solo

tadhana, UDD

Ang init! 

 

Kung bakit pa kasi noong naghatian at nagpilian ng lugar, pinili pa ng PIlipinas sa malapit sa equator. Kung tumabi siya sa Japan edi sana happy lahat tayo ngayon. Edi sana hindi ako pinagpapawisan ngayon. 

 

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bag. Hindi ko naman na ito pinansin dahil nagtatampo ako sa kanila. 

 

Echos lang. 

 

Pero kasi may exam pa sila and if binuksan ko ang group namin, baka hindi na sila makapag-review. Edi sana sinamahan na lang nila ako ngayon. 

 

Biglaan kasi akong pinatawag sa school ng kapatid ko. Ay, si Mommy pala pero since busy siya manood, ako na lang daw since wala raw akong pasok today. Okay lang naman since bored na rin ako sa bahay. 

 

Ang problema ko lang ngayon, gusto ko uminom ng frappe and wala akong kasama. Yes, problema na ‘yun. Hindi naman kasi ako sanay umalis na ako lang mag-isa. Laging kasama sila Gi or sila Mommy. 

 

Kaya torn ako ngayon if diretso uwi na ba ako or try ko muna magkaroon ng independent life for a day. 

 

summer umalis ka sa pinas

sabihin mo kay mommy na hindi tayo sabay ah

2:37 pm

 

summer umalis ka sa pinas

akala niya kasi sasabay ka na sa akin

2:37 pm

 

summer umalis ka sa pinas

try mo ‘yung sinend ko sa’yong shop, maaga pa naman kaya walang tao ngayon dun

2:38 pm

 

Edi nainggit na naman ako na kasama niya friends niya. Miss ko na sila Giselle. Bakit ba kasi hindi kami same ng schedules. 

 

Nakanguso akong naglakad palabas ng campus ni Summer, na dati ko ring school noong high school pa lang ako. Iba’t ibang amoy naman ang naamoy ko dahil sa dami ng mga estudyanteng pauwi na rin. Mabilis na akong naglakad nang makaamoy ng kakaiba. Natanaw ko naman agad ang building na sinasabi ni Summer na kung saan may bagong tayong tambayan ng mga estudyante. 

 

Typical budget-wise na tambayan para sa magkakaibigan na high school students pa lang. 

 

Kahit na feel ko hindi magandang choice ang akyatin ang sinasabi ni Summer na shop, syempre umakyat pa rin ako. 

 

Third floor, the last one. Wow, overlooking siya infairness. 

 

Tulad ng nabanggit ni Summer, wala ngang tao bukod sa owner. Nakaupo siya sa isa sa lamesa at nag-aaral. 

 

Wow. 

 

Agad naman siyang ngumiti pagpasok ko at tumayo. Maliit na bow lang naman ang nagawa ko dahil naka-face mask pa rin naman ako. 

 

Maliit lang ang lugar. Tago rin. Place kung saan pwede kang mag-spill sa tropa mo na nag-break na kayo ng ka-situationship mo. 

 

Agad ko namang tiningala ang kanilang menu. “Chocolate Frappe po” 

 

“Naubusan kami ng gamit para sa Frappe eh,” malungkot na sagot sa akin ng nasa counter. Tumango naman ako sa kaniya at mabilis na binigkas ang next kong regular order sa mga ganitong lugar. 

 

“Milktea na lang po, Wintermelon…ay, Cookies and Cream na lang po,” 

 

Need ko talaga ng chocolate sa katawan. Grabe ang init at ang pagiging mag-isa ko. First time. 

 

Need ko ‘to ipagmayabang kay Chaewon na nasa kabilang ibayo. 

 

Umiling naman ulit sa akin ang may-ari kaya napasimangot ako sa likod ng face mask kong suot. “Wintermelon na lang po”

 

“Best seller naman namin siya. Marami talagang may gusto ng Wintermelon,” pag-aalo nito sa akin. Gusto ko sanang sumagot ng yes po, madalas din pong ganiyan order ko kaso nahihiya ako. Tsaka super awkward na ng atmosphere. 

 

Nakita ko naman na may nakahiga sa may likod ng counter. Baka anak niya. 

 

Matapos kong magbayad, agad na akong umupo sa bandang bintana. Tama nga akong maganda ang view lalo na at nasa ikatlong floor kami. Presko rin ang hangin na matagal ko na ring hinahanap. Hindi rin naman nagtagal ay iniabot na sa akin ang order ko. 

 

Nasa kalagitnaan ako ng pagtusok sa milktea ko nang biglang umingay ang paligid. Ang kaninang tahimik na lugar ay napalitan ng malalakas na sigaw ng “Ate!” 

 

“Hello po! Andito po ulit kami!” 

 

“Hello, Ate!” 

 

Wala raw tao. Summer, ano tingin mo sa kanila? Aso?

 

Mukhang madalas dito ang mga pumasok since casual lang ang pagkakabati nila sa may-ari. Narinig ko naman ulit ang mga ito. 

 

“Hello po, Ate. Liligawan po kasi namin ulit anak niyo kaya andito ulit kami”

 

“Oo nga, Ate. Asan ba si Ate?” 

 

What?

 

Tumawa lang naman ang may-ari. Tinusok ko na lang agad ang straw ko at tinalikuran na sila. Dinama ko ang preskong hangin pati na rin ang masarap na pagkakatimpla ng milktea. 

 

Hmm, pwede. 

 

Narinig ko ang pag-order ng mga bata sa likuran ko. Kinuha ko naman ang aking cellphone at napagdesisyunang guluhin na lang si Chaewon. 

 

“Hello po, Ate hehe” 

 

“Ano gusto niyo? Pizza? Anong flavor ng milktea?” 

 

“Kaya kami bumabalik dito kasi crush namin si Ate eh. Ang ganda kasi. Hi, Ate”

 

“Nasaan cellphone ko? Huy tawagan niyo nga” 


 

win

chae, mainit ba diyan sa dubai? 

 

win

dito kasi sa pinas oo

 

win

emi lang 

 

win

chae, masama ba kapag everyday milktea? 

 

Natawa ako sa sarili kong mga chat kay Chaewon. Sure ako nakakunot na naman noo neto. Chat ko rin kaya si Yunjin para mainis si Chaewon. 

 

Nakalahati ko na agad ang milktea ko nang marinig ko ang mga bata sa likod ko. May fries din pala dito? Parang gusto ko rin. 

 

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at iniwan na muna saglit ang milktea ko sa lamesa. Agad naman akong pumunta sa likuran ng batang umo-order. Tiningala ko ulit ang menu nila at nakitang may solo fries sila, sakto para sa loner like me. 

 

“Patugtog kami Ate ha! Thank you!,” sigaw ng isa sa mga bata at nagpatugtog sa speaker ng shop. Agad ko namang nakilala ang kanta dahil sa intro nito. 

 

Tadhana by UDD. 

 

Umorder naman ako agad matapos umalis ng nasa harap ko.

 

“Isa pong solo fries….,” nagulat ako nang makita ang sinasabi nilang Ate. 

 

“Ano pong flavor?,” 

 

“Cheese na lang po….,” 

 

Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito

 

Ang ganda nga ni Ate. Ang malumanay pa ng boses. 

 

Tapos….

 

“Sukli niyo po” 

 

Para siyang si Mama Mary! 

 

Wala sa sarili akong naglakad papunta sa upuan ko. Agad akong namula nang maalala ang mukha at boses niya. Sakto naman ang pagpasok ng message ni Chaewon sa akin. 

 

chae

bored ka na naman ba, win? 

 

chae

wala ka bang class today?

 

chae

istg ‘wag mong guguluhin si yunjin ngayon ha may exam din yun ngayon

 

 

Bakit ba ngayon lang ako napunta dito? 

 

Alam ba ni Summer na may magandang nilalang sa shop na ito kaya niya ako pinapunta dito?

 

Good Lord!

 

Mabilis kong hinigop ang natitira kong milktea. Sumilip naman ako sa counter at nakitang busy si Ate maganda na asikasuhin ang order ng mga bata na pizza. 

 

Ang ganda niya talaga. May nunal pa sa bandang baba ng lips niya. 

 

Gandang akala mo AI Character. Kaya pala gumawa ni Lord ng ganito kaganda na hindi naging artista. Akala ko sa TV lang ako makakakita ng mga ganitong maganda eh. 

 

Sabi na eh, tama talaga landas na tinatahak ko. 

 

Ginawa talaga ako nila Mommy para lumuhod at magmahal ng mga magaganda. 

 

win

chae, busy ka ba? tara pizza date us

 

 

chae

win, sabog ka ba? sa pasig ako nakatira ngayon ‘di ba? 5 hours layo ko sa’yo win

 

win

chae, ang malamunay ng voice ni ate sa counter

 

chae

win, sino kasama mo?

 

win

chae, naka-wolf cut siya!

 

 

chae

win, sabi nila gi may prelims daw sila today. umalis ka ba mag-isa?

 

win

chae, order ako fries hehe

 

 

chae

win?

 

chae 

sana aware kang wala kang sinasagot sa mga question ko

 

 

“Eto na po ‘yung fries!” 

 

Agad naman akong tumayo papunta sa counter. “Eto rin po ‘yung toothpick”

 

Ate, kinakamay ko lang ang fries pero para sa’yo why not gumamit ng toothpick ‘diba? Tumango lang naman ako sa kaniya. Inabot niya sa akin ang fries ko na nasa magandang lagayan. 

 

Wow, kapag dito kakain may sarili kang plate? 

 

“Thank you po,” mahina kong sabi bago bumalik sa upuan ko. Ngumiti naman nang maliit si Ate bago tumango. 

 

Ang ganda niya talaga! Nakakaiyak ang ganda!

 

Nakakailang subo pa lang ako ng fries nang maramdaman kong busog na ako. Napakamot naman ako ng kilay ko nang mapagtantong marami pa ang fries na nasa plato ko. Tuloy naman ang usapan namin ni Chaewon habang pinipilit kong ubusin ang fries na inorder ko. 

 

chae

akala ko ba milktea lang?

 

chae

win nakakaproud ka naman 

 

chae

talagang nakaya mo umorder mag-isa? 

 

win

may chika ako huhu

 

win

dapat talaga milktea lang!

 

win

kaso noong pumasok ‘yung mga bata, mga student mula sa malapit na school dito, narinig ko silang sabihin na crush daw nila si ate na nasa counter

 

win

tapos noong umoorder na sila, bigla akong nagcrave sa fries 

 

win

edi umorder ako!

 

chae

alam ko na saan papunta ‘to

 

win

tapos noong nakita ko si ate, maganda nga!!!

 

win

ang malumanay din ng voice!!!!

 

chae

sinabi mo na siya kanina actually win

 

chae

nasabi mo na rin na busog ka na at hirap nang ubusin ang fries pero tumitingin ka pa rin sa menu kasi gusto mong makausap ulit si “ate” na nakawolf cut

 

chae

nasabi mo na rin na naubos mo na ang fries and hindi mo alam paano ibabalik ang platong “mamahalin” at “maganda” sa kaniya

 

chae

win 

 

win

oo na! Ako na hopekess na bading 

 

win

hopeless***

 

win

pero kasi naman

 

win

how ko ‘to ibabalik? eh napapalibutan ako ng mga bata (real) 

 

 

Naramdaman ko naman na parang may nakatitig sa likod ko. Baka ‘yung mga bata lang na curious bakit ako mag-isa. Sana naman ‘wag mapost sa fb oh. 

 

Thank lord at may friends talaga ako. Look niyo si Ate, want namin siyang samahan kaso....

 

No talaga!

 

chae

bading

 

win

na useless and awkward!

 

chae

yes 

 

chae

may lima ka ba?

 

win

uhm , yes? 

 

chae

bigay mo sa bata

 

win

chae parang gago naman eh 

 

chae

sabihin mo, “balik mo nga ‘to dun” 

 

win

chae utusan ko ‘to eh mga nasa g8 or g9 na sila!!

 

win

eh kaya nga ‘di ko mabalik kasi nahihiya ako dumaan!!

 

chae

gagu sabi mo bata?

 

win

bata nga!

 

win

highschool pa lang eh  

 

chae

baliw ‘to

 

win

magsilayas na nga kayo dito mga bata

 

win

bilis!

 

win

ibabalik ko pa ‘to kay Ate oh

 

 

Nagligpit na ako at ready na umalis. Nagbilang ako ng 10 seconds sa utak ko bago maglakad papunta sa counter. Hindi ko naman na pinansin mga bata at naglakas loob na tawagin si Ate. 

 

“Ate, ito na po ‘yung lagayan”

 

Agad namang kinuha ni Ate ang lagayan at pumasok sa may kitchen nila. Napasimangot naman ako dahil dito at naglakad a lang palabas. 

 

What if bumalik na lang ako dito pero with Giselle na para ‘di naman halata? 

 

Nakalabas na ako ng pinto nang maisipan kong lumingon. Nakita ko naman siyang palabas ng kitchen nila. Nakanguso akong naglakad na paalis. 

 

One lingon na lang talaga. One na lang talaga. 

 

Lumingon ulit ako sa counter nang matapat sa bintana. Nakita ko naman siyang nakatingin sa akin. Parehas kaming nagulat pero mas nauna siyang nag-iwas ng tingin at napansin ko ang pamumula ng tenga niya. 

 

Namumula akong bumaba sa building na iyon. 

 

 

Nasa loob na ako ng jeep nang magchat uli si Chaewon. 

 

chae

nasaan ka ba?

 

win

i’m outside na!!!

 

chae

wow, nabalik mo?

 

chae

so babalik ka diyan tom?

 

win

no

 

chae

wow? akala ko ba crush mo na?

 

win

not tom agad hehehehehe

 

 

Nakangiti kong tinago ang phone ko. Babalik ako syempre pero not tomorrow agad. Feel ko may mangyayari sa tyan ko eh. Pinilit ko lang talagang ubusin ang fries kanina. 

 

Kinuha ko ang earpods ko at nagpatugtog na lang. 

 

Tadhana by Up Dharma Down now playing

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
tapos na hell month ko kaya balik tayo sa aespa haha

Comments

You must be logged in to comment
Luwijen
#1
Chapter 1: ay nako when kaya makakaranas ng ganyan HAHAHWHW
howdoyouknowmee
536 streak #2
Hmmm upvoted!!