Effortless

Hyotae (Short Stories)
Please log in to read the full chapter

Hindi mapakaling nagpa ikot-ikot si Taeyeon sa Higaan nya. Ilang oras na nya sinusubukang matulog pero sa bawat pagpikit nya nakikita nya ang muka ng taong nagpapa gulo ng isip nya.

 

 

"Hays Taeyeon, Hanggang ngayon olats ka parin 7 Years na pero hindi mo parin maamin amin yang nararamdaman mo." Inis na kastigo nya sa sarili.

 

 

 

Nagpasya syang tumayo at tumungo sa Kusina para mag timpla ng gatas upang pakalmahin ang kanina pa nyang dumadagundong na puso. Hindi na sya nag abala pang buksan ang ilaw dahil kabisado naman nya ang kabuuan ng Dorm dahil Sampung taon na mula ng tumira sya rito kasama ang kanyang ka grupo.

 

 

 

"Kung bakit naman kasi sa dami ng makaka partner sa step ng sayaw na yun sya pa." Mahinang bulong nya saka bumuntong hininga.

 

 

 

Pagkarating sa kusina kumuha sya ng baso nang may magsalita sa bandang kaliwa nya kung nasaan ang lamesa.

 

 

 

"Di ka nanaman maka tulog?" 

 

 

 

Sa gulat nya sa biglang pag sulpot ng boses mula sa dilim ay nabitawan nya ang baso na hawak nya dahilan para mabasag ito. Hindi pa sya nakakapag react ng agad na bumukas ang ilaw at naramdaman nalang nya ang pag angat ng paa nya mula sa sahig at nakita na lamang nya ang sarili nya na naka upo sa Wooden table habang nililinis ni Hyoyeon ang mga bubog na nagkakat sa paahan nya.

 

 

 

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito saka hinawakan ang paa nya na may maliit na sugat dahil tinamaan ng bubog. Na estatwa naman sya sa kina uupuan nya saka marahang tumango.

 

 

 

"Sure ka bang ok ka lang?" Tanong ni Hyoyeon this time ay tumayo na ito para harapin sya. Itinukod pa nito ang mga kamay sa magkabilang gilid nya. Lalo namang lumakas ang tibok ng puso nya ng magtama ang paningin nila ng babaeng gumugulo sa bawat gabi nya.

 

 

Sa takot na baka marinig ni Hyoyeon ang tibok ng puso nya ay dali-dali syang tumayo pero maling galaw iyon dahil mas lalong ngdikit ang katawan nila ng alalayan sya ni Hyoyeon na maka baba sa lamesa.

 

 

 

"I'm --- I...." Nauutal na sagot nya.

 

 

 

"Jusko Taeyeon umayos ka." Sigaw nya sa isip nya.

 

 

 

"I'm fine ... Salamat sa pagtulong Hyo." Ngumiti sya at dali daling naglakad pabalik sa kuwarto nya. Pero ilang sandali pa ay nakarinig sya ng katok mula sa pintuan ng kuwarto nya, hindi sya sumagot pero kusa itong bumukas at inuluwa noon si Hyoyeon. Bitbit nito ang first aid kit mula sa banyo ng dorm saka naka ngiting itinaas ito para ipakita sakanya.

 

 

 

"Gamutin mo yang sugat mo para hindi maimpeksyon." Sabi nito saka sumulyap sa paa nya bago ilapag ang bitbit nito sa bedside table nya.

 

 

 

"Ok, Thank you Hyo." Marahang sagot nya. Tumamgo naman si Hyoyeon bilang sagot. Binalot sila ng katahimikan bago muling nagsalita si Hyoyeon.

 

 

 

"I should go. Goodnight Taeng. See you tomorrow and please treat your wound."

 

 

 

"Aish as usual tulala nananaman ako." Mahinang bulong ni Taeyeon pagka labas ni Hyoyeon sa kuwarto nya.

 

 

 

 

 

 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wenjoy_superior2014 #1
Chapter 2: Sana ang ending ay atleast nahuli sila hahahaha ng dance choreographer or ng members.