Sunset Over Sunrise

Sunset Over Sunrise
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi nila, if you love someone, let them go.

 

Parang tanga naman nung saying na yan.

 

Bakit hindi mo ipaglaban? Bakit kailangan pakawalan? Mahal mo nga diba?

 

Pero minsan tama din yung sinasabi nila.

 

Kasi may mga sitwasyon na kung saan mas masasaktan ka kapag kumapit ka pa. Tipong ang hawak hawak mo ay ang patalim ng isang kutsilyo. At kung patuloy mo itong hahawakan ay palalim nang palalim ang sugat na makukuha mo.

 

Pero kailan nga ba dapat bumitaw?

 

Kapag pagod ka na? Kapag pagod na siya? Kapag nagkakalabuan na? Kapag hindi na nagkakaintindihan? Kapag wala ng pag asa na maayos pa? O kung, sa simula palang, hindi pala kayo para sa isa’t isa pero pinipilit mo pa ring umasa?

                                                

----------//-------------//-----------

High school palang sila Seulgi Buenavista nang makilala niya si Irene Lacsamana.

Sikat si Irene sa buong campus dahil anak siya ng isa sa mga guro na nagtuturo sa eskuwelahan nila. Sikat din siya sa kagandahan niya at halos lahat ng lalaki o maski babae ay nagkakagusto sa kanya. Pero dahil importante para kay Irene ang kanyang pag aaral, wala sa kahit na sinong manliligaw niya ang inentertain niya.

Naging magkaklase si Seulgi at Irene noong second year high school sila. Maagang pumasok si Seulgi sa eskuwelahan dahil nanggaling pa siya sa malayong lugar noong panahon na iyon. Naabutan niyang nakaupo sa tapat ng pintuan ng classroom nila si Irene. Tiningnan niya lang ito at tumango ng limitado at ganon din ang ginawa ni Irene na bumalik din agad sa pag babasa ng libro.

Umalis din naman kaagad si Seulgi at piniling pumwesto sa fire exit na malayo sa classroom nila. Doon siya nagpalipas ng oras. Limang minuto bago ang simula ng klase nila ay inayos na niya ang sarili niya para bumalik sa classroom. Napansin niya si Irene na papalapit sa kinaroroonan niya. Pero nang makita siya ni Irene na papaalis na sa pwesto niya, ay nag u-turn ito at bumalik na sa classroom.

Natawa si Seulgi sa inakto neto at naisip niya na baka siya ang pupuntahan nito para sana tawagin. Pero nang makita siya na pabalik na rin naman ng classroom ay lumiko din ito agad.

Kinabukasan, pumwesto ulit si Seulgi sa may fire exit para magpalipas ng oras. Pero ngayon, inisip niya na wag munang umalis doon at hintayin kung tama nga ba ang hinala niya sa inakto ni Irene.

Maya maya lang, ay naramdaman niyang may tao sa may likuran niya. Dahil nakaharap siya sa may bintana, ay sumulyap siya ng tingin at nakita niya si Irene na nagaalangan kung lalapitan niya ba si Seulgi o hindi. Napangiti si Seulgi pero mabilis din netong tinago ang ngiti nang makita niyang tatapikin na siya ni Irene.

Nilingon niya ito at tinanggal ang earphones na nakasalpak sa tenga niya.

“Uhm, padating na daw si mam” may hiyang sambit ni Irene. Nginitian naman siya ni Seulgi at tumango. Inayos niya ang kanyang sarili at sumabay na kay Irene pabalik sa classroom.

Isang lingo din na ganoon ang ginagawa ni Irene. Pupuntahan niya si Seulgi para ayain na pumasok dahil malapit na dumating ang guro nila. Hanggang sa naging madalas na niyang samahan si Seulgi sa may fire exit at doon na sila nagpapalipas ng oras bago mag klase at tuwing recess. Naging malapit sila sa isa’t isa. Naging matalik na magkaibigan.

Nakilala si Seulgi sa buong campus dahil palagi niyang kasama si Irene.

Marami rin ang nainggit sa kanya at inakala na may gusto siya kay Irene kaya siya laging nakadikit dito.

Kumalat ang tsismis na mag jowa daw silang dalawa.

Todo kontra si Seulgi sa mga sinasabi at pang aasar sa kanya.  Pero sinabihan siya ni Irene na wag nalang pumatol o pansinin ang mga ito dahil importante alam nila kung ano ang totoo.

At iyon ay ang magkaibigan lang sila.

 

----------//-------------//-----------

Third year high school si Seulgi nang dumating sa buhay niya si Krystal. Ang taong nagparealize sa kanya kung sino ba talaga siya.

Si Krystal ay kasama ni Seulgi sa isang photography club. Simula second year ay madalas na silang nagkikita at nagkakasalamuha dahil sa mga club activities nila pero hindi talaga sila madalas mag usap. Hanggang sa naisipan ng club president nila na mag retreat bago siya grumaduate. Dahil doon, naging close sila ni Krystal noong summer bago sila mag third year. At nang magpasukan na ulit, maraming nakapansin sa pagiging close nilang dalawa.

Nagkakamabutihan na si Krystal at Seulgi at nagsisimula na silang magkagusto sa isa’t isa.

Hindi bago kay Krystal ang pagkakaroon ng relasyon sa babae. Pero para kay Seulgi, para siyang tumatahak ng daan na hindi naman dapat. Kaya naman naisipan niya isang gabi na puntahan si Irene sa kanila para maglabas ng saloobin.

Hindi na bago sa mga magulang ni Irene at Seulgi ang madalas na pag punta ng isa’t isa sa kanilang bahay. Madalas kapag biglaan silang dumadating sa oras ng gabi ay naiisip nila na baka may problema ang isa sakanila kaya’t hinahayaan nilang mag usap ang dalawa. Kaya naman pagdating ni Seulgi sa bahay nila Irene ay agad siyang pinapasok ng mama neto at niyakap siya bago tuluyang pumanhik na sa loob ng kwarto ni Irene.

“Seulgi, kanina ka pa lakad ng lakad. Nahihilo na ako” kinakabahan si Seulgi. Hindi niya alam kung kinakabahan siya dahil sa tatahakin niyang landas kasama si Krystal o mas kinakabahan siya na kapag sinabi niya kay Irene na may gusto siya kay Krystal ay mag iba ang tingin neto sa kanya.

“Hays, kumalma ka nga muna. Gusto mo ba ng gatas? Pagtitimpla kita” tatayo na sana mula sa pagkakaupo sa kama si Irene nang pigilan siya ni Seulgi.

“Wag, dito ka lang” bumalik sa pagkakaupo si Irene at tiningnan niya si Seulgi na tila nag aantay sa sasabihin neto.

Huminga ng malalim si Seulgi at mabilis na nagsalita habang nakapikit.

“HindikoalamkunganongmararamdamankoperonatatakotakodahilgustokosiKrystalperobagosaakinetongpakiramdamtaposbakamagibaangtinginmosakindahilnagkagustoakosakanya. Dahilbabaesiya.”

“Huy teka lang, dahan dahan naman ddeulgi” nang marinig ni Seulgi ang nickname niya mula kay Irene ay bigla siyang napakalma. Bumuntong hininga siya at napaupo na sa sahig ni Irene.

“Nagugustuhan ko na si Krystal.” Sabi niya ng nakatingin sa sahig. “Romantically” dagdag niya pa.

Tahimik silang dalawa. Mabilis ang tibok ng puso ni Seulgi dahil hindi niya alam kung paano magrereact si Irene at natatakot siya na baka kasuklaman siya neto. Sa kabilang banda naman, tahimik lang si Irene. Hindi niya alam kung anong gagawin sa impormasyon na sinabi ni Seulgi.

Pero kilala niya ang kaibigan niya. Alam niyang sa oras na ito ay kinakabahan siya. Alam niya na hindi lang ito patungkol sa pag amin na may gusto ang kaibigan niya kay Krystal. Ito ang unang beses na umamin sa kanya si Seulgi na may tao siyang nagugustuhan romantically at babae pa ito. Hindi ganoon kadali magmahal ng kaparehas mo ng uri. Maraming tao ang magsasalita, maraming tao ang posibleng magalit, maraming tao ang mababago ang tingin sayo. At alam ni Irene ang iniisip ng kaibigan niya. Kaya naman dali daling lumapit si Irene kay Seulgi, hinawakan niya ang kamay neto at inangat ang ulo para matingnan niya sa mata ang kaibigan niya.

“Alam kong hindi madali para sayo ang sabihin yan sakin. Hindi masamang magmahal Seulgi, kaya wag kang matatakot. Walang mababago sating dalawa, hindi kita kasusuklaman dahil lang sa preference mo sa taong mamahalin mo.” Niyakap niya si Seulgi na nagsimula na tumulo ang luha. Nahimasmasan na rin siya sa wakas. Tanggap siya ni Irene. At iyon naman ang mahalaga para sa kanya. Si Irene. Wala siyang pakielam sa sasabihin ng iba sa kanya dahil tanggap siya ni Irene.

“Salamat Seul, for telling me”

 

Hindi nagkatuluyan si Krystal at Seulgi. Biglaan kasi na nag migrate sa ibang bansa sila Krystal at hindi na nakapagpaalam.

Brokenhearted si Seulgi, galit si Irene kay Krystal.

Pero nagpapasalamat si Seulgi dahil kahit papano, nakilala niya ang sarili niya dahil kay Krystal. At tanggap siya ng importanteng tao sa buhay niya.  

 

----------//-------------//-----------

First year college sila nang magsimulang makaramdam si Seulgi ng pagkairita sa mga manliligaw ni Irene. At hindi siya masaya sa nararamdaman niya.

 

Sa parehong University pumasok ang magkaibigan.

Kahit magkaiba ang kurso na kinuha nila, ginawan ni Seulgi ng paraan para magkaparehas ang schedule nilang dalawa. Nag enroll din si Seulgi sa mga minor subjects niya na kaparehas ng kay Irene para kahit papano ay magkaklase pa rin sila.

Masaya silang dalawa dahil halos walang nagbago. Katulad pa rin noong nasa high school sila na sabay pumapasok at umuuwi. Si Seulgi ang laging hatid sundo ni Irene. Lagi din silang sabay kumakain ng lunch at nag rereview sa library at gumagawa ng mga assignments.

Isa sa mga hindi nagbago sa buhay nila ay ang dami nang nagkakagusto kay Irene.

Maraming tumangka manligaw sa kanya pero hindi rin naman nagtatagal. Sumikat din si Seulgi sa University nila bilang isang chic magnet dahil sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya. Pareho silang lapitin pero wala rin talagang tumatagal.

Isang tao ang matapang na sumubok lapitan si Irene.

Si Mark, ang lalaking kinasusuklaman ni Seulgi. Hindi niya alam kung bakit pero inis na inis siya kay Mark. Dahil na rin siguro sa biglaang pagpasok neto sa buhay ng mag kaibigan.

 

Araw ng linggo iyon at nakatambay si Seulgi sa kwarto ni Irene. Nagbabasa siya ng libro na galing sa mini library ng kaibigan niya. Si Irene naman ay gumagawa ng mga assignments. Tahimik lang sila sa kanikanilang ginagawa. Maya maya lang ay biglang nagsalita si Irene.

“Pinayagan ko na manligaw si Mark”

Natahimik ang paligid. Tipong maririnig mo ang tunog nang pagbagsak ng isang karayom. Hindi alam ni Seulgi ang iaakto niya. Mula sa pagkakadapa sa kama ay napaupo siya. Kumunot ang kanyang noo at pabalik balik ang tingin kay Irene at sa sahig.

“P…pano? Bakit?” medyo mahina niyang sambit.

“Pumunta siya dito sa bahay kahapon at nagpaalam kila mama kung pwede manligaw. I guess pumayag si mama kasi sabi niya basta hind nakakasagabal sa pag aaral ko.”

“Magkasama tayo kagabi, bakit ngayon mo lang sinabi?” nagbago ang tono nang pagkakatanong ni Seulgi at napansin iyon ni Irene.

“Galit ka ba? Sorry na. Sorry kasi ngayon ko lang nasabi sayo. Ngayon lang din kasi ako pumayag kay Mark” Sabi ni Irene habang nakatingin sa kaibigan niyang hindi niya maintindihan ang itsura ng mukha.

“Bakit si Mark?” hindi pa rin makapaniwala si Seulgi. Natatakot siya.

“Seul, matino si Mark. Hindi siya gaya ng ibang nag tangka manligaw. Tyaka pinayagan siya nila mama” kahit ayaw tanggapin ni Seulgi, wala na rin siyang magagawa. Kaya naman lumapit siya kay Irene at niyakap ito.

“Pag sinaktan ka niya, sisiguruhin ko na hindi na siya magkakaron ng anak” natawa naman si Irene at niyakap pabalik si Seulgi.

Umuwi si Seulgi nang umiiyak.

Kinabukasan, nakatanggap naman siya ng batok galing sa kaibigan at kaklase niyang si MoonByul.

“Tae naman Byul, ang sakit non!” sabi niya habang hinihimas ang ulo niyang inalog ni Byul.

“Kulang pa nga yan para magising ka sa katotohanan. Alam mo Seulgi kung di ka kikilos, mawawalan ka na talaga ng pagkakataon”

“Pagkakataon saan?”

“Kay Irene. Kanino pa ba? Nako, asan na yung Seulgi na kilala ko? Yung hindi sumusuko? Manliligaw palang niya si Mark, may pag asa ka pa”

“Pinagsasabi mo? Hindi ko gusto si Irene”

“Ulol! Anong hindi gusto? Eh umiyak ka nga nung nalaman mong may pinayagan siyang manligaw sa kanya”

“Natatakot lang ako na maraming magbabago saming dalawa.” Oo, doon nga siguro natatakot si Seulgi. Na baka hindi na sila katulad ng dati, na hindi na niya pwedeng yakapin si Irene, hindi na niya pwedeng hawakan ang kamay neto dahil may iba nang hahawak dito.

“Ilang babae na ba yung tinanggihan mo na gusto makipag kilala sayo?” nag kibit balikat si Seulgi sa tanong ng kaibigan.

“Ilang date na ba ang hindi mo sinipot o nilayasan mo agad dahil kailangan ka ni Irene?” napaisip si Seulgi pero kibit balikat lang din ang sagot niya.

“Madaming beses na Seul, lahat nang nagkakagusto sayo lumilipat na kay Lisa. At hindi yon maganda. Malapit na siyang masakal ni Jennie dahil sa dami nang lumalapit sa kanyang chikabebe”

“Wala namang saysay pinagsasabi mo Byul, magkaibigan lang kami ni Irene. Tyaka di naman bakla si Irene, di gaya natin. Mahirap lang talaga mabago yung nakasanayan kaya masakit.”

“Ikaw ang walang saysay sa pinagsasabi mo Seul, bahala ka sa buhay mo. Basta sinabi ko na sayo, pag hindi ka pa kumilos baka mawalan ka na talaga ng pagkakataon.”

Hindi alam ni Seulgi pero pagtapos ng paguusap nila ni Byul, narealize niya ang isang bagay. Hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Irene.

 

Nangyari na nga ang kinakatakot ni Seulgi. Hindi na sila madalas magkita at magsama ni Irene. Kung dati ay hatid sundo ni Seulgi si Irene tuwing papasok at tuwing uwian, ngayon ay tuwing uwian nalang. Ang bagong manliligaw ng kaibigan niya na si Mark na ang naging taga hatid neto tuwing papasok. Minsanan nalang din sila magkasama ni Irene tuwing lunch break. Nagkikita nalang sila sa subject kung saan magkaklase sila at kapag uwian na. Hindi na rin madalas magpunta sa bahay nila Seulgi si Irene kaya naman medyo nahihiya na rin si Seulgi pumunta kila Irene. Pero kahit na ganoon ay nandyan pa rin si Seulgi para sa kaibigan tuwing kailangan niya ito. At kahit papano masaya pa rin siya dahil parte pa rin siya sa araw araw ni Irene.

 

Pero isang pangyayari ang nagpagulo at nagpabago sa pagsasama ng mag kaibigan. Ang minsanan ay naging bihira nalang.

Thursday ng tanghali, nakatanggap si Seulgi ng isang emergency message. Kaya naman hindi na niya pinatapos ang klase niya para sa araw na iyon at agad agad umuwi. Hindi na niya nasabihan si Irene na wag na siya hintayin. Kaya naman nang maging maayos ang sitwasyon ni Seulgi at naalala niya si Irene ay agad siyang sumugod sa malakas na ulan para balikan ang kaibigan.

Pagdating niya sa building kung nasaan si Irene, nadatnan niya na sinusundo na ito ni Mark. Napatago nalang siya at pinanood kung paano payungan at alalayan ni Mark ang kaibigan niya papasok sa kotse neto at umalis na. Naiwan siyang mag isa sa ilalim ng ulan. At kasabay ng lakas nang pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha niya.

11 pm na nang makauwi si Seulgi at nag message nalang siya kay Irene na nagkaron ng emergency at nag sorry dahil hindi niya agad ito nasabihan. Nagtampo naman ang kaibigan pero agad din namang pinatawad si Seulgi.

Hindi natuwa si Seulgi nang mabasa niya ang huling message ng kaibigan bago ito mag goodnight sa kanya.

Kuneho: Seul, sorry. Pero sabi ni Mark, gusto niya daw na siya na rin ang maghatid sa akin pag uwian.

Wala nang lakas si Seulgi na tumanggi, na ilaban na siya pa rin ang maghahatid kay Irene pauwi. Dahil na rin sa halo halong sakit na nararamdaman niya noong araw na iyon.

Seulgi: Okay lang Rene.

Kuneho: Oh. Okay Seul. Goodnight.

Dahil sa pangyayaring ito, tuwing may klase nalang sila nagkikita at nagkakasama. Hindi na rin sila madalas tumatambay kapag walang pasok dahil laging kasama ni Irene si Mark o kaya naman ay busy si Seulgi.

----------//-------------//-----------

 

Second year college sila nang sagutin ni Irene si Mark. Ang taon kung saan parang ibinagsak ng langit lahat ng problema kay Seulgi.

 

Nasa isang bar si Seulgi. Hindi niya alam bakit dito siya dumiretso pero gusto niya lang talaga maalis ang sakit na nararamdaman niya. Ano nga ba ang panandaliang solusyon sa sakit? Alak. Ang magpakalunod sa alak. At iyon nga ang balak gawin ni Seulgi.

Ilang oras bago siya mapadpad sa bar, nasa harapan siya ng bahay nila Irene. Nag aalinlangan kung papasok ba siya o hindi. Gusto niya sana makita ang kaibigan, mapagsabihan ng nararamdaman dahil sa nangyari sa kanya ng araw na iyon. Dati rati ay walang hesitasyon siyang pumupunta sa bahay ni Irene tuwing kailangan niya ang kaibigan. Pero ngayon? Eto siya, nakatayo lang sa harapan ng bahay.

Naisipan niyang i-message sana si Irene, tatanungin kung okay lang ba na pumunta siya sa bahay nila.

Pero naunahan siya ni Irene.

Kuneho: Seul! Sinagot ko na si Mark.

Natauhan siya.

Tumakbo siya habang may luhang natulo mula sa mga mata niya at napadpad siya sa bar.

Pinatay niya ang cellphone niya at nagpakalasing. Nagpakalunod sa alak na sunod sunod niyang iniinom. Walang tigil hanggang sa hindi na niya maintindihan ang inaakto niya. Maya maya lang ay may nakita siyang isang babae, pinipilit at hinihila hila ng isang lalaki. Biglang kumulo ang dugo niya at sinugod ang lalaki at nakipag away. Malas lang ni Seulgi dahil pumapatol sa babae ang lalaki, kaya naman nasampal din siya neto. Pero hindi niya hinayaan na mas mapuruhan siya ng lalaki kaya naman tinadyakan niya ang lalaki sa kaselanang parte neto. Hindi na alam ni Seulgi ang sunod na nangyari at nakita nalang niya ang sarili niya na nakaupo sa parking lot ng bar.

Maya maya pa ay may nakita siyang pamilyar na tao na papalapit sa kanya. “Irene” mahinang sambit niya at napangiti. Nakita niya kung paanong nagmamadaling lumapit sa kanya si Irene.

“Seulgi!” napasigaw sa pagaalala si Irene nang makita ang kaibigan niyang mukhang kinawawa. Tiningnan niyang mabuti ang mukha ng kaibigan.

“Anong nangyari sa pisngi mo? Seulgi naman eh!” Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa kaibigan niya pero nangingibabaw ang pag aalala niya.

“Mark dito” tawag niya sa nobyo niya na kakarating lang dahil nag park pa ng sasakyan. Nakita niyang nagbago ang itsura ni Seulgi. Sumimangot ito at kumunot ang noo. Nagulat siya nang bigla nalang alisin ni Seulgi ang kamay ni Irene na nakahawak sa kaibigan.

Aalalayan na sana ulit ni Irene si Seulgi para tumayo na, nang hawiin iyon ni Seulgi.

“Kaya ko sarili ko” nasaktan si Irene sa sinabi ng kaibigan pero hinayaan niya na lang. Sinubukan ni Seulgi tumayo pero dahil sa sobrang pagkalasing niya ay bumagsak lang ulit siya. Hinawakan na siya ni Irene at kahit ayaw ni Seulgi ng tulong ay wala naman na din siyang magagawa dahil lasing na lasing siya. Tinulungan ni Mark si Irene para ihatid pauwi si Seulgi.

 

Kinabukasan, nagising si Seulgi sa isang pamilyar na kwarto. Pero dahil sobrang sakit ng ulo niya pati na rin ng pisngi niya ay hindi na niya nagawang isipin kung nasan ba talaga siya.

“Seul? Inom ka muna neto” Nagulat si Seulgi sa pag dating ni Irene. Bakit siya nandito? Napatingin siya sa paligid niya at narealize niya bakit pamilyar yung kwarto kung nasaan siya. Nasa kwarto siya ni Irene. Totoo nga yung panaginip niya na pinuntahan siya ni Irene kagabi.

Tahimik lang ang magkaibigan pagtapos uminom ni Seulgi ng painkiller.

“Bakit ako nandito?” pagbasag ni Seulgi sa katahimikan. Alam naman niya kung saan pupunta ang usapan na ito, gusto niya sanang iwasan at umalis nalang pero hindi niya magawa.

“Hinatid ka namin sa inyo Seul pero… ibang pamilya na ang nakatira doon. Kaya dito nalang kita sa bahay dinala” Halata sa boses ni Irene na nagpipigil siya sa mga tanong na gusto niyang ibato kay Seulgi. Gusto sana ni Irene na si Seulgi mismo ang magsabi sa kanya. Alam ni Irene madaming hindi sinasabi si Seulgi sa kanya. Lalo na netong nakaraan na hindi na sila madalas magkita. Pero kahit gustong gusto niya alamin, ayaw niyang biglain si Seulgi.

“Pano mo nalaman kung nasaan ako?”

“Yung may ari ng bar tumawag sakin. Nakita niya sa wallet mo yung number ko. I am your emergency contact” oo nga pala, siya ang nilagay ni Seulgi na emergency contact niya. Simula palang nung high school sila, number ni Iren ang nakalagay doon.

Naisipan ni Seulgi na tumayo na at umalis. Alam niya na hinihintay lang siya ni Irene na magsabi, na magkwento. Madami nga naman siyang hindi nasabi sa kaibigan mula noong huling taon pa.

Aalis na sana si Seulgi nang pigilan siya ni Irene, hinawakan siya neto sa kamay.

“Please, Seul. I want to know” bumuntong hininga si Seulgi. Hindi naman niya matiis ang kaibigan niya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama at hinarap si Irene.

“Nasa ibang bansa na sila Daddy. Binenta na nila yung bahay. Nagpaiwan ako para dito na tapusin yung kolehiyo ko. Pumayag naman sila.” Panimula ni Seulgi

“Saan ka nagstestay ngayon?”

“Sa dorm sana ng school kaso sabi ni Byul dun nalang sa condo niya para may kasama siya. Takot siya mapag isa pero gusto magpakaindependent” medyo natawa si Irene at ganon din si Seulgi pero napalitan din agad ng lungkot.

“Kelan at bakit sila nag ibang bansa?” huminga ng malalim si Seulgi

“Last year. Nung araw na hindi kita nasundo, si mommy inatake ng sakit niya. Sinugod siya sa ospital. Kinailangan ni mommy ng operasyon kaya nagpunta sila sa Canada” nagulat si Irene, kita sa mukha niya ang pagkalungkot at pagiging sorry.

“Seul, sorry. Sorry kasi hindi ko alam. Sorry kasi hindi ko inalam.”

“Okay lang rene” gusto nang umiyak ni Seulgi pero pilit pa rin niyang pinipigilan. Hindi niya alam kung bakit nagpapakatatag siya sa harapan ni Irene.

“S…si tita, kamusta na?” malapit na sa pag iyak si Irene.

Dahil sa tanong ng kaibigan ay hindi na naiwasan ni Seulgi na maiyak. Dahil sa gulat ay napaiyak na rin si Irene. Nakaramdam siya na hindi maganda ang naitanong niya.

“Rene… s…si mo… mommy. She’s… yesterday… she…” hindi na maituloy ni Seulgi ang sasabihin niya at humagulgol na siya. Niyakap ni Irene si Seulgi at hinayaang umiyak habang umiiyak din siya. She knows. Irene knows. Kahit hindi maituloy tuloy ni Seulgi ang sasabihin niya.

Irene kept saying sorry for not being there. Patuloy niyang kinocomfort si Seulgi. Pero bukod doon ay paulit ulit niyang iniisip at tinatatak sa utak niya na hinding hindi na niya ulit hahayaan si Seulgi mag isa.

Simula nung araw na iyon, madalas na ulit makita ng mga tao si Seulgi at Irene nang magkasama. Lagi siyang hinihila ni Irene at isinasama sa kung ano mang mga lakad neto. Paminsan minsan nagiging thirdwheel pa sa mga date si Seulgi na minsan ay kinaiinisan niya dahil hindi niya talaga maatim makita si Mark. Lagi na rin siya sinasabay ni Irene tuwing uwian. Inihahatid ng mag jowa si Seulgi kila Byul at kung minsan, sinusundo rin nila ito tuwing papasok.

Masaya si Seulgi. Kahit papano, nabawasan ang bigat na nararamdaman niya at nabigyan siya ng assurance na hinding hindi siya iiwan ni Irene.

 

----------//-------------//-----------

Third year college sila, sobrang na-busy si Irene at hindi na maka keep up si Mark sa kanya.

Kasabay ng pag aaral ni Irene ay ang pagtakbo niya bilang parte ng student council ng college nila. Hindi madali maging officer, sabayan mo pa ng pag aaral at extra curricular activities, kulang ang oras na meron ka. Kaya naman bihira nalang mag date si Mark at Irene. Madalas din na maagang pumapasok si Irene sa Univers

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Reveluv101
#1
Chapter 1: So basically Irene dated anyone except seulgi in this ff 😂 acted Jealous gives mix signals and left at the last moment wow man such a red Flag Irene is...We should let go red flags at beginning and in this fanfic Irene was totally biggest red flag for seulgi 😄 because Loving the wrong person hurt the most and if you Love wrong person you'll not able to find your right one ever!

But how to find which is right one for you? (Great question)
— right person never be the reasons behind your suffering but the happiness behind your smile and that's not Irene for seulgi

Seulgi should be happy that she saved herself because even they got into relationship it won't work out everything is toxic between them
germsrocket #2
Chapter 1: uyy wala ba ring sequel?? T_T
di ba talaga end game ??
grabeh naman po
Kang_bae_rene
#3
Chapter 1: I don't want to have a person like "Irene" in my life I'm happy without them
000014
#4
Chapter 1: bakit naman ganun author-nim??? jusko ka