Dati

Dati
Please Subscribe to read the full chapter

First time kita makita mag-isa sa playground, nakatingin sa malayo, iniisip ko kung lalapitan ba kita o hindi. 

Tinignan kita ulit, nakapula kang bistida, nakaayos ang iyong buhok at may munting ribbon sa gilid. Luminga linga ako, lahat ng bata sa playground ay maingay at naglalaro, nilakasan ko ang loob ko. Unti unti akong lumapit.


"Hello? Ako si Seulgi!" masaya kong bati.

Unang beses nagtama ang ating mga mata. Pero hindi ka sumagot. Napakamot ako sa aking ulo. Siguro ayaw mong may kasama.


"Pwede ba ko umupo dian sa isang swing?" tanong ko muli.

Tinignan mo ako, at tumango ka. Wala ka paring imik.


"Dapat magswing ka kagaya nito" sabi ko habang unti unting dumuduyan.


Hindi mo ko sinulyapan, para kang walang narinig. Buong oras ko sa playground ako lang yung nagsasalita. Ikaw ay nakikinig lang. Narinig ko si mommy na tinatawag na ako. Agad akong bumaba ng swing at nagpagpag ng damit. Nagpaalam ako sayo.


First time kitang makitang ngumiti, nagpasalamat ka sa pagsama ko sayo. Doon ko rin unang nalaman ang pangalan mo.


"Ako si Joohyun".

 


"Anong section mo?" tanong mo sakin. Kumunot ako. Sabay tayong nagenroll dahil sabi mo malaki ang chances na maging magkaklase tayo. 


"Section 10 ako. Ikaw?" sagot ko habang tinitignan ang listahan na bibilhin natin para sa nalalapit na pasukan.


"Tsk. Section 8. Bat hindi tayo magkaklase? sabay naman tayong nagenroll" iritable mong sagot.


"Hayaan mo na, isang classroom lang naman ang pagitan natin" nakangiti kong sabi sayo.


"Pero gusto ko kaklase kita! Gusto ko ako ang katabi mo!" nakapout mong sabi.


"Wag kana malungkot. Tanong natin kay Prinsipal Prado kung pwede tayong pagsamahin sa isang section." sabi ko habang nakaharap sayo.


"Paano kung hindi pumayag?" bulong mo.


Hinawakan ko ang mga kamay mo. Agad ka rin humawak ng mahigpit.
 

"Ikaw lang din naman ang gusto kong makatabi palagi, pero kung hindi papayagan, pupuntahan kita sa classroom mo, sabay parin tayo sa pagpasok, break, lunch at uwian. Ihahatid parin kita pauwi" nakangiti kong sabi.


"Sabi mo yan ha! Promise?" tanong mo ulit.
 

"Promise."

 


"Joohyun! Sasali ako sa dance crew!" masaya kong bati sayo.


"Pero bakit? Akala ko sa glee club mo gusto? Kaya nga dun ako sumali?" galit mong tanong.


"Naaya kasi ako ni Jisoo. Plus may chance na magimprove yung dance skills ko" sabi ko habang nagsasayaw sayaw. Nakasimangot ka parin.


"Niyaya ka ni Jisoo??" tanong mo ulit. Tumango ako, hindi ko gusto ang patutunguhan nito. Simula ng tumuntong tayo ng highschool, napapadalas ang away natin.


"Dat sinabi mo nalang ng maaga para sa drama club nalang ako sumali. ilang beses kitang tinanong!" sigaw mong sabi.


"Eh, diba, sabi ko naman sayo kung dun mo gusto, dun ka sumali" sagot ko. Nilingon mo ko. Galit ang iyong mga mata.


"Dahil gusto ko kasama kit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mar857
#1
Chapter 1: Mamssshhh ang panget mo ka bonding hahahaha bat ka na nanakit tas ang aga aga ko pa binasa 😭😭😭 aray ha...
its_aaarrriii
46 streak #2
Chapter 1: Sakit mo na