Chapter 3

To KMJ, From YJM
Please Subscribe to read the full chapter

"Tara na kasi!"

"No. I don't want to go."

"Wag ka na nga mag-inarte dyan!"

Pilit na hinihila ni Minjeong si Jimin pero hindi man lang siya gumalaw kahit isang pulgada. Napansin niya na pinagtitinginan na sila ng mga tao at ang iba nagpipigil na rin tumawa. Sino ba naman hindi matatawa kung mukhang nagtatampo na bata si Jimin at si Minjeong naman ang nanay na pinagsasabihan ang anak.

"Kikilos ka o kakaladkarin kita?"

Pagbabanta ni Minjeong pero 'di natinag si Jimin. Nakacross arms pa habang hawak si kuromi.

"Sa liit mong 'yan? You didn't even manage to pull me."

"Hoy anong maliit?! Konti lang naman agwat natin ah."

"Sure whatever."

Napabuntong-hininga na lang si Minjeong at tiningnan ng masama si Jimin.

Hindi ko na talaga kinakaya tong itlog na 'to. Lord give me a sign at lulutuin ko na 'to. Ba't ba ayaw niya pumunta kila Somi? Last booth na kaya 'yon tas makakawala na kami sa posas na 'to.

"Ano ba Jimin! Anong oras na tsaka ayaw mo ba matanggal sa pagkakaposas?"

Tiningnan siya ni Jimin na may nakakalokong ngiti.

"Hey you called me by my first name."

Amp 'yon talaga pinansin niya.

"Alam mo akin na nga yan si kuromi."

"What- no"

"Amin na ayaw mo sumunod eh."

"No stop it- Minjeong-"

Tinaas agad ni Jimin si kuromi sa ere para hindi ito maabot ni Minjeong. Ngunit desidido si Minjeong na makuha ito dahil tingin niya ito lang ang paraan upang mapasunod niya si Jimin. Kaya naman tumingkayad siya at pilit inaabot ang laruan sa kaliwang kamay ni Jimin. Hindi nila napansin na may mga nagkukulitan na tatlong estudyante papunta sa direksyon nila.

"Tara dun tayo kila ate Sakura may takoyaki dun!"

"Ang mahuli manlilibre!"

Nagsimula silang tumakbo at nabangga ng isa si Minjeong kaya napahawak siya sa balikat ni Jimin. Kaso nagulat si Jimin dahil sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa at nawalan siya ng balanse kaya nahulog silang dalawa.

"Ooof"

"Ay sorry mga ate! Huy hintayin niyo ako!"

Sabi ng babaeng nakabangga kay Minjeong kaso agad naman itong tumakbo at hinabol ang mga kaibigan. Inangat ni Minjeong ang kanyang ulo at tiningnan ang babaeng tumatakbo. Napansin niya ang kulay berde na id lace sa leeg nito.

Pasaway na mga freshmen. Nag sorry nga pero 'di man lang ako tinulungan tumayo. Tsk.

Akmang tatayo na sana siya nang dumapo ang tingin niya sa mukha ni Jimin.

Alam kong pantay-pantay lang ang tingin ni lord sa'tin pero parang nadaya tayo ah. Hugis itlog ng pugo ang mukha, natural na mapula ang labi, matangos ang ilong. 'Di naman sa sinasabi kong may favoritism si lord pero parang ganun na nga.

"Hoy bawal pda dito."

Nagulat siya dahilan para matigil ang pagtitig niya sa mukha ni Jimin at nakita si Ryujin sa ulohan nila at nakangiti. Ngayon niya lang din napansin ang mga kamay na nakahawak sa magkabilang tagiliran niya. Tiningnan niya ulit si Jimin pero wala ito sa kanyang sarili at nakatitig sa kanya?

"Hoy Yu bitaw na nga!"

"Huh?"

Hindi na nag sayang ng oras si Minjeong dahil mukhang wala pa rin balak gumalaw si Jimin kaya naman siya na mismo ang nagtanggal ng mga kamay sa kanyang tagiliran at tumayo na. Naiwan pa rin si Jimin na nakahiga.

"Jimin my friend tatayo ka dyan o akin na 'to si kuromi."

Bigla naman tumayo si Jimin at inagaw ang stuffed toy.

"Tsk. Go away you monkey."

"Hoy maka-monkey ka naman dyan. Kayo nga 'tong nakahiga sa lupa at mukhang maglalampungan pa nga."

Nanlaki pareho ang mga mata ni Jimin at Minjeong. Agad naman siniko ni Jimin si Ryujin sa tiyan.

"Aray ko!"

"Anong lampungan?! Sira talaga yang kaibigan mo!"

"Alam mo humpty dumpty nakakailan ka na ha. Una ung braso ko ngayon ung tiyan ko."

"Deserve mo naman."

Sumbat ni Minjeong at tiningnan siya ng masama.

"What do you need Ryu?"

"Ay oo nga pala… Ikaw ung kumupit ng papremyo ko na gummy bears!"

Sabi ni Ryujin sabay turo kay Minjeong na umiwas lang ng tingin.

"That's it?"

Tumango lang si Ryujin kay Jimin. Umirap si Minjeong at nagsimula ulit hilahin si Jimin.

"Halika na nga."

"Aray! 'Wag ka naman manghatak. I think I hurt my shoulder when we fell kanina."

Tumigil si Minjeong at tiningnan si Jimin na may pag aalala sa kanyang mga mata.

"Sorry gusto mo mag clinic muna?"

"No need. I don't think it's that serious- wait are you ac

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LuvlyTaeminty
#1
great
TakuyaKen
#2
Chapter 3: woah hahaha in denial pa si Minjeong
Pengseul
#3
Yung naririnig ko yung boses ni Ningning 😁
cleofierayne #4
Chapter 2: Minjeong pala desisyon ka gurl! Mali pala sinabi mo. Hahaahaha nakakatawa tong JMJ nato!
AhnWony
#5
Baka naman kasi Kim MinJoo pala, si Ning talaga HAHAHAH