Chapter 2

This GIRL inlove with you, MARE
Please Subscribe to read the full chapter

🐻-Seulgi-


"Seulgi apo ano bang nangyayari sayo? bat nagkakaganito ka?." may halong pag-aalalang tanong sakin ni Lola Solen

"iniwan na ko ni Taeyong Lah." walang buhay na sagot ko

"seryoso? Aba lokong lalaking yon ah!!! sa ganda mong yan iniwan ka pa." nakapout akong yumakap kay Lola hinaplos niya naman ako sa ulo habang pinapatahan sa pag-iyak

"hayaan mo na yon apo hindi lang siya ang lalaki sa mundong ito."

"pero Lola si Taeyong ang mundo ko. At hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko."

Hinampas niya ko ng mahina sa braso saka panermong nagsalita "ano ka bang Bata ka! marami ka pang pwedeng gawin sa mundong ito. talented ka matalino, mabait at mapagmahal kaya sigurado akong may taong tunay na nagmamahal sayo."

"wwaaaaaaaaa.... Lola huhuhuhu." ngawa ko sa harap niya

"ssshhhhhh... tahan na pero teka nga bat ba kayo naghiwalay?." nagtatakang tanong niya

"pinagpalit na niya ko Lah." seryosong sagot ko kay Lola

"kanino?."

"kay Lord." may kirot sa puso kong sagot kinurot niya naman agad ako sa tagiliran

"Ah!... Lola! Masakit yon." reklamo ko dahil masakit naman talaga

"ikaw kasing Bata ka! di nagseseryoso."

"seryoso kaya ako pinagpalit na niya ko kay Lord kasi magpapari na siya. " naiiyak ko na namang wika

~~~~~~

"Madir Lily, ano bang ginagawa natin dito?." curious na tanong ko sa Madir Lily ko habang hinuhulaan pa rin ako ng isang psychic na nakita namin sa Quiapo.

 

Si Madir lily ay isang diwatang nakulong sa katawan ng isang lalaki in short gay siya nasa 40+ na ang edad niya pero kahit na ganon na ang edad niya ay di tumutugma ang mukha nito sa edad na meron siya (mukha pa rin siyang bagets tignan).

 

inampon niya ko ng minsa'y napadaan siya sa isang sikat na grocery store sa Manila.

 

Namamalimos ako non at sobrang dungis ko pa pero walang alinlangan niya kong binitbit pauwi ng malamang palaboy-laboy at wala akong magulang na nag aalaga sakin.

 

Pinaliguan, binihisan niya ko ng mga mamahaling damit at pinakain niya rin ako ng masasarap na pagkain.

 

at dahil nga sa mayaman siya madali lang ang naging proseso ng adoption paper ko at ilang taon lang ay naging official na niya kong anak.

 

Nag-iisang anak lamang siya at tanging si Lola Solen lang ang kasama niya sa bahay at negosyo lamang ang naging libangan niya sa buhay, yes po boring ang life nila noon pero nung dumating daw ako sa buhay nila ay naging colorful na.

 

ganon ako kamahal ni Madir Lily kaya never ko siyang kinahiya sa school, sa mga friends at sa mga nagiging jowa ko.

 

Proud ako at naging magulang ko siya.

 

"pssshhh Quiet ka lang Nak nag-koconcentrate pa si Ate gurl sa pagbasa sa card." suway niya sakin dahil nakailang tanong na rin ako sakanya kung ano ba talagang ginagawa namin dito sa lugar na to.

 

"iihhh.... Ilang oras na tayo dito tas wala pa ring nangyayari." naiinip ko ng wika

 

"wait lang kasi." sabi niya sabay tapik sa balikat ko

 

"may nakikita akong isang napaka-gandang babae..." pasuspense na wika ng manghuhula

 

napatangin kami ni Madir sa isa't-isa

 

"Oh tapos?." sabay naming wika

 

"100." manghuhula

 

"Ha? Anong 100? ." takang tanong ko pero mukhang gets na agad ni Madir yung ibig sabihin ng manghuhula nang buksan nito ang wallet at dumukot ng 100 pesos at iniabot sa manghuhula.

 

"Ang babaeng yon ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay."

 

"Sinong babae?." naguguluhan kong tanong

 

"100." wika ng manghuhula nagtitimpi na ko sa inis ng biglang hawakan ako sa kamay ni Madir at sumenyas na hayaan na lang.

 

Kumuha na nang 2000 si Madir at iniabot ito sa manghuhula.

 

"Last na yan gurl kaya deretsuhin mo na kami ng anak ko wag ka nang pasuspense wala tayo sa horror movie." may arte at inis ng wika ni Madir sa manghuhula

 

Huminga ng malalim ang manghuhula at saka ito nagsalita

 

"matagal ka nang niloloko ng ex boyfriend mo at sinasabi din ng baraha na malapit na itong magpakas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ohwandom #1
Chapter 3: Ang kulit para akong nanunuod ng sitcom. Although I suggest na siguro may TW sa part na nagbalak si Seulgi dito.
AnneTokki #2
Chapter 3: Hmm, how and when will Seulgi and Taeyong new girlfriend meet? Really really appreciate if we could have more chapters to come🔆💎
AnneTokki #3
Chapter 2: Looks interesting 💎🔆