Surely, Certainly, Definitely.

Surely, Certainly, Definitely.
Please Subscribe to read the full chapter

How do you know kung mahal mo talaga ang isang tao?

Ako kasi, hindi ko alam.

Some would say I'm being unfair kasi I'm talking to someone right now, pero can you blame me? I like her, that's for sure. But committing? Maybe in the future, but not now.

 

That's what I like to tell myself. But that's just an excuse.

You see, Karina is.. she's just too good for me. Really really good. In fact, one might even call her an angel if they come across her. Her looks even further solidify that kasi tangina, mapapamura ka sa sobrang ganda niya. Her long wavy hair that perfectly frame her crazily beautiful face. And have I mentioned how her eyes literally shine so bright? And the mole just below her lips? It's just the cherry on top because damn, even her lips are enough to take my last bit of sanity. Kahit sino siguro, mahihiyang tumabi sa kagaya niya, kung hindi man sila mahimatay at the mere glimpse of her. I'm probably exaggerating, but at the same time, I am completely being honest.

 

Hindi ko naman talaga siya kilala noon. In fact, wala naman kasing point para kilalanin siya. 

 

Who loves Monday? Certainly not me who needs her iced coffee to function. Pero dahil Mondays are the worst, nalaman kong ang paborito kong cafe ay nagsarado na at napalitan ng isang laundry shop!

"Hi, ma'am! Good morning, what can I get for you?" tanong ng cashier sa cafe na mukhang kakagrand opening lang dahil may arko pa ng mga lobo sa tapat.

Hindi ko na inangat pa ang tingin dahil naiirita pa rin ako. Umorder na lang ng iced americano (at nagdasal na masarap ito kasi iiyak ako kung hindi) at inabot na ang card ko. Kachat ko kasi ang editor kong terror na si Ningning na akala mo ay pinaglihi sa sama ng loob.

"Here's your order, miss Winter!" masiglang tawag ng cashier sa akin.

Napakunot ang noo ko, sinabi ko ba sa kanya ang pangalan ko kanina? Hindi ko na lang pinansin 'yon at umupo na sa table na malapit sa bintana. Kukuha pa lang ako ng tissue para punasan ang table bago umupo nang biglang may sumulpot sa tabi ko na dali daling pinunasan ang lamesa. Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang matapos siya. Nang humarap siya, doon ko lang napansin ang matamis niyang ngiti. Doon ko lang din napansin na.. ang ganda niya.

"Here you go, ma'am! Enjoy your drink po!"

I just nodded and gave her a small smile bago sinet up ang laptop ko para habulin ang deadline ng draft ko. Kalagitnaan ng pagsusulat ay napansin ko ang staff na nakasilip na sa ginagawa ko.

"Excuse me?"

Agad siyang napaayos ng upo at nagpunas ng mga luha.

"Hala, ma'am sorry! Nacurious kasi ako sa tinatype mo kaso.. ma'am ang sakit naman nyan!" pahikbi niyang sagot.

Nakakunot pa rin ang noo ko habang pinapanood siya. What does she really need from me? 

"Has this cafe always been like this? I need my privacy, why are you reading whatever I'm working on right now?" masungit kong tanong sa kanya.

Agad nanlaki ang mata niya at kinaway kaway ang mga kamay niya, "hala ma'am! I'm sorry! Nakita ko po kasi ang pangalan niyo sa isa sa mga favorite kong libro, ang galing niyo po, ma'am! Kaso hindi na po ba romance ang genre niyo? Grabe sa sakit 'yan eh."

Pinagcross ko ang arms ko at tinaasan siya ng kilay, "Where's your manager?"

Napalunok siya ng laway at luminga linga. Napasandal ako sa chair nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Doon ko napansin ang mole right under her lips.

"I own this cafe po, ma'am, pero secret lang," bulong niya sa akin bago umayos ulit ng tayo.

Napakurap kurap ako nang bigla niya akong kindatan habang nakalagay ang hintuturo sa ibabaw ng mga labi niya as if she just shared a secret I can't tell anyone. 

"Stop peeking at my laptop or I'll stop coming here, alright?" sabi ko sabay irap sa kanya.

Agad siyang tumango at nagsalute pa bago ako iwanan na ulit. Hindi ko na lang siya pinansin pa at nagsimula na ulit magtype. Maganda nga pero weirdo.

 

"Ma'am Winter! Cake po, libre na," masiglang sabi ng cashier pagkalapag ng chocolate cake sa table.

Nagkatitigan pa kami bago ko kunin ang cake na bigay niya, nagutom na rin naman ako dahil dito.

"Thank you," sabi ko na agad nakapagpangiti sa kanya.

 

Hindi niya na ako muling kinulit hanggang sa matapos ko ang draft na ipapasa ko. Pero nang lalabas na ako, nakita ko siya sa may pinto at halata namang inaabangan ako dahil walang tao sa cafe niya bukod sa aming dalawa.

"What?"

Pinagbukas niya ako ng pintuan habang may nakakasilaw na ngiti, "Enjoy the rest of your day, idol," napatigil siya at napalinga linga kung may nakarinig ba sa kanya, "Winter po pala, sorry, idol po kasi talaga kita!"

 

That was the weirdest Monday of my life at akala ko hindi na masusundan pero I just found myself watching this girl cry over a cat na nabangga sa kalsada. Nakaupo siya sa tabi noon at humahagulgol. Hindi ko naman talaga dapat papansinin pero nang businahan na siya ng mga sasakyan, dali dali ko siyang pinuntahan at hinila papunta sa sidewalk.

"Patay na 'yon, ikaw buhay pa. Why would you stay in the middle of the road?"

Tinitigan niya ako habang patuloy pa ang pagtulo ng mga luha niya.

"S-Si pochi.." napahagulgol ulit siya kaya hindi ko na alam ang gagawin habang napapansin ang mga dumadaan na napapatingin sa aming dalawa.

Nahuli ko pa ang isang matandang babaeng dumaan na ang sama pa ng tingin sa akin, akala pa yata ay ako ang nagpaiyak dito!

"Stop crying, okay? She's probably in cat heaven now."

Gusto ko na lang sapakin ang sarili ko, para akong nagpapatahan ng bata sa kacornyhan ko. Akala ko ay aasarin niya ako pero tumingin siya sa akin, namumungay pa ang mga mata.

"Talaga?"

Naniwala siya doon?!

Pinigilan ko ang urge na magfacepalm at tumango na lang. Dali dali ko na lang din kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mga luha niya. Napaigtad pa siya nang lumapat ang panyo sa kanya pero hindi naman siya nagreklamo. Mas matangkad siya sa akin kaya naman kailangan ko pang tumingala para mameet ang eyes niya.

"Tahan na, okay? Do you want some ice cream?"

Humikbi hikbi pa pero agad siyang tumango, "L-Libre?"

Napairap na lang ako, ayon pa talaga ang mahalaga?

"Yes, let's go," sabi ko sabay hawak sa wrist niya para hilahin siya papunta sa malapit na 7/11.

 

Hinila ko lang naman siya noon para patahanin siya pero out of nowhere ay bigla niya akong kinulbit.

"Idol, este ma'am Winter.." mahinang bulong niya.

Hindi ko na siya pinatapos at hinarap siya, "just Winter is fine and stop using 'po'."

Antagal niyang nakatitig sa akin kaya naman naweirduhan na ako at tinaasan siya ng kilay, "What do you want now?"

Napalunok muna siya bago, "pwede tayong maging friends?"

Normally, I'd say no. Anyone who knows me will know that I am not the least bit interested with making friends. I'm fine on my own, and besides, human beings are the most terrible creatures on Earth. I don't care if I'm human too.

"I don't even know your name."

Akala niya ata ay tumanggi ako kaya natahimik siya bigla.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, "I'm Winter," pagpapakilala ko kahit alam niya na rin naman.

Tatanggapin niya na sana ang kamay ko pero agad ko iyong binaba para kunin ang cellphone ko. I was trying to give her my phone but she's just standing there confused.

"Give me your phone number?"

Napakurap kurap pa siya bago dali daling kinuha ang cellphone ko at tinype na ang number niya.

"E-Eto," sabi niya sabay balik ng cellphone ko.

"And your name?" tanong ko para naman maisave ko na 'tong number niya.

"Katarina, pero Kat na lang siguro.."

Hindi ko siya pinansin at sinave ang number niya under the contact name, "Karina", mas bagay sa kanya.

 

Doon na nga nagsimula ang pangungulit niya sa akin araw araw hanggang sa hindi ko na namalayang napapangiti na ako sa mga texts niya at hinahanap hanap siya tuwing nahuhuli ng reply. Gaya na lang ngayon. Hindi na ako nakatiis at tinawagan na siya. Ang tagal bago niya sagutin.

"hmm?" tunog bagong gising pa at hindi pa gising ang diwa. 

Normally, I'd let her sleep na lang ulit, pero plano naming magdinner nang sabay after weeks of being phone pals lang. Naging busy kasi ako at mukhang dumami na rin ang frequent customers ng cafe niya kaya naman wala kaming choice kundi ang magsettle sa chat at video calls.

"I'm on the way there, baka malate tayo sa pinareserve ko for dinner."

Narinig ko ang pagbagsak niya sa kama, mukhang hindi ata naalala na may usapan kami tonight.

"Hey, you alright?"

Naririnig ko ang pagkaluskos sa kabilang linya, "oo, wait lang ha? 5 minutes tapos sunduin mo na ko."

Hindi niya na hinintay pa ang sagot ko at binaba na ang tawag. Napailing iling na lang ako at naupo na lang muna sa kama habang pinapalipas ang limang minuto.

 

Hindi pa rin siya tapos magprepare nang makarating ako sa bahay niya kaya naman tumayo lang ako sa may gate habang hinihintay siyang lumabas. Agad din akong umayos ng tayo nang marinig ang pagbukas ng gate. Hindi naman ako nabalaang ito pala ang bubungad sa akin..

"You're dating my daughter?" nakataa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
Chapter 1: author and reader naman pala huhuhu ang cutiee
reiichan #2
ako din
minminread #3
Chapter 1: 🥺🥺🥺
jmjdumpx #4
Chapter 1: kilig
zero123
#5
Chapter 1: nakangiti ako habang nagbabasa 🥹
Prenglesz_
#6
Chapter 1: hoy ganito ang mga gusto ko huhuhuhu fluff lang at softie ganon!!! cute cute naman nito
u_ujiman #7
Chapter 1: Cutieeeee
snowychacco
#8
Chapter 1: ang ganda huhu ang soft nito :(<3
Emgeelex
#9
Chapter 1: 🥺🥺🥰
Pengseul
#10
Chapter 1: Wow! Ang cute nmn nito!