Chapter Three

'Di Ka Sure
Please Subscribe to read the full chapter

Sumipol si Jaem sa pamilyar na tono ng kanta.

 

"Ako'y nag-iisang muli." Pag-kanta ni Haech, "Hawak ang alala mo."

 

Tangina. 

 

Okay.

 

"Ang lakas pala ng tama mo kay VP ah." Pang-asar ni Haechan, nalaman kong nakwento pala nila Ryu ang chismis. 

 

Mga chismiso at chismosa talaga!

 

Alam ko na tinutukoy nila. 

 

"Parang mga gago."

 

Ngumisi sakin si Ryujin, "Date pa kayo sa starone ah." 

 

Lahat sila ngayon ay naka-ngisi na sakin. "Me when." Si Jaem.

 

Parang ang sarap manaksak ng tinidor. 
 

Parang mga tanga kasi.

 

Kinikilig ako.

 

Charot.

 

"Namumula tenga ni tanga!" Pag-pansin niya sa akin.

 

Agad akong umiwas, "Pakyu." 

 

"Asus!"

 

Sana pala 'di na 'ko nag-aya mag kape. Wrong move. 

 

"Ako naman pulutan niyo." Inirapan ko sila, "Bumili ka nga fries, para manahimik 'yang mga bibig niyo."

 

Natigil sila sa pang-aasar ng may tumawag sakin. 
 

"Ay, ayan na ang girl bestfriend." Si Haechan.

 

Hinampas ko siya bago ko sagutin ang Facetime ni Aeri. Bumungad sakin ang kaniyang mukha na may facial mask.

 

"Hey." Bati niya, "Wow, I'm craving for coffee tuloy." Sabi niya nang makita ang iniinom ko.

 

I smiled, "Kawawa ka naman." Pang-asar ko, "Good morning." Bati ko, umaga kasi doon sa kanila.

 

Elementary palang ata kami ay lumipat na ang family niya sa LA. Buti nga at may contact pa din kami sa isa't-isa. Siya yung isa sa tinuturing kong bestfriend. Alam niya lahat ng mga pinag-gagawa ko sa buhay.

 

"You're alone?"

 

Umiling ako at tinutok kayla Jaemin ang camera, "Kasama ko ang mga tukmol."

 

Kumaway naman sila kay Aeri, "Hi madam! Ganda pa din!" Si Ryujin.

 

"Good morning po." Si Haechan.

 

"Hello! Magandang morning po." Bati ni Jaem.

 

Aeri squeeled, "OMG! Ngayon ko nalang ulit kayo nakita!" 

 

Ngumisi si Jaemin, "Siyempre, gine-gatekeep ka samin ng bestfriend mo." Pag-sumbong nito.

 

"Tanga! Palagi kayong wala tuwing natawag siya." Pag-tanggol ko sa sarili ko.

 

"Talaga ba, Jimin?" Si Aeri.

 

Tinutok ko sakin ang camera para itaas ang middle finger ko sakaniya. 'Wag niya 'kong inaano, badtrip ako.

 

Tumawa lang silang apat. 

 

In the end, ako nanaman ang naasar. Sabi ko nga, alam ni Aeri lahat ng pinag-gagawa ko. Alam niya din ang tungkol kay VP. Napagka-kaisahan talaga 'ko dito.

 

Pinigilan nila ako nang tumayo ako.

 

"Walang aalis!"

 

"Uwi na 'ko, mga pakshet kayo." 

 

Tinawanan lang ako.

 

Parang this year lang ang last na uwi ni Aeri dito. Bago ata magpasukan kami non. I'm glad Aeri was with me when I needed someone. 

 

Sumalampak ako sa kama matapos kong maligo. Drain na drain ako kahit wala naman akong ginawa masyado. 

 

Bago ako matulog, kahit na pipikit pikit na yung mata ko, nag-ayos ako ng alarm ko para bukas. Bakit ba kasi nauso ang 7 am class?! Parang tanga.

 

Hindi ko na alam kung anong nangyari basta nagising nalang ako 8 am na. Narealize ko lang na 8 am na nang makita ko ang missed calls nila Ryujin sa akin.

 

Lagot ako kay Mama nito. May mga prof pa naman akong nagsusumbong kay Mama. Lalo na yung prof namin sa first subject. 

 

"Tanga ka talaga, sinumbong ka na ni Ma'am." Salubong sakin ni Ryujin, nag-pasundo ako sa gate para may kasabay ako pumasok. "Nagpapa-plus points 'yun kay Ma'am Yoo eh." 

 

Hindi ko naman itatanggi na medyo mataas ang posisyon ni Mama sa school. Madami din tuloy umaaligid.

 

"Aga mo ah." Asar ni Ten sa akin. 

 

Siniko ako ni Ryu, "Bet ka talaga non." Bulong niya, "Kanina ka pa niyan hinahanap sa amin." Hagikhik niya.
 

Nung nakaraan kasi, nakasama nila yung barkadahan nila Ten. Kumakain sila sa Jollibee, nanlibre daw kasi si Hendery, isa sa kaibigan ni Ten. 

 

Bilang mga tao na mahilig sa libre, siyempre sumama ang mga magagaling kong kaibigan. Wala ako non kasi naghahabol ako ng quiz non, late na kasi ako nakapasok sa class non. 

 

Sabi nila Ryu ay umamin daw si Ten na may nagugustuhan ito sa section namin. Malakas daw kutob nila Ryu na ako 'yon. Mga ma-issue talaga.

 

"Malay mo, sayo talaga." Pag-balik ko ng asar sa kaniya.

 

May itsura naman si Ten, sadyang hindi lang talaga ako attracted sa lalaki. 

 

"Gago!" Kinilabutang sabi niya, "Sayo nga nagcha-chat palagi 'yon?!" 

 

Nagcha-chat lang naman 'yon about sa assignments? Wala namang malisya don.

 

I snorted, "Selos ka? Gusto mo sayo?" 

 

Hinampas ako nito, "Kilabutan ka nga! Bading ako." She said.

 

Tinawanan ko siya, "Ako din. Kaya tigilan mo 'ko, Ryu. Ang aga aga." 

 

 

-

 

 

"Sama daw sila Ten mamaya." Si Jaem pag-upo sa tabi ko, "Gusto ka daw masilayan." Natatawang sabi niya.

 

Tanginang 'yan. Ang lalakas mang-asar.

 

Kahapon pa 'tong mga 'to.

 

"'Di pala 'ko makakasama mamaya," Sabi ni Haech, "Mag-meeting daw kami ng ka-group ko sa Physics." Malungkot na sabi nito.

 

"Aww."

 

"Kumain na ba kayo?" Si Haechan.

 

Umiling ako, "Maya na 'ko." Sabi ko habang nag-aayos ng gamit para iligpit, "May dadaanan lang ako." 

 

Malisyosong tingin ang binigay sakin nung tatlo, "Weh?" Sabay sabay pa nilang sabi.

 

Inirapan ko sila, "Inutusan ako ni Mama."

 

"At anong inutos, hmm?" Si Ryujin.

 

Hindi ko na sila pinansin at tumuloy sa gagawin. Inutusan lang naman ako ni Mama na samahan bumili ang VP ng mga materyales na gagamitin nila.

 

Bakit ba kasi ako?!

 

Wala naman akong role sa council, bakit palagi akong damay?

 

"Rina, samahan mo sila Winter." Utos ni Mama, "Basta before 2:00 PM bumalik na kayo, mag-lunch na din kayo doon." 

 

VP, Yeji the secretary, and Lia the treasurer. Sila ang kasama ko ngayon. Kanina pa 'ko dinadaldal ni Lia at Yeji, habang ang VP ay tahimik lang na nakasunod sa amin.

 

"Win, kasama ka pa ba namin?" Natatawang sabi ni Lia nang hindi talaga umiimik ang VP, "Hello sayo." Sabi niya nang humarap ito sa amin.

 

Tinanguan lang siya. Ang sungit talaga.

 

"Anyway," Pag-kuha ni Yeji ng atensyon namin, "Kilala mo si Ryujin diba?" Sabi niya habang nakangisi.

 

Narinig ko ang pag-ubo ni Lia.

 

"Oo, bakit?" 

 

Tumawa lang si Yeji, "Wala naman hahaha." 

 

"Yej, na-try mo na bang masaksak?" Si Lia.

 

Ah.

 

Gets.

 

Hmm.

 

Napangisi ako, "Masamang tao 'yon." Natatawang sabi ko.

 

Tumawa nang malakas si Yeji dahil sa description ko kay Ryujin. 

 

"Secret lang!" Si Lia.

 

Ang lakas naman ng kamandag mo Boss Ryujin. 

 

Isipin mo 'yon? Umabot sa ibang strand.

 

Nakadating kami sa divisoria, dito kami magca-canvass ng mga bibilin nila sa pine-prepare nilang party. Madaming tao dito ngayon. 
 

"Unahin natin mga tela?" Nakalabas na ang listahan nila para sa mga titignan nila, nangunguna na ngayon ang VP. "Hulihin nalang natin yung mga pang design." Sabi nito.

 

Naka-sunod lang ako sa tatlo habang nagtitingin-tingin sila. Wala naman akong ambag dito, 'di ko nga alam bakit ako pinasama ni Mama dito. 
 

Napag-isipan nilang maghiwa-hiwalay. By pair daw. Magka-pair si Yeji at Lia, at ako siyempre, naiwan kay VP.

 

Tahimik lang akong naka-sunod sa kaniya. Natingin-tingin lang sa paligid. Ang ganda naman ng mga tela. Isang hilera ata 'to na puro tela ang tinda.

 

Medyo mainit din dito, at medyo masikip sa lu—

 

"Careful." Sabi ko nang muntikan na siyang matapilok. Buti nalang at nahawakan ko siya, kung hindi ay sumalampak na siya, "Magdahan-dahan kasi. Dito ka nga." Sabi ko sakaniya at itinabi siya sa akin.

 

"Thanks." Mahinang sabi niya.

 

Hindi mapigilan na magka-dikit kami dahil makipot lang ang daan. May mga kasabay din kami. 
 

"Wait," Nagulat ako nang hawakan niya ako, "Let's check here." Huminto siya sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
ayan na ang chismis 🤩

Comments

You must be logged in to comment
hesedwa #1
Chapter 1: merry christmas po😞
fleuraissah_ #2
Chapter 3: umuwi ka na baby 😔
yujjiman
#3
Chapter 3: muling ibalik
hesedwa #4
Chapter 3: selosa naman mga beshie ko
saintnaevis #5
Chapter 3: pine trees yan hahahaha kung nag-uusap lang din sana kayo ng maayos ano dhxndmd
u_ujiman #6
Chapter 3: Wow, welcome back. HAHAHAHAHAHAHHA ang lala ng pining with each other. Nagseselosan pero bumabalik lang naman sa isa't isa, sige kayanin niyo.
gorjushuya #7
Chapter 3: SANA ALL. PLS MAGBALIKAN NA KAYO
kwinminjeong
#8
Chapter 3: tanginuh daming ganap ah aylavet BWJDKSNSJSHS kinikilig aquh,, kilig na kilig na yan si jimin kasi nakayakap sa bewang nya ang bebe nya hihi beh bakit ganyan kau sis lalo ka na VP! (⁠^⁠∇⁠^⁠)⁠ノ⁠♪ ty naman sa ud 'tor tagal kong naghintay d2 ! love u tor
kazuhaXkarina #9
Chapter 3: Ramram ko din un kilig mo jimin, inggit na inggit ako
ryujinie__
691 streak #10
Chapter 3: Welcome back! 🥰 HAHHAHAA qt naman ni VP at Rina :D ty pi sa ud <3