unang taya.

Sa'yo Tataya
Please Subscribe to read the full chapter

Biyernes nanaman. 

Nakasimangot na bumangon si Karina mula sa kama n'ya. Biyernes, kaya wala syang pasok. 
Dapat nga masaya sya. Pero...

"HOY KARINA!! BUMANGON KA DYAN. ALAM KONG WALA KANG PASOK NGAYON."

Nagbubunganga nanaman ang ate Irene nya. 

Biyernes nga at wala syang pasok, pero may lakad naman ang mga kapatid nya gawing Maynila. May-ari kasi sila ng isang maliit na lottohan at balak ng mga kapatid nyang asikasuhin ang mga papeles para lumipat sa isa pang mas malaking lottohan sa siyudad. 

May marahang kumatok sa pintuan ng kwarto nya at iniluwa si Suho, ang panganay n'yang kuya. Apat silang magkakapatid. Si Kuya Suho, Ate Irene, sya at ang bunsong si Jungwon. 

"Rina, nakapagluto na ko. Kain na tayo."

Nakasimangot syang tumango sa kuya nya.

"Susunod ako kuya."

Hindi naman kasi sya mahilig mag agahan. Tanghali pasok nya sa kolehiyo, kaya di nya kailangang magising ng maaga. Bukod tanging tuwing byernes lang sya nagigising ng maaga simula nung nagsimula sya sa ikatatlong taon nya sa kolehiyo. Dun na kasi nagsimula lumago ang lottohan nila. Sa probinsya kasi, maraming mahilig tumaya. Kung di sila nakikipag-tongits, tumataya sila sa lottohan o sa mga karera. Madalas tumaya yung mga tatay na bagong sweldo, pero marami ding estudyante na dumudumog sakanila at pinangtataya mga allowance nila. Oo, estudyante. Ika nga nila, wala naman kasing pinipiling edad ang swerte.

Bahagyang nag-vibrate ang cellphone nya. Nag-inat muna sya sandali bago nya damputin yon at tinignan kung anong mensahe nanaman ang natanggap nya.

ryujin mabahong hininga: pre babantay ka ngayon sa lottohan diba
ryujin mabahong hininga: baka pwede makitaya utang muna bayaran ko nalang sa linggo

Naiinis nyang binuksan ang chatbox nila ni Ryujin at madaling nagreply.

Rina lodicakes pogicakes: gusto mong utang?
Rina lodicakes pogicakes: eto utang
Rina lodicakes pogicakes: p(utang)inamo.

"KARINA PUNYETA ISA PANG TAWAG KO HA!!!!!!"

Naiinis na kumunot ang noo nya at sa wakas ay lumabas na sya sa lungga nya.

 

Biyernes na. 

Napapahikab si Winter habang nakikinig sya sa prof nila sa Ethics. Topic kasi nila ngayon e kung ethical ba ang gawing libangan ang pagsusugal. Bakit ba kasi pakelamera 'tong prof nya? Eh kung sa pera naman nila ang ginagamit nila sa pagsusugal.

Tatay nya nga, sobrang hilig sa lotto e. 

Hindi naman sa lulong ang tatay nya sa pagtaya sa lotto, pero yung ideya na mananalo ka ng ilang milyon dahil lang sa nagsulat ka ng lucky number e nakakatuwa na din naman kasi. Kaya laging ginagamit ng papa nya yung birth date nilang pamilya tuwing tataya. Kapag daw nanalo, edi goods. 

"Psst." Kalabit sakanya ni Ningning. Bestfriend nya na si Ningning simula nung maliit sila. Yizhuo talaga first name nito, anak kasi ng chekwa, pero gusto ny

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
oblivion_istic
hello! wanna interact with yall :>>
https://curiouscat.me/oblivion_ist

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: parang exciting itu HAHAHAHA
dnlsxjrla
#2
Chapter 1: pft, kyut ni winter amp.
taytaysbetty
#3
Chapter 1: MOOOORE! 😂
Gwapako987
#4
HAHAH
yujiverse
#5
HAHAHAHA
taytaysbetty
#6
RAWR!