Ikaw Pa Rin.

Ikaw Pa Rin.
Please Subscribe to read the full chapter

Ang pagmamahal ko kay Winter ay parang pagkain ng chichirya.

Hindi healthy.

Ang malala? Alam kong hindi healthy pero tuloy pa rin ako.

Kasi masarap. Kasi nakakaadik. Kaya kahit alam kong masasaktan ako ay tuloy pa rin. 

 

Siguro ay alam niya 'yan. Kaya siguro ilang beses niya na akong iniwan.

Pero pinangako ko sa sarili kong huli na 'yon. Hindi ko na siya hahayaang bumalik pa sa buhay ko. Panahon na para piliin ko naman ang peace of mind ko.

 

"Kars?" 

Hindi ko pa nakikita ay alam ko na agad kung sino. Nang humarap ako ay nakita ko ang taong hiniling kong hindi ko na muling makita pa. Pero wala, eto siya ngayon sa harap ko. Malamlam pa ang mga mata at tila nangulila sa panahong nawala siya.

Siya pa ang nangulila? Hindi ko siya inimikan at lalampasan na sana siya nang harangan niya ang dadaanan ko. 

"Kars, come on, I'm here oh?" pagdidiin niya na akala mo naman ay hindi ko siya nakita.

Tinitigan ko lang siya ulit, patagong nagdadasal na hindi niya kita kung gaano rin ako nangulila sa kanya..

"Hindi mo ba ako namiss?"

Ganon ganon lang? Biro lang ba sa kanya ang lahat ng 'to? Akala ba niya ay wala lang sa akin ang maiwan at balikan nang walang paliwanag? Joke ba 'to? Camera prank?

Napabuntong hininga na lang ako, "namiss," pabulong kong sabi kaya naman agad siyang napangiti at yumakap sa akin.

Ako na ang magsasabi, oo. Ako na ang pinakamarupok sa mundo.

"Rina! / Karina!" rinig kong sigaw ni Ningning at Giselle.

Agad napabitaw si Winter at naglakad na palayo. Pinanood ko lang siyang maglakad palayo hanggang sa may umakbay na sa akin.

"Libre mo kami lunch, teh. Anong tinitignan mo dyan?"

"Wala 'yon. Saan niyo gustong kumain?"

Kita ko sa mukha ni Ningning na gusto niya pa akong kulitin tungkol dito pero agad kaming hinila ni Giselle kaya naman wala na siyang nagawa kundi i-let go ang mga tanong. Buti naman, mapapagalitan lang ako nito ni liit, panigurado.

 

"Welcome home, love! Kain ka na dinner, nagluto na kanina si manang. Paborito mo na naman niluto niya," bati ni Winter pagkabukas ko ng pinto ng condo unit ko.

Pumasok na naman siya nang hindi nagsasabi. Nakalimutan ko na naman palang palitan ang passcode.

"Kain ka na rin?"

Nakangiti siyang umiling, "makita lang kitang busog, busog na rin ako."

Napatawa na lang ako. Walang kupas talaga mga banat nito.

 

Magkatabi na kami sa kama nang bigla siyang bumangon at tinitigan ako nang seryoso. Malamig ang tingin niya at walang kahit anong bahid ng emosyon.

"Wala ka bang balak bisitahin ako?"

Napakunot ang noo ko, anong bisita? Magkasama na kami, ano pa bang gusto niya?

"Magkasama na tayo, Winter. Ano bang pinagsasabi mo?"

Umiling siya, "Kars, no. You know what I mean naman diba?"

"No."

Napabuntong hininga na lang siya at humiga na ulit. This time though, hindi na siya humarap sa akin. Hindi ko na lang din siya niyakap at pinanood na lang ang paghinga niya mula dito sa likod.

 

"Hoy, Rina, natutulog ka pa ba?" iritableng tanong ni Ningning nang magkita kami para sa isa naming group project.

Sabi na ay mahahalata niya.

"Tinapos ko ang speech ko kagabi," sabi ko na lang kahit na ang totoo ay last week ko pa tapos 'yon.

Ayoko lang matulog. Hindi ko kakayanin pag pagmulat ko ay wala na naman si Winter sa tabi ko kaya naman pinapanood ko lang siya sa gabi. Lalo na kagabi, iba ang lamig ng tono niya, natakot lang naman akong maiwan na namang mag-isa.

"Ikaw, gaga, matulog ka rin paminsan-minsan ha? Tignan mo't ang payat at putla mo na! Baka naman ikaw na ang sunod na maconfine nyan!"

Tumango na lang ako kahit na alam kong mamayang gabi, malabo na namang sundin ko ang bilin niya.

I'm sorry, Ningning, pero kaya ko pa naman eh. Kahit konting saglit pa. 

 

"Welcome home, Kars! Kain ka na," masiglang bati ni Winter pagkabukas ko ng pinto.

Agad akong napangiti at niyakap siya nang mahigpit. 

Eto ang namiss ko. Eto ang ayaw kong mawala sa akin ngayon, Ningning. Ang pagsalubong niya sa akin habang suot ang napakaganda niyang ngiti.

"Namiss kita," paglalambing ko kaya naman agad siyang napatawa at niyakap na lang din ako pabalik, "namiss din kita."

"Wag mo na akong iiwan ha?"

Hindi siya kumibo.

Sa katahimikan na 'yon ko ata naranasan ang pinakamalalang takot sa buong buhay ko. Hindi ba siya sumagot dahil aalis na naman siya?

Niyakap ko na lang siya nang mas mahigpit pa, hinihiling na sana ramdam niya ang pagsusumamo kong wag na siyang umalis pa ulit.

 

Nang magising ako, nakahiga na ako sa kama. Agad akong napabangon nang hindi makita si Winter.

"Win?" kabadong tawag ko ngunit walang sumagot.

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto kaya naman lalo na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Warning: This story might not be what you're expecting! Read at your own risk. :D

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 1: gago :((( sakit sakit
Emaviridae
#2
Chapter 1: hurts like hell, happy valentines i guess huhu
wo3muff
#3
Chapter 1: TEH ANG PUSO KO 😥😥
rinagayed
#4
Chapter 1: huy kala ko charot charot lng yung angst HSGAHSHHSABH POTA
zero123
#5
Chapter 1: omg… 🥲🥲 ang sad
Luwijen
#6
Chapter 1: hayyy ang sakit boi
howdoyouknowmee
536 streak #7
Chapter 1: Huhu