Kim Chaos

Menage
Please Subscribe to read the full chapter

Minjeong POV:

 

 

"Kakambal ko yan!" Malakas na sigaw ko after matapos mag perform nila Beomgyu sa mini stage. 

 

 

Naandito kami ngayon sa childhood home namin. Nag message kasi si mama last week na kung pwede daw ba bumusita kami ng kambal ko, kasama ang pamilya namin, sa bahay. Start na kasi ng summer kaya wala ng pasok ang mga bata. Sinabihan din kami ni mama na gusto niya sana makita na mag perform ang mga anak at apo niya pagka uwi namin. Nag send kasi ako ng mga videos ng mga bata nung tinuturuan ko sila ng mga instruments. Nag send din si Jimin ng video nila Yerim sa dance practice nila nung saturday kasama ang pinsan niya na si Hyejoo. Kaya excited si mama na sinabi sa akin na dapat makita daw din niya sumayaw si Riri niya.

 


Sinabi ko sa mga anak ko ang gusto ng lola nila at tinanong sila kung anong kanta ang gusto nila e perform. Sinabi ng mga anak ko na sila na daw bahala sa solo performance nila pero para daw sa family performance, mas gusto nila tugtugin ang build me up buttercup ng the Foundations. Si Yerim pa talaga ang mas excited habang sinasabi to. Hindi ko alam if nagustuhan lang ba ng anak ko yung pagtugtug ko ng kanta na yon bilang example bago ko siya turuan ng piano or baka may nagugustuhan na siya na ayaw naman sa kanya. Kinabahan ako sa last na option. Jusko my baby! My sunshine! Hindi ka pa pwede lumandi! Lalo na kapag one sided ito!

 


May tiwala naman ako sa kakayanan ng mga anak ko kaya pinabayaan ko nalang sila sa gusto nilang mangyari. Sabi ni Jimin, magaling daw talaga si Yerim sa interpretative dance and hiphop kaya mas na excite ako sa gagawin ng mga anak ko. Sabi ni Hyunjin, mag gu-guitar daw siya while singing. Habang si Jungwon naman ay mag dru-drums.

 


"Okay! Dahil tapos na ang family namin, yung Yu-Kim family naman ang sunod!"

 


Nawala lahat ng iniisip ko nung marinig ko ang boses ni Beomgyu. Siya nalang yung natira sa mini stage habang yung asawa at mga anak niya ay nakaupo na sa couch katabi ni mama. Nakatingin ang kambal ko sa akin habang nakataas ang kilay. Tumayo na ako kasama ang pamilya ko. Mag pe-perform muna kami as family bago yung solo ng mga anak ko. 

 


Nasa harap si Jimin dahil siya ang vocalist namin kasama si Yerim na may hawak na electric guitar. Dapat talaga kami ng asawa ko ang kakanta habang si Yerim naman ang gagamit ng portable piano keyboard. Pero G na G yung anak ko na kantahin to kaya hinayaan ko nalang siya. Tatanungin ko talaga mamaya kung bakit bet na bet niya ang kantang to. Kapag sinabi niya na may gusto siya pero hindi mutual, kakantahin ko talaga yung kanta ni Kim Chiu na bawal lumabas, pero instead of "lumabas", lumandi ang word na gagamitin ko.

   
"Sa bahay, may batas
Bawal lumandi, oh, bawal lumandi!"

 


Pumwesto na si Jungwon sa drums. Nakita ko naman si Hyunjin na inaayos ang bass guitar niya. Buti nalang talaga marunong ang kambal sa halos lahat ng string instruments kaya hindi kami mahihirapan kahit na magbago yung gagamitin namin kesa sa nakasanayan. Inayos ko muna ang pagkaka upo sa harap ng portable piano bago ko tinignan isa isa ang mga kasama ko. Nag thumbs up ako bago nag start pumindot ng keys para simulan ang kanta.

 

 

1...2...3    
"Why do you build me up? (Build me up)
Buttercup baby, just to let me down (let me down)
And mess me around and then worst of all (worst of all)
You never call baby when you say you will (say you will)
But I love you still, I need you (I need you)
More than anyone, darlin'
You know that I have from the start
So build me up (build me up)
Buttercup, don't break my heart..."

 


-----
 


Nasa mini stage na ngayon si Hyunjin habang naka upo ito at may hawak na acoustic guitar. Excited na ako sa mga solo performance ng mga anak ko! Ma su-surprise daw kasi ang lahat sa gagawin nila. Hindi nila sinabi sa amin kung anong songs ang e pe-perform nila basta sabi lang nila kakanta daw si Hyunjin at Jungwon tapos sasayaw naman si Yerim. 

 


"Mic check. Mic check. Hello po! Narinig ko once a song na ito sa radyo ni manong guard ng school namin habang hinihintay ko si mama na sunduin ako. It was really cool and I liked the lyrics so ito po ang e pe-perform ko. Sana magustuhan niyo po."

 


Inayos na ni Hyunjin ang guitara at mic. Huminga muna siya ng malalim bago nag start mag strum. Medjo may pagka energetic ang intro ng kanta kaya nakangiting nag sway ako sa upuan ko habang nakatingin sa anak ko. Sobrang proud ako sa anak ko kasi first time niya mag perfrom na siya lang mag isa outside sa comfort ng bahay namin. Tapos siya pa nag plano! Without asking for help.

 

 

 

"Pong choy la (pong choy la)
Chichiri kong koyla
Butse kik (butse kik)
Ik, ik, ik (ik, ik, ik)
Bobo chi-chang (bobo chi-chang)
Chichiri kong tong nang
Butse kik (butse kik)
Ik, ik, ik (ik, ik, ik)"

 

 


Naglaho ang ngiti ko ng bumukas ang baba ni Hyunjin at nagsimula na siyang kumanta. Anong lyrics yan? Anong kanta yan? Bakit hindi english? Tagalog? Korean? Binaling ko ang tingin sa asawa ko at nakita siyang nag sway sway pa din sa performance ni Hyunjin.

 


"H-hon, anong kanta yan?"

 

"Butsekik."

 

"Butsekik?" Taka kong tanong. Hindi ko sure if tama ba narinig ko.

 

"Oo. Kanta ni Yoyoy Villame."

 

Yoyoy Villame? Sino yan? Parang pinoy naman ang pangalan pero bakit parang hindi naman ata tagalog ang lyrics?

 

 


"Chiri wong tong choy, cho-ro kong tong loy
Chidang bobo chi-chang chiri kong tong nang
Chiring cho ri yak kang tong, woop
Butse kik, ik ik ik"

 

 


Tuloy tuloy lang ang masayang pagkanta ni Hyunjin. Hindi ko pa din maintindihan ang kanta. Paano niya nagustuhan ang lyrics? Naiintindihan ba ni Hyunjin ito? Tinignan ko ang mga kasama ko. Masaya lang silang nag sw-sway habang nakikinig sa anak ko. Nakita ko si mama na parang nalilito pero sumasabay pa din. Ginaya ko nalang siya at kahit na nag aalinlangan ay sumabay nalang sa pag cheer pagkatapos ng performance ni Hyunjin. Mamaya ko nalang siya tatanungin bago matulog.
 

 

 

-----

 

 

 

Tumayo na si Yerim pagkatapos ng performance ng kambal niya. Sinamahan siya ng pinsan n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Privbluu
Sinulat ko yan kaninang madaling araw kaya pasensya na if mukhang sabog yung update :D

Sobrang thank you po sa lahat ng mga nag comments! Nakakatuwa po basahin na nag eenjoy kayo sa sinusulat ko. Thank you din po sa mga nag subscribe at nag upvote!

Comments

You must be logged in to comment
winjeongsimp #1
Chapter 5: grabe hahahahaha puputi kagad buhok ni winter neto
maxiclaine #2
Chapter 5: ako naaawa kay Minjeong. ung stress niya mas mataas pa sa kanya😭
maxiclaine #3
Chapter 5: HAHAHAHAHAHA! KALDAG KWEEN PALA ANG YERIM NA YAN. MANA SA MOMMY EH NOH?
Rettxxies
#4
Chapter 5: Feel na feel ko stress ni winter jusko yerim grabe kang bata ka hskshsksks
gandlafchua #5
Chapter 5: Yerim stress moko
EzraSeige
#6
Chapter 5: Stress na stress si Winteong 😆😆😆
winrinagfs
#7
Chapter 4: napaka UNDERstanding naman pala ni jimin ! 😭😭 nalika ako sa ahas sesh nila ni hyunjin HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA
wnddmks_ 643 streak #8
Chapter 5: Idol ko mga anak nila Minjeong, pwede na kayo sumali sa amateur band contest with interpretative dance HAHAHAHAHA
wintzkie #9
Chapter 5: Lakas ng trip ng mga anak ni Minjeong 😂
ratedkmj
11 streak #10
Chapter 5: feeling ko tatanda si minjeong sa mga anak niya ng wala sa oras