Prologue

Alamat

Labindalawang Awit sa Kamunduhan:

Si Dakila, Ang Bakunawa, at Ang Siklab

ni redvelde

 

 

 

I, Ang Pinagmulan

Ipinanganak ang isang mandirigma—

si Dakila, anak rin ng Inang Likha,

siyang tinalaga’t pinagkatiwalaan

sa balanse at gabay sa Kamunduhan

 

II, Ang Kalupaan

Balanse; dal’wang bakurang pinaghati—

lupa at araw sa Anak ng Baybayin.

Kanila’y laro’t pakibaka sa sinag;

buhay sa batong, “taas! Higit sa Dagat!”

 

III, Ang Karagatan

Balanse; dal’wang bakurang pinaghati—

sa Anak ng Karagatan, milyang tubig.

Kanila ay pagsabay sa kaalunan;

buhay sa kahariang, “kayamanan!”

 

IV, Ang Pinagkatiwalaan at ang Pultahan

Sa pagitan ng dalawang kaharian,

mandirigmang si Dakila at Pultahan,

at mga palita’y dala’y kabutihan—

kaalaman, kabuhayan, kaunlaran.

 

V, Ang Pag-abuso

Ngunit si Dakila, bigat sa balikat,

ang Baybayin ay umabuso, sapagkat.

Walang hudyat, ni bulong, langit bumagsak!

Yamang Bughaw, ‘nilang sinamsam, winasak!

 

VI, Ang Paglubog ng mga Balangay

Dayon, pag-akya’t baba ni Inang Bulan,

ang Pinagkatiwalaan—namagitan.

‘pagkat simula nang unting pagkamatay

ng mga Dakilang Bughaw na Balangay.

 

VII, Ang Bakunawa; Ang Katapusan

Kasabay ng pag-ahon ng Katapusan,

isang Halimaw, nilamon ang kanluran.

Hinulma at inukit—Ang Bakunawa

mula sa hinanakit ng Inang Likha.

 

VIII, Ang Matimbang

Ngunit dala man ng Halimaw na Bughaw,

sa Bayba’y pagkasira at pagkagunaw,

Bitbit ni Dakila ang sulo ng dangal,

“Higit sa dahas, dignidad ang s’yang timbang!”

 

IX, Ang Sibat ng Kapangyarihan

Dahil sa ilaw, buhat ng kanyang dangal,

galit ng Inang Likha, tunguha’y tumal.

Ang sinag at liwanag ang pinagmulan

ng Siklab; ng Sibat ng Kapangyarihan.

 

X, Ang Dapit-Hapon

Ang Halimaw, sa kanyang muling pagbangon,

hinarap ni Dakila ang dapit-hapon.

Siklab at puso—bitbit ay ito lamang,

sa gitna ng Karagatan ng Kanluran.

 

XI, Ang Pagbagsak ng Katapusan

Ang Pagtatagpo; Araw na Itinakda

ng Dakilang Mandirigma’t Bakunawa,

isang sibat, isang mahiwagang lusob,

Katapusa’y natuldukan, napataob.

 

XII, Ang Nararapat

Lilibong taon, Bakunawa ay kulong.

Susi’y Siklab; Pultaha’y sa lalim—sulong.

Ang nararapat ay napatunayan na—

sigaw ng utak at puso ni Dakila.

 


Author's Note: I'm back? I think I'm feeling a lot better now; in the right headspace at least? I have to post this for the number of people waiting for it. I decided to make it chaptered as well, based on the poll results. Hehe. I'm excited to share a few behind-the-scenes stuff too as you wait. I'd like to make clear that the story isn't exactly an alamat; it's about a burnt out college student actually hahahaha. But anyway, I won't spoil anything else. Sa 12 katao na nag-aabang nito at kay Boss K na tatanggap ng special edition nito, ito na po, tatrabaho na po. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redvelde
you can follow me on tumblr (redvelde.tumblr.com) if wish to see updates and stuff about the process behind Alamat (and yes also my other fics)

Comments

You must be logged in to comment
Mar857
#1
Chapter 1: Welcome baccccckkkkk!!!!!
ereni_r #2
Chapter 1: welcome back 😭😭😭😭
chaeyoungiebestgirl
#3
Chapter 1: Cant wait!
lisamalabon
#4
omg eto na!
jieuniii #5
Chapter 1: welcome back, ate red! will continue to patiently for your superb and moving stories. don't push yourself too hard. 🤗
zjkdlin0121 #6
Chapter 1: i prefer one shot but i don't know to others?
zjkdlin0121 #7
I really love your previous stories authornim. And welcome back! So excited for this.
unknownseelip #8
WELCOME BACK OMG
jeaven23
#9
Welcome back red!
lisamalabon
#10
LET'S GET THIS STARTEEEEEEDDD!!!!