Final

Snatch It!
Please Subscribe to read the full chapter


"Okay team, as always, play fair, trust your teammate, focus on your assigned roles, and avoid getting hit by the bludgers."

 

Sabi ng aming captain and chaser na si Mina. We huddled with the other ravenclaw team and proceed to put our hands together in the middle para sa chant namin.

 

"The eagles are here
Our sight is clear
Clever to the core
We won't bore
The cup is for Ravenclaw
The cup is ours
CAW CAW CAW!!!"

 

Tinaas namin ang mga kamay pagkatapos ng chant namin at sumakay na sa kanya kanyang broomstick namin. Kinakabahan na tinignan ko ang mga teammates ko. Nakita ko na puwesto na si Giselle malapit sa three goalpost at sinoot na ang quidditch goggles niya.

 

Habang ang mga chasers naman namin na si Mina, Wendy, at Wonwoo ay naka hover malapit kay madam Hooch at hinihintay nalang na magsimula ang game para makuha nila ang quaffle.

 

Sa magkabilang side naman ng pitch ay nakita ko ang kapatid ko na si Beomgyu at ang isa pa naming teammate na si Renjun na may hawak na beater's bat. Ready to strike for incoming bludgers palayo sa teammates namin or towards the enemy players.

 

Habang ako naman ay naka hover malapit sa stand ng mga ravenclaw sa west side. Kailangan ko mahanap agad ang golden snitch bago ako maunahan ng seeker sa slytherin.

 

"Minjeong!"

 

Napalingon ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang isang matangkad na babae na may suot na black robe at may yellow patch na may nakasulat na 'Hufflepuff' malapit sa may kaliwang dibdib nito. May suot rin siyang black and yellow necktie sa loob ng uniform niya. Kung titignan mo, dalawa lang talaga silang yellow sa sea of blue and bronze sa west ham fan. Kaya nag sta-standout talaga ang mga ito. Kung hindi lang talaga nila suot ang blue and bronze scarf ng mga ravenclaw, masasabi mo talaga na baka mali sila ng napuntahan na stand.

 

"You can do it! Stay safe and grab the snitch!"

 

"Galingan mo Minjeong! Sinabihan ko pa naman ang mga house-elves na magluto ng favourite cheesecake mo!"

 

Magkasunod na sabi ng dalawang hufflepuff habang winagayway nila ang malaking banner na may nakasulat na 'Minjeong snatcher era!' at 'Giselle gatekeeper thingz!' 

 

Nilagyan pa talaga nila ito ng drawing ng isang eagle sa baba at may charm pa silang nilagay para mag change color ito kaya kitang kita talaga ang banner nila.

 

Medjo nawala ang kaba ko. Malawak na ngiti at isang fist pump ang binigay ko na response sa dalawa. I'm really glad na nandyan ang girlfriend ko to support me for this game. Pati na din si Ning kahit na sobrang lakas niya sumigaw ng "Giselle, e gate keep mo ako!" Hindi na talaga nahiya tong bruha nato.

 

Tinignan ko ulit si Jimin at nakitang nakatingin pa din siya sa akin while smilling. She looks good with my scarf on.

 

'Fighting!'

 

Nakita kong sabi niya kaya tumango ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

 

"The players takes their position as madam Hooch goes on to the field to begin the game!"

 

Tumigin ulit ako sa mga kasama after ko marinig ang sinabi ng announcer. Nakita ko si madam Hooch na sinipa ang case kung saan nakalagay ang mga gagamiting bola for this game.

 

"Now, I want a nice and clean game from all of you!"

 

Bumukas ang case at unang lumabas ang mga bludgers at pumalibot na sa quidditch pitch. Sumunod naman ang golden snitch at umikot ito sa akin. Sinundan ko lang ito ng tingin at nakita na lumipad din ito palapit sa seeker ng slytherin. Kinuha naman ni madam Hooch ang natitirang bola, which is the quaffle. She blasted her silver whistle and toss the ball upward. Nakuha agad ito ni captain Mina and maneuvered her way out of reach from the slytherin chasers. Mabilis itong pumunta sa goalpost ng kalaban pero bago paman niya ma shoot ang quaffle, nakita niya ang papalapit na bludger na tinamaan ng enemy team papunta sa gawi niya. Mabilis niyang iniwasan ito at pinasa kay Wonwoo ang quaffle. Wonwoo hit the ball using his broomstick and pumasok ito sa left ring ng goalpost.

 

"With a nice pass from Ravenclaw captain, Mina Myoi, ravenclaw chaser, Wonwoo Jeon scores! Ten points for Ravenclaw!"

 


Lihim akong napangiti. Teamwork at its finest. Isa ito sa plano ni Captain Mina. Pass the quaffle if alanganin. Trust your teammates. Do your job. Simple lang pero if magawa mo successfully, sure na panalo na talaga. Medjo na distract ako sa mga iniisip ko kaya hindi ko namalayan yung bludger na paparating sa right side ko. Malapit na ito sa side ko paglingon ko. Kaunti nalang talaga matatamaan na ako sa mukha, buti nalang, mabilis na lumapit si Beomgyu and hit the bludger palayo gamit ang bat niya.

 

"Focus Min! That was a close one." Sabi nito at mabilis na lumipad papunta sa isa pang bludger. Nag lag ata ang utak ko kaya hindi ako nakasagot agad. Nagising lang ang diwa ko ng marinig ko ulit ang boses ng announcer.

 

"Slytherin captain in possession of the quaffle. He passed it to Jasper Park. Tried shooting in the middle ring goalpost. Andddd Ravenclaw keeper, Giselle Uchinaga with a block!"

 

"Nice one baby girl!" Malakas na sigaw ni Ning sa west ham fan. Nakita ko na binigyan siya ni Giselle ng isang flying kiss as a response. Napailing nalang ako. Mga malalanding haliparot.

 

Pinasa ni Giselle ang quaffle kay Wendy at agad ito lumipad papunta sa goalpost ng kalaban. Nasa gitna siya habang nasa right side naman niya si Captain Mina, and nasa left side niya naman si Wonwoo. Hawkshead Attacking Formation. Binablock nila captain ang other chasers ng enemy team na makalapit at makuha ang quaffle kay Wendy. Nakita ko na tinamaan ni Renjun ang bludger papunta sa captain ng slytherin kaso nakita ito ng beater ng kabilang team kaya tinamaan niya ito papunta sa direksyon ni Wendy. Agad na nag twirl si Wendy sa broomstick niya at pinasa ang quaffle kay Captain Mina. Sinundan naman ng mga slytherin chaser si Captain kaya pinasa niya ang quaffle kay Wonwoo. Nagpasahan sila back and forth haggang sa lumipad sa likod ng goalpost si Wonwoo at pinasa kay Wendy ang quaffle na nasa harapan lang niya. Agad naman shinoot ni Wendy ang quaffle sa middle ring goalpost ng kalaban.

 

"Another ten points for Ravenclaw from Wendy Son! What a nice teamwork display from our wise kids! As expected of Ravenclaw!"

 


Ten minutes na ang nakalipas after magsimula ang game. Nanonood lang ako habang naka hover malapit sa goalpost namin ng biglang may dumaan sa right side ng mukha ko. I saw a flash of gold at madali ko itong hinabol pababa. Nakita din pala ito ng kabilang seeker kaya agad ito humabol at binagga ako palayo sa golden snitch. Siniko niya pa ako which is foul na dapat pero parang hindi ata ito nakita ni madam Hooch kaya binagga ko nalang siya palayo sa akin. Lumipad pataas ang golden snitch at agad naman namin tong hinabol. Papunta ngayon ang snitch malapit sa ravenclaw goalpost at nakita ko si Giselle na lumaki ang mga mata at mabilis na umiwas sa daan kasi pumunta sa left side ring post ang snitch. Neck to neck pa din kami ng seeker ng slytherin ng biglang may narinig ako na buzz sa kaliwang tenga ko. Mabilis akong nag sloth grip roll (hangs upside down on their broomstick) para maiwasan ang paparating na bludger. Kaso hindi ito nakita ng slytherin seeker kaya saktong tumama sa mukha niya ito at nakita ko nalang na nahulog ang seeker pababa ng field. Akala ko ligtas na ako kaso bumalik ulit ang bludger papunta sa akin at muntik na akong tamaan sa gilid ng tiyan ko. Buti nalang pinalo ito palayo ni Renjun.

 

Nung naka recover na ako, hinanap ko ulit ang golden snitch at nakita ito na nag ho-hover malapit kay Giselle. Mabilis akong lumipad papunta sa kanya para makuha ang golden snitch, kaso, nakasunod pala ang bludger sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang inaatake ata ako ng bludger na ito. Tinamaan na ito palayo ni Renjun sa akin pero bumabalik at bumabalik pa din ito.

 

"I think it's a rogue bludger Min! It's been following you even though pinalo na ito palayo ni Renjun sayo." Sigaw ni Giselle habang iniwas niya ang katawan palayo sa bludger. Malapit kasi ako sa kanya kaya nung umiwas ako, dumaritso yung bludger sa side niya. Nakaharap sa akin si Giselle kaya hindi niya nakita ang bludger na papalapit na ulit sa kanya.

 

"Gi, look out!"

 

It was too late at natamaan na ng bludger ang broomstick ni Giselle causing her to fall while spinning. Buti at dumating si Beomgyu at hinampas ang bludger palayo sa akin kaya nagkaroon ako ng time na kunin ang wand ko na nakasabit sa right leg ko at tinutok kay Giselle.

 


"Arresto momentum!" I heard a loud gasp sa mga audience pero hindi ako kinabahan kasi alam ko naman na wala akong nagawang mali. Sabi sa rules we cannot use wands againts opponents or sa mga bola na ginagamit sa game. I'm merely using it to save my friend.

 

Mabilis akong bumaba at niyakap si Giselle palapit sa akin. Nawalan ata ito ng malay dahil sa kaba na mahuhulog siya. Mabilis akong pumunta kay Madam Pomfrey na naka toka malapit sa mga locker room namin at maingat na nilagay si Giselle sa naka ready na bed. 

 

"Accio broomstick!" Tinutok ko ang wand ko sa broomstick ni Gisell

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Privbluu
Wala pong proofread yan kaya sorry na agad for typos. If may violent reaction kayo, comment nalang po tapos mag away tayo sa comsec HAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
262 streak #1
Chapter 1: Kamusta na kaya si kai? lol hahahaha
u_ujiman #2
Chapter 1: Natapos na bang kumaldag si Kai?
Genniee #3
author if you haven't read, there's a fic po by rosesrunaway na "deranged (winrina)" an hpau :))
EzraSeige
#4
Chapter 1: 😍😍😍💙❄