Violation

U-Turn Slot
Please Subscribe to read the full chapter

Naalala pa ni Seungwan kung gaano niya kapangarap na matutong magdrive mula bata siya. Naalala niya kung gaano siya umiyak nung makakuha ng lisensya ang ate niyang si Yoona nong nag 18 ito. Pero hindi agad na pinalad si Seungwan na makakuha ng lisensya niya sa una niyang subok noong nag 18 siya. Pagkatapos siyang turuan ng papa niya na may kasamang galit at sigawan sa may space sa loob ng subdivision nila ay natakot na talaga si Wendy na humawak muli ng sasakyan. 

Pero noong nakakuha ng lisensya ang pinsan niyang si Moonbyul agad na naingit si Wendy kaya dali dali siyang bumalik sa papa niya para samahan siya sa LTO. Halos sampong taon din hindi nakahawak ng sasakyan si Wendy. Pero totoo siguro talaga ang himala? Dahil sa wakas pagkatapos ng sampung taon ay nakakuha na si Wendy ng lisensya. 

"Aba'y sa wakas hindi na palaging passenger ang ating Seungwan." tumatawa si Yoona habang nagsasandok ng kanin. Tinitignan niya ang kapatid niyang ngiting ngiti, kulang nalang ay ipaframe pa ni Wendy ang lisensya niya. "Oh ma! Pustahan tayo pag nagsimula na to magdrive papasok sa trabaho mahuhuli agad to." umirap si Wendy sa sinabi ng ate niya bago inabot ang bowl ng kanin na pinasa sa kaniya. Naglagay ang bunso sa pamilya habang nakasimangot. Natawa nalang rin ang mama ni Wendy. 

"Ikaw talaga Yoong grabe ka sa kapatid mo." nag make face si Wendy sa ate niya na mas lalo lang siyang inasar. Napairap ulit si Wendy saka tumingin sa mama niya. Bakit ba kasi wala ang papa ni Wendy ngayon. "Oh ano yun Seungwan?" nag pout ang bunso sa mama niya kaya lalo lang itong natawa at napailing. 

"Grabe ma di mo man lang ako ipagtatanggol?" tumatawa si Yoona habang pinagmamasdan ang kapatid niya na nakasalubong ang kilay. Kahit kelan pikon talaga ito kaya palagi rin niyang pinagtritripan ang nakakabatang kapatid. 

"Oh tutal nasa ibang bansa si papa edi ikaw muna gagamit ng sasakyan niya?" tumango naman si Wendy habang nakatingin sa karne sa may plato niya. Naisip niya na kung saan siya pwedeng pumunta bukas? Bisitahin niya kaya si Sua sa may Batasan? "Uy nagbabalak umalis ang bata bukas." halos gusto na ibato ni Wendy ang tinidor na hawak niya sa ate niyang mapangasar, kung hindi lang siya tinitigan ng mama niya ay sigurado na lumipad na ang tinidor na hawak niya. 

"Ma aalis po ako bukas. Punta lang ako kina Sua pasyal lang." tumango ang mama ni Wendy habang kumakain sila. Si Wendy naman ay napangiti nalang. Excited na siyang magdrive for the very first time. 

"Ang sasakyan ng papa mo ha!" natawa naman si Yoona kaya agad nitong binaba ang kutsara at tinidor niya. Pati narin ang mama nila ay natawa samantalang si Wendy ay hindi maipinta ang mukha. 

"MAMA!! Grabe ka! Mas inisip mo pa yung sasakyan! Akala ko sasabihin mo mag ingat ka anak first time mo yan." nag shrug ang mama nila na mas lalong nagpatawa pa kay Yoona. Kahit kelan talaga hobby ng pamilya na asarin ang cute na cute nilang hamster. 

"Wag na iyak ang abunjing namen nayan. Magingat ka Seungwan! Baka maconfiscate agad lisensya mo anak ha." at doon nalang napagtanto ni Seungwan na trip talaga siya ng pamilya niya. 

-

Pagkatapos magbihis ni Wendy, dinampot niya ang bag niya saka cap. Pagkalabas niya ng kwarto agad siyang nagmanano sa mama niya bago nagpaalam. Hawak ni Wendy ang susi ng Ford ng papa niya. "Son Seungwan sinasabi ko sayong wag mo gagasgasan yan ha." napabuntong hininga si Wendy dahil nakatayo ang mama niya sa may gate ng garahe nila habang binubuksan ito para sa kaniya. 

"Opo nga ma, mag-iingat po tsaka sa Batasan lang ako pupunta ma." tumango nalang ang mama niya bago binuksan ng maigi ang garahe nila. Pinagmamasdan niya ang bunso niya na nagsisimulang magdrive. "Ma! Magtetext nalang akooooo." nag wave nalang si Wendy bago agad na nagdrive palabas ng subdivision nila. 

Manghang mangha parin si Wendy na sa wakas ay nakakapagdrive na siya, at sa wakas ay mayroon na siyang sariling lisensya. Hindi nalang siya palaging nakaupo sa tabi ng ate niya habang masaya itong nagdridrive. Pagkatapos ng ilang taon sa wakas siya naman ang nagdridrive. 

Pagkalabas ni Wendy ng subdivision nila, napangiti siya dahil sa wakas makakapagdrive na siya sa unang pagkakataon sa highway. Sa may commonwealth pa nga. Tinandaan ni Wendy ang mga bagay kagaya ng speed limit at ang mga lanes. "Kaya mo to Seungwan." nakatingin si Wendy sa may kalsada habang sumasabay sa mga tugtugin mula sa playlist niya. Smooth ang pagmamaneho niya minus ang mga nag oovertake na lagi niyang kinakagalit. "Parang gago, madaling madali yan rush hour?" umirap si Wendy habang nagdridrive, diretso ang tingin nito sa kalsada. Hindi niya lubos maisip na makakapagdrive siya ngayon sa commonwealth. 

Malapit na siya sa destination niya, nagulat siya nung pag U-turn niya ay may nakaabang na MMDA officer sa harap niya. Napamura nalang siya bago bumuntong hininga. "Doon umiikot si Ate Yoona! Baket ako mahuhuli?!" kinakabahan niyang iginilid ang sasakyan niya. Dahan dahan niyang kinuha ang wallet niya sa may bag niya bago binaba ang salamin ng sasakyan niya. 

"Pakilabas nalang po ng lisensya nila." nakaramdam si Wendy ng kaba habang nakatingin sa may traffic enforcer. Napalunok nalang siya ng makita niya ang mukha ng babaeng enforcer. Para namang kinapos sa hangin si Wendy habang pinagmamasdan ang mukha ng enforcer. Nakasuot ito ng cap pero kitang kita niya ang ganda ng mukha at mga mata nito. 

"Sorry po ma'am, baka pwede naman po natin pagusapan?" ngumiti si Wendy habang palihim na inilalabas ang isang ninoy at cory aquino na bill. Nakita niyang napailing ang officer kaya napalunok nalang si Wendy. Hindi ata effective ang yellow bill, kaya naman ngumiting peke si Wendy bago dumukot pa ulit ng isang blue na bill sa wallet niya. "Di parin po ba pwede pagusapan ma'am?" nakatingin lang ang babaeng enforcer sa mga mata niya kaya naman napalunok si Wendy. Nakita niyang binuksan nung enforcer ang booklet niya bago ito lumapit sa may bintana ni Wendy. 

"Lisensya nalang po ma'am." matigas ang tono ng boses niya pero mas nauna ang kilig ni Wendy nung marinig niya ulit ang boses ng babae. Napunta rin ang tingin niya sa uniform ng enforcer. 

"Joohyun Bae, Baeby ko?" tumaas ang kilay ng enforcer habang nakatingin kay Wendy na sobrang lapad ng ngiti. Napabuntong hininga si Joohyun bago niya hinawakan ang bintana ng sasakyan ni Wendy. 

"Nagtratrabaho po ako ma'am amin na po lisensya niyo." dahil wala namang choice si Wendy kinuha niya ang lisensya niya saka inabot ito sa enforcer. Nakita niyang hinubad nito ang suot niyang cap kaya napasinghap si Wendy, napakaganda nung nakahuli sa kaniya. Pati ata puso niya ang nahuli at nabighani nalang bigla. "Bagong issue palang lisensya niyo nahuli ka na agad." narinig niya ang tawa mula sa officer, parang anghel, ayun agad ang naisip ni Wendy habang pinagmamasdan ang enforcer. 

"Kaya nga po, baka pwede naman po natin pagusapan." tumawa ang enforcer bago niya tinitigan ang flustered na driver. Tapos narin magsulat ng ticket kaya tinitigan niya ang driver. Nakita niyang napalunok ito kaya mas lalo siyang natawa. "Kunin mo nalang lisensya mo sa Main office." napapikit nalang si Wendy, inaabot sa kaniya ang ticket kaya agad na nagpaawa mode ang dalaga. 

"Ma'am baka naman pwede pagusapan. Pasensya na po talaga di ko alam na sarado na po pala itong u-turn slot na ito." nakita ni Wendy na may palapit na isa pang enforcer sa kanila. Nakataa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Hi! This will be up probably tonight, or tomorrow morning! See youuuuuuu!

Comments

You must be logged in to comment
wishwishwish #1
Chapter 1: ang funny ng whole story hahaha cutie wendy! wala ba next part dyan otor
ky2488
#2
Chapter 1: Ang cute ng family dynamics nila Wendy 😂 Hahaha tawang tawa ako sayo, Wendy at mukhang gumagana rin kay Ms. Bae 😂😂😂 Si Wendy na ata ang pinakamasayang nahuli at nakuhaan ng lisensya 😂 Can't wait sa mga susunod na kaganapan! Thank you po!
SuperHolly214
#3
Chapter 1: wow naman wends hahahaha
more I want more otor nim bitin sobra
WluvsBaetokki #4
Chapter 1: Wow! Chick boy na chick boy ang galawan ni Wendy ah
reveclean
#5
Chapter 1: ang bangis mo Wendynim 😂
Favebolous #6
Chapter 1: Wendy 🤣
Wanni_2921
#7
Chapter 1: Hahahaha lodi wendy🤣🤣
juhyuneeeee
89 streak #8
Chapter 1: wendy natatawa ako sayo HAHAHAHA
LockLoyalist
#9
Naku Wendy wag ganyan hahaha
reveclean
#10
ay bet ko to 😂