Chapter 2
To Those Who Wait[AN: For now mga short introduction muna ng mga characters, and I'll keep the characters name on top para hindi malilito ang lahat.]
Winter Kim as Aster Janvier Damian
Karina Yu as Avril Sofia Guinto
Yizhuo Ning as Patricia Jane Cuizon (Aster's cousin)
Giselle Uchinaga as Chloe Gwen Suarez (Avi's bestfriend)
Yeji Hwang as Victoria
"Tanginang pinsan yan hindi nagpapaalam"
"Ano ako rito hangin?"
"Inacca bakla bakit biglaan kang umuwi ng Pinas???"
"Hindi mo na nga ako sinama, hindi ka pa nagpaalam!"
Sunod-sunod ang text ni Patricia Jane jusko...
"May pupuntahan lang ako Pat, babalik din ako kaagad"
"Pupuntahan? madami kang pera? wala kang trabaho? Nagpaalam ka ba kay Ma'am Navi?" ang kulit-kulit nitong babaitang 'to akala nya ba makakaalis ako kaagad kung hindi ako magpapaalam? asan utak nito?
"Oo Pat sinabihan ko naman si Ma'am Navi na may family emergency" reply ko sakanya, at agad naman syang nagreply pabalik.
"Ah talaga ba Aster?? kay Ma'am Navi nakapagpaalam ka kaagad pero sakin-- sa pinsan mo hindi? pakyu ka wag ka na bumalik!"
Binulsa ko na ang cellphone ko dahil alam kong mas lalo lang sasakit ulo ko sa byahe dahil kay Patricia, ang clingy kala mo isang taon akong mawawala sa Paris.
-
"Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Cebu Pacific Air welcomes you to Manila..."
Pagkapasok ko pa lang sa waiting area naka received nanaman ako ng text.
Bakit ba andaming nagtitext sakin lately napapagastos pa tuloy akong magpaload para replyan sila.
"Anak, bakit ang text sakin ni Patpat umuwi ka raw ng Pinas?"
Patricia Jane nakakailan ka na sakin, hindi porket hindi ako nagpaalam gumaganti ka na agad sakin.
Hindi ko na nga pinaalam na uuwi ako sa kahit kanino, nalaman pa ni Mama. Lagot ka sakin pag-uwi.
"Balikan lang po ako Ma, may attendan lang kasal ng kakilala" why whould I lie to my Mom? kung naging anak na rin ang turing nya sa ex ko dati.
"Sinong ikakasal anak?"
"Si Maeve po"
"Ha? Ikakasal na sya? bakit hindi nya ako minessage or 'di man lang nagpadala ng invitation?" hindi ko alam kung matatawa ako sa nanay ko or maaawa, Ma wala na kasi kami kaya hindi na tayo invited. Charenggg
"Biglaan daw po saka private raw po pagdadausan ng kasal, silang pamilya lang daw po. Kaya biglaan lang din po pag-uwi ko ng pinas" andami kong sinabi pero ang totoo nyan hindi naman talaga ako directly invited, yung mga kapatid nya ang mismong naginvite sakin.
So basically mang ggatecrash lang talaga ako, kasi kahit sa akin hindi nya rin naman sinabi na ikakasal na sya.
Bakit pa nga ba? after our break up hindi naman na sya nagparamdam sakin, tanging mga kapatid nya na lang ang kumakausap sakin.
Comments