slh end

She looks het
Please Subscribe to read the full chapter

Hi, I'm Karina Collera grade 11 student, kwento ko muna kung pano nagkanda leche leche buhay ko kasi inenroll ako ng registrar sa grade 12....

 

Ganito yan, last year kasi grade 11 na ako pero nag stop ako kasi nahirapan ako maghabol... second sem na nun and sabi ng friends ko sayang naman, oo nung una nanghinayang ako since last sem na lang mag ggrade 12 na ako, pero wala eh, hindi ko na kaya ipagpatuloy

 

pero this year, hindi na ako pinag take ng summer class ng school namin, maging irregular student na lang daw ako edi sabi ko "okay po." since no choice naman ako diba?

 

so ayun na nga 1st week ko sa grade 12, ayos naman kasi kabatch ko sila kaya madami akong kilala pero you know this gut feelings of yours na something's wrong? ganon pakiramdan ko everytime na napasok ako sa grade 12 tas nung 2nd week ko na dun ko naalala na " diba may mga subject ako na hindi na take since nag stop ako?" OO DAHIL SA INNER THOUGHTS KO NA YAN NABITAWAN KO YUNG HAWAK KONG SIOMAI!!!

 

 

after class naming grade 12 tinakbo ko agad yung building sa registrar tas tinanong ko kung pano ko kukunin yung mga subjects kong hindi na take

 

 

tas dun niya sinabi na "BAKIT NASA GRADE 12 KA? DAPAT GRADE 11 KA"

 

like????

 

why mo ako sinisigawan maam? ikaw nag enroll sakin jan wag mo sakin itanong pls huhu

 

tas sabi niya pumunta daw ako sa guidance para sa schedule at para mailipat ako, edi ginawa ko tas nung makarating ako sa guidance pinapili nila ako kung saang section ko gusto perks ng kaclose ang guidance counselor.... tas sabi ko kahit saan na lang except sa section A kasi kaaway ko yung adviser ng 11-A, alam nina sir yun kaya nilagay nila ako sa 11-C

 

tas sabi ko "sir kunin ko na din po yung sched ko para next week alam ko kung saan ako papasok" alam niyo anong sabi niya?

 

 "ay sa registrar mo kukunin yung schedule mo, hindi samin"

 

:D

 

GUSTO KO MAG TANTRUMS SA KANILA KASI PINAG PAPASAHAN NILA AKO! ALAM BA NILA KUNG GANO KALAYO GUIDANCE OFFICE NG SHS SA REGISTRAR??? 3 BUILDINGS ANG NEED KONG TAWIDIN BAGO KO MATANAW YUNG REGISTRAR TAS AAKYAT PA AKO NG 3RD FLOOR!

 

 

kaya ayun at the end of the day malungkot ako kasi ililipat ako sa 11-C tas pagod pa ako, naiiyak ako kasi ayaw kong pumasok sa 11-C ang dami ko nang friends sa 12-A eh

 

 

pero ayun na nga no choice ako

 

 

dumating na ang wednesday oo wednesday unang class namin kasi set b kami.

 

ang set a namin mon-tue tas kaming set b is wed-thurs tas ang friday is wala kaming class

 

nagising ako 5 am tas nag ready na agad ako napatigil lang ako nung narealize ko na grade 11 ako... gRADE 11 AKO KAYA PANG HAPON AKO!

 

OH MY LORD

 

ang grade 12 kasi is 5 am to 12 pm tas ang grade 11 naman ay 12 pm to 7 pm, sana gets niyo ang schedule namin

 

tinignan ko ang schedule ko at nakita ko na 3pm pa yung class na papasukan ko

 

 

Wednesday

Phil Politics and Governance - 3:00 - 4:30 pm

21st Century - 5:30 - 7:00 pm

 

Thursday

Understanding Culture - 4:30 - 6:00 pm

 

yan yung schedule ko

 

2:30 na nung nag lakad ako papuntang school, maapit lang kasi yung school namin sa bahay mga 15 minutes walk. dun muna ako tumambay sa karinderya sa tapat ng school, bumili ako ng tubig para hindi nila ako paalisin alam niyo yung tirik na tirik yung araw tas nanlalamig ako? nanlalamig ako sa sobrang kaba kasi wala naman akong kilala sa grade 11 

 

saktong 3 pumunta na ako sa school, hinarang pa ako nung guard

 

"irreg ka?"

 

hindi ba obvious kuya?

 

JK

 

"ah opo, saan po yung HUMSS 11-C?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman kung saan yung building ng humss

 

"anong building?" tanong niya pabalik

 

gagi anong building ba ako?

 

kinuha ko yung phone ko at tinignan yung schedule ko

 

Building B Room 401

 

building B????? eh building A lahat ng humss ah? baka ibang building yung 11-C 

 

"Building B po kuya tas room 40—"

 

"oh dun sa gitnang building" pag putol niya sakin

 

di pa ako tapos mag salita kuya dinadagdagan mo pagka badtrip ko ha

 

pumunta ako sa buliding B para makasigurado tas may baba na nasa labas ng unang room

 

tatanungin ko ba siya? eh alam ko naman talaga kung saan ako pero bakit ba ako nandito aaaaaa

 

"hi? abm ka?" tanong ni ate sakin

 

ako ba? abm? no po leni po

 

"len– ay humss po"

 

"naliligaw ka? dun yung humss" sabi niya habang naka smile hindi kita yung smile niya kasi naka mask pero yung mata niya kasi, tas tinuro niya yung building a

 

TAMA AKO! BWISET KA KUYA GUARD

 

"ay salamat po" sabi ko bago tumakbo pababa

 

naknampucha 4th floor na naman aakyatin ko

 

pagka akyat ko sa building namin bumungad sakin yung teacher, familiar siya... sumilip ako sa room habang papalapit sa teacher, konti ng student?

 

"good afternoon po sir? irreg po ako and 11-C po yung section ko" bungad ko sa kaniya at humarap siya sakin

 

gago siya yung teacher ko sa research last year!! kapag may recitation kami at tinawag niya ako pinapatayan ko siya ng data para lalabas na network error ako T^T

 

"jan iha, upo ka na mag sisimula na klase natin" sabi niya at tinuro yung room na halos walang student

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2150 streak #1
Chapter 1: pati ako nastress sa nangyari kay Karina😭
myonce #2
Chapter 1: I took abm pero Leni din HAHAHA
RVSone0105
888 streak #3
Chapter 1: Hahaha lt yung apelyedo ni Karina nangmumura ehh🤣🤣 pero same tayo ng type rina, yung "straight na mukhang hindi papatol sa akin" type 😂🤣😂🤣
Maatt_booii #4
Chapter 1: Karina collera 😅 sori pero hindi ko maseryoso apilyedo niya ahahahaha
howdoyouknowmee
539 streak #5
UPVOTED
kang_ddeul
#6
Chapter 1: ang cute hahahahah