Di Ko Alam Kung Saan, Kailan, Paano Ba Nag-umpisa ang Lahat

Di Ko Alam Kung Saan, Kailan, Paano Ba Nag-umpisa ang Lahat

A/n: former water girl ng hs vb team at bobo ang otor nito kaya pagpasensiyahan niyo na wala na masyado maalala sa vb at student life

 

Sa laro ng volleyball, kapag sinabi mong mine, understood nang dapat iyo na at wala nang aagaw pa sa bola dahil inangkin mo na. Kaya nga siguro olats si Irene sa sports na 'yon kahit sa totoong buhay, natatakot kasi siyang magsabi ng mine sa best friend niya dahil hindi niya alam kung saang direksyon sila pupunta kapag umamin siya sa nararamdaman.

 

Seven years since tenth grade. Tuwing naiisip ni Irene kung gaano katagal 'yon, natatawa na lang din siya. Akalain niyo 'yun, pitong taon na siyang nagmamahal kay Wendy. Pitong taon niya nang tinatago nararamdaman para sa best friend niya at parang kailangan niya na nga ata ng award dahil wala pa rin clue kahit katiting si Wendy. 

"Miss Shon, we can't help but pull you out sa team kung hindi magi-improve ang grades mo. Hindi pwedeng ball is life lang."

"But Sir--"

"Aware naman kami na you're the captain ball and a core player kaso kailangan talaga i-maintain ang grades kasi 'yon ang requirement."

Naiiyak na si Wendy habang nakaupo sa bleachers ng academy habang nanonood sa training ng mga ka-team niya. Hindi niya alam ang gagawin kapag nawala ang volleyball sa kanya dahil dito lang naman siya magaling. Sa inggit at pagka-badtrip, tumayo siya sa upuan para umalis at sakto, biglang may lumipad na bola sa harap niya. May tao na nakaupo at sigurado sapul, pero sa sobrang bilis ng reflexes ni Wendy, hinarang niya agad ang dalawang kamay para maibalik ang bola sa court. "Thank you kap!"

"Dahan-dahan naman kayo! May tao dito oh!"

Gulat at takot na takot si Irene na naka-takip pa rin ang dalawang kamay sa mukha, medyo inaaccept niya na ang fate na bola na ng volleyball magiging first kiss niya, pero nag-himala ang diyos dahil walang tumama sa kanya, imbis ay may kamay na humimas sa ulo niya.

"Wala na, naibalik ko na. Okay ka lang?"

Inalis ni Irene ang mga kamay sa mukha at tumambad sa kanya ang maliwanag na smile ng star player ng school. Wala naman hindi nakakakilala rito dahil kahit sa luma niyang school, siya ang pinag-uusapan. "Oo, t-thank you."

"Sige, alis na me."

"Umm..."

"Hmm?"

"Bakit wala ka sa training? 'Di ba captain ball ka?"

"Olats sa grades eh, tatanggalin daw ako sa team 'pag bagsak pa rin."

"Sinave mo naman ako, gusto mo ba, tulungan kita?"

At doon nagsimula ang pagkakaibigan nila.

 

Hindi maisip ni Irene when exactly niya minahal si Wendy, pero habang tumagal na nagkakasama sila sa pagtu-tutor niya at hangout na rin, na-develop ang feelings niya para sa kanya na kahit pag-enter ng university, sumunod siya sa kung saan pumasok si Wendy kahit pa she could do better kasi nga saksakan siya ng brainy. Kapag tinatanong ang sarili bakit ba niya nagustuhan ang kupal na best friend niyang naging misyon na ata sa buhay ang asarin siya, pag-tripan at gawing taga-gawa ng assignment, hindi niya rin masagot eh. Siguro ganon nga talaga ang love, kung ikukumpara sa mga topics at lessons na kayang-kaya niya i-explain nang diretso tatlo oras walang review, itong feelings niya para kay Wendy 'yung kahit gawan niya ng thesis, babagsak siya kasi hindi niya maipapaliwanag nang maayos mapa-oral o written man.

 

"Boom! Sapul."

Nadapa pa ngang parang palaka dahil sa lakas ng pagtama ng bola sa ulo niya habang pinupulot ang nalaglag niyang handouts, "Aray!" Sinamaan ni Irene ng tingin ang tumatawang babae at astang mangungurot pa.

"Teka, teka! Kasalanan ko bang lampa ka?" Pang-asar pa ni Wendy na umiiwas sa mga mangungurot na kamay ni Irene. Siguro almost perfect student na si Irene talaga, kung hindi lang siya lalampa-lampa sa sports.

"Wendy Shon! Ako na naman nakita mong bwisitin!"

"Ang tagal kasi dumating ni Seulgi, inip na ako." Hinawakan siya ni Wendy sa braso para tulungan na tumayo. Sa paningin ni Irene slowmo ang nangyayaring pag-angat sa kanya ng best friend. Ayos lang na bigyan siya ng flying bola sa mukha kung ganito ba naman ang mangyayari after. Nakakaramdam na siya agad ng kilig, pero siyempre, kunwari casual at dedma lang para hindi halatang patay na patay siya sa best friend niyang captain ball at setter ng volleyball team. Kung siya sa mga fangirl ni Wendy, maiinggit na sila sa kanya dahil ang lapit ng mukha nila sa isa't isa at nakasandal pa siya sa dibdib ng best friend na bitbit siya. Kaso lang, biglang pinutol ni Wendy ang pagpapantasya niya nang bigla siyang bitawan at hayaang malaglag na naman pagkakita sa ka-team. "Seul!"

Nung bumukas ang pinto ng gym, may mga babaeng nag-jogging papunta sa kinaroroonan nila, "Uy Wen!" Nag-apiran pa nga ang mga gunggong at naiwan si Irene sa lapag na itinayo na lang ang sarili na medyo kalog pa rin ang matabang brain, "Uy Irene! Anyare sa'yo?"

"Pinakain ko ng bola." Lakas pa ng tawa ni Wendy.

"Ikaw talaga, lagi mong pinagti-tripan si Irene, 'pag 'yan natauhan, maghahanap ng ibang best friend 'yan."

"Nako, walang titibag sa friendship namin, 'di ba, Rene?"

"Ewan ko sa'yo." Umirap pa si Irene at napansin ang sapatos ni Wendy, "Napaka-burara mo, baka madapa ka hindi mo man lang itali nang maayos sintas mo." Si Irene na ang lumuhod para mag-sintas ng shoelace ni Wendy at tumikhim-tikhim pa si Seulgi habang nagd-dribble ng bola.

"Andyan ka naman para saluhin ako palagi," Banat ni Wendy at nanginig na lahat ng kalamnan ni Irene, "Char! Yiee, kilig ka, Rene?"

"Itong dalawa na 'to sobrang sweet." Hinampas pa siya ni Wendy habang natatawa, "Baka mamaya may tinatagong feelings ang isa sa inyo delikado 'yan tsk tsk."

"Luh ew." Sabi ni Wendy na nalukot pa ang mukha. "Alis na nga sa court ang 'di naman player!"

Dumila pa si Irene bago umupo sa tabi ng water jug.

"Osiya, tara game na!"

 

Maingay ang mundo, andiyan lahat ng klase ng problema na kakaharapin mo kaya ang importante, magkaroon ka ng lugar na magiging pahingahan mo. Para kay Irene, 'yon ay sa tabi ni Wendy. Napaka-dalang sa mundong 'to na makatagpo ng taong kaya mong ilahad ang buong pagkatao mo nang hindi nag-aalangan sa kanya dahil alam mong tanggap ka niya. Ang tanging oras lang na kinakailangan magkunwari ni Irene sa harap ni Wendy ay 'yung magpanggap na wala siyang ibang pagtingin sa kanya bukod sa pagiging matalik na kaibigan.

Minsan, naiisip ni Irene kung ayos na siya sa ganito, hindi rin talaga maalis sa isipan niya na hanggang kailan siya magiging kuntento sa pagiging best friends nila kung palagi na lang parang pinipiga ang puso niya sa tuwing magkalapit sila.

 

Normal naman na nanonood sa training ng volleyball team si Irene. Sanay na ang team na nakikita siya at nakiki-epal sa ganap nila kasi nga best friend siya ni Wendy. Pero hindi pa rin sila masanay-sanay sa ka-sweetan nilang dalawa (na mostly siya ang dahilan) na inaasar na nga sila na kesyo mag-jowa o may something sila. 'Yun lang, laging nagde-deny si Wendy.

"Oy." Inabot ni Irene ang favorite ni Wendy na pocari habang nagpupunas ng pawis ang player.

"Talagang mapapa-sana all ka na lang." Sabi ni Seulgi at sumang-ayon ang ibang players. "'Di ba talaga kayo mag-jowa?"

Actually, hindi naman totally miserable para kay Irene ang sitwasyon niya. Kahit sa paraan na 'to, napapakita niya 'yung care kay Wendy nang walang pangamba na magkakaroon ng awkwardness sa kanila dahil iba 'pag may label na more than friends. 'Yun lang, hindi niya makukuha ang tunay at gusto niyang maging resulta sa lahat ng 'to.

"Inggit ka ba wala kang best friend?" Naka-dila pa nga si Wendy habang pinupunasan siya sa likod ni Irene.

"May best friend ako pero baka plantsa ang paraanin sa likod ko hindi bimpo. Masyado talaga kayong sweet para sa mag-best friend eh."

"Rene punasan mo nga rin si Seulgi, kulang sa aruga eh." At tumawa nang malakas ang setter ng volleyball team.

 

"Bakit hindi ka pa kasi umamin?" Tanong ni Seulgi habang hinihintay nila si Wendy na dumating sa court dahil bumili sandali.

Nag-panic si Irene at umarte na parang napaka-absurd ng tinatanong nito, "Huh? Anong aaminin?"

"Tss, 'wag ako. Alam ko 'yung mga ganyan-ganyan. May gusto ka sa best friend mo."

At parang tinarakan si Irene ng pana sa noo. Ganoon ba siya ka-obvious? Kung oo, bakit hindi pa rin siya makita ni Wendy?

"Kulit mo Seulgi, wala akong gusto kay Wendy."

"May kahalikan siya sa lockers kanina." Natawa pa si Seulgi nung very obvious na nanahimik at nagbago mga mata ni Irene, "Charot lang. Tingnan mo, halatang-halata ka eh."

"Oh eh ano naman? Che!"

"Kailan mo balak umamin?"

"Is that even an option para sa'kin? Pwede naman ako mag-admire from afar, well in my case nearby..."

"Tindi mo, masokista ka girl?"

"Ano gusto mo gawin ko?"

"Confess ka." Actually wala naman pake si Seulgi, gusto niya lang talaga magkaroon ng ganap dahil bored siya sa buhay at ang saya kaya mabuking ang secret crush ng isang tao. 

"Good idea ba 'yan?"

"Bakit naman hindi? Kaysa kinikimkim mo diyan sa loob mo. Ano ba mas nakakapangsisi? Umamin ng feelings at malaman mo saloobin niya o habambuhay na i-sikreto 'yan tapos best friend ka lang din forever?"

"Natatakot ako, Seul. I don't want to ruin our friendship pero hindi ko na yata kaya na maramdaman lahat ng 'to nang sikreto. Parang sasabog ako palagi sa feelings 'pag nakikita ko siya." Napahawak si Irene sa noo.

"Hala talandi amp." Binato pa siya ni Seulgi ng bola. "Malapit na Valentine's, sige ka baka may matipuhan siya, itsapwera ka na talaga."

"Hayop mo naman eh, bakit ka ganyan sa'kin?!"

"Duwag mo kasi."

"Fine! Aamin na ako!"

"Kanino?" Halos manigas buong katawan ni Irene at dahan-dahan na lumingon sa best friend niyang kadadating lang na nag-aayos pa ng sapatos.

"Uhh..."

"Wen oh, best friend mo aamin na sa crush niya." Aba't tarantado talaga ang Kang Seulgi.

Nagpamewang pa si Wendy na pinasahan ni Seulgi ng bola, "Sino? Wala ka naman kinukwento."

"Wala, wala. Nag-gagaguhan lang kami."

"Aba, nagse-secret ka na sa'kin ngayon, bff. Baka ako pala 'yan crush mo nako, sorry na lang at napakahaba ng pila."

Namumula mukha ni Irene, pero dogshow ang ibabalik niya para hindi halata na tama ang sinasabi, "Hindi pa naman ako nahihibang at hinding-hindi ako magkakagusto sa mayabang na mukhang bao naman ng niyog ang ulo."

"Kaysa sa'yo, mas gugustuhin ko pa bangungutin kaysa maging jowa mo."

Natawa pa si Seulgi sa asaran at umakbay kay Irene, "Pero Wen, paano kung ligawan ko 'tong best friend mo? Okay lang ba? 'Di ka magse-selos?"

Napaismid pa si Wendy, "Iyong-iyo na, ako pa magka-kasal sa inyo eh." At tumakbo na para mag-jogging ang hunghang na parang wala lang ang sinabi.

Nangilid pa nang bahagya luha ni Irene, parang mapa-volleyball o pag-ibig, olats siya. "Uy, Rene." Na-guilty naman bigla si Seulgi.

"Tanga, okay lang ako. Alam mo na ngayon kung bakit ayaw ko umamin?"

"Baka naman nagbibiro lang 'yon, alam mo naman ugali ng gunggong na 'yon."

"Hindi na Seul. Hindi pa start, alam ko nang game over na agad." Tumalikod na si Irene para umalis.

 

Hindi naman masakit para kay Irene ang mga asaran at dogshowan nila, pero ang masakit sa kanya 'yung kapag pinapamigay siya ni Wendy at walang pakielam kung sino man ang magkagusto sa kanya. Ang unfair talaga kapag one-sided kang nagmamahal, ikaw gusto mo sa'yo lang siya, pero siya pinapamigay ka na, tumitingin pa sa iba. Ang sakit kapag nagpapakita si Wendy ng interes sa ibang mga babae at minsan nga, sumasagi rin sa isip ni Irene paano kung tigilan niya na at kalimutan ang nararamdaman dahil kahit minsan, hindi nagpahiwatig si Wendy na interesado siya sa kanya na more than just a best friend. Kahit anong effort ni Irene, platonic lang lahat para kay Wendy at may kasama pa siyang pang-gagago palagi.

Nawala sa pagkakatulala si Irene nang biglang pabalagbag na umupo sa tabi nila ni Seulgi si Wendy, nakangiting kay lawak-lawak habang nakatingin sa telepono. Kung hindi pa yata siya magsasalita, lalamigan na 'to ng binili niyang kape para sa kanya.

"Wen."

"Oh bakit?"

"Kape mo."

"Oo wait lang."

Lumipas ang isang minuto at nakita ni Seulgi na nangangati na si Irene na malaman kung sino kausap ayaw lang magsalita, "Busyng busy ka dyan pre. Sino ba kausap mo?"

"Si Sana, 'yung pretty girl na nursing."

Sana pala hindi na siya nagtanong, lagi na lang siyang wrong timing dahil mas lalo nasasaktan si Irene, "Ah."

"Anong reaction 'yan? Inggit ka?"

"Bugok, may crush akong iba."

"'Yun naman pala eh. Rene, pwede mo ba 'ko tulungan sa essay ko mamaya?" Nakatulala si Irene at 'di sumasagot, "Rene?"

"Ah oo, oo."

Lumiwanag mukha ni Wendy at niyakap ang best friend, "The best ka talaga. May training pala kami mamaya so baka ma-late ako."

"Sus, si Irene lang naman talaga pagagawin mo."

"Tsk, panira ka naman ng diskarte, Seul. Sige na, pasok na 'ko. Salamat sa coffee, Rene."

Nag-iisip nang malalim si Seulgi habang pinapanood si Irene at Wendy, parang kailangan niya magpaka-fairy godmother at tulungan si Irene sa sitwasyon niya dahil siya na ang nahihirapan para sa kawawang nilalang na 'to na bigay na bigay sa lahat ng gusto ni Wendy. "Aamin ka sa Valentine's Day."

"Huh?"

"Aamin ka sa Valentine's at tutulungan kita."

"No thank you, gusto mo ba mamatay ako sa kahihiyan?"

"Eh mauuna ka pa ata mamatay sa kaka-selos diyan. Jusko mainit ka pa sa kape ko."

"Hindi ko kaya, Seul. Hindi ko kaya humarap sa kanya."

"Ako bahala, andito na ang fairy godmother mo kaya pasalamat ka."

"Bakit mo ba 'ko pinipilit umamin? Ano ba mapapala mo?"

Napangisi si Seulgi, "Simple lang."

"What?"

"Gusto ko ng drama, para naman may pagchi-chismisan tayo after grad."

"Siraulo ka ba?!"

 

Humingang malalim si Irene na nasa banyo at naghihintay kay Wendy na matapos magpalit. Natutulala na naman siya dahil sa napag-usapan nila ni Seulgi. Parang hindi siya ready sa plano, pero it's now or never na lang sa Valentine's dahil nahihirapan din talaga siyang itago ang nararamdaman habang tumatagal. Ilang minuto na rin lumipas at naiinip na rin si Irene sa bagal ng best friend, "Apakatagal naman, Wen--"

As if on cue, bumukas ang pinto, "Nagmamadali? May lakad?"

"Jusko, nagpalit ka ba talaga? Ba't ganyan itsura mo?"

"Bakit? Anong mali sa itsura ko?"

"Mukhang ang asim mo eh." Pabiro niyang sabi habang tumatawa kaya naman nginudngod ni Wendy 'yung mukha ni Irene sa pawisang jersey niya. Minsan parang hindi kapwa babae turing ni Wendy sa kanya, hetong ingungudngod mukha niya sa pinagpawisang damit, ipapaamoy ang basang medyas tapos sa sobrang komportable niya, pinapahiran niya pa siya ng pawis sa mukha pa talaga. Sa kanya lang nagagawa ni Wendy mga ganong bagay at minsan nga naiinggit na siya sa ibang babae dahil hindi ginagawa sa kanila ni Wendy 'yon. Parang kapatid lang talaga na ginagago turing sa kanya.

"Anong maasim? Sino maasim ha? Ang bango bango ko nga kahit nanlilimatik ako sa dumi at pawis!"

Sa true lang naman talaga, hindi lang mukha, pero mabango talaga si Wendy kahit humuhulas. Amoy baby cologne. Kunwari lang na naiinis siya, pero isa rin talaga sa pangarap ni Irene ibaon mukha niya sa leeg ni Wendy na basa ng pawis, "Namo talaga, kadugyot mo eh!"

"Pero love mo pa rin ako." Pang-asar sabi nito habang nakangiti at tumigil na naman po ang mundo ni Irene. 'Yung mga ganitong banat talaga ni Wendy 'yung dahilan kung bakit kahit anong pag-kalimot niya sa nararamdaman, wala siyang laban.

"Yuck."

"Yuck daw. Sus, kilig ka naman." At natameme si Irene na magkasalubong ang mga kilay. "Huuuy, kinikilig siya oh."

"No. Stop it."

Bigla siyang hinawakan ni Wendy sa magkabilang pulso at pinaglapit mga mukha nila, "Gusto mo ba totohanin na natin 'yung inaasar nila sa'tin?" Halos magwala puso ni Irene at bumigay na right then and there, pero hinampas siya ng realidad nung biglang tumawa nang malakas si Wendy at pinitik pa siya sa noo, "Char lang tanginang mukha 'yan. Ang serious mo naman!"

"Lubayan mo nga ako! Tara na, ang panghi dito sa banyo."

 

Hindi pa rin maka-move on si Irene sa banyo, muntik na siya mabuking. Sa loob loob niya, she needs to control her emotions more, hindi niya namamalayan lumalabas na ang totoong feelings. Tumikhim siya saka ipinarada ang sasakyan sa labas ng gate nila Wendy.

"We're here."

Usual na ang paghahatid niya kay Wendy kapag walang driver ito. Siya lang din naman kasi ang pinagkakatiwalaan ng mga magulang nito dahil noon pa man kilala na nila siya, "Five minutes pa."

"Pumasok ka na para makapagpahinga ka sa kama at saka wala na akong gas oh."

"Tsk," Inis na sabi nito, "Hindi ka ba dito matutulog?"

"No, marami akong gagawin. Sa isang araw na lang."

"Ugh." Pupungas-pungas ang mga mata nito na humarap kay Irene, parang may hinihintay.

"What?"

"Wala ka bang good bye kiss?"

Parang inipit na naman sikmura niya, "Hibang ka ba?!"

"Char lang!" Lakas ng tawa ni Wendy, "Ikaw lang talaga papasang best friend ko."

"Pinagsasasabi mo?" Pero na-curious siya, "Bakit naman?"

"Ikaw lang 'yung babaeng ayaw mang-chansing kahit binibigyan ka na ng chance. Daming babae diyan na patay na patay sa'kin na susunggab kapag sinabi ko 'yon sa kanila."

"Kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mo, Wendy." Sasabog na talaga si Irene. Juskolord, bakit naman ganito? Hirap na hirap na talaga siyang kontrolin ang sarili lalo kung ganito mga pinagsasasabi ni Wendy na alam niyang ginagago lang siya, "Bumaba ka na!"

"Ugh, babye na nga. Ingat ka ha." Sabi nito saka bumeso sa kanya (na normal niyang ginagawa kay Irene).

 

Pumito ang referee, senyales ng pagtatapos ng laro at sabay ang pag-huni ng mga nanalong manlalaro. Mula sa bleachers, nagmadaling naglakad si Irene pababa sa court para lapitan ang best friend at i-congratulate. May diskurso pang nangyayari between the players kaya matiyagang naghintay si Irene sa may gilid.

"Good game, good game. Pero Yeri, paki-adjust naman ng konti 'pag nagre-receive, mababa kasi 'yung bola. Sorry sa pangit na sets ko pala kanina." Nakangiwi na talaga si Wendy dahil natapilok siya nang very light kanina pero siyempre, captain duties muna bago sarili.

"Okay Ate Wends, noted. Okay ka lang ba? Natalisod ka ata kanina."

"Y-yeah, nothing I can't handle. Bihis na kayo."

Nang makita niyang nagsisi-alisan na ibang mga players, dahan-dahan na lumapit si Irene dala ang bimpo at pocari ni Wendy, "Nice game, kapitana."

"Nazareno ka ba? Lagi ka pinupunasan ni Mama Mary." Tanong ni Seulgi.

"Gaga ka talaga." Natatawang sabi ni Irene habang pinupunasan mukha ni Wendy.

"Hawakan mo kamay ko."

"Hmm?" Hinawakan naman ni Irene, "May masakit ba?"

"Hindi, gusto ko lang hawakan mo." Napa-palo na lang talaga si Irene sa noo. Hindi kaya ng puso niya 'to kaya naman pinalipit niya nang bahagya ang kamay nito na siya namang inarayan ni Wendy, "Aray! Masakit na nga paa ko, pati kamay ko babalian mo pa!"

Napatingin si Irene sa paa ni Wendy na namumusarga kaya naman na-alarma na siya, "! Gaga ka, bakit nagkaganyan paa mo?!"

"Natapilok ako while warming up, eh gumulong-gulong pa 'ko kanina habang naglalaro. Ouchhh."

"Gago Wends, bakit naglaro ka pa? Nako dapat dalhin ka sa clinic." Tutulong naman talaga si Seulgi, pero sayang naman opportunity. "Kaso may date ako eh um.."

"Tangina inuna pa babae kesa sa'kin?!"

The most normal way na makatulong is alalayan, pero si Irene na bida bida nag-prisinta pa ng--"Tsk, c'mon sumampa ka na sa likod ko dalhin kita sa clinic."

"'Wag na okay lang. Baka makita pa ng fangirls ko, maturn-off sila."

Umirap si Irene, "Suit yourself."

"Sabi ko nga pasanin mo na lang," Nakangiting sabi ni Wendy na dali-dali namang sumampa sa likod ni Irene. Habang binabaybay nila ang hallway, hirap na hirap na si Irene dahil ang likot-likot ni Wendy. Hetong humahagikgik sa tuwa at nang-aasar pa.

"Parang 'di ka naman injured, bumaba ka na nga." Kunwaring inis na sabi nito, "Pinagpunasan mo pa 'ko ng pawis. Ewww."

"Yoko nga," Mas hinigpitan pa ni Wendy ang yakap kay Irene sabay dila sa kanya, "Ang saya pala ng pinapasan, gusto ko palagi na 'to ah?"

"Ano ka prinsesa?" Pero sa totoo lang, kahit rayumahin pa si Irene, gagawin niya talaga nanginginig pa.

"Prinsesa amputa. Prince Wendy kasi."

Natawa si Irene bigla, "At sino naman ang prinsesa mo, kamahalan?"

"Ikaw." At sumikip na naman ang dibdib niya, but of course, ni-remind niya na agad ang sarili na Wendy's just being Wendy, 'yung manggagago palagi at babasagin ang pagpapantasya niya. Hinihintay niya na ang charot at punchline, pero wala siyang narinig. Umasa tuloy siya very light kaso pagsilip niya sa mukha ni Wendy na nakapatong sa balikat niya, nakangisi ang kupal, "Luh gusto pala? Crush mo talaga 'ko 'no."

"Inamo talaga bumaba ka na nga!"

Natatanong na lang ni Irene talaga bakit ba siya pumasok sa sitwasyon na 'to. Imbis na natutuwa at kikiligin siya sa mga banat ni Wendy, ibig niya siyang banatan dahil alam niya niloloko niya lang at pinagti-tripan siya. But still, hindi niya matiis dahil gusto niya, palagi niya siyang kasama.

 

Papalapit na nang papalapit ang Valentine's Day at mababaliw na si Irene sa sobang kaba at lagi pa siya kinukulit ni Seulgi na mag-prepare na ng letter dahil hindi niya nga kasi kaya na umamin verbally. Okay na siguro 'to kaysa naman mautal siya habang nagsasalita edi lalo siya pinagtawanan ni Wendy. 

Dearest Wendy,

I like

At nabali ang tasa ng pencil ni Irene sa sobrang cringe. Inihampas niya ang ulo sa pad paper dahil kinikilabutan talaga siya sa gagawing pag-amin. Pero sige, isa pang try. Parang masyado namang formal.

Dearest Wendy,

I like

Wendy,

Parang napaka-informal naman. " bakit ba ang hirap umamin?!"

Wendy,

Dear Prince Wendy,

Hindi ko alam magiging reaction mo, I hope hindi ka hihikain diyan kakatawa kasi never natin 'to ginawa. Please 'wag ka tumawa while reading. Seryoso ako.

Ikaw na siguro 'yung taong pinaka-nakakakilala sa'kin dahil seven years na tayong magkakilala. Pinaka-matagal na ata 'tong friendship natin sa lahat ng naging friendship ko sa buong buhay ko and I'm thankful na ikaw 'yung nandyan para sa'kin dahil you accept me for who I am at very open tayo sa isa't isa na ultimo tae mo alam ko kulay dahil lagi mo china-chat sa'kin. You always make my day brighter kahit lagi mo akong inaasar. I don't mind naman dahil love language na ata natin mag-gaguhan.

But this is not a letter para magpasalamat lang for the friendship at maging cheesy.

You always stay up with me kahit ka-pogian mo lang ambag mo kapag may math problem akong magdamag na sino-solve, kahit pagod ka sa training at pwede ka naman mag-taxi pauwi hinihintay mo ako palagi, kapag nakakatulugan ko na 'yung ginagawa ko dinadala mo ako sa kama para mas maayos na ako makatulog, kapag kumakain tayo binibigay mo sa'kin 'yung balat ng chickenjoy kasi alam mong mahilig ako doon. I could go on and on sa mga bagay na ginagawa mo para sa'kin dahil lahat naman nakikita ko. I know wala naman malisya lahat ng 'yon dahil natural lang sa'yo maging caring at maging maasikaso. And because of that, mahirap na hindi ma-fall sa isang kagaya mo. Mahal kita, Wendy. Hindi mo alam gaano mo ako napapasaya sa mga bagay na ginagawa mo dahil walang araw na hindi kita minamahal. 

Sige na, go, laugh all you want pero wala eh, that's what I feel about you. Minsan hinihiling ko na sana mawala 'yung nararamdaman ko dahil ayaw kong masira friendship natin, pero hindi ko kaya dahil 'di mo alam gaano kahigpit ang kapit mo sa'kin.

Won't keep this long dahil alam ko naman na attention span mo sing-iksi ng biyas mo. Hindi naman ako magagalit if you don't feel the same way, just...tell me kung ano nasasaisip mo.

Irene

 

 

"Bae bilisan mo naman! Gosh baka iwanan na tayo nila Dad."

"Ugh, ito na nga oh nakabihis na," Paglabas ni Irene sa banyo, dumiretso siya sa kinaroroonan ni Wendy sa may salaminan. Mag-aayos pa sana siya ng makeup, pero napansin niya agad ang necktie ni Wendy na hindi maayos ang pagkakabuhol kaya inayos niya agad. "Necktie necktie pa kasi. Ikaw ba si Avril Lavigne?"

"Chix mo naman." Nakangising sabi ni Wendy habang pinaiikot ang mahabang buhok ni Irene sa daliri, "Pa-kiss nga ako."

At minsan, napapaisip din naman si Irene: What if patulan niya ang kalokohang panghaharot sa kanya ni Wendy?

Tumingin siya sa kanya at nilapit ang mukha, "Oh."

Natawa si Wendy na may halong kaba. As Irene's best friend kabisado niya nang ayaw nagpapahalik ng kaibigan kaya hindi niya talaga inexpect 'yon, pero she's a woman of her word kaya naman humalik siya sa pisngi nito, "Pisngi? Ano tayo grade two?"

Medyo nakaramdam ng tensyon sa sikmura si Wendy. Antagal-tagal niya nang best friend si Irene pero 'yung side niya na 'to 'yung hindi niya pa nakikita ever. Kahit anong panloloko niya noon, 'di siya pumapatol tapos ngayon parang nahiya bigla si Wendy. Ang nerdy niya na best friend may tinatago palang harot. And that got her blushing, "Luh, baka 'pag lips masarapan ka mamula mukha mo diyan."

"Ako? Sus. Hindi lang mukha pupula sa'yo 'pag kiniss ko 'yan."

At para ngang nakaramdam si Wendy ng...

"Oh ano? Mukhang kinikilig ka na sa'kin ah?"

Magkatitigan sila at nabasag lang nang biglang, "Wendy, Irene! Girls, bilisan niyo na. We're late!"

"Yes tito!" Nauna na maglakad si Irene samantalang si Wendy mukhang naglo-loading pa utak. Iniling niya ang ulo saka lang nakahabol sa kaibigan.

"Ano 'to?"

 

Magkahawak ang mga kamay nila pagpasok sa venue. Normal lang naman 'yon sa kanila, pero hindi maiwasan ni Wendy na tumingin sa mga kamay nila pati na rin sa likod ng babae na naglalakad sa harap niya. Noon pa man din, crushable na talaga si Irene. Bukod sa maganda na ang panlabas, pati panloob maganda rin kaya nga naging magkaibigan silang matalik. Gustong-gusto talaga ni Wendy ang company niya at sobrang maalaga rin, parang baby ang trato sa kanya at kahit anong oras andyan siya para sa kanya. Sobrang swerte talaga ng magiging jowa ni Irene.

"Babe, are you listening?"

"Po?" Bumalik sa ulirat si Wendy nang kalabitin siya ni Irene dahil kinakausap siya ng Mom niya.

"I said, someone's coming back soon."

"Who?"

"Si Bambam!"

"Oh..." Napatingin sa kanya si Irene na medyo may iba na rin naramdaman sa reaksyon ni Wendy.

"What do you mean oh? 'Di ba he's your best friend and childhood crush?"

'Di lang basta childhood crush, crush turned puppy love pa nga bago natanggap ni Wendy sa sarili na she's a lesbian, "Ma naman. Hindi ako nag-necktie tonight para ma-tease about some guy. Kaloka."

"Whatever. Hindi ko naman sinabing i-date mo, maybe you can reconnect lang and hangout again like you used to."

Tumikhim si Irene saka itinaas ang plato, "Tita pahingi pa pong shanghai."

 

"So...Bambam." Una nang nagsalita si Irene dahil mukhang bothered talaga si Wendy.

"Ah...umm kababata ko."

"Na?"

"Puppy love lang 'yon, nothing serious. Tsaka hello, ako? And a guy? What the 'di ba?"

"Bakit hindi ko alam 'yan?" Medyo tumaas ang boses ni Irene, akala pa naman niya alam na niya lahat tungkol kay Wendy.

"'Yung alis niya, siya namang pagkakakilala natin nung high school and masama loob ko noon kaya hindi ko siya nabanggit."

"Sa itsura mong 'yan, akala ko talaga nbsb ka."

"Nbsb nga! Like I said, what we had was nothing serious. Ayaw ko nga siya makita eh. Baka mas gwapo pa 'ko sa kanya ngayon." Yumakap bigla si Wendy sa kanya, nagpapa-cute. "Sorry na, 'di ko nasabi."

"Buhay mo 'yan, ano naman sa'kin?"

"Grabe naman ang best friend ko, halika nga dito," At niyakap niya siyang mas mahigpit. Bakit parang mas masakit 'yon?

"Tama na, tama na," Tinulak niya na siya palayo nang marahan, "Hindi naman talaga big deal 'yan. Matulog na tayo." Humiga na si Irene sa pwesto niya at ito naman si Wendy talaga napaka-clingy, nagsumiksik na naman sa tabi niya. Siyempre marupok si ate mo Irene, hinayaan niyang yakapin siya ni Wendy sa pagtulog nito.

 

Dumating na ang Valentine's Day slash Judgment Day ni Irene. Nangangatog na siya sa kaba habang bitbit 'yung paperbag ng chocolate cake na binake nila ni future Chef Seulgi kasama ang confession letter niya at pinuno pa nila ito ng confetti. Iniisip niya kung mag-backout kaya siya, pwede pa naman last minute dahil hindi pa naman nakakarating kay Wendy, pero hindi siya maka-porma dahil bitbit ni Seulgi ang braso niya at kinakaladkad siya sa hallway. Wala itong balak na pakawalan si Irene na duwag at desididong magkaalaman na sila.

"Seul, pass muna, natatae ako." Kumakawala si Irene, pero wala siyang laban dahil malakas ang braso ng spiker.

"Putang--mamaya ka na jumebs! Andito na tayo sa lockers oh." Biglang tinulak ni Seulgi si Irene at sakto, kakasara lang ni Wendy ng pinto ng locker na puno na ng fan letters at Valentine's gifts.

"Oh Rene? Ano ginagawa mo dito?" Napatingin siya sa hawak ng babae, "Tsk, crush mo ata talaga ako."

Itinulak ni Irene sa tiyan ni Wendy 'yung paperbag at siya naman nitong tinanggap, "Tanga...sobra 'yung binake ko para sa mga prof." Napa-palo sa noo si Seulgi habang nagtatago sa isang hanay ng lockers. 

"Wow, salamat ah? Tira-tira pala." Natawa pa si Wendy habang binubunot 'yung laman ng paperbag.

"Just in case lang naman na kulang pa mga natanggap mo from your fangirls."

Kinakabahan na talaga si Irene baka biglang lumitaw 'yung letter eh ibabaon niya na lang ang sarili sa lupa. "Chocolate cake, my favorite. The best ka talaga, Rene."

"Ubusin mo 'yan, kokonyatan kita 'pag hindi. Sige alis na 'ko bye!" Tumakbo na paalis si Irene at nanalangin sa mga santo na maging maayos lahat at masagot na ang tanong niyang seven years niya nang tinatago.

 

Dumating ang weekend na nababaliw na si Irene sa bahay nila, pero wala siyang magawa dahil hindi man lang nagte-text o tumatawag si Wendy. Masyado ba siyang na-shock sa confession ni Irene o nahihirapan siya mang-reject ng best friend? Bawat ring ng phone niya, bine-brace niya na ang sarili kung ano sasabihin ni Wendy, pero sa kasamaang palad, walang dumating kahit isang text galing sa kanya kaya stressed na stressed si Irene na pumasok sa school nung nag-Monday na. Nagdadasal siya habang naglalakad sila ni Seulgi sa hallway na 'wag makasalubong si Wendy, pero hindi ata talaga pabor sa kanya ang universe at mga santo dahil bigla silang nagkasalubong. Tumalikod agad si Irene, pero tinawag pa siya nito.

"Rene! Oy Rene!"

Napatigil siya at napa-pikit. Ready na siya asarin at kantiyawan ni Wendy na totoong crush niya siya. Iniisip niya na kapag pinagtawanan siya ni Wendy, sasabihin niya na lang na pina-prank lang siya nila ni Seulgi kahit sa April pa ang April Fools. "Yes?"

"Bakit kasama mo 'tong oso?"

"Nagpatulong ako sa assignment."

Nagdilim paningin ni Wendy bigla, siya lang may karapatan magpagawa kay Irene ng mga school works, "Ginagamit mo ba best friend ko?"

"Hoy, kapal mo naman 'di mo 'ko kagaya na abusado."

"Gunggong na 'to palibhasa puro pagkain nasa utak."

"Malamang culinary course ko."

"Ano Rene? Punta ka sa training mamaya?"

"Uh oo naman, bakit?"

"Pasabay pauwi hehe, nag-day off na naman kasi driver ko."

Nagtataka si Irene, ito ba ang way ni Wendy ng pangre-reject? Panggap na walang alam para hindi sila maging awkward? O baka naman kaya sasabay umuwi kasi mamaya pa nila pag-uusapan? "Sure."

"Tayong dalawa lang ah?" Tumingin pa mula ulo hanggang paa ni Seulgi. "May pag-uusapan tayo."

"Okay..." Nagkatinginan sila ni Seulgi. 

"O..kay..." Ito na ba ang awkwardness na kinakatakot ni Irene? "May problema ba?" Tanong ni Wendy na nawe-weirdohan sa best friend niya na hindi maipinta ang mukha.

"Nothing, sige bye. Tara Seul."

 

Dumating sila sa bahay ni Wendy, as usual, ang daldal ng volleyball player talking about her day tapos si Irene naman parang bumibigat ang mga paa habang umaakyat sila sa hagdan papunta sa kwarto ni Wendy. Ayaw niya talaga being confronted about feelings, pero inevitable ata talaga para sa situation niya. Buong buhay niya ngayon lang siya nag-confess at hindi niya alam anong next na mangyayari sa kanila. Ayaw niya sana mag-isip ng negative, pero iniisip niya pa lang na ire-reject siya ni Wendy, parang wala na siyang ihaharap na mukha sa kanya ever.

"Rene?"

"Hmm?"

"Alam mo lagi kang tulala."

Umupo si Irene sa gaming chair ni Wendy at nagpaikot-ikot, "Ah..marami kasi ako kailangan tatapusin." 

Biglang humawak si Wendy sa mga braso ng upuan at tiningnan siya sa mata, "Don't even try na magsinungaling. Alam ko naman bakit ka nagkakaganyan. Bakit hindi mo sinabi sa'kin agad?"

Parang hinihingal si Irene, nasusuka na siya sa kaba, "Wen, hindi ko kasi alam paano ko sasabihin at kung ano magiging reaksyon mo. Pinigilan ko naman, pero hindi ko talaga kaya."

Napayuko si Wendy at humingang malalim, "I'm sorry."

Naramdaman ni Irene na sumakit ang dibdib at nangingilid luha niya. Alam naman niya eh, hindi naman siya nag-expect din kasi parang kapatid lang turing ni Wendy sa kanya. Siya lang 'tong gahaman na gusto mapa-sakanya ang best friend at i-reciprocate nito ang feelings niya. Seven years na tinago at ngayon na ito mapuputol. Okay lang. Okay lang para matapos na rin at maka-move on si Irene. Mahirap naman talaga umasa sa wala. "Okay lang, Wen."

"Anong okay? Eh hindi nga okay sa'kin."

"Huh?"

"Hindi kayo pwede ni Seulgi. May ibang kalandian na 'yon ano ka ba? Hindi ako enabler ng cheating. Best friend kita pero--"

"Anong sinasabi mo?" Nalilito na si Irene sa pinag-uusapan nila at napatayo sa upuan.

"Anong sinasabi mo?" Binalik ni Wendy ang tanong, pero 'di sumasagot si Irene kaya nung lumipas ilang segundo siya na lang nagsalita, "Lagi kayo magkasama and you guys always talk privately. Tinutulungan mo pa sa assignment ngayon so I assumed there's something going on between you two."

Napa-palo sa noo si Irene, naguguluhan na siya sa nangyayari talaga. Bakit ba ganito? "Jusko Wendy, wala kaming relasyon!"

"Ganon?" Napa-kamot sa ulo bigla si Wendy, "Eh ano 'yung sinasabi mo kanina?"

"Wala! Trip ko lang mag-drama!"

 

Naka-report na agad kay Seulgi ang ganap ni Irene at napapa-palo na lang siya sa noo dahil sa dalawang kupal na kaibigan niya. Para matapos na ang kalbaryo sa buhay ni Irene, eto na naman si Seulgi, iaalay ang sarili para malaman na kung ano ba talaga nasa sa loob ni Wendy. Hindi niya na kaya 'to talaga, parang mamamatay siya sa slowburn ng storya. Habang break sa training, nilapitan nito si Wendy.

"Wends."

"Oh?"

"'Di ba binigyan ka ni Irene ng cake?"

Nagsalubong kilay ni Wendy, 'di natutuwa na nagkakaroon ata siya ng karibal sa best friend niya. Bakit ba lagi silang magkasama at parang sobrang close naman nila ngayon? "Oo, bakit? Binigyan ka rin?"

"Umm ano kasi pre..."

Nag-init na ng tuluyan ulo ni Wendy at hinawakan sa kwelyo si Seulgi, "Tangina ano? Pino-pormahan mo ba best friend ko, Kang Seulgi? Sa lahat ng gagaguhin mo, 'wag si Irene. Sinasabi ko sa'yo magkakasira tayo." 

"Hindi kasi pre! Sabay kasi kami gumawa ng cake, nagkapalit ata 'yung sa'kin at 'yung binigay niya sa'yo."

"Huh? Hindi ba pare-pareho 'yon?"

"Tol may love letter kasi 'yung akin para sa crush ko...mukhang hindi nakarating sa pagbibigyan ko eh. Walang reply." Testing lang naman kung magpapatay mali pa si Wendy.

"Ay, putangina." Na-shock pa si Wendy at napahawak sa bibig, "Pre sorry, itinapon ko 'yung paperbag pagka-kain ko nung cake. Ang dami naman kasi ng nilagay mong confetti kaya akala ko wala nang ibang laman at kalat lang kasi so..."

"Sure ka?" Napakamot sa ulo si Seulgi bigla. 

"Pre sorry talaga." Sa reaksyon ni Wendy, mukhang totoo talaga.

"'De, okay lang. Um..may iba pa naman chance." Muntik pa niya makalimutan, "Asan ka pala nung weekend? Aayain sana kita lumabas, pero 'di ka ma-contact."

"Umalis kami ng parents ko, spontaneous camping trip lang sa Zambales. Walang signal sa lake eh."

 

Ang hirap dayain ng tadhana, parang may ibang plano para sa dalawa niyang kaibigan. Parang gusto pa sila paglaruan o 'di kaya ay ito na ang gumagawa ng paraan para hindi sila magkatuluyan.

"Ayon ang sabi niya..." Napahingang malalim si Seulgi habang sakay-sakay siya ni Irene sa kotse nito. Tumulo luha ng babae kaya tinapik niya siya sa likod, "Rene, I'm sorry pumalpak plano may iba naman--"

"Naniniwala ka ba na tinapon niya talaga?"

"Rene..."

"Napaka-imposibleng hindi niya nakita 'yon, Seulgi. It's a ing five by six baronial envelope, anong hindi niya makikita o mapapansin doon? Way niya lang 'yan para i-reject niya ako nang walang sinasabi. 'Pag sa mga babae talaga ang bilis ng utak at ang galing-galing."

Napahingang malalim si Seulgi, "Ano na plano mo?"

"Edi ano pa ba?" Defeated sobra ng pakiramdam ni Irene, "Magpapaka-best friend habambuhay at kakalimutan na lecheng feelings."

 

Hindi alam ni Irene kung paano ba siya magsisimulang mag-move on sa feelings nang nakikita at nakakasama si Wendy araw-araw. Hindi niya siya magawang iwasan dahil si Wendy mismo gumagawa lagi ng paraan para magkasama sila at ayaw din naman niya na maging totally awkward sila. Mas matimbang pa rin naman napag-samahan nila kaysa sa rejection na ginawa ni Wendy, hindi na magpapaka-immature si Irene at tatanggapin na lang pagkatalo sa puso ng best friend niya.

 

One month later*

 

Abala gumawa ng assignment si Irene sa gilid ng court habang naghihintay na matapos training nila Wendy. Siyempre, kahit nasa moving on stage siya, hindi pwedeng magpabaya sa pag-aaral at hindi pwedeng pahalata na umiiwas siya kay Wendy. Mas madali, tahimik at hindi masakit sa likod kung sa library siya pupunta, pero once pa lang siya this week nanonood sa training ng volleyball team kaya doon na lang niya pinili mag-aral.

Gusto niya talaga pinapanood si Wendy kung paano kuminang mata niya 'pag nagto-toss ng perfect set, 'yung pag-exhale niya nang malakas para maibsan ang pagod, 'yung pagpunas niya ng pawis gamit ang balikat at--, nag-iisip na naman si Irene. Mali 'to, sa loob-loob niya.

Sinampal niya ang dalawang pisngi para magising, "Move on, Irene, move on."

"Excuse me, Irene, right?" Tanong ng lalaki.

Nagulat pa si Irene, "Y-Yes. May need ka?"

"I'm Mingyu. Kaka-transfer ko lang, sa'yo kasi ako pinapunta ni Ms. Kim about sa requirement sa kanya."

"Ah okay, ano ba socmed mo? Send ko sa'yo."

 

"Oy Wendy, hangout naman tayo pagtapos ng training niyo." Sabi ng music student na si Sua.

"Sige--" Napatingin siya sa bleachers, kita niya agad 'yung matangkad na lalaki na kausap ni Irene. Mukhang nagpapalitan sila ng number dahil mga naka-labas ang telepono. "Actually medyo bugbog ako today, sa ibang araw na lang siguro."

At naglakad na si Wendy palayo kay Sua. 'Di niya alam bakit hinihila siya bigla ng mga paa niya papunta kay Irene. Noon naman wala siyang pakielam kung makipag-date siya kung kanino niya gusto, supportive pa nga siya sa kanya eh (unless kay Seulgi na may kalandian). Pero 'di niya maintindihan ngayon bakit parang gusto niya siyang ipagdamot. Parang napapansin niya kasi may nag-iba tuwing nakatingin siya sa kanya. Hindi pa rin nawawala sa isip niya 'yung nangyari sa dinner nila ng mga magulang niya kasama si Irene na tumibok puso niya in a different way tapos 'yung unexplainable feeling of jealousy? na nararadaman niya 'pag magkasama sila ni Seulgi. Sa sobrang pagmamadali, hindi na siya nakailag sa lumilipad na bola na dumiretso sa mukha niya.

"Gago Wen!" Tangina, si Seulgi pang spiker ang pumalo kaya napahiga si Wendy sa lapag. "Sorry gags, bakit ka ba kasi tumatakbo sa may harap ng net?"

Bumangon si Wendy, hawak ang kaliwang mata na medyo masakit lang naman. "Shuta ka feeling nasa UAAP ang palo. Okay lang ako."

"Ano nangyari?" Naroon na agad si Irene to the rescue at kahit na-bangas mukha niya, nalubagan na ng loob si Wendy.

"Mommy ang saket!!!"

 

"Tsk. Hawakan mo kasi. Gusto mo ba lumala 'yan?" Kailangan mag-reply ni Irene kay Mingyu tungkol sa project, pero ito na naman si Wendy na nagpapa-baby at gusto niya siya pa humawak ng yelo sa mata niya.

"Bakit ba ayaw mo 'ko alagaan? Puro ka cellphone."

Napakamot na lang ng ulo si Irene sa frustration, "Mata lang 'yan masakit sa'yo Wendy, hindi kamay."

"Mata lang? 'Pag 'di gumaling 'to yari ang volleyball team ng school."

"Ugh."

Hinawakan niya si Irene sa baba at iniharap sa kanya ang mukha nito na nakatingin sa phone, "Focus on me." And Irene did just that, palagi naman. Humiga siya sa tabi ni Wendy, nakatukod ang kaliwang siko at sapo ang mukha sa kamay habang 'yung isa niye-yelohan ang mata ni Wendy na kanina pa naman okay. Mga ilang minuto rin lumipas at napansin ni Irene na natunaw na ang laman ng ice bag, akma sanang tatayo, pero kinuha ni Wendy ang ice bag sa kamay niya at itinapon somewhere sa kwarto, "Dito ka lang."

Magsasalita pa lang sana siya, pero hinila siya ni Wendy at niyakap kaya gulat na lang siya nasa dibdib na ni Wendy ang mukha niya. "Hoy may assignment pa 'ko. 'Yung carebears mo na lang yakapin mo sa pagtulog." Paano ba siya magmo-move on kung ginaganito naman siya ni Wendy nang trip niya lang? Established na sa best friend relationship nila na si Wendy ang clingy, kaya kahit minsan, hindi nag-iinitiate ng yakap o platonic kisses si Irene. Tuwing ginagawa ni Wendy, sinusulit niya noon, pero ngayon gustong-gusto niya umiwas dahil gusto niya na nga pahintuin ang feelings.

"Assignment lang 'yan, ito duty mo...bilang best friend ko."

 

"Irene, thank you sa notes ah." Kumaway si Mingyu paglabas ng classroom. Ang sama ng tingin ni Wendy sa kumag na 'yon, hinihintay niya kasi lumabas si Irene at 'yon ang bumungad sa kanya.

"Welcome!" Nakangiti naman ang babae habang kumakaway din. Nagkita na sila ni Wendy, pero naagaw pa ulit ang atensyon niya nang tawagin siya ng dean's lister na si Bogum. "Wait lang, Wen."

Pinapanood lang ni Wendy paano casually hawakan ng lalaki ang best friend niya at hindi siya natutuwa dahil alam niya may ibang motibo ito. "Kung gusto mo group study tayo sa bahay?"

"Ah--" Sasagot pa lang si Irene pero humawak bigla sa braso niya si Wendy.

"Ano ba? Gagabihin tayo sa daan."

"Next time na lang, Bogum."

 

Nasa kani-kaniyang pwesto ang dalawa sa magkabilang dulo ng kama. Pinagmamasdan ni Wendy ang best friend niya na abala sa project niya habang siya nanonood lang kunwari sa TV. Taga-gawa niya talaga ng project si Irene na kahit kailan 'di umangal sa katamaran niya, pero hindi naman mahirap ang task ngayon at kaya niya gawin mag-isa, humahanap lang talaga siya ng excuse para magkasama pa sila nang matagal ni Irene at maging busy siya sa mga kamay na wala nang time para makipag-usap sa iba.

Naisip niya bigla, si Irene 'yung tipo na nag-college lang, hindi lang tinamaan, pero parang sinagasaan ng rumaragasang puberty. Noon, hindi naman siya masyadong pansinin, pero ngayon maraming umaaligid at naiinis si Wendy sa mga nagpapapansin sa kanya. Hindi lang naman kasi sa panlabas maganda si Irene kaya drawn si Wendy sa kanya at parang nakakaramdam na nga siya ng something eh.

"Rene."

"Oh?" Hindi natitinag sa pag-gupit ng papel ang babae.

"Maganda ka pala."

Pumakat ang gunting sa papel at napatingin siya kay Wendy. Lagi niyang hinihintay ang punchline, pero sa pagkakataon na 'yon, walang dumating at hindi siya mukhang nang-aasar. "Ilang words na essay 'yan? Thesis ba? Reflection paper?"

Gumapang bigla si Wendy papunta sa kanya at nakaramdam ng kaba si Irene nung nagkatabi na sila. Sabi niya magmo-move on na siya, pero hindi niya pa rin maiwasan na makaramdam ng something 'pag ganito sila ka-close, "Wala akong kailangan. Sinabi ko lang na maganda ka that's it."

"Tulungan mo na lang ako dito, natuwa pa 'ko sa'yo."

Napakagat sa labi si Wendy, kahit kailan hindi siya tumingin nang may malisya kay Irene kahit nagkakagusto siya sa babae, pero habang tumatagal ang titig niya ngayon, marami na siyang napapansin sa best friend niya. Although may baby fats pa rin, mas defined na ang features niya, 'yung buhok niya na bruha-bruha nung high school natutuhan niya nang ayusin at suklayin, makinis pa rin naman ang balat at 'yung dibdib niya, may umbok na at hindi na flat chested tulad noon.

Hindi namalayan ni Wendy, humawak siya sa pulso ni Irene na siya namang napatigil sa ginagawa at napatingin sa mga mata niya na nag-iba. "Bakit?"

"Rene."

"O-oh?"

Hindi niya alam kung libog o ano, pero dahan-dahan niya inilapit ang mukha niya, but before she could do anything na lalampas sa linya na ginagawa ng mag-best friend, she snapped out of it, "Ang bango ng perfume mo, ano 'yan?"

 

Nag-iinit kalooban ni Irene at ngayon lang siya nakahingang maluwag nung lumabas si Wendy sa kwarto para kumuha ng iinumin. Hindi niya makalimutan kung paano tumitig si Wendy sa kanya kani-kanina lang at 'yung paglapit ng mukha niya, parang may iba siyang balak talaga. Hindi niya alam kung nag-iilusyon lang ba siya o ano, pero naguguluhan siya sa inaarte ng kaibigan niya. Pinagsawalang-bahala na lang niya dahil alam naman niya na imposibleng magustuhan siya ni Wendy. 

 

"Again!" Sigaw ng Coach. "Shon! Ayusin mo nga laro mo! Hindi kayo titigil hangga't 'di mo inaayos set mo!"

Napahingang malalim si Wendy, konti na lang mababali na mga daliri niya, pero kahit isa wala siyang magawang matinong set. "Sorry, Coach, bawi ako."

"Wen, game na."

"Game!"

Nag-service ang Team B, ni-receive ni Yeri at tinoss ni Wendy ang bola kay Seulgi na siya naman maayos na napalo nito. Umulit pa sila ng sampung beses saka lang pumito ang coach para itigil ang practice.

"Okay team, pahinga muna 'yung iba. Shon, mag-practice ka, give me 100 tosses."

"Yes Coach."

Ang tingin niya sa bolang ina-angat niya, pero ang isip, doon sa best friend niya na mula noong isang araw pa hindi nawawala sa isipan niya. Ang gago lang, hindi siya makapaniwalang muntik niya siyang halikan. Her best friend of seven years, muntik niya na sirain 'yon at nagagalit siya sa sarili. Nagagalit siya dahil naguguluhan siya kung bakit disappointment ang nararamdaman niya na hindi niya itinuloy imbis na maging disappointed siya sa iniisip niya sa best friend niya. Irene's not like other girls na hinaharot niya at ramdam niya talaga, unti-unting nag-iiba ang pagtingin niya sa kanya.

"Gusto ko siya?"

Boom! Sapul na naman siya ni Seulgi ng bola sa mukha.

"Gagi, Seul, baka maalog na talaga utak niyan."

"Pre! Sorry, okay ka lang?"

 

Mahirap talaga ipaliwanag ang feelings, mas madali na ipakita ito. Maybe that's why they both at confessing.

 

"Shot!"

Nagka-ayaan ang volleyball team with other people na naka-kaklase nila na mag-hangout at mag-inom.

"Urgh.." Napangiwi si Wendy sa pang-sampung shot niya ng cuervo with salt and lemon. Mukha lang malakas siya, pero bano talaga siya pagdating sa inuman. Umiikot na ang mundo niya, samantalang sila Seulgi nagtatawanan pa na parang walang mga iniinda. Hinahanap ng mga mata niya si Irene, pero biglang may humarang sa harap niya.

"Hey Wen." Inaninag mabuti ni Wendy ang mukha nito. Si Jennie pala na med-tech student na matagal niya nang crush.

"Hi Jen."

"So, tell me, ano ang mas hard? Training or ang abs mo?"

Natawa pa slight si Wendy at humawak pa sa abs niya, "Alin ba sa tingin mo?"

"Hmm hindi ako sure, kailangan ko ma-experience para malaman ko. Well since abs mo lang nandito..."

Tutusok pa lang si Jennie sa abs niya nang biglang nakita ni Wendy si Irene na ka-table si Bogum at Mingyu. Aba't dala-dalawa pa talaga, siya rito iisa lang. Tumayo siya bigla sa upuan sa inis at inagaw ang shot mula kay Seulgi.

"Gago antakaw mo sa alak! Turn ko pa!"

"Wala kang pake!"

Narinig ni Irene ang bardahan ng mga kaibigan kaya napa-tayo siya sa upuan at lumapit sa kanila, "Ano nangyayari dito?"

Napahawak si Wendy sa bibig, lalo lang umikot mundo niya dahil kinalog-kalog pa siya si Seulgi. Tumakbo siya papunta sa banyo at sinundan siya ni Irene na hindi mapalagay sa inaarte ni Wendy.

"Wen, stop na. 'Wag ka na sumali sa ikot." Nag-aalalang sabi ni Irene na wala pang iniinom ni isang patak dahil alam niya, magiging chaperone na naman siya ni Wendy.

"'Di pwede, I'm not weak." Naghugas siya ng kamay, halos sinisipon na siya pero ayaw pa paawat.

"Tsk, ang kulit naman. No one's saying na mahina ka."

"Bakit ba nakikielam ka?"

Napahawak sa noo si Irene, ganito talaga ganapan ni Wendy 'pag lasing, "Baka sumuka ka pa sa kotse ko. Tumigil ka na."

"Ah, akala ko pa naman concerned ka sa'kin." Paro't parito siya sa paglalakad sa banyo, 'di alam ang gagawin.

"Wen, ano na naman pinagsasasabi mo? Tama na, you've had enough. Ihahatid na kita." Hinawakan niya siya sa pulso, pero siya ang binatak ni Wendy palapit at isinalya sa nakasarang pinto. "Wen, masakit! Gaga ka--"

Yumuko si Wendy at ibinaon ang mukha sa leeg niya, "I love you."

"Tangina, Wen lasing ka na talaga." Gusto maiyak ni Irene, ayaw niya ng mga ganito, hindi niya kaya.

"Seryoso 'ko."

Nagkatinginan sila at ramdam ni Irene ang pagkatotoo ng mga salita nito kaso lang imbis na mainit na halik, mainit na suka ang natanggap niya.

 

Nangangasim ang sikmura pati mukha ni Irene tuwing naaalala niya ang napakagaling na stunt ni Wendy sa bar. I love you na may suka. What the . Hindi niya alam kung matutuwa siya o mababanas eh. Pero napapangiti naman siya tuwing naaalala niya rin ang nangyari pagtapos non.

Naiuwi niya na si Prince Wendy na pasan-pasan niya na naman at ibinagsak sa kama nito. "Leche ka, nakakawala lagi ng poise at ganda pinaggagagawa mo sa'kin!" Nakapag-palit na siya ng damit pero andon pa rin 'yung feeling ng suka sa katawan niya.

"Bakit? Kanino ka nagpapaganda? Mingyu? Bogum? Kanino?!"

"Pinagsasasabi mo?! Magbihis ka na nga!"

Kahit half-tulog na si Wendy, pikit-mata na sumunod siya kay Irene at hinubad ang oversized shirt niya right there sa kinauupuan niya. Bumaba agad tingin ni Irene sa abs niya na minsanan lang magpakita 'pag naglalaro siya ng volleyball at maikli ang damit na suot. Napakagat siya sa labi, 'di niya rin talaga mapigilan eh. "Bihis mo 'ko."

"Hoy Prince Wendy, ano ako? Alalay mo?" Winagayway niya 'yung pamalit na damit ni Wendy sa harap niya, pero imbis na 'yung damit ang kunin, kamay niya 'yung hinatak. 

"Edi 'wag na magbihis."

"Hoy gaga ka! Pawis na pawis ka!"

Wala na pinakinggan si Wendy at tuluyan niya nang niyakap si Irene at ibinagsak mga katawan nila sa kama niya.

Pero hindi, hindi pwedeng ma-fall na naman! Kailangan niya talaga itatak sa kokote na 'yung mga galawan ni Wendy eh walang meaning at puro kagaguhan lang. Bakit ba pati pagmo-move on, pinapahirapan siya ni Wendy?

 

"Mine na oh mine!" Sabi ni Seulgi bago ni-receive ang service ni Wendy. Nang naitaas niya na ang bola, ni-set ni Joy para sa kanya.

"Wow, ang y naman ng chix na 'yan!"

Bilang captain ng volleyball team, main requirements na siguro 'yung maging focused and sharp, pero wala naman sila sa UAAP and laro-laro lang naman sila sa beach ng mga ka-team slash tropa niya at natukso si Wendy na alisin ang focus at tiningnan kung sino tinutukoy ni Joy. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa naka two piece na Irene na naglalakad papunta sa kanila.

Boom! Bangas na naman mukha ni accla sa spike ni Seulgi.

"Gago ka talaga! San-san ka tumitingin!"

"Feel ko talaga by the end of this sem, magkaka-amnesia na si Wendy. Lagi na lang ulo pinang-rereceive." Sabi ni Joy at natatawa na rin si Yeri na partner ni Wendy sa game.

Hindi sila pinapansin ni Wendy at nakadikit ang tingin kay Irene na tumatakbo na ngayon papunta sa kinaroroonan nila. At ito na naman si Prince Wendy, sakit-sakitan na naman akala mo semento tumama sa ulo.

"Aray gago nahihilo ako." Humawak pa sa noo si tanga. "Sub muna sa'kin si Jisoo."

Napaka-dramatic ng pag-gapang niya palabas sa linya ng buhangin at sakto dumating na si Irene. Lumuhod siya sa buhangin at dali-daling humiga si Wendy sa hita niya at itinuloy ang kaartehan niya. "Wen, ano nangyari?"

"Laki ng buko." Nakatingin siya sa taas. May coconut tree, pero ibang buko tinitingnan niya.

"Huh?"

"Laki kako ng bukol ko." Tumuro siya sa noo at nag-alala naman na tumingin si Irene sa non-existent bukol.

"Parang wala naman?"

"Gusto ko ng buko juice."

Napakamot sa ulo si Irene, malakas nga siguro talaga palo ni Seulgi. Nagha-hallucinate na si Wendy eh. "Sige, mamaya paiinumin kita."

Lawak ng ngiti ni Wendy at napabangon bigla, "'Yan gusto ko sa'yo eh."

"Huh? Buko juice lang naman?"

Kinuha ni Wendy 'yung kamay ni Irene at inaya siyang tumayo na, "Guys, pahinga muna kami saglit."

"Teka, ba't kasama 'ko? Gusto ko mag-swimming." Bumibitaw si Irene, pero hinigpitan lang ni Wendy ang hawak.

"Samahan mo na 'ko, Rene." At hindi na nakapalag si Irene dahil mas malakas si Wendy sa kanya at kinaladkad na siya paalis.

 

Tinulak ni Wendy si Irene sa kama ng tinutuluyan nila at nakaramdam ang babae ng kaba. Silang dalawa lang don at ni-lock pa ni Wendy ang pinto. Bawat hakbang ni Wendy palapit sa kanya, palakas nang palakas pintig ng puso niya at nang huminto na sa harap niya, biglang bumaba mukha ni Wendy sa tapat ng kanya.

"Wen?" Tawag niya. Nakangisi lang si Wendy at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng katawan niya at nung masyado nang malapit, napapikit siya.

"Put this on." Itinapon ni Wendy ang long sleeve shirt niya sa mukha ni Irene at badtrip agad ang babae.

"What the--Ayoko nga!"

"What?!"

"Minsan na lang ako mag-two piece hahadlangan mo pa."

"Bakit ba ayaw mo sumunod?"

"Bakit ba nakikielam ka sa suot ko? My body, my choice."

"Okay, fine. Pero dito lang tayo maghapon."

"What?! Hindi ako nagpuntang beach para magtago sa room!"

 

Sama ng loob ni Irene, talagang 'di nagpatalo si Wendy at pinayagan lang siya lumabas nung sinuot niya ang long sleeve shirt nito. Talagang pinararamdam niya kay Wendy na badtrip siya dahil kanina pa naka-busangot mukha niya at haba na haba ang nguso.

"Kumain ka na." Nilagay ni Wendy ang isang pagawpaw na plato ng chicharon bulaklak sa harap ni Irene, favorite niya 'yon eh.

"'Di ako gutom." Naka-irap pang sabi.

Humingang malalim si Wendy at nagsimula na siyang kumain, "Look, alam kong badtrip ka pero I just want to protect you."

"Protect me from what? It's not like I'm the only person na naka-two piece sa beach. Ikaw nga naka-two piece eh."

"Tsk, kumain ka na lang!" Tumayo bigla si Irene, magkasalubong kilay, "Anak ng--"

"Bibili lang ako ng buko, leche ka."

 

Maganda naman talaga si Irene at may karapatan siya mag-maganda. Selfie selfie lang naman siya sa terrace ng villa nila habang golden hour at biglang bumukas ang sliding door, lumabas si Wendy at lumapit sa kinaroroonan niya. Walang imik, basta nanonood lang sa kanya at biglang na-conscious si Irene.

"Hoy, 'wag ka nga tumingin!"

"Bakit? Binili mo ba 'yung view?" Dumila pa si Wendy. 

"Tsk! Makaalis na nga!" Hinatak siya bigla ni Wendy at pinulupot ang isang braso sa may tiyan niya kaya napa-sandal siya sa katawan nito. Parang kinilabutan si Irene dahil sa skin to skin contact nila, nagdasal na lang siya na sana hindi napansin ni Wendy, "Ano ba, Wen..."

"Picture tayo." Pinatong pa ni Wendy ang baba niya sa balikat ni Irene at imbis na makangiti siya nang natural, parang crooked pa ang smile niya sa pag-aalangan. "Parang ayaw mo ah?"

"Parang ewan eh." Picture picture lang naman sila na parang mag-jowa sa mga pose. Wendy's in a trance, naghalo ang pakiramdam ng balat ni Irene at amoy ng pabango nito sa senses niya at hindi niya namalayan, pinaparaan niya na ilong niya sa may batok ni Irene at humihigpit ang kapit niya sa bewang nito. "Wen..."

The she woke up, "Huh? What?"

"Nakikiliti ako." Ilang segundo rin lumipas at imbis na sabihin ni Wendy ang tunay na nararamdaman, kiniliti niya si Irene nang totoo. "Aya--ah!! Gaga ka talaga!!!"

 

Gulong-gulo na talaga isip ni Irene. Nahihirapan na nga siya mag-move on tapos ngayon binibigyan siya ng rason ni Wendy para isipin na may something siya sa kanya. Inaasar pa rin naman niya siya, pero hindi na tulad noon tapos parang may nag-iba talaga lalo na sa mga tingin niya. Pero hindi pa rin naman siya convinced totally, baka 'pag nag-assume siya, masaktan na naman siya dahil wala pala talaga. Bahala na lang.

Nananahimik lang naman si Irene, nagre-ready sa long quiz nila mamaya. Biglang pumasok sa room si Bogum at tumabi sa kanya saka nagbukas ng libro.

"Hi, Irene, pwede patulong ako dito? Medyo nahihirapan ako."

Hindi naman madamot si Irene sa mga kaalaman niya, "Sure, mukha lang mahirap pero kayang-kaya mo 'to. Ikaw pa ba, eh dean's lister ka?"

Explain explain naman si ate mo Irene habang 'yung magaling na dean's lister nakatitig sa kanya imbis na sa libro. Nakakaramdam naman si Irene, hindi siya bato, pero imbis na bigyan niya ng atensyon, ginagawa niya na lang ang hiniling nito. "Oh gets ko na. Ang galing mo talaga magturo."

"No problem." Nakangiti niyang sabi.

"Libre kita mamaya after this. For helping me lang naman dito sa lesson. Bawal mag-no." Tumayo na si Bogum at pumisil pa nga sa pisngi niya.

 

Ang tagal na ng cravings ni Irene sa ramen, hindi lang siya makabili dahil sabi ni Wendy sabay sila kakain sa weekend. Pero ito siya ngayon, Friday pa lang at parang fine-facial na mukha niya sa usok ng noodles habang kumakain nang magana.

Hanggang tenga ngiti ni Bogum, parang naka-puntos ng isa at kitang-kita niya na nage-enjoy si Irene sa kinakain nila. Inipit niya sa chopsticks ang gyoza at inilapit kay Irene para subuan siya, "Try mo 'to, Irene. Masarap gyoza nila."

"Baba mo dito." Tumuro pa siya sa platito, pero hindi pumayag si Bogum.

"Subo mo na."

 

Nagmamadali mag-lakad si Wendy palabas sa mall, bumili pa kasi siya ng muscle tape at male-late na siya sa training. Malapit na sana siya sa pinto, pero nakita niya 'yung ramen place kaya siya napahinto. Naalala niya bigla usapan nila ni Irene at imbis na ngumiti, sumimangot siya dahil 'yung iniisip niya, andoon at nakaupo na. May ka-suboan pa ng ing gyoza.

 

Dumating ang Sabado. Nagp-practice si Wendy ng spiking sa garahe nila, paulit-ulit na pinapalo ang bola papunta sa pader. Narinig niya bumukas ang gate at pumasok ang kotse, alam niya agad na si Irene 'yon dahil sa tunog pa lang ng tambucho nito.

"Oy, ba't hindi ka pa naka-gayak?" Naka-pamewang pa si Irene naglalakad palapit, pero hindi siya pinapansin ni Wendy na tuloy lang sa pag-spike. "Oy bingi ka ba?"

"Ayoko na umalis." Naka-irap pa niyang sabi.

"Anak ng--so ano? Gumising ako nang maaga at nagbihis para sa wala?" Kibit balikat lang si Wendy at nagpatuloy na ulit sa spiking. Namali pa siya ng palo at gumulong ang bola kay Irene na siya namang kinuha nito.

Lumapit si Wendy para kunin, pero tinago ni Irene sa kanya. "Give it back."

"Ayoko, mag-bihis ka na."

"Bakit ba ang kulit mo? 'Di ba sabi ko ayoko na umalis?!"

"May usapan tayo, Wendy, tumupad ka naman!"

"Wow! Ako pa ang hindi tumupad?!"

"Pinagsasasabi mo?" Naalala niya bigla 'yung kahapon. Hindi niya na nga binanggit kay Wendy, pero nalaman pa rin. Kaloka. "Wen, magbihis ka na. Please. Libre ko na lahat."

Huminga pang malalim si Wendy, "A. Yo. Ko." Sabay irap at tinalikuran pa siya.

Sa inis ni Irene, binato niya 'yung bola sa ulo ni Wendy saka niya siya nilayasan. "Leche ka!"

 

Paano nga ba masasabi na 'yung mga selosan at toyoan, nasa category pa rin ng tampuhan as mag-best friends? Medyo OA eh.

 

Feeling betrayed talaga si Wendy, maghapon na naka-busangot ang mukha at haba na haba ang nguso while watching TV sa kwarto niya. Kahit anong pag-distract sa sarili, 'di niya makalimutan 'yung nakita niya kahapon na pakikipag-subuan ni Irene with that pa-cool Bogum.

"Aish!" Sinakal niya pa ang katabing carebear na pink sa inis at binato somewhere sa room. Nagtalukbong siya ng blanket at nagkikisay sa kama. "I'll murder that guy." 

Narinig niyang may kumatok at binuksan ang pinto ng kwarto niya. Hindi siya gumagalaw sa ilalim ng blanket at nagtulug-tulugan. Masyado siyang astig para ipakita sa nanay niya na ganito itsura niya dahil lang nababadtrip siya kay Irene.

Biglang hinatak ni Irene paalis 'yung blanket sa katawan ni Wendy at napa-kamot sa ulo. Nakatulog na ang gago, nakipag-pilitan pa naman siya sa resto na mai-take out niya ang ramen kahit bawal sa policy nila. Hindi niya na lang siya ginising at kumain na lang siya mag-isa sa lapag ng kwarto ni Wendy.

"What's that smell?" Kunwari pa nag-inat at umarteng kala mo kakagising lang.

"Kumain ka na, kamahalan. Dinala ko na 'yung resto sa'yo."

Iniisip ni Wendy kung susungitan niya pa siya o 'wag na, pero may ramen naman na sa harap niya. Pwede na. Bumaba siya sa kama at umupo sa tabi ni Irene, "Amoy ramen na kwarto ko."

"Sige, itatapon ko na."

"No!"

"Ang arte talaga, kumain ka na nga! Dami pang sinasabi..." Kumain na silang dalawa, tahimik na at mukhang okay naman na mood ni Prince Wendy. Kaso biglang lumapit ang prinsipe ng kapilyohan na may gyoza sa bibig, "Ano?" Gusto niya kagatin niya 'yung kalahati at namula bigla mukha ni Irene. Napa-shet na lang siya sa utak niya at hinampas si Wendy sa balikat, "Gaga ka ba?!" 

Niluwa ulit ni Wendy, "Bakit? Nagpapasubo ka nga kay Bogum eh. 'Pag ako may mura at hampas?"

"Para kang tanga! Kadiri! Galing sa bibig mo 'yan!" Parang hindi naman nandidiri si Irene, tumatawa pa nga eh.

"Kainin mo 'to ah? 'Pag hindi, hindi tayo bati." Naglagay na naman po siya ng gyoza sa bibig at lumapit sa mukha ng katabi na napapa-urong habang tumatawa sa kalokohan ng best friend niya. "Aywin! Shubo mo! Isha!"

Kaso may hangganan ang pwedeng urungan, tumama ang likod ni Irene sa sahig at wala na siyang magagawa kundi kagatin 'yung lecheng gyoza ni Wendy sa bibig. Nagkatinginan pa sila at ramdam niya sasabog na siya. Akala niya dadampi talaga 'yung labi ni Wendy, pero umurong na agad nung nakagat niya na. "Ang dugyot ng mga trip mo sa buhay."

"Ayokong sumasama ka kay Bogum."

"Bakit? Wala naman kami ginagawang masama."

"Tsk! Kahit na, hindi pwede. Hindi tayo bati."

 

Normal naman na ang mag-beso sa mag-best friend 'pag magkikita o magpapaalam sa isa't isa, pero hindi na rin sila sure at hindi nila maalala kailan nag-transition 'yung beso to kiss sa pisngi. Normal din naman 'yung pagsabay ni Irene kay Wendy pag-uwi kapag walang driver. Normal din naman na humalik sa pisngi niya si Wendy bago bumaba, pero 'di alam ni Irene kung bakit naging normal na rin ngayon na hinahalikan niya palagi si Wendy sa pisngi. Eh hindi nga siya ma-kiss na tao.

"Mauuna ka na umuwi?" Tanong ni Wendy habang nagbibihis sa banyo habang si Irene busy lang mag-text sa Mommy niya.

"Oo, may dinner kasi kami kala Lolo ngayon, punta pa kami Tarlac."

"Sino maghahatid sa'kin niyan?"

Sinara ni Irene at phone na magkasalubong ang kilay, "Aba't obligasyon ba kita, Prince Wendy? Yaman yaman niyo, walang pang-taxi?"

"Kasalanan mo 'pag na-kidnap ako ah?"

"Arte mo kahit kailan." Bumaba mula sa lababo si Irene at sinukbit na ang bag. Kumaway siya, pinapalapit niya si Wendy at lumapit naman ang volleyball player para magpa-halik sa kanya. "Ingat ka... Ano?"

Tumuro pa sa kabilang pisngi ang gunggong at humalik naman si Irene ulit. Nakangiti si Wendy sa kanya at biglang na-realize ni Irene ano ginagawa niya kaya biglang namula mukha niya. "Dito naman." Palapit na sana lips ni Wendy pero hinarang siya ng kamay ni Irene, "Char!"

"Wendy Shon! Hibang ka ba?!"

"Char nga lang 'di ba?" Napangisi si Wendy sa Irene na hiyang-hiya. Alam niyang allergic siya sa kiss kiss na 'yan, pero ginagawa niya na ngayon sa kanya. Hindi niya rin alam ano ba 'tong ginagawa nila. "Pa-kiss na 'ko bago ka umalis." Sinamaan siya ng tingin ni Irene kaya natawa na rin siya, "Hindi sa lips amp." Sa sobrang harot ni Wendy, bago dumampi labi niya, bigla niyang sinabi, "Sa gilid lang." At hinalikan niya nga si Irene sa gilid ng labi nito. "Ingat ka, update mo 'ko later."

"S-sige." Sa sobrang hiya, binatukan siya ni Irene at tumakbo palabas.

 

Bilang setter at captain ng volleyball team, wala na siguro sa eskwelahan nila na hindi nakakakilala kay Wendy. Lahat gusto siya maging kaklase, friend, best friend, at siyempre, sino ba naman may ayaw siya maging jowa? Although medyo kalat naman sa school na she doesn't do relationships, gusto pa rin mag-try ng mga tao na paamuhin ang tigre.

"Anak ng--bakit ikaw lang meron?" Tanong ni Seulgi na kakadating lang at naki-upo sa tabi ni Wendy na may katabing takeout food na pina-deliver ng isang fangirl.

"Gusto mo ba?" Natatawa pa si Wendy, walang balak kainin ang nasa styro dahil ine-expect niya may dadalhin si Irene para sa kanya.

"'Yoko nga." At heto na naman ang isang babae, papalapit sa kanila. "Baka sa'kin na siguro 'yan?"

Iniabot nito ang bag ng pagkain, "Hi Wendy! I'm Sejeong. Binilhan pala kita food para may energy ka sa training."

"Oh...thank you Sejeong."

At meron pa isa na dumating kasunod ni Sejeong. "Alis na nga ako, panget mo kasama." Sabi ni Seulgi na pinagtawanan pa ni Wendy.

"Hey, remember me?"

Paano ba niya siya makakalimutan? Eh nakahanap ng katapat si Wendy ng mas maharot sa kanya. "Bakit naman hindi kita maaalala, Sana?"

"Sus, ghoster ka naman." Umupo siya sa tabi ni Wendy, naka-krus ang mga braso.

"Sorry na, na-busy lang ako. Ano ba 'yan dala mo? Para sa'kin ba 'yan?"

"Tempura and miso soup made by yours truly kasi I miso na. Kahit sinasaktan mo lang ako."

"Sige kainin ko 'yan after training." Wala naman talaga siyang balak kainin. Gusto niya lang talaga magpaganda ng reputasyon at matanggal na 'yung label ng ghoster sa pangalan niya. Pero 'di niya akalain magiging malaking problema pala.

"Ay, ayaw ko. Gusto ko now mo na kainin."

Talagang naka-special container pa at binuksan ni Sana, kumuha siya ng kutsara at pilit na pinakain kay Wendy na wala naman nang nagawa kundi sumunod dahil ayaw niya ipahiya si Sana at gawin pang issue. Kaya rin siya na-turn off may pagka-issue maker kasi ang isang 'to. "S-sarap ah."

"Hindi ako aalis hangga't 'di mo nauubos 'yan."

 

Patapos na ang training nila, walang Irene na nagpapakita. Sinubukan ni Wendy na tawagan ang best friend, pero makailang beses man, hindi sinasagot. Medyo nag-aalala na siya dahil nagsasabi naman si Irene kapag 'di makakapunta, pero ngayon ni isang text wala.

"Seul, peram phone. Tawagan ko lang si Irene."

Pinahiram naman siya ng kaibigan at pangalawang ring pa lang, sumagot agad, "Hello?"

"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" Naka-kunot pa ang noo niya sa frustration, pero imbis na sagutin siya, binabaan siya bigla ni Irene. "What the--"

 

Hindi man niya siya sinagot, hinanap pa rin ni Wendy si Irene at naisipan na pumunta sa parking dahil mga ganitong oras, uwian na niya. At tama naman siya dahil natanaw ni Wendy ang best friend na pasakay ng kotse nito kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kanya, "Irene!" Umirap pa si Irene saka pinaandar ang makina. "Uuwi ka na?"

"Oo."

"Sasabay ako." Bubuksan niya sana 'yung pinto, pero naka-lock ito at ayaw buksan ng may-ari. "Ano ba?!"

Binaba niya ang bintana nang bahagya, "May dadaanan pa 'ko, may driver ka naman or kung wala, makisabay ka sa iba tutal marami naman willing 'di ba?"

"Jesus Christ, what's your problem?!"

"Sige, bye." Pinaandar niya na ang sasakyan at wala nang nagawa si Wendy kundi magalit sa hangin.

 

Hindi napigilan ni Irene ang sarili at umiyak na nang tuluyan pagdating sa bahay nila. Naguguluhan na siya sa dapat niyang isipin kung ano ba talaga meron sa kanila ni Wendy. One moment ang sweet sa kanya na nilalandi siya tapos pagtalikod niya, nanghaharot pa rin ng ibang babae. Hindi niya na alam saan ilulugar ang nararamdaman dahil pinararamdam ni Wendy sa kanya na nag-iba na tingin sa kanya, kaso biglang bawi naman kung trip niya. 'Di niya akalain na pati siyang best friend na nga, magagawa pa ring paglaruan ni Wendy.

 

Mag-best friend nga talaga sila, pareho ng sistema kung mag-tampo, haba na haba ang nguso at nag-mumukmok sa kwarto magdamag. Nabubwisit talaga si Irene, ang sama sama ng loob niya. Kung makapag-bawal si Wendy sa kanya na makisama sa mga kaibigan at kaklase ganon na lang, pero siya naman wagas kung mag-entertain ng mga babae at kinakain mga pagkain na binibigay ng kung sino man.

"'Nak, Irene, babagyo daw sabi sa news. Mag-charge ka na ng mga gamit mo at paki-sara lahat ng bintana diyan sa 2nd floor. 'Di kami makakauwi, nandito pa kami sa Tarlac." 

"Sige po, Ma."

"Mag-iingat ka diyan ha?"

"Opo."

Dahil dakilang girl scout si Irene, ni-ready niya talaga mga gamit at pinatay ang mga appliances pati wifi. Nag-off siya ng phone at sa sobrang busy na mag-asikaso sa bahay, nakalimutan niya na si Wendy. Pero okay lang naman, bahala siya sa buhay niya malaki na siya. Kaya niya nga makipag-landian sa maraming babae eh. Mag-aalas nuwebe na ng natapos siya at ibinagsak ang katawan sa kama para magpahinga.

 

Malalim na ang gabi at dumating ang nasabing bagyo, nagising si Irene sa lakas ng kulog at matatalim na kidlat kaya nagtalukbong siya ng blanket para magtago sa sobrang takot. Sobrang lakas ng ulan, may kasama pang malakas na hangin at naririnig niyang may kasama pang maliliit na bato na humahampas sa bintana niya.

"Irene!"

"Huh?" Hindi naman siguro nagsasalita ang ulan at hangin kaya hindi niya pinansin nung una.

"IRENE!!!"

Gago, parang boses ng tao 'yun ah. Dali-daling bumangon si Irene at binuksan ang bintana niya. Inaninag niya kung ano ba 'yon. Guniguni o totoo, kaso biglang, "IRE--"

"Wendy?! GAGO KA ANO GINAGAWA MO DIYAN?!"

Basang-basa na si Wendy sa lakas ng ulan, may hawak pang placard ang gunggong na may nakasulat na 'I'M SORRY' at dali-daling bumaba si Irene para sunduin siya. Naloloka na si Irene, buti na lang wala mga magulang niya at hindi na mawi-witness ang kagaguhan ng best friend niya. Lumabas siya sa gate at pinayungan si Wendy saka sila mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

"Ano bang kalokohan 'to, Wendy?! Bakit ka nagpa-ulan?!" Nagagalit si Irene, pero tuloy-tuloy naman siya sa pagtuyo kay Wendy na nangangatog sa lamig gamit ang tuwalya.

"'Di mo 'ko kinakausap tapos iniwanan mo pa 'ko kanina. Pinatawagan pa kita kay Seul kaso kahit sa kanya hindi ka na sumasagot."

"Para kang gago talaga! Feeling nasa music video ka ba? Delikado 'yung ginawa mo! Paano kung tinangay ka ng baha?! Paano kung tinamaan ka ng kidlat?!"

Yumuko si Wendy at ibinaon ang mukha sa leeg niya, hindi na alintana ni Irene na nababasa siya ng damit nito, "I'm sorry, 'wag ka na magalit sa'kin. Parang mas gusto ko pa nga na tamaan ako ng kidlat kasi hindi mo ako pinapansin."

Ang normal nilang dalawa na gawain ay magpunta sa bahay ng isa't isa para lang mag-hangout or gawin ni Irene ang mga school works ni Wendy, kaso iba ngayong gabi, pinuntahan siya ni Wendy in the middle of a ing bagyo para suyuin siya at nalilito na sila actually kung ano ba talaga 'tong ginagawa nila. Pang-best friends pa ba 'yung ganitong suyuan?

"Tsk, 'wag mo na uulitin 'yon ah? Sige na, hubarin mo na 'yan damit mo, magpalit ka na at magkakasakit ka niyan. Pati ako nabasa na oh." Malumanay niyang sabi. Hindi niya talaga siya kayang tiisin at manatiling nagtatampo.

"Sabihin mo muna na okay tayo."

"Hindi ko na alam, pagod na 'ko, Wendy, sa totoo lang. Gulong-gulo na isip ko sa kung ano ba 'tong ginagawa natin. Ano ba talaga tayo?!" Napahawak sa noo si Irene at bago pa man makapagsalita si Wendy, inunahan niya na, "Inamin ko na nung Valentine's na may feelings ako sa'yo 'di ba? At hindi mo naman in-acknowledge kaya pinilit ko maging okay, tinanggap ko na na hanggang best friend lang tingin mo sa'kin, pero alam mo kung ano hindi ko ma-take ngayon? 'Yung pagpaparamdam mo at pagpa-paasa na meron ka rin nararamdaman para sa'kin kahit ang totoo, wala naman. Straight uno ako, pero para sa'yo seven years na akong bumabagsak nang paulit-ulit at hindi na ata ako makaka-graduate sa ginagawa mo. Ang sakit sakit na, Wendy at mas masakit pa ngayon dahil mas ginagawa mo akong tanga sa mixed signals mo. Ang sakit mo mahalin."

"I'm sorry. I'm so sorry ganyan ang napaparamdam ko sa'yo." At that point, umiiyak nang todo si Irene at nakayakap si Wendy sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya. Wala naman talagang alam si Wendy na may feelings sa kanya si Irene. Siya nga itong nababaliw kung paano liligawan si Irene dahil baka hindi i-reciprocate kasi matagal na silang best friends at ngayon lang siya nagpahiwatig. "Kung alam ko lang na may feelings ka, hindi na ako magpapaligoy-ligoy dahil mahal din kita."

"Sinasabi mo lang 'yan para maging okay tayo." Sinasabi niya na nga ba, ito agad iisipin ni Irene dahil lagi niya siyang ginagago noon.

"No. God no. Seryoso ako, Rene."

"Wendy, niloloko mo--"

"I wouldn't do all this if I was just messing with you. I know it's weird dahil biglaan. I'll be honest, kahit ako na-weirdohan nung una dahil ang tagal na natin magkaibigan and nito ko lang na-realize na mahal kita hindi na lang bilang best friend. I tried holding back, pero walang nangyari dahil habang tumatagal mas lumalalim lang nararamdaman ko para sa'yo. Totoo lahat ng pinapakita ko sa'yo at wala akong gusto kundi ikaw lang."

"Pero nag-eentertain ka eh. Kitang-kita ko kayo kanina. How could I trust your words na hindi mo 'ko ginagago at pinaglalaruan?"

"Tsk, I screwed up really bad. Nag-entertain ako kanina dahil ayoko magawan ako ng issue and I failed to consider what you're going to feel about it. I'm sorry, hindi ko na 'yon uulitin, okay?"

Umiwas ng tingin si Irene at nagpunas ng sariling luha, "Ewan ko sa'yo."

"Please...give me a chance na mahalin ka not as your best friend." Unti-unti, bumaba si Wendy, tinitingnan kung pipigilan niya siya, pero pumikit lang si Irene kaya itinuloy niya na ang binabalak at pinag-dikit ang mga labi nila. Ayaw ibukas ni Irene ang mga mata matapos siyang halikan ng best friend niyang seven years niya nang mahal dahil hindi siya makapaniwala na seryoso at totoo lahat ng 'to. Natatakot siya na baka 'pag minulat niya ang mga mata, biglang sabihin ni Wendy na prank lang 'to o ano man na makakasakit sa damdamin niya dahil umaasa siyang totoo talaga lahat ng sinabi niya sa kanya. "Kahit araw-araw ko pa i-prove at bigyan ka ng assurance maniwala ka lang na seryoso akong mahal kita." Nakapikit pa rin si Irene na may tumutulong luha, pero niyakap niya nang mahigpit si Wendy.

"Yes na ba?"

Nag-ooverthink na siya, ang dami niya pa rin doubts, pero baka naman pwede talaga? Baka naman mahal talaga siya ni Wendy tulad ng pagmamahal sa kanya? Hindi naman masama mag-try at nangyari na 'to, hindi na sila pwedeng bumalik sa kung ano sila noon. Bahala na, wala na siyang pake, ang alam niya lang mahal na rin siya ng mahal niya. "Oo na." Ibinukas niya na ang mga namumugtong mga mata na agad pinunasan ni Wendy.

"Ano 'yon?"

"Oo na sabi!"

Napatawa si Wendy at humalik sa noo niya, "I love you."

 

Napahingang malalim na lang si Irene, nasa kama niya sila, yakap-yakap siya ni Wendy sa bewang. Ang daming unan sa kama, pero siya ang trip na gawing stuffed toy talaga. "Wen, mukhang okay ka naman na, hindi ka na nangangatog eh."

"Your point?" Nagpapaka-komportable talaga si Wendy na sumiksik kay Irene at todo siyang yakapin.

"Sobra na 'tong body heat mong kalokohan, nararamdaman mo ba pinagpapawisan na ako?" Ang sabi niya magpalit, pero hindi na rin alam ni Irene paano siya na-convince ni Wendy na 'wag na mag-bihis at i-try gawin ang body heat hugging pantanggal ngatog.

"Wala ka naman magagawa kahit gustuhin mo umalis. You're mine."

Alam ni Irene, hindi na kailangan sabihin ni Wendy. Napansin niya 'yung posisyon nila at nakangiti pa ang gunggong na Wendy sa pagitan ng mga dede niya, but of course, wala naman siyang ginagawa para palayuin siya. "Hoy Wendy, saya mo diyan, 'no?"

Napangisi si Wendy at tumingala sa mukha niya, "Ayaw mo ba?"

"Siraulo ka." Namula mukha niya, pero mas may ipupula pa pala nung iginagala ni Wendy ang kanang kamay at hinihimas ang balat niya sa bewang. 

"Rene..."

"O-oh?"

Nakikita ni Irene paano siya titigan ni Wendy at kinabahan siya bigla. Masyado ata silang mabilis, pero pinikit niya ang mga mata, baka kasi 'pag nanood siya, hindi niya kayanin at sumabog siya bigla. Iniisip niya kung ano ba susunod na gagawin ni Wendy. Hahawakan maselang parte niya? O baka naman mag-go all the way siya at--

Naputol ang iniisip ni Irene nung kinuha ni Wendy ang kamay niya at hinalikan ito saka sinabing, "Mahal kita."

 

Hanggang panaginip dala ni Irene ang huli nilang pinag-usapan ni Wendy. Mahal kita. At bigla siyang nagising na may nakahalik sa noo niya. 

"Wen?"

"Good morning." Nakangiti pa siyang nakakasilaw sa kanya, "Totoo pala na nakaka-gising kiss ng Prince 'no?"

Napa-bangon bigla si Irene at nalilito na siya sa realidad at hindi, "Prince?"

"Oo, ako si Prince Wendy at ikaw si Princess Irene."

"Huh?"

"Nakatira tayo sa kaharian ng..." Bigla niyang niyakap si Irene na nag-squeal pa sa gulat, "Kabaklaan."

"Para kang tanga!" Hinampas niya si Wendy na nasa ibabaw at nakayakap na naman sa katawan niya.

"Penge naman kiss diyan."

"Yoko nga."

"Eh ba't kagabi 'di ka naman pumalag?"

"Chansing lord ka eh. At bakit ba naka-hubad ka pa rin?"

"It's still raining. Need ko pa rin ng body heat from you."

"Mula ngayon iisipin ko na na lahat ng ganyan mo may malisya na."

"Pero ang tanong ayaw mo ba?"

Natahimik bigla si Irene, 'di na sure kung sa init ng katawan ni Wendy o sa sinabi niya ang dahilan ng pag-init ng mukha niya, "Ewan ko sa'yo."

Natawa na lang si Wendy at humalik sa pisngi niya. "Cute mo."

 

Ganoon pala pakiramdam kapag naibalik na ang feelings mo, nakakangilo sa kilig.

 

"Ah ." Sinasabunutan ni Irene ang sarili, hindi makalimutan 'yung pakiramdam ng halik ni Wendy dahil play nang play sa utak niya at ramdam niya pa rin sa labi niya.

"Uy bes, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ng kaklase niya na kakalabas lang sa cubicle.

"Wala, wala. Una ka na sa room."

"Sigeee." 

Napahingang malalim si Irene, naninikip dibdib niya tuwing naaalala niya 'yung moment nila na 'yon tapos magkayakap pa sila magdamag na halos wala na talagang mga saplot. Malapit na siya maloka dahil binabaliw siya ng best friend niya.

"Rene." Gosh, iniisip niya lang kanina, naririnig pa niya ngayon. "Oy Rene."

"Huh?"

"Natutulala ka diyan." Natatawa pa si Wendy na tinrap siya sa may lababo. "Miss mo na ba 'ko?"

"Aish! Lumubay ka nga baka may makakita." Kumawala siya sa kanya at umusog para mag-apply ng lipstick.

"Aba, dalaga na talaga." Nang-asar pa nga na siya namang inirapan ni Irene.

"Wendy naman."

Nanginig talaga kalamnan ni Irene nung pinulupot bigla ni Wendy ang mga braso sa bewang niya at nagkaharap sila. "Lagyan mo din ako."

"Oh." Itinaas niya ang kamay na may hawak ng applicator, pero umiling si Wendy at sumenyas gamit ang labi. Namula bigla si Irene saka lumihis ng tingin dahil sa hiya. "Parang ewan eh!"

"Bilis na, isa lang. 'Di na kita kukulitin." All women do is lie at alam ni Irene na hindi totoo sinasabi ni Wendy, pero hinalikan niya pa rin siya nang mabilis at ngingisi-ngisi na ang gago pagtapos. "Wendy siguro pangalan ng shade, bagay kasi sa'yo." Napahawak sa noo si Irene, 'di kinakaya kalokohan ni Wendy. "Sige, alis na 'ko. See you later sa training. Um..I love you."

 

Kahit naman nire-reject ni Irene kunwari mga pa-sweet niyang galawan, alam naman ni Wendy na nahihiya lang siya. Siya rin naman nahihiya pa dahil bago sa kanila 'to, pero tulad nga ng sabi niya, kahit araw-arawin pa niya pag-prove na totoo nararamdaman niya, gagawin niya.

 

"Irene!" Nagsasagot lang naman si Irene sa libro at napatingala dahil sa pagtawag ni Wendy sa kanya, "Labas tayo mamaya? May..." Naglalaro-laro lang naman si Wendy sa court habang nagsasalita at nadi-distract si Irene sa abs niyang mukhang chocolate bar. Masarap din kaya 'yon 'pag dinilaan? Napakagat sa labi si Irene, nagnanasa na naman siya sa best friend niyang nakangisi na sa kanya ngayon?

"." Na lang ang tanging nasabi ni Irene dahil nahalata siya ni Wendy. Yumuko na siya ulit sa hiya at umiiling ang ulo ni Wendy habang natatawa papalapit na sa kanya.

"Oy, kita ko 'yon ah." Tuloy lang kunwari si Irene sa pagsasagot at 'di niya siya pinapansin. "Rene. Oy...Rene."

"Ang ingay mo naman, Wendy." 

Bigla nasa harap na niya si Wendy, "Pa-kiss ako."

"Wendy! Nakakaloka baka makita tayo ng coach at teammates mo."

"Wala pa naman sila. Dali na, isang kiss lang eh."

"Tsk ang harot." Hindi rin naman papa-pigil si Irene, inilapit niya ang mukha at pumikit kaso imbis ba lips, bola ng volleyball ang tumama sa mukha niya, "Arghshhs."

"Sorry, andyan na pala sila."

 

Pumito ang referee, senyales na set point na at isa na lang, panalo na sila Wendy. Sa kanila ang service at kabado na ang lahat kahit audience. Humingang malalim si Yeri, pumito ulit ang referee at initsa niya ang bola, tumakbo siya at tumalon saka pinalo nang malakas mid-air ang bola. Nakangisi pa ang player, sobrang tantsado niya saan babagsak ang bola, pero 'di nila akalain na maaabot pa ng kabilang grupo. Nakailang balikan ng bola ang dalawang team at medyo napapagod na sila dahil ni isa sa kanila, walang gustong magpatalo. Nag-spike ang kabilang grupo at nahabol ng libero nila na si Jisoo na nagpagulong-gulong pa. Medyo mababa ang receive at alanganin sa pwesto ni Wendy pero sumigaw pa rin siya, "Mine!" Akala talaga niya hindi maaabot. Napansin niya na nasa likod halos lahat ng players at malayo ang blockers. Pigil hininga ang lahat dahil ina-anticipate nila kanino niya ipapasa. Pero 'di nila inaasahan, tinoss niya nang napakabilis kay Seulgi para makapag-spike ng quick, hindi na nahabol ng libero ng kabila at pumito ang referee dahil tapos na ang game. Nag-yakap pa sila nang saglit ng mga ka-team bago nag-celebrate.

Dali-daling tumakbo ang ibang kaibigan ni Wendy galing sa bleachers para yakapin siya at i-congratulate, pero sa sea of people na masayang-masaya para sa kanila, iisang tao lang naman ang hinahanap niya.

"Congrats Wen!" May mga yumakap kay Wendy na mga babae, mga friends, nakaharutan at ex-flings. "Ang galing galing mo grabe!!"

Pero wala naman pake si Wendy sa kanila. Pagtapos niya magpa-interview, pumunta siya sa gilid at hinawakan ang mic. Mahal na mahal niya si Irene kaya deserve niya ng proposal na wala na talagang magtatangkang lumapit sa kanilang dalawa dahil gusto niyang ipagsigawan na they belong to each other.

Tumuro siya sa babae na nasa bleachers, "I just wanna ask Irene to be my girlfriend."

Yes naman na ang sagot matagal na, na-shock lang nang bahagya si Irene sa scripted proposal ni Wendy. May pinrepare pang t-shirts at naki-ride na lang din si Irene at sinuot ang may nakatatak na YES.

Tumakabo si Wendy papunta sa kanya at dali-daling pinagdikit mga labi nila para sa isang masarap na kiss.

 

-END-

thanks for reading 🤣 sana nagets niyo reference ko sa last part HAHAHAH

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sunnyirene
Kung hindi pa ba naman gasgas ang storyline at trope na to HAHAHAHA bahala na kayo magread 😭🤣

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 1: Di ko inexpect yung last part HAHAHA
Shonkris #2
hi. thank you for all the stories you are writing. they are my escape from my mundane life.
LockLoyalist
#3
Chapter 1: ang cute huhu thank you author
hyehye29
#4
Chapter 1: binabasa ko 'to sa bus habang pauwi kingina utas sa last part HAHAHAHAHA help ang hirap magpigil ng tawa huhu 😭🤣
otor kahit anong gasgas ng trope na 'to basta maganda ang pagkakasulat at magaling ang nagsusulat e sobrang enjoy talaga basahin.
salamat siguro sa pa-facial ni seul palagi kay wan at natauhan din si baccla. kung hindi e baka naagaw pa ng dalawang hakdog si princess irene chz hahahaha

daming alam ni wendy lintik na body heat yan peyborit niya ba ang buko? 😆
EzraSeige
#5
Chapter 1: 😍😍😍💙
_iceGRRR #6
always love your fics author! iba tama talaga pag tagalog fics because the context hits different and mas relatable
SEEKER_
#7
Chapter 1: Honestly, lahat ng natutuhan ko about that guy was against my will. Tawang-tawa ako don sa reference kuhang-kuha mo.

Ang ganda nito otornim and salamat sa another istorya
jenwanyun #8
Chapter 1: Habang binabasa ko last part naisip ko na "hala, bakit parang pamilyar, siguro may t-shirt pa 'to"

AT MERON NGA hahahahaha forda cringe pero cute kasi wr. Ganda ng kwento!! Salamat sa paggawa at pagshare 💗
baejoonism #9
Chapter 1: Omg yung last part HAHAJSKNSKS love this story sobrang nakakaenjoy basahin! Thank you otornim!!
Paparapakyaw #10
Chapter 1: Gago yung tawa ko sa last part HAHAHAHAHA LANGYA KA AUTHORNIM pero ang cute naman ng mag beshy na yan lumelevel up tropa pro max ba tawag dito