1.

tayo sa dulo

Sa panahon ngayon, kailangan na maging praktikal. Alam na alam 'yan ni Wonyoung. Lumaki siyang mahirap. Nag-ulam ng asin? Check. Pinaglaba ang kapitbahay? Check. Nag-aral mabuti para sa scholarship? Check na check. Sa bawat araw na binigay ng diyos (kung totoo man siya), walang ibang pinangarap si Wonyoung kundi ang yumaman. 

 

Sabi nila, you become what you practice. Kung sino sila, hindi rin niya alam. Siguro nga gawa-gawa lang ni Wonyoung ang lahat. Pero that is her life motto. Kaya naman, as soon as she qualified for a scholarship from one of the top schools in the Philippines, kahit pa nga private university ito, ay pinangako ni Wonyoung na gagawin niya ang lahat para tumuloy na mag-aral dito. 

 

In fairness, kinakaya naman ni Wonyoung ang lahat. Sa ngayon ay incoming 4th year Legal Management student na siya sa St. Anthony's University at running for latin honors. It isn't Wonyoung if she's not doing her best anyway.

 

"Ano na naman iniisip mo?" tanong ni Jennie kay Wonyoung habang nireretouch ang makeup niya. 

 

Nasa isang cheap kinda DIY photoshoot ngayon si Wonyoung. Kung hindi siya nagtututor, nagmomodel si Wonyoung para kumita ng pang-allowance niya. Umuwi siya nang saglit sa probinsya dahil nga bakasyon ngunit bumalik na rin agad sa siyudad ng San Antonio para makaipon sa parating na school year. Wala rin naman kasi siyang aasahan sa nanay niya. Siya pa nga itong nagpapadala.

 

"Iniisip ko lang, Ate Jen. Kung may mag-offer sa akin ng isang milyon para layuan anak nila? Promise. Papatulan ko."

 

Hinampas siya ng marahan ni Jennie sa balikat. "Loka ka. Magkano na lang isang milyon ngayon ano. Demand ka pa ng konti."

 

Nagkibit lang si Wonyoung. 

 

"Okay na 'yung isang milyon. Mapapalago ko na 'yun," mayabang niyang sagot, natatawa. 

 

"Pikit," utos ni Jennie bago simulang ayusin ang eye makeup ni Wonyoung. "Bakit nga ba wala pang nag-aalok sa'yo? Jumowa ka kasi. Paano ka oofferan?"

 

Natawa lang si Wonyoung. Jowa? Boyfriend? Sa panahon ngayon? Jusko. Sa dami nang iniisip ni Wonyoung, hindi na niya alam saan niya pa isisingit ang pakikipagrelasyon. Ni hindi na nga siya makahanap ng oras para sa sarili niya, para pa kaya sa ibang tao?

 

Hindi naman siya walang alam sa dating and relationships. In fact, Wonyoung goes out on a date almost every week. Simple at madali lang naman. Open Bumble, swipe right, set a date. Boom. May libreng meal na si Wonyoung somewhere nice. Kung siya lang kasi ay hindi naman siya kakain sa mga pinagdadalhan sa kanya ng mga nakaka-date niya. Una sa lahat, mahal. Pangalawa, mahal. At pangatlo, mahal. 

 

Nagtuloy na naman ang shoot niya na para sa isang small business na sikat sa Tiktok. RTW shop kaya kung ano-ano lang naman pinasuot kay Wonyoung. Swerte niya at binigyan din siya ng ibang items ni Jisoo, 'yung owner. Mabait din naman sila sa kanya. Family friend kasi ito ni Liz, ang best friend niya from St. Anthony. For these people, venturing into business is just small project to keep them occupied. Hindi naman kasi sila takot malugi. 

 

Ito ngang si Jennie eh may maayos namang trabaho sa corporate world pero ayun at naki-usyoso sa business ng kaibigang si Jisoo. Kaya ayun at nagpresentang mag-makeup kay Wonyoung. Nagpabayad naman siya. Sayang daw at pambili ng yosi. Pero alam naman ni Wonyoung na hilig lang talaga ni Jennie mag-makeup. Pakiramdam nga ni Wonyoung eh ito talaga gusto i-pursue ni Jennie kung hindi lang siya pressured sa pamilya niya na puro business ang priority.

 

Speaking, kung may maipagpapasalamat man si Wonyoung sa pagpasok niya sa St. Anthony, ito ay ang naging kaibigan niya si Liz. Sa dami ng mapangmata at mapang-alipusta ay swerte niya at si Liz ang naging close niya.

 

May-ari ng successful Italian restaurant chain ang pamilya ni Liz. Mayaman. Tagapagmana. Pero sobrang kalog at minsan mas kalog pa kay Wonyoung. Hindi niya rin alam pero bilib siya na for someone as pretty and rich like Liz, eh may personality siya. Sorry naman kung judger pero madalas talaga eh... hay. Sa susunod na lang pag-usapan!

 

"All good! Thank you everyone!" anunsyo ng shoot director na si Haein, boyfriend ni Jisoo.

 

Hindi alam ni Wonyoung kung nagsosyo ba ang magkasintahan at hindi na rin naman niya naitanong. Hintayin na lang niya siguro sa kwento ni Liz. 

 

Nagsimula na siyang itago ang kanyang mga gamit nang lumapit sa kanya si Jennie.

 

"Huy. Mag-taxi ka na pauwi. Gabi na."

 

Napatingin si Wonyoung sa mejo may kamahalan niyang relo. Regalo ito ni Liz sa kanya nung second year sila. Tinatanggihan sana ni Wonyoung pero nagpumilit si Liz. "Come on. It's not even Rolex," sabi ng kanyang bff.

 

"Maaga pa, Ate Jennie. May UV pa." Ngumiti si Wonyoung. 

 

"'Wag na matigas ang ulo," diin ni Jennie. Mabilis niyang inipit ang limandaang piso sa kamay ni Wonyoung.

 

"Huy, Ate Jen. Bayad sa'yo 'to eh," mahinang reklamo niya.

 

"Susunduin naman ako ni Kai. Sige na. Ingat ka pauwi."

 

Nang matapos na siya mag-pack-up ay bumaba na rin siya sa building. Nagpaalam siya nang maayos at nagpasalamat. Tinignan ulit ni Wonyoung ang limang daan sa kanyang kamay. Kinagat na lang niya ang kanyang labi at nag-abang sa may waiting shed. 

 

"Sorry, Ate Jen. Sayang din 'to," bulong niya sa sarili habang nag-aabang ng paparating na jeep. 

 

///

 

Graduating na si Yujin at pagkatapos makuha ang lisensya ay tutulong na siya sa kanyang stepdad na patakbuhin ang kanilang construction firm. It should excite her. Should.

 

Kung siya ang tatanungin ay wala naman naging impluwensiya ang kanyang stepdad sa kanya in any way. Bago pa man kasi dumating sa buhay nila ang kanyang stepdad ay talaga namang mahilig na siya sa pagbuo-buo gaya ng legos. Kaya tuwing maririnig niya ang mga kaibigan ng kanyang ina at stepdad na sinasabing nagmana siya sa kanyang Tito Luis ay nawawala siya sa mood.

 

"Yujin, how about him? Cute ba?" tanong ni Kazuha habang nagpapakita ng dating profile ng isang lalaki sa kanya.

 

Si Kazuha ang best friend ni Yujin mula pagkabata. Magkasosyo ang mga magulang nila sa negosyo kaya naman natural lang na naging magkaibigan sila.

 

Ini-scroll ni Yujin ang profile.

 

"Listens to Chris Brown. Yikes. 'Wag 'yan," komento ni Yujin. Napahagikgik lang si Kazuha. 

 

"Shut up." Hinampas nito si Yujin. 

 

Sanay naman na si Yujin sa kaibigan. Kazuha gets in and out of relationship but not in a way na she's easy but rather because she gets easily bored. Sabi sa kanya ni Kazuha, dating is all about discovering what you like and don't like in a relationship. Siguro nga.

 

"Yuuuuuuck!!!" napasigaw si Kazuha at tinapon ang kanyang cellphone sa sofa. "Kuya, ang corny ng profile mo. No one's swiping right to your pretentious !"

 

Natawa si Yujin. Sa dinami-dami ba naman ng lalabas sa bee app, si Sunghoon pa talaga. Yujin thought it would be awkward but looking at her best friend, maybe it makes sense why she'd be disgusted instead.

 

"Please. He used that picture I took during our Japan trip as well." Napasimangot si Kazuha. "Sobrang basic ni Kuya kaya walang girlfriend eh."

 

"At talagang iniscroll mo pa profile niya," komento ni Yujin. 

 

"Syempre." Nangiti si Kazuha. "I'd help him curate a perfect profile later."

 

"Is that not weird?"

 

Umikot ang mata ni Kazuha. "It's only weird if you make it weird." 

 

If there's one thing about Kazuha that Yujin knows the most, that is, she likes getting things her way. Minsan okay lang kay Yujin pero minsan ay napagsasabihan niya rin ang kaibigan.

 

Nagtuloy lang sila sa kani-kanilang pinagkakaabalahan sa sala ng pamilyang Park. Maya-maya pa ay kinuha na ni Kazuha atensyon ni Yujin. 

 

"Hindi pa ba natin susunduin ni Hyunseo?" tanong nito. 

 

"!" may panic na sagot ni Yujin katingin sa oras sa kanyang cellphone. "Tara, tara."

 

Mabilis namang kumilos ang dalawang magkaibigan. Dala na Yujin ang Honda Civic na regalo ng kanyang ama nung 18th birthday niya.

 

Sana ay sa probinsya ng tatay niya mag-stay si Yujin ngayong summer kaso may nabagsak si Yujin kaya't wala siyang bakasyon. Nalungkot man si Yujin ay wala naman siyang magagawa. Kung maaari sana ay gusto na niyang makagraduate on time. 5th year naman na rin kasi siya. At gusto na rin niyang mag-move out. 

 

"Plotted your schedule yet?" tanong ni Kazuha. 

 

"Yup. May 7am to 7pm ako."

 

"Wow. Isn't that too much?"

 

"No. Okay lang. Alam mo namang naghahabol din ako ng units this sem," paliwanag ni Yujin.

 

Kazuha was supposed to graduate last sem. Kaso hindi ito naghabol ng units nang minsang may mabagsak. She prefers less units per sem sabi naman niya. She has more time for herself.

 

"Sa SAU ba si Hyunseo?" tanong ni Kazuha. 

 

Napanguso si Yujin. "Sabi niya. She'll have to work hard though. She does not test okay," pag-amin ni Yujin.

 

Matalino namang bata si Hyunseo pero napansin nilang hindi ito magaling sa mga standardized tests. Nung elementary kasi ito ay na-trauma siya sa isang time pressured quiz bee kaya hanggang ngayon ay minsan-minsan pa rin siyang hindi nakakasagot nang maayos tuwing naprepressure siya. Nag-improve naman na si Hyunseo nung matuklasan nila ang ugat ng lahat. She met with a therapist for a while until they're convinced that she can control herself.

 

Nang marating na nila ang bahay ng kaibigan ni Hyunseo na si Hyein ay kinailangan pang bumaba ni Yujin. Hindi kasi sumasagot si Hyunseo. Nawili ata.

 

"Hi, Ate Zuha!" masayang bati ni Hyunseo kasakay niya sa backseat. "Sorry for waiting."

 

"No problem if it's you," masayang tugon naman ni Kazuha. "Up for takeout?"

 

Napailing na lang si Yujin pero tumuloy namang nag-drive sa kung saan man ang sinabi ng kapatid at kaibigan.

 

///

 

"Gaga ka talaga," walang loob na pinagalitan ni Rei si Wonyoung. Alas-otso kasi nung nakatanggap ito ng text mula kay Wonyoung na tapos na ang shoot. Pasado alas-diyes na nakauwi si Wonyoung. "Hindi ka na lang nag-taxi. Binigyan ka naman pala ng pera ng Ate Jennie na 'yan."

 

"Jusko, Rei. Sayang. 500 tapos gagastusin ko lang sa pamasahe," depensa ni Wonyoung. 

 

Si Rei at Wonyoung ay roommates sa bahay paupahang tinitirhan nila. Pinagkakasya nila ang kanilang sarili sa isang maliit na kwarto na may double deck na higaan. Si Rei ang natutulog sa taas at si Wonyoung naman sa baba.

 

Nauna na si Rei sa paupahan noon. Sa siyudad ng San Antonio na kasi siya nag-senior high school matapos mag-abroad ang kanyang ina. Ayaw rin kasi ni Rei makitira sa tita niya nang pangmatagalan. Lalo pa nga at may mga anak ito na kaedad ni Rei na hindi rin naman niya nakasundo agad. Hindi na rin naisip ni Rei na ituloy na umupa sa dati nilang apartment sa probinsya kaya nagsabi na rin siyang titira sa San Antonio kung saan niya rin naman balak mag-college.

 

"Na-chat mo na?" tanong ni Rei habang nakadapa sa kanyang kama, naglalaptop. Tapos nang maligo at magpalit si Wonyoung na ngayon ay nagpapatuyo ng buhok. 

 

Napatingin sa kanya si Wonyoung.

 

"Sino?"

 

"Ma'am Therese. 'Yung sa foundation. Alala mo?"

 

Ma'am Therese. Siya ang founder ng foundation na nagbigay ng scholarship kay Rei. Habang hindi naman kailangan ay sumasama si Rei sa mga projects ng foundation. To give back, sabi niya.

 

Nung nakaraang outreach kasi ay nabanggit ni Ma'am Therese na naghahanap siya ng tutor na tutulong sa anak niyang pumasa sa entrance exam ng SAU. Hindi naman daw kelangang SAU student kung kaya nga ay in-offer niya ito kay Rei. Ngunit hindi na rin kasi ito maharap ni Rei sa dami na rin ng sideline niya at isa pa, hindi niya kalakasan ang mag-tutor. Kaya naman ay agad niyang ibinida ang kanyang kaibigan. 

 

"Ah. Oo nga pala, 'no? Hala."

 

Nagmadali si Wonyoung na hagilapin ang kanyang cellphone.

 

"For sure naman okay ka na," pag-reassure ni Rei mula sa taas. "Schedules mo na lang titignan if kayanin."

 

Buntong-hininga. What's one more raket nga naman, sabi ni Wonyoung sa sarili.

 

===

a/n: try natin na short but frequent updates hehe pls comment para alam ko naman if g pa tayo

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
random_otor
#1
Chapter 1: luving this, my first read after a long break, keep it up, otor-nim!
Ssamyen
#2
Chapter 1: Annyeongz!!
ChanYoungie
#3
Chapter 1: I love the first chap already. Maghihintay po sa susunod na kabanata hehehe