STORY#1: AKO MUNA

ALL ABOUT ANGST

 

Dahan dahan kang lumapit, bakas sa mukha mo ang pagod at lungkot.

 

Iniisip mo siguro kung saan nanaman mapupunta ang usapan natin.

 

Hindi naman kita masisisi, dahil sa mga nakalipas na araw ay sunod sunod ang hindi natin pagkakaintindihan.

 

Ngumiti ako sayo at sumenyas na maupo sa harapan ko.

 

Halo halo ang nararamdaman ko, dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula.

 

 

Dahan dahan kang umupo, nakapatong ang dalawang siko sa lamesa  while leaning on the table. I looked at you and gave you a smile, gusto kong itago ang sakit na nararamdaman ko. Pero parang gusto ng sumabog ng puso ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

Dahil hindi ko na kaya na ganito tayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko na kayang ipilit ang mga bagay na sa simula palang ay pinagsiksikan ko lang.

 

 

 

Hinawakan ko ang kamay mo, pagpasensyahan mo na kung nanginginig kamay ko. Dahil—

 

 

 

 

 

 

 

Mahirap para sakin ang gagawin ko.

 

 

“Min……”

 

 

Grabe, pangalan mo palang nasasabi ko, pero tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa gustong pakawalan.

 

Dahil hanggang maari ayokong ipalita sayo na nagkakaganito ako…..

 

 

Dahil ayaw kong sisihin ang sarili mo.

 

 

 

 

Dali dali kong pinunasan ang ang mga luha ko. Parang hindi ko kayang simulan, parang di ko kayang magsalita. 

 

 

 

Pero kailangan…

 

 

Huminga ako ng malalim, dahil natatakot ako na kapag hindi ako nagsimula, hindi na ako makakapag simula pa. It’s now or never. Ika nga nila.

 

 

Napansin kong akmang magsasalita ka kaya pinigilan kita. “Wag ka munang magsalita, please….” Nanginginig ang boses pero rinig na rinig ang nagsusumamo.

 

 

 

Hindi kita matignan, dahil tuloy tuloy lang ang pagagos ng mga luha sa mga mata ko.

 

Tumango ka, alam kong pigil din ang mga luha na kumawala mula sa mga matang paborito kong pagmasdan. Hinawakan mo ang kamay ko, at naramdaman ko ang bahagya mong pagpisil.

 

Pinapakalma mo ako.

 

Mapait na ngiti ang kumawala sa mga labi ko, dahil alam na alam mo kung paano ako pakalmahin.

 

 

Huminga ulit ako ng malalim para bigyan ng oras ang sarili ko. Para matitigan ka, para masilayan ka kahit hanggang ngayon nalang.

 

 

“Ako muna Min.” Pagsisimula ko, tumulo ang luha mo, dahil alam na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Tumango ka lang at pinunasan ang tuloy tuloy na pag-agos ng mga luha sa iyong mata.

 

 

“Hindi na kasi kaya nito.” Tinuro ko ang dibdib ko.

 

 

“Ayoko ng masaktan. Pwede ko muna bang piliin sarili ko?” Tanong ko sayo, pero hindi ka nagsalita. Patuloy ang pagiyak mo katulad ko.

 

 

“Kasi pagod na pagod na pagod na pagod na akong ipagsiksikan yung sarili ko…. Ni hindi ko na alam kung san ako lulugar Jimin… Pakiramdam ko wala na akong lugar sa buhay mo…”

 

 

Umiling ka. “Hindi totoo yan.” Sagot mo.

 

 

“Pero bakit pakiramdam ko singit lang ako? Pero bakit pakiramdam ko ako nalang nagpapatuloy nito? Jimin di ko na kaya, na paulit ulit mong mabalewala… naiintindihan ko naman, iniintindi ko naman, yung sitwasyon mo, yung goals mo, yung career mo, yung mga pangarap mo….. mga pangarap mo na akala ko kasama ako.”

 

Hindi ko kaya yung nararamdaman ko. Ang bigat bigat. Ayokong manumbat, pero parang ganito na din yung nangyayari.

 

Hindi ko din alam kung saan ko kinukuha yung lakas ng loob ko para patuloy dahil patuloy parin ako sa pagsasalita.

 

 

“Paulit ulit kong iniisip, n-na baka ako lang yung nagiisip ng ganito, n-na baka ako yung may mali, n-na baka hindi lang ako yung makuntento… Pero masama bang maghangad ng kahit na konting oras mo? Kasi bakit ganon? Ginagawa ko naman lahat Karina. Pero parang kulang parin para pagtuunan mo ako ng pansin.”

 

 

 

Bakas sa mukha niya gulat, dahil never akong nagsalita sakanya ng ganito. Hindi na kayang dalin ng puso ko yung bigat at sakit.

 

 

 

“Ayoko ng magmakaawa ng oras sayo.”

 

 

 

 

 

“Pipiliin ko na muna sarili ko.”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 1: ouch...
hyunieLis
#2
Oh edi ang sakit