Chapter 1

I love you... Not... Yet
Please Subscribe to read the full chapter

"Pst" napalingon ako nung may sumitsit saakin, nakita ko yung isa kong kaklase na babae. 

"Hmm?" nahihiyang sagot ko, nginitian nya naman ako 

"Mag-isa ka lang? Wala ka pang ka close sa mga kaklase natin?" Tanong nya saakin. Nakita ko naman na yung isa pa nyang katabi na babae na nakatingin samin 

Umiling ako at matipid na ngumiti

"Uy, sama ka samin mamayang lunch ha? Mahirap kasi kapag mag isa ka lang eh. Antayin mo kami mamaya," Nakangiting sabi nito 

Tumango ako atsaka tumayo noong tinawag nung Prof yung surname ko. 

Inaayos nya kasi yung seating arrangements namin for her subject kaya naman umupo muna ako sa likod since may mag occupy ng seat ko na nasa unahan. 

Ako nga pala si Karina Cloude Jailaiji Yu, isang 1st year criminology student sa isang kilalang School sa syudad kung saan ako naninirahan ngayon, which is sa tita ko. 18 years old, shy type (Oo shy type ako) Tahimik, cold person tsaka mabait hehe 

Anyways, wala akong kakilala sa mga kaklase ko since first day of classes talaga. Actually nakasama ko na sila noong orientation pero diko sila talaga maalala. Nakasama pa nga ako doon sa pamimilian para sa pageant for Mr. and Ms. froshie. 

Anyways, kaya ako napadpad dito ay dahil ito na lang ang available na school na bukas for enrollment. Akala ko kasi si papa na ang bahala for my enrollment, ako pala dapat, hehe sorry na. I am not that independent 

 

 

----------

"Uy, sabi ko naman sayo antayin mo kami eh" Nagulat ako noong may biglang umakbay saakin kaya napalingon ako 

Nakita ko yung kaklase ko na babae na kumausap saakin kanina sa room, kasama nya ulit yung babae na katabi nya kanina 

Di na lang ako umimik at nag adjust para makaupo sila. Andito kami ngayon sa Space lounge (Cafeteria ng school namin. Oo yun ang tawag sa cafeteria) 

 

Nagulat ako nung may dumating pa na dalawa at umupo sa harap namin, isang babae atsaka isa pang lalaki. Kaklase ko ata 'tong mga toh eh 

"Uy," bati noong babae at ngumiti saamin 

Tinanguan ko naman sya pati na din yung kasama nya na lalaki na sobrang puti na may salamin na makapal 

"kakain kayo?"Tanong nung babae na bagong dating habang nakatingin sa dalawang katabi ko 

"Hindi, mamaya na ako sa bahay kakain," sagot naman nung kasama naming isang isang Yung kasama nung babae na kumakausap saakin 

"Kain na kayo," Aya ko sa mga ito since nakain ako 

"Sige lang kain ka na. Busog pa ako eh" sabi naman nung bagong dating na babae 

"Chae pala," pakilala nung bagong dating na babae saamin, tapos itinuro yung katabi nya na lalaki 

"Si Sunghoon," Pakilala naman nya dun sa katabi nya ngumiti saamin 

"Yuna, tapos itong katabi ko si Ryujin," Pakilala naman nung kumausap saakin kanina.

Nagtinginan silang lahat saakin kaya medyo naubo ako dahil may laman yung bibig ko 

"ehem, Uhmm  Karina, Karina Jalaiji Yu" Pakilala ko 

"Anong oras next class pala natin?" Tanong ni Chae 

"1:30 pa siguro." sagot naman ni Sunghoon

"Madami na ba kayong kaclose sa mga kaklse natin?" tanong ni Yuna saamin 

Umiling naman ako 

"Tahimik mo kasi, di ka nagsasalita tapos nasa pinaka unahan ka pa umupo" Sabi naman ni Yuna saakin 

"Nahihiya ako" sagot ko naman 

Nginisian naman ako ni Yuna atsaka ako inakbayan 

"Wag kang mag alala, pag tagal tagal dadaldal ka din." sabi nito tsaka kumindat

 

------------------------

"Pst, Karina, mag-isa ka na naman. Dito ka nga sa tabi namin umupo. Usap tayo bilis," tawag saakin ni Yuna kaya tahimik akong lumapit sa kanila 

nasa second to the last row kasi silang dalawa ni Ryujin tapos ako nasa pinakaunahan 

Tahimik akong umupo sa may bakanteng upuan sa likod ng upuan ni Ryujin. 

Naaalala ko si Ryujin. After kasi nung orientation noong nakaraang araw ay dapat Defens subject namin (PE namin pero martial arts. Oo ganyan talaga spelling nyan) 

Mag isa ako noong naka upo sa may chess plaza habang nag aantay ng mga kaklase ko, di ko kilala mga kaklase ko, ni mukha di ko alam eh. pero I think makikilala naman nila ako. Nakasama kasi ako sa mga candidate ng department namin na ilalaban for Mr. and Ms. froshie atsaka naka black shirt ako. Criminology lang naman yung department na naka black madalas, white or black lang kasi ang alam kong pwede naming suotin noon dahil nga di pa naman kami required mag uniform. 

So ayon na nga, malapit na mag 1:30 pero wala pa din akong nakikitang mga kaklase ko, naka ilang balik na ako sa may garden house, kung saan kami dapat magkaklase, pero may mga tao don, part ng orchestra kaya di ako pumasok kanina, nakakahiya hehe.

May dumating, naka white shirt, maong pants. Proper bearing pero medyo mahaba ang buhok, di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kimyu_winrina
So this is the second story, I hope you guys would like it. And I really hope that you guys will support it the way you supported my first story. IDK when i am going to upload again for this story but I will be working on it

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
696 streak #1
Subscribed! 🥰