ang blazer ko at hindi na nag ayos pa. Walang habas akong humiga sa kama, nag na-nais na mawala ang bigat ng pakiramdam ko.

 

At least tuwing tulog ako ay hindi ko nararamdaman na mag-isa ako.

 

Kasi sa panaginip ko kasama kita at masaya tayong dalawa.

 

Pagkatapos non ay wala na akong naalala. Nakatulog na pala ako.

 

Hindi ko alam kung anong oras na pero nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto. Unti unti akong dumilat at tumingin sa cellphone kong nasa bedside table.

 

11:33 PM. Apat na oras na pala akong tulog. 

 

Nagdesisyon akong tumayo mula sa kama para lumabas at silipin kung anong meron sa labas.

 

“Oh, gising ka pa pala.” Mapulang pisngi ng girlfriend ko ang bumungad sakin. Mukhang lasing pero hindi gaano. Nakasandal siya sa ref namin habang hawak ang isang bottled water.

 

Bakit ganito nararamdaman ko tuwing nakikita kita?

 

Kasi dati masaya ako pag nakikita ko siya.

 

“Ginabi ka na nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
194 streak #1
Chapter 2: ang sakit 😖💔
Yujis_Sky
#2
Chapter 2: Ansakit parang kagat lang Ng dinosaur
spagtitty #3
Chapter 1: Deserve niyo po ang maraming upvotes 🥹
blink_once3001
#4
Chapter 1: Ouch.
CincoYoo
#5
Chapter 2: shet ang sakit huhu pero mas masakit na hatdog yung eg huhuhu eme
Winteooooooooo
#6
Chapter 2: Good morning siguro. 😔
joyie4ever 11 streak #7
Chapter 1: please part 2🥹 hindi pwedeng ganon lang ang break up!! Kailangan makita ang pasakit after break up HHAHAHHHA
DivisionOne_Seven
#8
Chapter 2: aray
kaekeikkr
#9
Chapter 1: grabe yung part na "hanggang sa kahuli hulihan umasa pa rin akong may gagawin ka" HAHAHAHA sapul talaga sa utak ko eh. Connected na connected siya sa lyrics, "Do something babe, say something. Lose something babe, risk something. Choose something babe, I got nothing."
kaekeikkr
#10
Chapter 1: mas masakit pa 'to sa mga salitang sinabi sa 'kin ni mama haha :')