fin.

Lagi't lagi.

"Winter! May sulat na dumating dito para sa'yo!" 

 

Huh? 

 

Sulat? Handwritten? 

 

Pwede naman sa e-mail? 

 

Weird. 

 

"Saglit lang, Ning! Magliligpit lang ako, lapag mo na lang dyan sa table!"  Sigaw ko pabalik. 

 

Hindi na ako nakarinig ng sagot kaya binilisan ko na din ang pag-aayos sa pinaghigaan ko. 

 

Ilang taon na kami magkasama ng bestfriend ko dito sa condo, after college ay napagdesisyunan naming lumipat dito.

 

Malapit kasi siya sa workplace naming dalawa. Siya sa Art School bilang vocal coach at trainer tapos ako naman sa Architecture Firm. 

 

Three years na kami dito sa condo at sa work, umuuwi pa rin naman ako sa bahay namin sa cavite pero mas convenient kasi dito sa manila. 

 

Itong unit namin sakto lang sa'ming dalawa, may 2 rooms with bathrooms tapos yung kitchen at living room sakto lang din yung laki. 

 

Di naman kami mahilig maglagay ng mga gamit dito sa unit kaya maluwag din.. pero joke lang pala, ewan ko lang sa kwarto ni Ning. 

 

Gusto ko kasi maraming space kaya as much as possible, minimal lang yung mga gamit ko dito sa condo lalo sa room ko. 

 

Nakapagtoothbrush at hilamos na din ako kaya lumabas na ako sa kwarto, nakita ko naman agad yung sulat sa coffee table namin. 

 

Wala si Ning sa kitchen kaya baka pumasok ulit sa kwarto niya, mamaya pa naman pasok niya. 

 

Mamaya pa din ang pasok ko, iche-check ko lang naman yung blueprint draft nung bagong project namin tapos bibisitahin yung site. 

 

Medyo gutom na ako kaya pumunta muna ako sa kusina, nagluto kaya si Ning? 

 

Uy, himala! 

 

Hindi sunog yung hotdog! 

 

Gumagaling na magluto ang bestfriend ko kahit pirito lang ang kaya nyang gawin  at least marunong magpirito, diba?

 

Mamaya ko na titignan yung sulat, mage-enjoy muna ako dito sa hotdog na niluto ni Ning. 

 

"Hoy! Baon ko yan shuta ka, baks!" 

 

Hala gago! Baon niya pala 'to, pucha. 

 

"Beh, sorry naman! Akala ko kasi almusal nating dalawa!" Paghingi ko ng tawad habang pilit na nilulunok ang sinangag at hotdog para makapagsalita. 

 

Kumuha siya ng kubyertos at plato sabay umupo sa harap ko. 

 

Sumandok siya dun sa sinangag, huh? 

 

Akala ko ba baon niya 'to? 

 

"Wala na di na 'ko magbabaon, leche ka. Kainin na lang natin, dun na ko sa canteen bibili mamayang lunch." 

 

Luh, nagdadabog pa kanina eh kakainin din naman pala. Konyatan ko kaya 'to? 

 

Tahimik lang kaming kumakain, gutom din siguro siya. 

 

Bakit ang sarap naman ata ng hotdog ngayon? Ano bang brand nito? 

 

"Baks, anong nakalagay dun sa sulat?" Tignan mo 'to, chismosa talaga. 

 

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, "Di ko pa nababasa, weird nga eh." 

 

Tumango naman siya at sumubo dun sa kutsarang may laman na sinangag, "Totoo, pwede naman e-mail na lang." 

 

"Lumunok ka muna, baks. Baka mabulunan ka dyan, mamatay ka pa." Pano kasi punong-puno yung bibig tas magsasalita. 

 

Pero diba? Parehas lang kami ng iniisip nitong bruha. 

 

Hala. 

 

What if galing siya sa firm tapos pinapatalsik na ako sa trabaho? 

 

What if cheke siya galing sa magulang ng jowa ko? 

 

Yung, 'ito sampung milyon, layuan mo ang anak ko.' 

 

Joke, ang jowa ko ay parang anak ko. 

 

May anak na ba ako?

 

Malamang wala, naneto oh. 

 

Syempre wala, masasaktan ka lang din kung magjojowa eh. Emz. 

 

Natapos kami kumain at ako ang naghugas ng mga pinagkainan, maliligo na daw kasi siya at papasok na. 

 

Di na ako aangal, pinaglutuan niya naman ako kahit na para sa kanya pala talaga yun. 

 

Pagkatapos ko maghugas ay bumalik ako sa kwarto, nakasaksak nga pala yung phone ko dahil nagccharge. 

 

Tinanggal ko ito sa pagkakaplug at tinignan kung may notification ba o reminders. 

 

Ang nakita ko lang ay ang bardagulan nanaman ng mga kaibigan namin sa gc. 

 

Pinagkakaisahan nanaman nila ang bunso namin, si Yoon. 

 

Syempre nangunguna si Sunoo at Ryujin, idagdag mo pa si Mark at Ning. 

 

Kawawang bata. 

 

Lumabas ulit ako sa kwarto at dumiretso sa sofa, dito muna ako habang nagbabackread sa kaguluhan nila sa gc. 

 

Ahh.. kaya pala. May gusto daw pala kasi itong si Yoon sa kababata niya. 

 

Haha, putangina, wag beh. Matindi-tinding trauma aabutin mo dyan.

 

Been there, done that.

 

Naalala ko nanaman tuloy yung mga sawi days ko aaaaaaa. 

 

 

▪︎▪︎▪︎

 

 

1st Year, College

 

Nandito kami ngayon kila Sunoo, last day ng sem ngayon. 

 

Dahil tapos na ang klase, nagkakayayaan na mag-inuman dito sa kanila, may rooftop kasi sila dito kaya masaya. 

 

Masaya slight. 

 

Sino ba namang matutuwa kapag yung gusto mo, may kasamang iba na may gusto din sa kanya? 

 

Kaso wala naman ako karapatan magalit o magselos dahil wala namang kami at hindi niya rin naman alam na gusto ko siya. 

 

Bakit ba kasi ang ganda ng pagkatao mo, Karina? 

 

Hindi rin naman ako makaamin kasi magkababata kami, baka masayang lang lahat, baka masira lang pati friendship. 

 

Kaya mas okay na din siguro na ganito lang kami, at least dito, di kami magbbreak o kung ano man. 

 

Kaso mamamatay naman ako sa selos, tangina. 

 

"Wiiiiiintot! Shot na!" Papalapit sa'kin si Ryujin habang may hawak na shot glass, alfonso ata laman nito. 

 

"Huy! Idadamay mo pa sa paglalasing si Winter eh! Wintot, wag mo na inumin, dayain na lang natin." Sabi ni Mark.

 

Medyo mababa kasi alcohol tolerance ko kumpara sa kanilang apat. 

 

Pero wala akong pake ngayon kaya inabot ko agad yung binibigay ni Ryujin at nilagok ng buo. 

 

Putangina, wala nga pala siyang chaser na binigay. Gumuguhit sa lalamunan, hanep. 

 

Nagsigawan naman sila kahit si Mark na ayaw ako patagayin nung una. 

 

"Woooo!! Iba talaga pag sawi!" 

 

"Baka Winter Kim yan?!" 

 

"Ito pala ang sinasayang mo, sis!" 

 

"Yung aso namin, nainom! Walang-wala yung aso niyo!" 

 

Sinipa ko si Mark, ang gago eh! 

 

Nagtuloy-tuloy lang kami sa pag-inom, hindi ko na rin matandaan kung nakailang shot ako. 

 

Kinabukasan, nagising na lang ako na may kayakap. 

 

Kinakabahan pa ako dumilat kasi baka isa 'to sa mga kaibigan ko. 

 

Pero natatandaan 'kong lahat sila ay matino pa naman nung umiikot na mundo ko, tapos.. tapos wala na ako maalala. 

 

 

Gago, eh sino 'tong kayakap ko? 

 

"Hey.. gising ka na, 'no?" Kilalang kilala ko kung kanino boses 'to. 

 

Bakit si Karina 'to?! 

 

Ang sakit naman sa ulo!

 

Paano ako napadpad dito?! 

 

Di pa rin ako gumagalaw at narinig ko ulit siya. 

 

"Sunoo called me, ang kulit mo na daw kasi kagabi." 

 

Unti-unti 'kong dinilat ang mga mata. 

 

Bumungad sakin ang nakangiting Karina. Lord, bakit ang ganda ganda?! 

 

"Breakfast na tayo, sleepyhead?" Ang lambing nung boses huhu, bakit ka ganyan. 

 

Napatango na lang ako dahil alam 'kong amoy alak pa ang hininga ko, nakakahiya naman diba. 

 

Payapa naman kami nagbreakfast pero hindi pa rin kami nag-iimikan. 

 

Kaso hindi ko na kayang pigilan kaya tinanong ko na siya. 

 

"Ano nangyari sa lakad mo kagabi?" 

 

Nakatingin lang ako sa plato 'kong may pancake at bacon pati 1 boiled egg. 

 

"Uhm, well he confessed." Napahinto ako sa sinagot niya.

 

Ang lakas ng tibok ng puso ko. 

 

"Anong sinagot mo?" Kinakabahang tanong ko ulit, hindi pa rin ako makatingin sa kanya. 

 

Feeling ko maiiyak ako eh, punyeta. 

 

"Nothing. I told him na pwedeng friends but more than that? I can't." 

 

Kung kanina para akong nadaganan ng isang malaking bato, ngayon naman parang natanggal sakin yung nakadagan na bato.

 

Napahinga ako ng maluwag. 

 

Sign ba 'to na dapat umamin na ko? 

 

 

▪︎▪︎▪︎

 

 

Pagkatapos namin magkulitan sa gc ay nahagip ng mata ko yung pastel pink na envelope sa coffee table na nasa harap ko. 

 

Cute naman nung kulay hehe.

 

Kakaalis lang ni Ning, nag-offer pa ako na ihatid siya sa baba dahil medyo marami siyang bitbit pero okay na daw siya kaya hinayaan ko na lang.

 

Binitawan ko ang cellphone tsaka kinuha yung envelope. 

 

Ano kayang laman nito? 

 

Join Karina & Yeonjun to witness the Baptism of their daughter

Yeoreum Choi.

Sunday, June 5, 2022 | 10:00 am 

Santo Domingo Church

537 Quezon Ave., Quezon City, Metro Manila

 

 

▪︎▪︎▪︎

 

 

2nd Year, College

 

Enrollment nanaman. 

 

Sama-sama kaming nakapila dito ngayon sa registrar para makapag-enroll na sa second sem. 

 

Buti na lang at settled lahat ng accounts namin kaya lahat kami ay iisa lang ang pproblemahin. 

 

Hawak-hawak namin yung mga kailangang papeles sa iisang envelope, pati yung enrollment form namin dun din nakalagay. 

 

Sa tantsa ko siguro mga isang oras na din kami dito, lagi naman ganito eh, medyo nakakasanay na din. 

 

Buti nga kamo nakaupo pa kami, yung mga naghihintay sa labas na nakatayo na kawawa naman. 

 

Magkakasunod kami sa upuan, apat na slot sa isang row, di ko nga alam kung bakit nila binitin, pwede namang lima na lang para sakto diba. 

 

May limang row at nasa pang-apat yung mga kaibigan ko, hindi kami umabot ni Karina kaya napunta kami sa last row katabi yung dalawang lalaki na senior yata namin. 

 

Hindi naman mainit dito sa registrar office pero yung ulo ko nag-iinit. 

 

Nagbubulungan at nagtuturuan sila pero naririnig ko naman, parang mga tanga lang. Gusto nila kuhain ang pangalan nitong katabi ko. 

 

Tinignan ko siya sa mata at alam kong naririnig niya din dahil siya yung mismong katabi nung isa, nakipagtitigan siya sa'kin at alam ko na ang ibig sabihin nung gusto niya iparating. 

 

Hindi siya comfortable. 

 

Mas lalo akong sumimangot, kailan kaya matututo 'tong mga tukmol na 'to na makiramdam. 

 

Halata namang pinaparinig talaga nila kay Karina yung bulungan at turuan nila.

 

Mga dugyot naman. 

 

Tumayo na ako at mabilis siyang lumipat sa pwesto ko, pagkaupo ko naman dun sa pwesto niya narinig ko nanaman silang nagsisihan. 

 

Sakto namang malakas ding nag-uusap si Ning at Ryujin kaya nagsalita ako. 

 

"Papansin nyo talaga, 'no?" 

 

Feel ko mababali yung leeg nila sa bilis ng paglingon sakin, parehas pang nakakunot yung noo. 

 

Magsasalita na sana sila parehas nung nginuso ko si Karina at yung nasa kabilang dalawang tukmol. 

 

Sinundan naman nila ito ng tingin kaya nagets nila 'to, inirapan pa ko ni bruha at pinakyu ako ni Ryu nang palihim. 

 

Tinignan ko yung dalawang tukmol sa tabi ko at hindi sila makatingin sa'kin. 

 

Dapat lang uy!

 

Pumapalag ako, kala nyo ba. 

 

Kaya nga kami naging magkaibigan ni Mark kasi tinulungan ko siya nung binubully siya sa likod ng school nung grade 6. 

 

Pumalag kami parehas kaya ang ending umuwi kaming medyo may tama at galos ang mukha. Buti na lang di kami na-guidance, kasi mas malala yung nakuha nung kabila. 

 

Kaso katakot-takot na sermon naman ang inabot ko kay Ate Taeng at Kuya Key, sama mo na rin siguro si Ate Seul, nagtrio sila eh. 

 

— 

 

Umuusad naman kami sa pwesto, itong mga kasama ko parang magra-rally na dito sa loob. 

 

Jirits na jirits na sila samantalang yung katabi ko dito petiks lang na nakasandal sa'kin habang tig-isa kami sa isang earphone. 

 

Di kaya nakatulog na 'to? 

 

Sinipa ko si Sunoo sa ilalim nung inuupuan nila kaya irita siyang tumingin sa'kin pero agad din siyang tumili.. yung walang sound. 

 

Natawa ako sa itsura niya habang kinalabit niya yung mga kaibigam namin kaya ngayon lahat sila nakatingin na. 

 

Nakatakip ng bibig si Sunoo at Ning habang si Ryujin at Mark naman ang mapaglarong nakangisi sa'kin. 

 

"Tulog ba?" Tinanong ko sila, pero hindi ako nagsalita, binuka ko lang yung bibig ko. 

 

Nagthumbs up si Ryujin at tumango si Mark. 

 

Yung dalawa naman naglabas ng cellphone at pinicturan ata kami? Pero nakatutok kasi samin ni Karina yung cellphone nila kaya baka pinicturan nga kami. 

 

Hindi naman bago sa'kin yung mga ganitong pang-aasar nila sa'kin at kay Karina. 

 

Wala namang nagconfirm sa aming dalawa pero alam naming lahat na higit lang sa pagkakaibigan kung umakto kaming dalawa. 

 

Kaso natatakot ako eh, takot pa rin talaga ako kaya hanggang dito lang muna siguro. 

 

Siguro, konting oras pa. Konting oras na lang tapos kaya ko na talaga. Final na. 

 

Nung kami na yung susunod, tinapik ko yung braso niyang nakapulupot sa kaliwang braso ko para magising siya. 

 

Nagulat pa nga siya, ang cute hehe. 

 

 

"Jirits talaga ko dun sa registrar kanina, beh." Pagrarant ni Sunoo samin. 

 

Natapat kasi siya dun sa masungit, ang ending, nagtarayan sila kaya pigil na pigil kami sa pagtawa kanina. 

 

Tambay kami dito sa field, wala lang, ang hangin kasi eh. Bumili nandin kami mga pagkain sa canteen, sandwich at snakcks lang naman. 

 

Diretso kasi kami mamaya kila Mark, magluluto daw si Tita dahil birthday ni Tito, edi nakalibre pa ng pagkain. #LifeHacks

 

Joke, buraot lang talaga kami magkakaibigan except kay Karina kasi mayaman sila. 

 

Mga slapsoil lang kasi kaming tatlo nila Ryujin at Ning. Sila Mark may kaya, tapos si baks Sunoo mayaman din.

 

Nagkwekwentuhan kami nung may lumapit sa'ming bata, parang nawawala at paiyak na. 

 

Singkit ito tapos sobrang taba nung pisngi. Cutieee!!!

 

Ang puti din niya, halatang alagang-alaga. 

 

Hala, bat parang kamukha niya si Ate Seul nung bata? Anak niya kaya 'to? Joke! 

 

Nagpuppy eyes siya dito sa katabi ko kaya agad naman tumigil sa pagkain si Rina, nag-open arms siya kaya lumapit na sa kanya yung bata. 

 

"Hi baby, what's your name?" 

 

Ang lambing talaga huhu parang gusto ko na lang maging yung bata. 

 

"Shana." Sagot nito habang nangingilid yung luha. 

 

Siguro mga 4 years lang siya. 

 

"Sino kasama mo dito?" Maingat na tanong ni Rina.

 

"Yung ate ko po, kaso di ko na po alam san siya." Pagsusumbong niya sa'min habang nakanguso.

 

Ang cute cute niya naman! 

 

"Anong name ng ate mo?" Tanong ko sa kanya. 

 

"Ate Yeji po." 

 

Nakakapit at nakayakap na siya kay Karina, kanina kasi nag-aalangan pa siya. Siguro dahil naturuan siya nung don't talk to strangers. 

 

Pero buti na lang kami nilapitan niya, baka kung iba kasi mapano siya. 

 

Inutusan ko si Ryujin na maghanap ng guard oara masabi na nakita kaming batang nawawala, meron naman kasi minsang nag-iikot dito sa field. 

 

Baka nag-aalala na din ang ate niya. 

 

Tumayo naman siya agad at sinama si mark para mapabilis daw yung paghahanap. 

 

Binaling ko yung tingin ko ksa bata at kay Karina, sinusubuan niya ito ng sandwich na binili namin. 

 

Pinagmasdan ko lang sila habang ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. 

 

Ang galing galing niya sa mga bata, parehas naman kami pero ewan ko ba, para kasing iba yung sa kanya. 

 

Ngumiti siya habang pinapakain yung bata, sumikip yung dibdib ko. 

 

Kung magiging magulang siguro si Karina, ang galing galing niya maghnadle ng bata.

 

Mahal ko naman na talaga si Karina, dalawang taon ko ng alam pero sabi ni Ning, highschool pa lang daw kami mahal ko na ang bestfriend ko, in-denial phase ko nga lang. 

 

Tama naman siya, siguro pitong taon ko na hinihintay si Karina na ako lang nakakaalam. 

 

Ewan ko ba! 

 

Nabalik ako sa reyalidad nung tumunog ang cellphone ko, si Ryujin tumatawag. 

 

"Hello?" 

 

"Kasama ko na yung ate niya, Win. Nandito kami sa admin building, punta kami dyan o kayo na punta dito?" Update sa'min ni Ryu. 

 

"Kami na lang punta diyan, punta na din tayo kila Mark, ano oras na eh." Sagot ko sa kanya. 

 

Sumagot lang siya at sinabing hihintayin nila kami dun sa admin building.

 

"Alam na namin kung nasaan si Ate Yeji mo." Banggit ni Rina kay Shana. 

 

Nakita ko naman ang pag-aliwalas ng mukha nung bata pero medyo malayo pa yung admin building dito kung lalakarin namin, baka mapagod siya. 

 

Kinuha ko yung gamit ni Ryu at Mark, lahat naman kami nakasling or mini bag lang. 

 

Pinahawak ko muna kila Ning at Sunoo tapos humarap ulit ako sa bata at kay Karina. 

 

"Pagod ka na ba?" Tinanong ko siya, tumango naman ito at nagpout kaya napangiti ako. 

 

"Halika, buhatin na kita habang papunta sa Ate Yeji mo." Ngumiti naman agad sa'kin yung bata at nagpabuhat. 

 

Nakasiksik na siya sa leeg ko at inayos ni Rina yung buhok niya para hindi matakpan ang mukha ko. 

 

"Luh bakla, kala mo anak nila oh." 

 

"Cute naman sila, sis. Echosera ka lang." 

 

Narinig 'kong bulungan ni Ning at Sunoo sa likod.

 

 

▪︎▪︎▪︎

 

 

Napangiti ako sa naalala, ang cute nga namin nun. 

 

Ibinalik ko ang atensyon sa papel na hawak ko. 

 

Halos kasing-laki lang siya ng 1/4 index card pero yung epekto sa'kin parang mas malala pa sa dinulot ng diploma. 

 

Binitawan ko na yung papel at binalik sa lamesa. 

 

Sinandal ko yung katawan ko sa sofa at napatingin sa puting kisame. 

 

Masakit pa rin pala. 

 

Sobrang bobo ko lang kasi sa part na matagal ko na siyang mahal pero kahit kailan di ako umamin.

 

Nagkakalakas naman ako ng loob nun eh, pero kapag nandun na, pumapasok nanaman lahat ng mga bagay naino-overthink ko. 

 

Pano yung sasabihin ng magulang namin?

 

Pano kung hindi magwork?

 

Pano kung masira ko lang friendship namin?

 

Pano kapag nagbreak kami tapos gusto niya out na ako sa buhay niya?

 

Hindi ko yata kakayanin yun.. pero ayun na nga eh. 

 

Puro na lang ako 'paano' kaya ngayon puro hanggang 'siguro' na lang ako. 

 

Nung sinabi 'kong magiging magaling na magulang si Karina, ang ibig 'kong sabihin nun, sa mga anak sana namin. 

 

Hindi ko naman akalain na magni-ninang pa ata ako sa anak niya. Anak niya lang..

 

Ang hirap.

 

Ang hirap hirap huminga. 

 

Parang kahit anong paghahabol ko sa hangin, hindi pa rin ako makahinga. 

 

Para akong nalulunod, pero kahit anong pilit ko, hindi ako makaahon. 

 

Kahit na pinipilit 'kong hindi umiyak, hindi ko na nakayanan. Humagulgol na lang ako habang nakatingin sa kisame nitong condo. 

 

Napapikit na lang ako habang inaalala yung mga panahon na dapat sinabi ko na sa kanyang mahal ko siya. 

 

 

▪︎▪︎▪︎

 

 

Nagleave ako ngayon kahit hindi ko naman gawain. 

 

Para kasing hindi ko kayang magtrabaho sa ganitong kondisyon, bukas na kasi yung date na nakalagay dun sa invitation. 

 

Siguro nakatanggap din ang mga kabigan ko pero hindi lang nila pinapaalam sa'kin. 

 

Simula kasi nung nawala ang communication namin kay Karina, sensitive na sila kapag nababanggit siya. 

 

Umalis nun si Karina after ng graduation namin, gusto kasi ng magulang niya na sa ibang bansa siya kumuha ng experience par adaw kapag bumalik sila dito eh mas may advantage siya. 

 

Okay naman nung una, lagi kami nag-uusap, constant yung communication pati sa barkada. 

 

Kaso pagkatapos nung isang taon, dumadalang na siya magreply hanggang sa sobrang tagal na bago siya magreply tapos yun, isang araw lang wala na kaming balita sa kanya. 

 

Syempre hinanap ko siya, sa Korea sila pumunta nun dahil half Korean ang angkan nila. 

 

Nung nakahanap ako ng trabaho, nag-ipon muna ako para may panggastos ako kapag pinuntahan ko siya sa Korea, medyo natagalan lang at umabot ng 2 taon yung pag-iipon ko. 

 

Kaso hindi ko siya nakita. 

 

Pinuntahan ko yung address na binigay nya sa'min pero lumipat na daw yung nakatira dun. 

 

Pagala-gala pa ako sa Korea nun, sinagot na nga din ni Ate Taeng ang allowance ko dahil nagtagal ako ng isang buwan. 

 

Buti na lang at may kakilala si Ate Taeng sa Korea, doon ako nakituloy kahit na nahihiya ako. 

 

Si Karina yun eh, hindi ako makakatagal ng hindi siya nakikita o kahit nakakausap. 

 

Pero wala pa rin akong nakita, doon nagsimula yung gabi-gabing pag-iisip ko ng 'what if's.' 

 

Yung matutulog ka na lang pero iiyak ka muna at mapapgod ka na lang kakaiyak kaya makakatulog ka. 

 

Kahit ngayon, minsan ganun pa rin ako pero hindi na siya kasing-lala nung dati.

 

Hanggang sa dumating 'tong kapirasong papel na dudurog sa'kin. 

 

Ito nanaman, sumisikip nanaman yung dibdib ko, 

 

Dapat tapos na 'to eh, Winter naman..

 

Ang aga pa pero ang sakit nanaman ng puso ko, baka tuluyan na akong magkasakit sa puso nito. 

 

 

 

Nakaligo na ako, pinilit pa nga ako ni Ning at nagtataka siya sa kinikilos ko. 

 

Hindi niya ba alam na nakatanggap din ako ng invitation?

 

Hindi ko naman masisisi ang mga kaibigan ko kung hindi nila sasabihin sa'kin, inaalala lang naman nila ako eh. 

 

Kanina, hindi ako lumalabas sa kwarto. Ayoko kasing makita ni Ning ang itsura ko ngayon dahil sure ako na mag-aalala yun. 

 

Hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko. 

 

Alam ko naman na, simula nung umuwi ako dito galing sa paghahanap sa Korea, alam 'kong wala na akong pag-asa.

 

Umaabuso na siguro ako, sabi ni tadhana. 

 

Pero hindi ko alam kung bakit siya pa rin, kung bakit kahit ilang taon na yung lumipas, si Karina pa rin. 

 

Si Karina lang.

 

Kung natuturuan lang ang puso, edi sana ginawa ko na. 

 

Sino ba naman ang maghahangad ng bawat gabi may pinagsisisihan ka at umiiyak bago matulog, diba? 

 

Kung kaya ko lang turuan ang puso ko, matagal ko ng ginawa. 

 

Tumunog yung cellphone ko at kahit ayaw kong tignan yun, ginawa ko pa rin. 

 

May responsibilidad pa rin naman ako sa trabaho.. pero hindi 'to galing sa trabaho. 

 

Unknown: Are you busy? Can you meet me at uni? 
Unknown: Si Karina 'to. 

 

Lord, tulungan mo naman yung puso ko oh. 

 

 

 

Nasa field ako ngayon, 5pm na kaya medyo dumidilim na. 

 

Kumukonti na din yung mga nakikita 'kong estudyante, mamaya nito yung mga varsity na lang ang matitira dahil sa training nila. 

 

Dito ako pumwesto sa tambayan namin magkakaibigan, kung saan din namin nakita yung batang nawawala dati. 

 

Nauna ako kesa sa kanya, parang dati lang. 

 

Hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko, kanina pa 'to, pag-alis ko pa lang sa condo. 

 

Hinahanda ko na yung sarili ko, lalo na yung puso ko. 

 

Hindi ako relihiyosang tao pero nagdasal ako kanina na gabayan at palakasin ni Lord ang puso ko.

 

Na sana makahanap na din ako ng sagot sa mga tanong ko.

 

Kaso hindi ko alam kung kakayanin 'kong malaman yung mga sagot na yun. 

 

 

 

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nung naramdaman ko ang presensya nya, tumabi siya sa'kin pero may space pa rin sa pagitan namin. 

 

Nanatili lang kaming tahimik at nakatingin sa walang laman na field. 

 

"Winter.." 

 

Ayokong umiyak, 'wag kang iiyak, Winter! 

 

Lumunok lang ako ng lumunok habang hinihintay ko siyang magsalita. 

 

"I'm sorry." 

 

Parang binulong niya lang sa hangin pero narinig ko pa rin. 

 

Ang sakit nanaman ng puso 'ko.

 

"Okay lang, Rina." Pigil iyak 'kong sagot sa kanya. 

 

Natahimik nanaman kami. 

 

Hindi ko ata kakayanin 'to, Lord, please naman oh. 

 

"I'm sorry for all the pain na binigay ko sa'yo, sa inyo ng mga kaibigan natin." She continued at nakikinig lang ako. 

 

"I'm sorry for leaving you."

 

Tangina naman oh!  Ayoko nga umiyak eh! 

 

"Winter, I loved you." 

 

Tuluyan ng kumawala ang mga luhang pinipigilan ko, napayukom na din ang mga kamay ko. 

 

"Kailan pa?" Nginig-boses 'kong tanong.. 

 

"It started when we're in high school, akala ko simple crush lang but I was wrong." 

 

Kahit hindi ko siya tinitignan, alam 'kong umiiyak na din siya. 

 

"I waited for you.. for years. I was stupid for being a coward and not making a move when we both know na we're something more than just bestfriends." 

 

Yumuko ako at pumikit. 

 

I waited for you. 

 

Tanginang tadhana, naghintayan lang pala kami. 

 

Ang hirap nanaman huminga.

 

Para nanaman akong nalulunod. 

 

Kahit ang sakit sakit pinilit ko pa ring kausapin siya. 

 

"I-i'm sorry, R-rina.." Humihikbi 'kong sabi, hindi pa rin ako makatingin sa kanya. 

 

Hindi ko yata kakayanin makita yung mga mata na matagal ko ng hinahanap. 

 

Natahimik nanaman kami at kinuha ko itong chance para pakalmahin ang sarili ko kahit ang hirap-hirap. 

 

Sobrang sakit ng puso 'ko, parang namamanhid na. 

 

"Sorry kung n-naduwag ako, s-sorry kung wala din a-akong ginawa.." 

 

"S-sorry kung hindi k-ko man lang nasabi na.. na m-mahal kita." 

 

Umiiyak na naman ako, pucha naman. 

 

"Mahal kita, m-mahal na mahal.." 

 

Ang sakit sakit makita siyang umiiyak kahit siya rin yung dahilan ng pag-iyak ko. 

 

Nanatili lang kaming tahimik, mga iyak lang namin ang naririnig. 

 

Ilang minuto kaming ganun hanggang sa tumahimik nang tuluyan ang paligid. 

 

"Kahit kailan ba, naisip mo rin kung ano yung future kapag nakatuluyan tayo?" Lakas-loob 'kong tanong. 

 

Nakatingin na din ako sa kanya habang naghihintay ng sagot. 

 

"Lagi't lagi, Win. Walang araw na hindi ko naisip what lies before us if we just tried." Nakangiti niyang sagot sakin. 

 

"Ang ganda-ganda mo pa rin." Wala sa sariling sagot ko habang nakatitig sa mukha niya. 

 

Kakabisaduhin ko muna dahil baka matagal ko ulit siyang makita pagkatapos ng binyag. 

 

Ngumiti lang siya lalo pero kita ko pa rin yung lungkot sa mata niya. 

 

Alam 'kong hindi pa lahat ay maayos naming napag-usapan, pero baka hanggang dito na lang talaga. 

 

Kahit papaano, nasagot naman na yung tanong na nagpapanitiling gising sa'kin gabi-gabi. 

 

Ayos na 'ko dun. 

 

Tumayo na ako at tumingin sa paligid, ito nanaman yung mga luha ko. 

 

Pinilit 'kong ngumiti habang nagpapaalam sa kanya, "Paano? Madilim na din pala." 

 

Ngumiti siya pabalik at naramdaman ko nanamng pinipiga ang puso ko. 

 

"Yeah, I should get going na rin." 

 

"Mag-isa ka lang uuwi?" Tanong ko.

 

"No, susunduin ako ni Yeonjun." Napatango ako kasabay ng paglunok.

 

Bobo mo kasi, Winter. Nagtatanong pa eh. 

 

"Samahan na kita maghintay."  

 

Please pumayag ka, please, please. 

 

"Alright, thanks." 

 

Sabay kaming lumakad papunta sa waiting area dahil wala namang mauupuan talaga sa mismong gate.

 

Umupo kami at nanatili ang pagitan sa gitna naming dalawa. 

 

Bawat minuto ng paghihintay namin, bumibigat ang pakiramdam ko. 

 

 

Natanaw ko ang isang itim na SUV sa labas at lumabas ang isang lalaki mula rito. 

 

Tumayo na siya kaya napatayo na rin ako. 

 

Ito na ata yun.

 

Hanggang dito na lang muna talaga. 

 

"Thank you, Win." Nakangiting paalam niya sa'kin.

 

"Salamat, Karina." Ngumiti na din ako kahit sa loob loob ko ay para akong dinudurog. 

 

Naglakad na siya papunta sa gate at papalyo sa'kin. 

 

Huwag kang lilingon, please. 

 

Baka makagawa ako ng hindi maganda kapag lumingon ka. 

 

Nakita ko kung paano siya halika sa sentido ni Yeonjun at nilunok ko lang lahat ng pait na nararamdaman ko. 

 

Tangina naman oh. 

 

 

▪︎▪︎▪︎

 

 

Sunday ngayon.

 

Dapat tulog pa ako ngayon pero hindi naman ako pumasok kahapon. 

 

Hindi na nga ako pumasok pero parang mas pagod naman ako sa nangyari kahapon. 

 

Hindi pa ako natutulog pero hindi naman mahahalata yung sa make-up na inapply ko kahit light lang. 

 

Pag-uwi ko kagabi tulog na si Ning, pagod din siguro sa trabaho. 

 

May note lang na nakalagay sa ref na hindi na siya nakapagluto dahil talagang pagod siya, okay lang naman dahil hindi rin ako gutom. 

 

Wala nga akong gana eh. 

 

Nakalagay din sa note na maaga siyang aalis bukas, hindi naman siya umaalis ng maaga kapag Sunday dahil parehas kaming nagsusulit ng tulog. 

 

Sure ako na nakatanggap din siya ng invitation, di naman ako galit na hindi nila sinasabi sa'kin.

 

Knowning Ning, sure ako na pagsasabihan niya din si Karina na kausapin ako kung sakali. 

 

Ganun niya ako kamahal kahit madalas siyang pasaway sa buhay ko, hindi ata ako makakasurvive kung wala siya at ang barkada. 

 

Naririnig ko yung mga hakbang niya sa kwarto, nagmamadali na siya eh baka natatakot ma-late. 

 

Nandito lang ako sa sofa habang naghihintay sa kanya. 

 

Naisip ko yung gagawin ko ngayon, masokista na kung masokista pero alam 'kong masaya siya para sa importanteng araw ng anak niya. 

 

The least I could do is to support her, kung saan siya masaya, dun ako. 

 

Mahal ko eh. 

 

Narinig ko na ang pinto ni Ning at nagulat pa siyang nakita akong nakatayo malapit sa pinto. 

 

"Tara na?" Pag-aaya ko sa kanya.

 

"Huh? Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong niya.

 

"Sa binyag?" 

 

Nakita ko kung paano lumaki yung mata niya pero tahimik lang siyang nakasunod sa'kin.

 

Pagdating namin sa parking, binuksan ko na ang lock at pinasakay siya. 

 

Huminga muna ako nang malalim bago i-start ang engine. 

 

"Sure ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. 

 

Ngumiti ako kahit alam ko kung gaano ka-visible yung totoong nararamdaman ko ngayon, pero masaya naman talaga ako para kay Rina.

 

Bestfriend niya pa rin naman ako bago ko siya minahal nang higit pa sa kaibigan. 

 

 

Kung sinabi niyo sa high school Winter na magiging ninang ako ng anak ng taong mahal ko, tatawanan ko lang kayo. 

 

Pero ito ako ngayon, hawak si Yeorum na anak ni Karina bilang ninang niya, nakangiti sa camera. 

 

 

Siguro sa sa susunod na buhay, tayo naman. 

 

Mahal kita, Karina. 

 

Lagi't lagi. 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
baconpancakesss
#1
Chapter 1: hays life is all about risks talaga. walang mangyayari if hindi mo susubukan.

winter, pre, okay lang yan wag k nah malongkot. yehey di na xia malongkot. lesson learned: wag
JiminJeongXXXXX
#2
Chapter 1: Ouchhh.
Seoleo
#3
Chapter 1: Mahirap maging torpe hayyssss
yujiverse
#4
Chapter 1: Ang sakit mo na
haussey
#5
Chapter 1: hahah sakit
kimmynjeongg
#6
Chapter 1: ang sakit mo na karina
wenrene22
#7
Chapter 1: ouch
Jayeem
#8
Chapter 1: haha keri lang
Prenglesz_
#9
Chapter 1: *SINUNTOK ANG PADER*
swagbaby #10
Chapter 1: putragis