Your Song, Our Song

Please Subscribe to read further chapters

Description

Kung saan ang life ni Jimin Yu na almost perfect (pero naloko) ay magugulo nang malaman niya ang existence ng isang manhid at awkward na tao a.k.a Minjeong Kim

 

 

 

 

Playlist: YSOS PLAYLIST

Foreword

11:30 na ng tanghali, kung mag papapasok ng maaga ang gurad may oras pa ako matulog sa room, binilisan ko ang pag lalakad ko habang kinukuha ang earphone at cellphone sa bag ay may tumawag sakin

 

“Kim! Kim! Crush ka daw nitong ka service ko!” Sigaw ni ningning, alam niyo kung paano ko nalamang si ning yun? Siya lang naman kasi ang maingay sa tuwing nakikita ako, ewan ko ba dito trip ata akong pagtripan

 

“luh si minjeong snobber!” hindi ba pwedeng nakakairita ka lang huhuhu

 

Napatigil ako sa pag lalakad at lumapit sa bintana ng kanilang jeepney service

 

“Ayiee ate oh! Yung crush mo!” asar niya sa kung sino man, hindi ko naman nakikita kasi nakatingin lang ako sa baba

 

 

Crush? eh 2 months pa lang simula nung nag start ang klase? Crush agad?

 

 

“bahala ka jan ning mauuna na ako sa gate” sabi ko at naglakad papalayo

 

“Hoy Minjeong wait lang! KJ naman nito!” hindi ko na pinansin ang maingay na boses ni ning at dumiretso ako sa gate para pumila, gusto ko mauna makapasok ng school kasi may 30 mins pa ako para matulog

 

 

-

 

 

“Ning! Parang tanga ‘to!” saway ko sa kaniya nang makaalis si minjeong

 

“ito si ate ikaw na nga tinutulungan sa crush mo ako pa tinanga” sabi niya

 

“hindi ko naman kasi crush ‘yun loyal pa din ako kay yeji ‘no” nakita ko ang pag irap ng mata niya

 

“hindi daw crush pero last week kinulit mo pa ako kung anong name niya at hoy anong loyal kay yeji? Tigilan mo na niloko ka na nga eh”

 

Pasmado talaga bibig netong batang ‘to

 

“bahala ka na nga jan ning pipila na ako sa gate” sabi ko at kinuha ang mag gamit ko bago bumaba sa service, hindi ko na pinansin ang pang aasar niya at tumakbo sa likod ng pilat dahil nag papapasok na si manang guard

 

-

 

Pagkapasok ko ng room ay agad akong umupo sa pwesto naming mag babarkada at umidlip, nagising ako dahil kinalabit ako ni ryujin

“uy pre anjan na si ma’am, tsaka pinapaabot pala ni ning ikaw ha si Yizhou pala ang bet mo” di ko na pinansin ang pang aasar niya at tinignan ang papel

 

 

Hi! Minjeong nagtataka ka siguro kung sino ako

Jimin Yu From 10- HUMSS, you can call me karina pwede din naman yours

 

Alam ko namang sulat kamay yun ni Yizhou kaya tinapon ko na lang sa bintana yung papel

 

 

SKWrites
Double Update kasi nakalimutan kong i upload yung isa kagabi
No comments yet