two (end)

i love you, pineapple
Please Subscribe to read the full chapter

“Winter! Table 3!”

 

“Win, 'yung tubig daw sa Table 5!”

 

“'Yung mga tao sa labas, papasukin mo na, Winter!”

 

Aligaga na kumilos si Winter at walang reklamo na sinunod ang utos ng mga katrabaho. Wala naman siyang magagawa dahil tulad kasi nung nakaraang linggo, understaffed pa rin sila. 

 

Kaya sa ngayon, silang tatlo lang nila Beomgyu at Soobin ang gumagalaw as waiters sa Pizzeria ng Ate Taeyeon niya. 

 

“Winter, ikaw na mag assist sa Table 3. Grabe, ang sungit nung sa Table 2! Pinapalagyan pa ng extra pineapples yung pizza nila, eh pepperoni ang inorder–”

 

Hindi niya na inantay na matapos ang pagrarant ni Beomgyu at dumiretso na siya agad kung nasaan ang Table 3 na tinutukoy ng katrabaho. 

 

“Hi po! May napili na po ba kayo?” Masiglang bati ni Winter sa dalawang babae na nakaupo nga sa Table 3. 

 

Mga bourgeois pa ata itong mga 'to. Sobrang sopistikada ng mga itsura at pananamit at ang gaganda pa, kaya nahiya naman tuloy ang tracksuit ni Winter! 

 

“Oh, definitely,” parang ang lagkit pa ng pagkakasabi nung babae na nakablack dress, kaya kinabahan naman si Winter. Bakit naman siya mag susuot ng dress sa Pizzeria? “Rina, why don't you tell her what you like?”

 

May tumunog sa ilalim ng mesa nila, pero hindi na ito pinansin ni Winter dahil biglang nagsalita yung isang babae na naka-blue off shoulder naman.

 

Rina… parang pamilyar.

 

“Shut it, Gi,” masungit na sabi nung ‘Rina’ daw, at biglang bumait ang tingin kay Winter. “Um, I'd like some Hawaiian Pizza with extra pineapples, please. Thank you,”

 

At doon na biglang nag ring ang bell sa utak ni Winter.

 

Si Madam I Love You!

 

Nanlaki ang mga mata niya, pero pinilit niyang 'wag itong ipahalata sa babae. Hindi naman na ata siya naaalala nito.

 

Okay, nevermind.

 

Back to work na.

 

Tumango si Winter at sinulat ang order sa notepad niya. “Kayo po, Ma'am?” tumingin siya kay ‘Gi’ daw.

 

“I'll have the same thing,” nag wink pa siya. 

 

Hoy, madams ano yan!

 

“Okay po, eh yung drinks niyo po?”

 

“Just water for now,” si Gi Black Dress pa rin ang nag sasalita, “and if it's okay, can you come back later to get our drinks? Matagal kasi mag decide 'tong si Karina Yu Phone Number 09482–”

 

“Water na lang rin muna 'yung sa akin, thank you!” Pag putol ni Rina Blue Off Shoulder sa sasabihin dapat ng kasama niya.

 

Magiliw na ngumiti si Winter sa dalawa bago tumalikod at bumalik sa counter.

 

“Ouch! Stop kicking my foot! I'm trying to help you!” rinig niya pang sabi ni Gi Black Dress, pero hindi niya na inisip kung tungkol saan ang pinag uusapan nila.

 

Ang weird naman nung dalawang 'yun.

 

Pagkabalik niya sa counter, sinalubong agad siya ni Beomgyu.

 

“Ano 'yun?”

 

“Alin?”

 

Ngumuso si Beomgyu para ituro ang kaganapan sa Table 3 dahil puno ang dalawang kamay niya ng tray. Sinundan naman ito ni Winter kaya lumingon din siya.

 

Nakita niyang nakatingin sa kanila yung dalawang babae at agad na umiwas nung napansin na nasa kanila na rin ang atensyon nila Winter at Beomgyu.

 

“Customers,” kinuha ni Winter ang pitchel na nasa counter lang at nilagyan ng tubig ang dalawang baso.

 

“Eh bakit kinikilig?”

 

“Anong kinikilig?”

 

“Ayun oh, tignan mo. Nag hahampasan.”

 

“Nag aasaran lang siguro,” pagkibit balikat ni Winter at tinuro ang tray na hawak ni Beomgyu. “Huy, bigay mo na 'yan!”

 

“Ay, shet!” gulat na sabi ni Beomgyu bago mabilis na naglakad papunta sa kailangan niyang iserve na mga customers.

 

 

Bumalik si Winter sa Table 3 nang may dalang dalawang baso ng tubig, at nakangiti niya itong nilagay sa mesa nila.

 

“Ready na daw po yung order niyo within 10 minutes. May naisip na po ba kayong drinks?” ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2145 streak #1
Chapter 2: Ang funny ng thoughts ni Winter XD
M_1412 #2
Chapter 2: AAAAH ANG CUTE
jmyuphoria1011 #3
Chapter 2: just read this cuz of otor cha. Grabe me when
aligathuff #4
Chapter 2: CUTIE NAMAN NI WIN TRACKSUIT AT RINA OFF SHOULDER NA YAN
yujiwinteo
49 streak #5
Chapter 2: Kaaliw si sis 😆 nadala sa pag crave ng pizza!
Jaeeeeee_
192 streak #6
Chapter 2: Siguro kung di pa pinutol ni rina yung sasabihin ni giselle masasabi na rin niya kung ilang crocodiles ba alaga ni Rina hahaha 🤣
snowychacco
#7
Chapter 2: ang cute nila inggit na inggit na naman aq for today's bidyow 🥹🥹
snowychacco
#8
Chapter 1: gaano ka kalutang from 1 to I love you? 😭😭😭😭
GimmeGummiesTY
#9
Chapter 2: ang cute cuteee!! ahahaha
taytaysbetty
#10
Chapter 2: NABITIN AKOOOOO! 😭