Chapter One

'Di Ka Sure
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi ka ba papagalitan sainyo?" Bungad ni Ryu habang hinihila ang upuan sa tabi ko, "Three hours ka na atang tambay dito."

 

Sinilip ko siya, "Pake mo ba?"

 

"Tangina mo ah." Binatukan niya lang naman ako.

 

"Ikaw nga ngayon lang, san ka ba galing? Kanina pa kami dito nila Jaem." Turo ko sa kaliwa ko.

 

Nanlaki ang mata niya at kinatok ang inuupuan ni Jaemin, "Kanina pa kayo?"

 

"Oo, ikaw lang wala." Diretsong sabi nito habang nakatingin pa din sa monitor, "Ni-reserve na namin 'yan sayo, bagal mo kasi." Natatawang sabi ni Jaem.

 

"Eh kasi! Galing akong office tanga, nakuha phone ko." Inis na sabi nito, "Nagmakaawa pa 'ko kay Ma'am Yoo na ibalik sakin phone ko."

 

Hindi ko napigilan ang tawa ko, "Desurb."

 

"Da't nagpasama ka kay Rina oh." Si Jaem.

 

"Ulol." Sabi ko, "Sino ba nagbigay kay Mama nung phone mo?"

 

"Yung VP."

 

Malakas ang naging tawa ni Jaemin, "Hahaha! Sungit non, gago."

 

Kumunot lang ang noo ko. Pinaupo ko na din si Ryu sa tabi ko para maka-laro na kami. Kanina pa namin siya inaantay ni Jaem. Napagawa tuloy ako ng assignment ng wala sa oras.

 

Uuwi na dapat ako ng alas kwatro, kaso inabot kami ng alas sais dahil demonyo si Ryujin. Nakailang tawag na din sakin si Ate, pati na din si Mama. Lagot na talaga.

 

"...Ay nako!" Rinig kong sabi ni Ate Mira, yung nagbabantay sa comshop, "Puno na, wala pang bakante. Pero doon sa number..."

 

"Bobo naman nito ni Jaemin! Nasa heaven nga!" Sigaw ni Ryujin.

 

Inalis ni Jaem yung headphone niya, "Tanga! 'Di ko narinig!" Sagot niya.

 

Tangina.

 

Napag-gitnaan pa nga.

 

Natahimik sila at parehong napatingin sa likod ko. Mumurahin ko na sana yung nagtanggal ng headphone ko nang makita ko kung sino.

 

Tanginang 'yan.

 

Ganda talaga.

 

Ay.

 

"Pa-type lang ako, patapos ka na daw?" Sabi niya at pinapatayo ako sa upuan ko, "Logout mo na 'yan."

 

I scoffed.

 

"Mag-intay ka, may fifteen minutes pa 'ko."

 

Tinaasan niya 'ko ng kilay.

 

Sabi ko nga.

 

Ito na oh, tatayo na nga.

 

Narinig ko ang halakhak nung dalawa nung nag-logout ako at tumayo sa upuan ko. Sinukbit ko ang bag sa braso ko, at dumantay sa upuan niya.

 

Nagsimula nang mag-type ang masungit naming vice president na pinag-uusapan lang nila Ryujin kanina. Biglang nanahimik yung dalawang ugok sa tabi ni VP.

 

"Oh, maglaro ka na ulit." Mataray na sabi niya at tumayo dala dala ang flashdrive niya.

 

Umiling ako, "Wag na." I said, "Tara na, sabay na tayo pauwi." Nauna na 'kong maglakad sakaniya habang ang dalawa kong kamay ay nasa bulsa. Inantay ko siya sa labas, dahil nagpapaprint pa siya.

 

Nakakasabay ko naman na siya pauwi dahil kasabay niya palabas si Mama. Si Mama kasi ang adviser ng Student Council, at malapit lang din ang bahay niya sa amin.

 

Paglabas niya ng comshop ay naka-kunot lang ang noo niya at inirapan ako nang nagkatinginan kami.

 

"Luh."

 

Binilisan niya ang lakad niya nang magkasabay kami. Parang tanga talaga. Kala mo naman kakagatin ko eh.

 

"What?!" Inis na sabi niya nang hinabol ko ang bilis ng lakad niya, "Doon ka nga." Iritang sabi niya sa akin.

 

"Arte mo." I exclaimed.

 

She grimaced, "Amoy comshop ka."

 

Tangina?!

 

Napaamoy ako sa sarili kong uniform dahil sa sinabi niya. Gago 'to ah?! Amoy astig pa din naman ako!

 

Narinig ko ang mahinang tawa niya nung natigil ako sa daan, "Uto uto ka talaga."

 

"Tanginang 'yan." Inis na baling ko sakaniya, "Ikaw nga yung amoy ano diyan."

 

Huminto siya at tinaasan ako ng kilay, "Ano?" Hamon niya.

 

Amoy...

 

Ano nga ba?

 

Hay.

 

"Wala." Tanging sabi ko.

 

Pinanliitan niya lang ako ng mata bago kami nagpatuloy sa lakad.

 

Dumating kami sa school at dumiretso kami sa office ng SC. Nandoon din kasi si Mama, sabi niya sa text sa akin.

 

"San ka galing, Rina?" Tanong ni Mama.

 

Nakita ko ang pag-pigil ng tawa ni VP.

 

I shrugged, "Diyan lang."

 

"Nag-comshop ka nanaman?" Tamang hinala ni Mama, "Hindi ka daw sumasagot sabi ng Ate mo." Mahinhin na sabi niya, habang inaayos ang nga gamit niya.

 

"Ma'am, ganito po ba 'to?" Pag-tawag ng VP sa atensyon ni Mama, "Papirmahan nalang po." Sabi niya nung tumango si Mama.

 

Gumawa pala siya ng proposal para sa mga plano nila sa acquaintance party. Ang sipag naman nito. Mas may kwenta kasi talaga siya kaysa doon sa President. Feeling ko nga napagtripan lang talaga 'yon si Renjun eh.

 

"San na ba si Renjun? Bakit ikaw ang nagawa niyan?" Tanong ni Mama habang pumipirma.

 

VP scrunched her nose, "Nasa clinic po." She said, "Nadapa kanina sa field."

 

Hindi ko napigilan ang tawa ko kay napatingin sakin ang dalawa.

 

Napatahimik ako bigla.

 

Sabi ko nga.

 

"Sasabayan mo ba ang pinsan mo pauwi? O sasabay ka na samin?" Si Mama.

 

Ay oo. Pinsan ni VP si Renjun. Higher year lang siya. Grade 12 na siya, habang Grade 11 lang kami.

 

"Sasabay na po kami sa inyo." Sagot ni VP, "Susunduin ko na po ngayon eh."

 

"Rina, samahan mo 'to si Winter." Sabi ni Mama, "Puntahan niyo si Renjun doon sa clinic, intayin ko kayo sa gate."

 

Nautusan pa nga.

 

Naunang lumabas si Mama, at sumunod kami sakaniya. Naglihis kami ng daan para pumunta sa clinic. 'Di ba makalakad 'yon, at kailangan pa namin sunduin?

 

I pursed my lips.

 

Mukha talagang bata 'to si VP. Nakakatuwa pa dahil bitbit niya ang iPad niya.

 

"Tinatawa mo diyan?" Masungit na tanong niya.

 

I shook my head, "Wala."

 

"Crazy."

 

Okay. Hahaha.

 

Crazy pa nga.

 

Pagkasundo namin kay Renjun na tulog lang pala sa clinic ay naglakad na kami papunta sa gate. Inakbayan niya kaming dalawa ni VP. Kung ano ano pang kinekwento.

 

"Nakakainis kasi yung basketball player don, ang lawak na nga ng court nila don pa talaga sa gilid ko nag-dribble, kung saan ako naglalakad." Explain niya sa pagkadapa niya, "Ayon, natisod ako sa paa niya."

 

Actually, pangatlong beses na niya inexplain kung ano nangyari.

 

Tamo, sasabihin pa niyan na iniwasan naman niya pero lumapit pa lalo.

 

Nag-gesture gesture pa siya sa kamay niya, "Umiwas naman ako, pero siya yung lumapit..."

 

Diba.

 

Kabisado ko na ata yung kwento.

 

Si VP naman ay naka-busangot lang at ramdam ko yung pagka-inis niya sa pinsan niya.

 

"Ren," Tawag niya dito.

 

Tumigil naman sa pagdaldal si Renjun, "Oh?"

 

"Just shut up. Ang daldal mo."

 

Natawa ako.

 

"Aray!" Kinurot ni Renjun yung braso ko, "Ang daldal mo naman talaga eh." Natatawang sabi ko sakaniya.

 

Nag-tricycle kaming apat. Si Mama at si Renjun ang sa loob dahil nga akala ni Mama ay sobrang injured si Renjun. Ang madalas kong kasama sa likod ay si Renjun, si VP kasi ang palaging katabi ni Mama. Sino ba naman ako diba? Anak lang naman ako.

 

"Diyan ka na, ako na dito sa matigas." Sabi ko sakaniya at naunang umupo doon sa bakal.

 

Sakit sa pwet.

 

Nakanguso siya habang binababa ang skirt niya at sumakay ng maayos sa tabi ko. Mas lalong umikli yung skirt niya kaya hindi siya mapakali.

 

Tangina.

 

Napahawak ako sa hita niya nang biglang umandar yung tricycle.

 

Kuya naman!

 

Nagkatinginan kami bago niya tinampal ang kamay ko, at inalis 'yon.

 

"Sorry."

 

She hummed.

 

Pinatong niya ang libro niya sa hita niya.

 

Anong magagawa niyang libro na 'yan?!

 

I sighed bago ko kinuha ang jacket na nasa bag ko. Saktong huminto ang tricycle dahil sa traffic nang itinakip ko sa hita niya ang jacket ko.

 

"Gamitin mo." Sabi ko at inantay siyang hawakan ang jacket bago ko bitawan.

 

She nodded, "Hmm. T-thanks."

 

Natahimik ulit kaming dalawa. Hindi naman kasi kami close, minsan lang din kami mag-usap kapag nakakasabay ko lang pauwi. Eh araw araw ko siya kasabay...

 

Luh.

 

Edi araw araw ko siya nakakausap?

 

Hala.

 

Gagi.

 

Nauna kaming bumaba ni Mama, at naiwan yung mag-pinsan doon sa tricycle. Habang binubuksan ni Mama yung gate ay napaisip ako na parang may nakalimutan ako.

 

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi ko pa din tanda kung ano yung nalimutan ko. Nakapag-walis na ko sa sa sala, sa kusina, sa labas, kaunti nalang ay maglalaba na 'ko.

 

Bumalik ako sa kwarto para kuhain yung jacket ko para isabay na sa labahan.

 

...Ay.

 

Yung jacket!

 

Naka'y VP yung jacket ko!

 

Ayon pala yung nalimutan ko.

 

Ibabalik naman niya siguro 'yon.

 

 

-

 

 

"Seryoso kasi ako, bagay nga kayo." Sabi ni Jaem habang nagtatanghalian kami sa Jollibee, "Tangina, Ryu, bakit ka ba bawas nang bawas sa burger steak ko?" Saway niya dito at nilayo ang pagkain.

 

Hindi talaga matigil sa away 'tong dalawang 'to.

 

I smirked, "Mas bagay kayo."

 

Pareho silang natigilan, at nagulat ako nang biglang sumigaw si Ryujin.

 

"Tangina naman, Rina! Parang gago." She said at binato ako ng tissue n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
ayan na ang chismis 🤩

Comments

You must be logged in to comment
hesedwa #1
Chapter 1: merry christmas po😞
fleuraissah_ #2
Chapter 3: umuwi ka na baby 😔
yujjiman
#3
Chapter 3: muling ibalik
hesedwa #4
Chapter 3: selosa naman mga beshie ko
saintnaevis #5
Chapter 3: pine trees yan hahahaha kung nag-uusap lang din sana kayo ng maayos ano dhxndmd
u_ujiman #6
Chapter 3: Wow, welcome back. HAHAHAHAHAHAHHA ang lala ng pining with each other. Nagseselosan pero bumabalik lang naman sa isa't isa, sige kayanin niyo.
gorjushuya #7
Chapter 3: SANA ALL. PLS MAGBALIKAN NA KAYO
kwinminjeong
#8
Chapter 3: tanginuh daming ganap ah aylavet BWJDKSNSJSHS kinikilig aquh,, kilig na kilig na yan si jimin kasi nakayakap sa bewang nya ang bebe nya hihi beh bakit ganyan kau sis lalo ka na VP! (⁠^⁠∇⁠^⁠)⁠ノ⁠♪ ty naman sa ud 'tor tagal kong naghintay d2 ! love u tor
kazuhaXkarina #9
Chapter 3: Ramram ko din un kilig mo jimin, inggit na inggit ako
ryujinie__
691 streak #10
Chapter 3: Welcome back! 🥰 HAHHAHAA qt naman ni VP at Rina :D ty pi sa ud <3