My Org Fair Lady

My Org Fair Lady
Please Subscribe to read the full chapter

“Kami po ang UP Volunteers for Children. Join na kayo!”

 

“UP Tabletop! Let’s have fun! Sign up na kayo.”

 

“Tungo sa mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan. Join na kayo ng UP LIKAS! Pwedeng pwede kahit non-history majors.”

 

Ang dami ko nang hawak na flyers sa kamay ko dahil nakakahiya namang tanggihan, at talagang hinaharang ka pa ng mga recruiter.

 

Sosyal pa nga ‘yung ibang orgs dito dahil may free snacks pa silang alok. May ibang nagbibigay ng biskwit. Meron ding potato balls. At syempre ang pinakadakilang UP orgs’ staple, red velvet crinkles.

 

Sari-sariling diskarte ang mga org dito para maka-attract ng mas maraming tao. Katulad na lang ng UP Tabletop na may mga baong board games, at nagpapalaro sa mga interesadong dumadaan.

 

Ngayon kasi ‘yung annual org fair dito sa acad oval para sa mga freshmen, shiftees, at transferees. Ironically, supposedly hindi raw pwede ang mga freshie sumali sa orgs kaya hindi ko alam kung bakit may ganitong event pa para sa kanila. Baka dahil hindi rin naman talaga nasusunod ‘yung freshie ban na ‘yan. 

 

Kahit na mostly for FSTs itong org fair, bukas pa rin naman siya para sa lahat ng estudyante. Like me.

 

Hindi naman ako freshman, hindi rin ako shiftee, at hindi rin ako transferee, at wala rin naman sana akong balak pumunta rito dahil third year na ako. 

 

Hinila lang talaga ako ng best friend kong transferee galing UPLB. Malamang dahil gusto niyang maghanap ng org na masasalihan. Ano pa naman iba niyang gagawin dito?

 

Wala pa kasi siyang ibang kakilala dahil first week pa lang ng klase. At nangako rin siyang ililibre niya ako ng lunch. Basta samahan ko siya. Madali naman akong kausap.

 

“Win, ang dami niyo palang orgs dito,” puna ng kasama ko.

 

Oo nga. Kahit ikatlong taon ko na rito, first time ko yatang marinig ‘yung pangalan ng ibang orgs, or baka narinig ko na dati, hindi ko lang matandaan. Dalawang taon na rin kasi simula nung ako ‘yung freshman na naglilibot dito. Nag-sign up ako sa ibang orgs pero para lang kuhanin ‘yung free snacks na alok nila. Hindi ko rin naattendan ‘yung mga orientation dahil conflict sa mga klase ko. 

 

Ang ending wala akong sinalihan maliban sa home org ng course namin, which is ‘yung Math Majors’ Circle. Kaso nga lang hindi rin naman ako ganun ka-active. Math na nga kasi almusal, tanghalian, at hapunan ko, tapos gagawin ko pang extracurricular activity? Umay. Kahit na math lover naman talaga ako nung high school.

 

Magandang idea nga rin siguro na sinamahan ko si Ningning. Baka makahanap pa ako ng interesting para sakin. Kahit na third year na ako, hindi pa naman siguro huli para sumali pa ako ng ibang org. Baka magkaroon din ako ng something na ilu-look forward sa buhay ko rito sa UP. Masyado na kasi akong stressed sa pag-aaral.

 

“Ngayon ko nga lang na-encounter ‘yung iba rito,” sagot ko kay Ningning.

 

UP Bread Society. Natatawa ako tuwing nakikita ko ‘tong org na ‘to dahil sa isang freshman memory ko.

 

May classmate kasi ako noon na kasama ko maglibot sa org fair. Si Ryujin. Tinawanan rin siya nung recruiters dahil daw akala niya ay org ‘yun para sa mga mahilig sa tinapay. Hindi ko naman siya masisi dahil namigay rin sila ng pan de coco at pandesal nung taon na ‘yun.

 

“Bakit ka natatawa?” Tanong ng best friend ko.

 

“Naalala ko lang classmate ko… Nung freshie kami, akala niya pang bread lovers na org ‘yung Bread Soc,” napahagikgik din si Ningning sa sinabi ko.

 

Pinagtinginan kami ng mga taong nakapaligid samin nang biglang humalakhak si Ningning with matching palakpak. Ang tinis na nga ng tawa niya, tapos ang lakas pa. Naging sentro tuloy kami ng atensyon ngayon.

 

“Win, tignan mo ‘yung pangalan.” Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa, at lumingon ako sa direksyon ng booth na tinutukoy niya.

 

UP .

 

as in Society of Emancipated Men daw.

 

Hindi ko napigilan, at bumulwak na rin ang tawa ko. Bakit ngayon ko lang yata nalaman na may ganitong org pala rito sa UP, at paanong na-approve ‘yung pangalan nila?

 

Maluha-luha na kami ni Ningning kakatawa. Kinakapos na nga rin ako ng hininga. Mukhang hindi naman na-offend ‘yung recruiters samin. Naaliw pa nga yata sila sa reaksyon naming mag-best friend, judging by the fact na nakitawa na rin sila. Aware naman kasi siguro sila na sobrang kakaiba at funny ‘yung org name nila.

 

Tumuloy-tuloy kami sa paglalakad, at nag-sign up si Ningning sa iba’t ibang orgs tulad ng Model United Nations. Baka raw kasi palarin siya, at siya ang ipadala sa mga international conference. Nagpalista rin kami pareho sa UP Music Circle.

 

May isang booth na nakakuha ng atensyon ko.

 

UP Babaylan.

 

Napatitig ako nang mas matagal sa normal. Hindi naman dahil sa fact na namimigay sila ng condoms. I-normalize na natin ang education. Anong taon na kaya. Hindi rin dahil sa org ‘to para sa mga members ng LGBTQIA+ community na katulad ko. Hindi rin dahil interesado ako sumali.

 

More like interesado ako sa isang member nila. Kay ateng isa sa mga nagbabantay sa booth nila.

 

Si Katarina Yu. ‘Yung BAA major na classmate ko noon sa Philo 1.


 

Happy crush ko rin nung freshman ako.




 

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko dahil may biglang tumapik sakin.

 

Bad trip naman. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Nasa front row daw ako ng standing area para sa concert ni Harry Styles. Kinuha na nga ni Harry ‘yung phone ko para mag-video. Sa panaginip na nga lang makaka-attend ng concert, naudlot pa ‘yung moment.

 

Nilingon ko ‘yung katabi ko sa kanan na siyang salarin ng pagkaputol ng panaginip ko. Ready na sana akong magsungit, pero… wow.

 

Wala akong kakilala dito. Wala rin naman kasi akong pake sa klase na ‘to, so lalo na sa mga classmates ko. Kung hindi ako gumagamit ng phone nang patago, natutulog lang ako tulad ng ginawa ko ngayon. Madalas kasi akong kulangin ng tulog dahil sa lecheng Math 21.

 

Pero, wow. Ganito ba ang bubungad sakin kapag umakyat na ako sa langit? Assuming na sa langit nga ako mapupunta.

 

Ang ganda niya. Mula sa view ko, nasisinagan pa siya ng araw galing sa bintana. Mukha siyang anghel. Pwede na ring santo. Sa totoo lang, pwede na rin siyang gumanap na Mama Mary sa Belen.

 

Bakit ngayon ko lang napansin si ate girl? 

 

Pasimple kong ninakawan ng sulyap ‘yung ID niya.

 

Katarina Yu. Same pa kami ng simula ng student number, so batchmates pala kami.

 

Bumalik ako sa ulirat nung napansin kong may sinasabi pala siya sakin. Oo nga pala, nasa klase pa kami. Nag-shut down kasi ‘yung senses ko pagkatingin ko sa kanya.

 

“Sorry… ano ulit ‘yun?” Mahina kong tanong.

 

“Ma’am is looking at you.” Wow, ang lalim ng boses niya. Binaling niya na ulit ‘yung tingin niya sa harap, at tsaka ko lang rin na-process ‘yung sinabi niya sakin.

 

. Nahuli ba akong natutulog sa class?

 

Kabado kong hinarap ‘yung prof ko. Terror pa naman ‘to. Naaalala ko last time pinalabas niya ‘yung kaklase naming hindi nagbasa ng readings.

 

“Can you share with the class kung anong nakuha mo sa movie so far, miss?” Nanliit ‘yung mata niya habang inaalala niya kung anong pangalan ko.

 

“Kim po. Winter Kim.”

 

“Okay, miss Kim. Anong nakuha mo sa movie na pinapanood natin so far?”

 

Hindi ko alam anong isasagot ko. Tinulugan ko lang naman magdamag ‘yung movie. Bakit ba kasi ang tamad nito ni ma’am Villanueva magturo?

 

Self-learning nga yata kami rito. Kapag may assigned readings, nagpapa-volunteer lang siya ng mag-shashare sa harap habang nagkakape lang siya sa teacher’s table. Sana pinaghati-hatian na lang namin ‘yung sahod niya.

 

Ngayon, nag-fifilm showing lang kami. Last week, nanood kami ng The Truman Show. This week, The Matrix naman.

 

Tinignan ko ‘yung scene na naka-project sa whiteboard. Naka-pause ‘yung movie. Kita ko rin sa progress bar ng video na nasa bandang dulo na. Action scene na nga ito, at may hawak na baril si Keanu Reeves.

 

“Uh a-ano po,” nauutal kong simula. “Bagay po kay Keanu Reeves ‘yung all-black niyang outfit. Ang angas rin ng action scenes. Ramdam ko po ‘yung intensity kahit dito ako sa likod nakaupo.”

 

Hindi ko na rin alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko ‘yan. Dapat hindi na lang ako sumagot. Ihahanda ko na lang siguro ‘yung sarili ko na mapagalitan.

 

May mga impit na sound ako na naririnig. Mga kaklase kong nagpipigil ng tawa. Nacurious tuloy ako sa reaction ni ateng maganda na seatmate ko. Nakatikom ang bibig niya, at halatang halata na nagpipigil lang rin siya ng tawa.

 

Hi po, Katarina. Baka gusto mong pasayahin kita habang buhay? Charot.

 

“Miss Kim, kung hindi ka mag-seseryoso sa klase ko, lumabas ka na lang.” Bumalik ako sa realidad dahil sa malamig na boses ng prof ko.

 

“Okay po. Sorry po, ma’am.” Ina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sinong aattend ng concert dito sa birthday ni Karina? See you!!!

Comments

You must be logged in to comment
justsomeanimelover
#1
Chapter 1: Matutulog akong naka ngiti 😂
Mys_na_kita #2
Chapter 3: Hello po, kumusta na po ba sila? Ikaw rin po author?
Wemon_ #3
Chapter 2: ang cutieeee kainis
kwinter
#4
Chapter 3: GANDA OMGGG SO BITIN
Eybrelros #5
Chapter 3: Kyut neto hindi natuloy yung tampuhan hanggang kilig lang daw talaga para masaya😆
Eybrelros #6
Chapter 1: Grabe yung confidence beh penge nga win kahit 10% lang😂
M_1412 #7
Chapter 3: AAAAAH OVERLOAD ANG KILIG
M_1412 #8
Chapter 2: ANG KILEEEG
M_1412 #9
Chapter 1: DHAKDJAKHS HAHAHHAHAHA ANG KILIG
GRABE ANG CONFIDENCE NI WINTER DI KO KINAYA
jmjdumpx #10
KILIG PA RIN