stanger

Stranger's Arms

Tahimik na naupo si Honey sa isa sa mga benches na nakahilera sa park na pinuntahan niya. Doon kasi siya dinala ng kanyang mga paa matapos ibalandra ng kanyang ex-boyfriend sa bago nitong lalaki. Oo, lalaki !Ipinagpalit siya ng tinamaan ng kidlat niyang ex sa kapwa nito adan.

“Peste! Ipagpapalit na lang ako sa berde pa ang dugo.!” Asar na wika niya sabay palis sa luhang kanina pa niya pinipigilang tumulo.

Kung tutuusin naman ay hindi naman talaga mahal ang damuho niyang nobyo, kaya lamang niya ito sinagot ay dahil na din sa usig ng kanyang mga kaibigan. Guwapo, mabait at mayaman daw ito kaya hindi niya dapat palagpasin. Almost close to perfection nga, heto naman at berde pala ang dugo at hindi iyon matanggap ng ego niya, lalo pa’t pinagpalit siya nito sa isang siyokoy.

“Asar!!! Aanhin ko ang lalaking perpekto kung mas malandi pa sakin?! Letsugas na mga lalaki yan!” deklara pa niya sabay sipa sa mga pobreng batong napadpad sa kanyang paanan. “Siguro nga totoo yung sinasabi nila na kapag almost perfect na mga lalaki, kung hindi taken eeh bading.” She sighed.

“Miss, paninirang puri iyan.”

Halos malaglag ang kanyang puso nang may lalaking bigla na lamang tumabi sa kanya at pilit na yumakap sa kanya at hindi niya mawari kung bakit pero biglang nagiba ang ritmo ng kanyang puso nang masamyo niya ang amoy nito, dahilan para hindi na siya makapalag pa. Feeling the stranger’s arms around her made her forget all the frustrations and anger that she was feeling that time. Tila ba’y hinaplos ng yakap ng lalaki ang kanyang puso na naging sanhi ng bigla nitong pagkalma.

“Hindi lahat ng gwapo at mabait ay berde na ang dugo.” Dagdag pa nito na sinabayan ng mahinang pagtawa.

“Sino ka?” Tanong niya habang pilit na sinisilip ang mukha ng kayakap, hindi naman siya nabigo, she caught a glimpse of his gorgeous face.

The stranger was wearing dark glasses which were pretty odd dahil makulimlim naman ang panahon noon, but she’s pretty sure that the guy owns a pair of gorgeous eyes. Halos perpekto din ang hugis ng ilong nito at mamula mula rin ang makinis nitong mga pisngi. He’s also a bearer of cute pinkish lips that looked so soft and sweet, parang ang sarap halikan. And the catchiest part, his rust-colored hair that seems like it was dancing with the wind. Tingnan pa lamang niya ang lalaki ay nakakalimutan na ang kanyang galit, or rather, nakakalimutan na niya ang mundo.

“Hindi na importante kung sino ako.” The man smiled. “Just cry your heart out. I’m here to comfort you.”

Hindi niya maisplika kung bakit pero napakagaan ng pakiramdam niya. Kadalasan ay hindi nga niya pinapansin ang mga taong hindi niya kakilala, ngunit bakit pagdating sa lalaking iyon ay hindi niya alintana na ni hindi man lang niya alam kahit pangalan nito? She just let him hug her as she continued crying. Ilang minuto ring ganoon ang kanilang posisyon bago muling nagsalita ang estranghero.

“I saw what happened at the café. I followed you from there because I was worried about you.” He let out a deep sigh. “Hindi ko alam ang buong pangyayari but I know that you’re in pain right now and you need a shoulder to cry on.

Spectator pala ito sa pagpapamukha sa kanya ng herodes niyang ex na ipinagpalit siya nito sa isang nakakabahing na paminta na mukhang siyokoy. Kung siguro ay ibang tao ang nasa lugar ng lalaking nakayakap sa kanya noon ang kanyang kaharap ay malamang na nabulyawan na niya ito pero dahil na nga sa kakaibang epektong dulot sa kanya ng lalaki ay imbes na mainis ay na-touch pa siya sa mga sinabi nito. He didn’t even know who she was but he is willing to lend her his shoulders for her to cry on.

“Why are you doing this? You don’t even know me.”

“I don’t know, maybe because I don’t want to see you crying alone. My heart broke the moment I saw the pain in your eyes, lalo pa at alam kong isang walang kwentang lalaki ang dahilan niyon.” He reached for her hand and held it tightly. “Promise me that this’ll be the last time that you will cry because of a guy like him.”

Kumalas siya sa pagkakayakap ng lalaki at tinitigan ang gwapong mukha nito.

He smiled; her heart melted.

“Promise me?”

“I promise.” She smiled sheepishly.

“You’re prettier when you’re smiling.” Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki kasabay ng paghaplos nito sa kanyang pisngi na naging dahilan para maramdaman niya ang biglang pagakyat dugo sa kanyang mukha.

“Thank you.”

“You don’t have to thank me. Ngiti mo pa lang bawi na ako.”

“Wag mo akong binobola, broken hearted ako ngayon, baka nakakalimutan mo. Baka mainlove ako niyan sayo, sige ka.” Pabirong wika niya habang unti unting dumidistansya sa lalaki. Hindi na kasi talaga niya kaya pang tiisin ang kakaibang damdaming idinudulot sa kanya ng mga titig at galaw nito. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyag dibdib.

“I don’t mind.”

“Don’t mind what?”

“You, falling in love with me.”

She chuckled at the man’s words.

Don’t mind pala ha? Pinkutin kaya kita!

“Why?” Pagkasabi niyon ay sinabayan na siya ng lalaki sa pagtawa. His laughter sounded like the most beautiful music she ever heard in her life.

They were both engrossed in their nonsense laughter when his phone suddenly rang.

“Excuse me.” He politely uttered and walked about three feet away from her.

Tinitigan niya ang lalaki habang nakikipagusap ito sa telepono. Napakaeleganteng tingnan nito sa suot nitong itim na kamiseta na tinernuhan nito ng itim rin na pantalon. He’s not that tall but has a great physique, from broad shoulder to perfectly toned limbs ay mayroon ito. Walang kang itatapon.

Kinawayan at nginitian siya nito at noon lamang niya napagtantong harap-harapan niyang pinagnanasaan ay este pinagmamasdan pala ang lalaki.

He slowly walked towards her while looking straightly at her eyes. He was wearing glasses but she could feel the warmth that was coming from his stare and it made her heart beat like crazy.

However, to her dismay, his smile faded a bit when he started talking.

“I’m sorry, but I have to go.”

Pakiramdam niya ay tinulos ang kanyang puso matapos niyang marinig ang mga salitang iyon mula sa lalaki.

“Agad?”

“I have works to do.”

“We’ll see each other again right?”

“Of course.” He kissed the back of her hand and smiled. “I’ll come back for you.”

“When?”

“When destiny permits. Pero kung hindi man ako bigyan ng pagkakataon ng tadhana, handa akong suwayin siya para magkita tayo ulit.”

She felt like her heart was gonna explode any moment. Kakaibang ligaya ang hated sa kanya ng mga salitang bitiwan ng lalaki. It hurts to know the fact that he has to leave, but those words gave her the confidence that they will meet again…someday…when destiny permits.

Hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay bago nito iyon alangang binitiwan.

“I really have to go.” Matapos bigkasin ang mga salitang iyon ay tinalikuran na siya ng lalaki at marahang humakbang palayo sa kanya.

Nais niya itong pigilan pero may kung anong sa kanyang puso na nagsasabing hindi niya iyon dapat gawin.

But I don’t even know his name.

 

“Wait!” Sigaw niya na agad namang pumukaw sa atensyon ng palayo nang lalaki.

“I’m Honey.”

“I know.”

“Then tell me your name.”

He took off his glasses and her heart finally burst when his eyes met hers.

“Dongahe. Lee Donghae.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
julgium
#1
Chapter 1: saan na kasunod ateng
LittlePumpkin
#2
Hahahaha! Hae is so sweet!! I love it!! Hahaha! Pero nose bleed ako, ang lalim masyado ng tagalog. Di ko carry yung iba.. Hahaha! SEQUEL!! :D
Masquerade129 #3
Nice! kahit pala nagtatagalog na si Hae, todo pambobola pa rin! Nakakakilig. ;">
ViaLee #4
Ganda! :) HAHAHAHA. Nagtatagalog na si Donghae ngayon. HAHAHAHA!.