Ang Hilig Niyong Mang-Warshock!

Holdap 'to! (Akin Na 'Yang Puso Mo!)
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Sabi ko na nga ba dapat sumabay nalang ako sa'yo eh!"

 

Halos hindi magkanda-ugaga si Yizhuo rito sa harap ko. Nandito kami ngayon sa ospital matapos ko siyang tawagan. She immediately arrived din kasi no'n kung nasa'n ako at kasunod niya rin 'yong ambulansya. 

 

"Hayst. Putik naman oh!"

 

"Yizhuopot, pwede bang kumalma ka muna?"

 

"Beh, anong kumalma!?"

 

Nakapikit akong napangiwi. Gigil na gigil siya, mga vebs! Parang siya 'yong nanay ni BH na nasa ICU ngayon. Grabe siya maga-alala. 

 

Yes, BH ang tawag ko sa holdaper ko na hindi naman. Bakit ba? I don't even know her name and BH lang din ang nasa isip ko. 

 

BH. Burgis na holdaper. 

 

We're waiting for the doctor here in front of the ICU nga pala. Halos magi-isang oras na rin simula no'ng dalhin siya ro'n ng mga nurse. 

 

"Sinasabi ko sa'yo, Winter Cerensa Fontanilla... Kapag na-tsugi 'yon, yari ka talaga!" Pagbabanta ni Yizhuo. 

 

Hala? Mas concerned pa yata siya kay BH kaysa sa'kin na best friend niya na muntik nang ma-holdap! 

 

Kumunot ang noo ko. "Hoy, Yizhuo Cerulean Peralta. Umamin ka nga," tumaas ang isa kong kilay. "May gusto ka ba kay BH?"

 

Siya naman ang kumunot ang noo. "BH?"

 

Itinuro ko 'yong ICU kung nasaan si BH. "Si burgis na holdaper, BH for short." 

 

Agad akong nakatikim ng tampal sa noo. Masakit ah!

 

Sinamaan ko ng tingin si Yizhuo na gano'n din ang ginawa sa akin. 

 

"Nabagok ka ba, Cere? Hindi ko gusto 'yon, shunga!"

 

"Eh bakit parang mas naga-alala ka pa sa kaniya?" 

 

Nakatanggap ulit ako ng tampal. Yawa. 

 

"Beh, nakakadalawa ka na." Hinimas-himas ko 'yong noo ko. 

 

"Kung 'di ka ba naman kasi isa't-kalahating tanga, 'no? Cere, kapag na-tsugi 'yon, tayo ang lagot. Lalo ka na!" Turo niya sa akin. "Sino ba ang huli niyang kasama? Ikaw 'di ba? At saka, 'di ka ba nagtataka kung bakit may gano'n siyang sugat? Baka mamaya tinutugis pala siya. Edi damay ka, tayo. Ang malala, baka idemanda tayo ng pamilya niya!"

 

Napa-isip ako bigla sa mga sinabi ni Yizhuo. Malaki nga naman kasi 'yong point niya. Pero alangan namang iwan ko nalang siya ro'n? And besides, wala namang holdaper na mangh-holdap habang nanghihingalo na. 

 

I think, hindi nga yata talaga alam ni BH ang meaning ng holdap. 

 

Inez naman! May mas ilalala pa pala 'tong stress ko! 

 

Napabuntong-hininga ako. Gano'n din si Yizhuo. We sat in silence habang naghihintay. 

 

It was a few minutes when a doctor came to us. 

 

"Are you the patient's relatives?" Tanong ni Doc. 

 

Sabay kaming umiling ni Yizhuo. 

 

"No, we're not po. Pero, we are the ones who found her." Sagot ko. 

 

Tumango naman si Doc bago muling nagsalita. "Okay... The patient is now stable. Mabuti't nakatawag kayo kaagad ng ambulansya and nakaabot pa siya. Her body is strong, I might say. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa kaniya pero kinaya niya pa rin." Nakangiting paliwanag ni Doc. 

 

Nakahinga naman kami nang maluwag ni Yizhuo. 

 

"Thank you so much po, Doc." Saad ni Yizhuo at kulang nalang eh, yakapin niya si Doc. 

 

"You're welcome. She just need a lot of rest. Anyway, I have to go." 

 

Yizhuo and I both nodded and smiled kay Doc na agad ding nawala sa aming paningin. 

 

"Hay salamat!" Rinig kong sabi ni Yizhuo. Nabunutan ng tinik 'yarn?

 

Pero kahit ako, nakahinga sobra nang maluwag. It's good to know that she made it. Ayaw ko rin naman kasing madedo siya, uy! Sabi ko nga, sayang ang lahi! Emz. Kidding aside, I'm really relieved na buhay si BH. 

 

"Iiwan na ba natin siya?" Tanong ko kay Yizhuo. Kami lang naman kasi ang nagdala kay BH dito. Wala kaming alam na number ng pamilya niya or kahit man lang kakilala niya. 

 

"Ay bakit, bes? Gusto mo ikaw mag-alaga sa kaniya?" Nakataas ang isang kilay ni Yizhuo at mukha siyang bonak. Nilalagyan niya na naman ng malisya oh. 

 

"Tigilan mo, Yizhuo. Alam ko na kung sa'n papunta 'to." Irap ko. 

 

"Oo na! Pero uy, ang poganda nga ng holdaper mo."

 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Yizhuo..."

 

Humagikgik ang gaga. "Ito na, titigil na. Napaka-possessive mo naman."

 

Hinampas ko na sa braso. "Yawa ka talaga!"

 

Tumawa lang siya. Bosit siya. Parang kanina lang kung maka-sermon sa'kin wagas tapos ngayon, shini-ship ako kay BH?!

 

Napatigil sa pagtawa si Yizhuo bigla nang may lumapit sa aming babae. Mukha siyang Japanese.

 

"Are you the ones who brought Nikho, here?" Agad-agaran niyang tanong. 

 

Teka lang muna? Nikho who? 

 

"Ah, sino si Nikho?" Tanong nitong katabi ko. 

 

"'Yong nasa ICU kanina." Sagot ni ateng haponesa.

 

Nagkaroon kami ni Yizhuo ng brief moment of realization. Si burgis na holdaper ang tinutukoy niya. 

 

"Ahhh, si BH." Saad nitong si Yizhuo. Kinurot ko siya palihim sa tagiliran. Gaga talaga 'to. 

 

Sinamaan niya ako ng tingin bago humarap kay ateng hapon. 

 

"Yes, kami nga ang nagdala sa kaniya rito. And itong babaeng 'to," turo niya sa akin. "Siya ang nakakita kay BH."

 

Kumunot ang noo ni ateng haponesa. "BH?"

 

Ngumiti sa akin si Yizhuo nang mapang-asar while I gave out an awkward chuckle.

 

"Uhm... Short for burgis na holdaper." I answered, scratching my chin. 

 

"A what?" 

 

"Burgis na holdaper."

 

Napapikit naman si ateng haponesa. "That idiot." 

 

Bumulong-bulong pa siya ng incoherent words. Pero may narinig akong patay daw si Ryujin mamaya sa kaniya. 

 

I don't know kung sino 'yon pero good luck siguro sa kaniya dahil ang dilim nang mukha nitong si ateng haponesa. She looks like she's ready to kick that Ryujin in the real hard. 

 

Napabuntong-hininga si ateng haponesa bago tumango at ngumiti sa amin nang marahan. "Thank you for bringing her here. May I know your names? I want to tell Nikho that you were the ones who helped her."

 

"Ah eh–" Sasabihin ko ba?

 

"I'm Yizhuo and she's Winter." Ngiting-ngiting saad nitong si Peralta. 

 

Napangiti nalang din ako nang tabingi. Bida-bida talaga 'tong putot na 'to!

 

"I'm Aerial, nice to meet you guys. Anyway, I'll go and visit Nikho. Again, thank you."

 

Ngumiti ako nang maayos. "Likewise, Aerial. You're welcome and we're going na rin since it's getting late."

 

Tumango si Aerial. "Take care and be safe on your way home. Good night." Paalam ni Aerial at gumayak na rin kami ni Yizhuo. 

 

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa parking lot which is new. Hindi nauubusan ng ebas 'tong si Yizhuo kaya bakit ang tahimik? 

 

Napatingin ako kay bruha. Aba't...

 

Abot tengang nakangiti si accling!

 

"Ang ganda niya..." Bulong niya pero rinig na rinig ko pa rin. 

 

I internally smirked. Kaya naman pala all smile siya kanina habang nakikipag-usap kami kay Aerial. Type naman pala ni accling Yizhuopot. 

 

Pinabayaan ko nalang siyang mag-simp sa isip niya dahil mukhang startrucked na startrucked siya at nanahimik nalang dala-dala ang information na pwede kong gamitin pang-blackmail, hehe. 

 

Nakarating kami sa kotse ni Yizhuo nang ngiting-ngiti pa rin siya. Ako naman, biglang napatingin sa wristwatch ko. 

 

Nanlaki ang mga mata ko when I saw the time. 

 

Alas-diyes na! At wala pa rin ako sa bahay! 

 

Ang pinagtataka ko lang is, walang tumatawag sa'kin. Knowing my sister and mom, kapag wala pa ako sa bahay nang alas-nuwebe ng gabi, tatawag nang tatawag 'yong mga iyon. 

 

"Tinawagan ko sina Mama Fonz kanina, Wintiririt. Sinabi ko na ang tagal mo nang hindi nakakapunta sa bahay at doon ka matutulog." Rinig kong saad nitong bespren ko. 

 

Wow, tapos na siya mag-simp? And yes, mama ang tawag niya kay mommy at gano'n din ang tawag ko sa mommy nila ni Ate Jen. 

 

'Di ko nalang siya inasar at ngumiti nalang. 'Di pwede asarin eh, may ginawang mabuti. Next time nalang. 

 

"Tengkyu. May nagawa ka ring tama." Pumasok na ako ng kotse niya at umupo sa may passenger seat. 

 

Umirap siya at umupo na rin sa driver's seat. Siya magd-drive, obviously. Kotse niya 'to eh.

 

"Ulol. Libre mo ako bukas."

 

"May suhol pa. Yawa ka talaga."

 

"Siyempre. I will take this opportunity." Tinaas-taas niya pa 'yong kilay niya habang nakangisi. 

 

Natawa nalang din ako at tumango. "Oo na." Ano pa bang magagawa ko, 'di ba?

 

At saka, grabe rin naman ang naitulong niya sa'kin tonight. If wala siya, baka tuluyan ko nang hindi nalaman kung ano ang gagawin. 

 

I haven't encounter this kind of things pa naman. I'm not saying na na-experience na 'to ni Yizhuo. 

 

What I mean is, when it comes to this kind of happenings, I'm the kind of person whose brain will malfunction nang malala and magp-panic. Unlike Yizhuo, she can respond immediately even with the pressure. 

 

It was not that long when we arrived at Yizhuo's home. True nga talaga ang sinabi ni Yizhuopot na matagal na rin akong hindi nakapunta rito sa bahay nila. 

 

Kapansin-pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lcrlcr
#1
Chapter 1: as a ssg president, i sympathize with you wintot hahaha
YuJiministheStandard
#2
Chapter 2: Same kami ng humor ni Ning and Winter. Relate so much. I wonder if anong nangyari nung araw na yon. Bakit naman balak mangholdap ni ante tapos may sugat pa? The logic is not logic-ing.
YuJiministheStandard
#3
Chapter 1: Ang cute!!
howdoyouknowmee
540 streak #4
Miss ko na to huju
u_ujiman #5
ang interesting, aabangan q to 😭
maxiclaine #6
Chapter 2: excited na me sa next update😆
maxiclaine #7
Chapter 1: parang bet ko to antay antayin every update hmmm
mellifluouswan
1702 streak #8
Chapter 2: HUUUY, excited na ako sa another interaction nila ong pogi Karina shems fkfkd
dissonance0101 #9
Chapter 1: Hahahaha nice
Emgeelex
#10
Chapter 1: Luh ang cute ng intro 😭😍