Cowgirl Hyunjin

Menage
Please Subscribe to read the full chapter

Minjeong POV:

 

 


"Are you ready kids?"


"Aye aye, captain!"


"I can't hear you!"


"Aye aye captain!"


"Ohhh... who lives in a pineapple under the sea?"


"SpongeBob SquarePants!"

 

Wala akong magawa kundi umiling nalang sa pagiging excited ng pamilya ko. Kanina pa kasi sila pa kanta kanta courtesy of my wife. Parang mas excited pa nga ito kesa sa mga anak namin. Dahil Sunday, naisipan namin na pumanta sa park today para mag bonding. Matagal na plano na talaga ito kaso ngayon lang kami nagkaroon ng free time slash will na gawin. Nung nakaraang weekends kasi, pareho kaming naging busy with our work. Tapos kaka start lang din ng kambal sa school kaya most of our family time ay nasa bahay lang kami naka tambay. Tinatamad na kaming umalis. Kung lalabas man kami, mostly kakain lang for dinner or snacks sa hapon.

 

Dapat nga sa zoo yung plano kasi gusto ni Jimin makita ang mga snakes and crocodiles daw. Matagal na kasi siya hindi nakapunta dahil sa akin. Ayaw ko na maalala yung first time na pumunta kami ni Jimin sa zoo for our date. Muntik ko na siya hiwalayan at that time! Pagka uwi namin, sinabihan ko na agad siya na hindi na kami pupunta ulit sa kahit saang zoo for the next five years! Feeling ko talaga pag nag date kami ulit doon, it's either mamamatay ako dahil kinain ako ng sawa or siya ang mapapatay ko. 

 

Naging immune naman na ata ako sa nakakatakot na taste ng asawa ko pagdating sa mga animals. Pero hindi ibig sabihin non ay willing na ako makita or mahawakan sila ulit no!?

 

Isip ko naman na magiging responsible na siya kung pupunta nga kami doon dahil may mga anak naman na kami. Hopefully. Kasi kung hindi, kukunin ko talaga yung ginagamit ng mga zoo keeper na snake catching tong at e cla-clamp sa leeg niya!

 


Anyways, yun nga, dapat talaga sa zoo kami pupunta today. Papayag na sana ako nung e suggest ni Jimin yun kaso biglang nag "I second the notion!" si Hyunjin. Pagkarinig kasi niya ng word na "crocodile" bigla siyang tumalon at excited na nakinig sa mommy niya. Sabi niya, gusto daw niya e try magpakain ng buwaya. Sasabayan na sana siya ni Jimin sa pagtalon talon pero sumigaw na ako ng malakas na "NO!!"

 

Oo, may tiwala ako sa asawa ko (sort of) na hindi siya biglang tatalon sa fence ng mga buwaya. Pero kay Hyunjin, wala. Iniisip ko pa lang na magkasama ang words na buwaya at Hyunjin, kinikilabutan na ako. Aside kasi sa pagiging competitve and sporty, nakuha din ni Hyunjin ang mala questionable taste ng mommy niya pagdating sa mga animals.

 


One time kasi, nagsabi si Hyunjin na may bagong pet daw siya na nakuha sa bahay ng pinsan niya. Nagtaka pa ako kasi nung hinatid ni Beomgyu ang kambal pag uwi galing sa playdate nilang magpinsan, wala naman siyang sinabi sa akin na may bago silang pet na nadagdag sa pamilya nila. Yung pet parrot niya lang na si Toto ang alam ko. Tinanong ko si Hyunjin kung nasaan yung pet kasi wala naman akong nakita na dala or hawak niya pag uwi kanina. Dali dali niyang binuksan ang bag niya at may nilabas na maliit na box. May butas pa ito sa ibabaw para daw makahinga yung new pet niya. Kinabahaan na agad ako nung makita yon. Anong pet ang pwede mapasok sa box ng posporo!? 

 

 

"It's a small crocodile!"

 

Excited na sabi ni Hyunjin at dali daling binuksan ang box. Tumambad lang naman sa akin ang isang gymnast na butiki. Parang pinilit pa nga ng anak ko na mapasok yung hayop sa loob ng box. Napasapo nalang ako sa ulo. Feeling ko magkakauban na ako dahil sa stress.

 

 

 

Kaya oo, wala akong tiwala na hindi tatalon sa fence ang anak ko para lang e pet ang mga buwaya. Feeling ko if magpapakain siya nito, hindi niya bibitawan yung stick pag kinagat na ito para lang maka free ride siya papunta sa baba at bahay ng mga buwaya. Ganyan ka maparaan ang anak ko.
 

 

-----

 

 

Nagpark na ako at hinayaan ang asawa ko at ang mga bata na lumabas ng sasakyan. Pumunta ako sa likod at kinuha yung basket na may laman na mga pagkain namin pati na rin yung gagamitin namin na picnic blanket mamaya. Nakita ko si Hyunjin na excited na tumatakbo sa malawak na area ng park. Hindi nalalayo sa kanya ang kambal niya na may malawak na ngiti habang hinihintay si Jungwon na makalapit sa kanya. Nakataas ang kamay ng bunso namin habang tumatakbo ito papunta sa ate niya. Rinig na rinig ang masayang tawa nito nung niyakap siya ni Yerim after niya makalapit. Sinirado at nilock ko na yung sasakyan after ko makuha lahat ng mga gamit namin. 

 

Dahan dahan akong lumapit sa asawa ko na nakatayo lang sa may gilid habang tinitignan ang mga anak namin. Agad naman niya ako nilingon nung makalapit na ako. Kinuha niya ang hawak ko na basket at nilagay ito sa kaliwang kamay niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko gamit ang kanan niya at binaling ulit ang tingin sa mga bata.

 

Tahimik lang namin na pinagmamasdan ang mga anak habang nakangiti. Hinahabol na ni Hyunjin si Jungwon habang tumatakbo ang bunso papunta sa ate Yerim niya. Agad naman itong nagtago sa likod ng ate niya habang sinisilip ang paparating na panganay. Nung makalapit na si Hyunjin, mabilis niyang niyakap ang bunso kaya narinig namin ang malakas na tawa n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Privbluu
Sinulat ko yan kaninang madaling araw kaya pasensya na if mukhang sabog yung update :D

Sobrang thank you po sa lahat ng mga nag comments! Nakakatuwa po basahin na nag eenjoy kayo sa sinusulat ko. Thank you din po sa mga nag subscribe at nag upvote!

Comments

You must be logged in to comment
winjeongsimp #1
Chapter 5: grabe hahahahaha puputi kagad buhok ni winter neto
maxiclaine #2
Chapter 5: ako naaawa kay Minjeong. ung stress niya mas mataas pa sa kanya😭
maxiclaine #3
Chapter 5: HAHAHAHAHAHA! KALDAG KWEEN PALA ANG YERIM NA YAN. MANA SA MOMMY EH NOH?
Rettxxies
#4
Chapter 5: Feel na feel ko stress ni winter jusko yerim grabe kang bata ka hskshsksks
gandlafchua #5
Chapter 5: Yerim stress moko
EzraSeige
#6
Chapter 5: Stress na stress si Winteong 😆😆😆
winrinagfs
#7
Chapter 4: napaka UNDERstanding naman pala ni jimin ! 😭😭 nalika ako sa ahas sesh nila ni hyunjin HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA
wnddmks_ 656 streak #8
Chapter 5: Idol ko mga anak nila Minjeong, pwede na kayo sumali sa amateur band contest with interpretative dance HAHAHAHAHA
wintzkie #9
Chapter 5: Lakas ng trip ng mga anak ni Minjeong 😂
ratedkmj
17 streak #10
Chapter 5: feeling ko tatanda si minjeong sa mga anak niya ng wala sa oras