mj ♡

Curiosity
Please Subscribe to read the full chapter

"Kadiri sis, ang lagkit lagkit ng table. Di mo ramdam?" Simangot ni Minjeong habang nakatitig sa katabi.

 

Napa-buntong hininga lamang si Minju na nakasandal ang pisngi sa lamesa habang nakatitig sa malayo.

 

"Hayaan mo na, problemado pa rin yata sa bago niyang roommate." Sagot ni Yeji bago kumuha sa bag ng Piattos ni Minjeong.


"Sabi niya gusto niya ng tahimik na roommate. Ngayon namang tahimik yung tao, namomroblema ka?" Pinitik ni Minjeong ang noo ni Minju na inangat na ang ulo at sinamaan ng tingin ang kasama.

 

"Sobrang tahimik naman kasi. Pag papasok ako sa kwarto, di man lang ako tignan. Parang alam ko na tuloy feeling ng maging multo." Ungot ni Minju.

 

 

Mahigit isang linggo na ang nakalipas ng maglipat sa dorm ang bagong roommate ni Minju. Pagpasok ni Minju sa kwarto ay naabutan niya ito na naglalagay ng punda sa unan habang nakatalikod. Unang napansin ni Minju ang katangkaran nito, suot nito ay baby blue na hoodie at may suot na headphones.

 

Lumapit si Minju at tinapik ng marahan ang balikat ng bago niyang roommate na agad na lumingon at tinanggal ang suot na headphones at sinabit sa kanyang leeg. 

 

"Hi, new roomie." Nakangiting bati ni Minju, "I'm Minju Kim, welcome nga pala."

 

"Yujin An." Tumango lamang ito at inayos ang suot na salamin.

 

"Kanina ka pa ba dumating? Sorry, galing kasi ako ng meeting. Di tuloy kita natulungan." Ngumuso si Minju sa direksyon ng magkakapatong na box.

 

"Okay lang, kaya ko naman. Mukha namang di mo rin kakayanin." Casual na sagot ni Yujin, matter-of-factly at walang halong malice sa boses. Inexcuse niya ang sarili para sagutin ang nag-ring niyang phone bago lumabas ng kwarto. 

Napatango muna si Minju sa sarili bago na-realize na na-diss siya ng lowkey. "Huh?"

 

Naputol ang pag-daydream ni Minju ng humagalpak bigla ng tawa si Yeji. "Si Minjeong lang alam kong multo sa'tin sis. Remember last year? Yung freshie na dinate niya sa sinehan tapos di na nireplyan kinabukasan."


"Ay oo. Balita ko nag-transfer na yun ng school."

 

"Ano nga ba name? Ning Yiz-"

 

"Manahimik!" Binato ng Piattos ni Minjeong si Yeji bago binaling ang tingin kay Minju. "Hintayin mo kaya na siya yung kumausap sayo? Baka kasi di niya lang talaga bet na chikahin ka."

 

"Kaya laging tulog o laging may suot na headphones?"

 

"Bakit ba kasi bothered ka?" Tanong ni Yeji.

 

"Wala lang. Close kasi kami ni Ate Dahyun di ba? Mas comfortable kasi kapag nakakausap mo yung roommate mo."

 

"Crush mo kasi yung dati mong roomie kaya nakipag-close ka." Asar ni Minjeong.

 

"Bahala na. Matagal pa naman kami magkakasama." Umirap si Minju bago tumayo sa kinauupuan. "O siya, mag-training na ang reyna. Bye."

 

 

 

-

 

 

"Sorry." Mahinang sambit ni Yujin habang nakatingin kay Minju na nakaupo sa sariling kama at nakatakip ang mukha gamit ang kamay. 

 

Namumula pa rin ang buong mukha ni Minju kaya hindi niya magawang iangat ang kanyang ulo. Lumabas kasi siya ng cr ng nakatapis, kakatapos lang niya magshower ng biglang binuksan ni Yujin ang pinto at sabay namang nalaglag ang towel ni Minju. Pumikit agad si Yujin at sinara ulit ang pinto pero alam ni Minju na nakita na siya nito na underwear lamang ang suot.

 

"I don't think na I should knock bago pumasok sa sarili kong dorm room pero if that's what you want, then fine." Kibit-balikat ni Yujin.

 

"Look, I don't know if you're mad or embarrassed but if there's anything else you want me to do or not do, pwede mo naman sabihin sakin." Umupo si Yujin sa sarili niyang kama at nagkamot ng ulo, "If you haven't noticed, I have trouble reading social cues. Kaya I'd appreciate it if you tell me na lang. I can adjust."

 

Nakaramdam si Minju bigla ng guilt kaya bigla nitong inangat ang ulo para tignan si Yujin. "Sorry din, na I was critical of you. Kaya pala minsan may pagka-prangka ka."

 

"That's exactly the reason why I avoid social gatherings. Also the reason why iniiwasan ko na kausapin mo ako, kasi I might end up hurting your feelings din without meaning to." 

 

Yujin sounded so sincere and vulnerable kaya lalong nanlambot si Minju. "Ngayon na I know you a little bit better, di naman na ako maooffend. Pwede mo rin akong sabihan ng kung anong gusto mo or di mo gustong gawin ko. I'll listen."

 

For the first time, ngitian ni Yujin si Minju at napa-wow internally na lang si Minju. May dimples pala siya.

 

 

 

-

 

 

 

Lumipas ang isang linggo ng normal. Normal, meaning, di na masyadong umiiwas si Yujin at minsan ay nakakausap ni Minju. Pero ramdam ni Minju na may dumidistansya pa rin si Yujin. 

 

"Nag-level up na pala kayo eh." Biro ni Minjeong bago uminom ng beer. Sabado ng gabi at naisipan nila na lumabas at dapat na raw sulitin si Minju dahil malapit na mag-umpisa ang panibagong season ng UAAP sabi ni Yeji. 

 

"From strangers to not-strangers-but-not-quite-friends? Level up nga." Asar ni Yeji.

 

"Better than nothing, di ba?" Kibit-balikat ni Minju.

 

 

 

-

 

 

Alas-dos na ng makabalik si Minju galing sa bar. Naglalakad siya sa hallway habang bitbit ang heels na sinuot at kinakapa ang susi sa kanyang bag. "Nasaan na ba yun?" Bulong niya sa sarili bago mapatigil sa paglalakad ng may mabangga.

 

"Ay. Sorry-" Tumingala ito at napa-face to face kay Yujin na nakatitig lang sakanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at tahimik na pumasok. Pagpasok ni Minju ay inabutan siya ni Yujin ng Pocari Sweat.

 

"Inumin mo bago ka matulog." Sambit nito bago isuot ang kanyang headphones at umupo sa harap ng lamesa sa tapat ng bintana.

 

"Thank you." Bulong ni Minju sa sarili bago inumin ang binigay ni Yujin at humiga sa kama.

 

Hinintay niya ba ako makauwi? Nah,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
aijuwo_nz
#1
Chapter 1: si doromal ba yung libero 🫠
Rich22 #2
cute:)
ayedee
#3
Chapter 1: this is rlly cute and yeah it did felt rushed at the end pero both of them naman was adorbs so it was kinda compensated with that— this is quite nice for a short read :D

but darn. mj ghorl pag ginawan ka ng playlist, that itself is a giveaway na may gusto sa’yo yung tao hhhhh yj was not that sleek with that rin XD