sa mga taong nagdaan, ang nais mo lang ay maging masaya siya.

Ang Damdamin Ko'y Sa'yong Sa'yo
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatulala ka na naman sa maliwanag na ilaw ng laptop, na siya na ring nagsisilbing ilaw ng buong kwarto mo. Alas-dose na ng gabi at heto ka, pinipilit ipasok sa utak mo ang lesson niyo sa physics noong Huwebes na hindi mo mainti-intindihan. 

Alam mo namang hindi ka masyadong nagbibigay oras sa pakikinig sa online class, aminado ka ring kasalanan mo rin naman pero paulit-ulit mo nang sinisisi ang prof niyo kung bakit ba ang labo labo niyang magpaliwanag ng sandamakmak na equations sa inyo. 

 

Isinubsob mo ang ulo mo sa mesa. “Kung nandito ka lang sana, Seulgi.” Buntong hininga mo.

 

At ayan ka na naman nga. Hinahanap mo na naman siya.

 

Ginagawa mo na naman ang naging coping mechanism mo simula nung nagpandemic.

 

Hinahanap mo na naman ang taong naging kasangga mo sa pag-intindi at pagsagot ng mga math questions tuwing sumasabak kayo sa mga math contests noong junior high. 

 

Hinahanap mo na naman ang best buddy mo kung ituri pagdating sa pinaka-ayaw na subject ng lahat.

 

Hinahanap mo na naman ang taong kahit kailan ay hindi ka naman nakita. 

 

Naalala mo na naman tuloy. 

 

“Limang taon na pala, ano?” Bulong mo sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato niyang ginawa mong home screen ng cellphone mo.

 

Limang taon mo na siyang gusto.

 

At limang taon mo na ring itinatago.

 

At kahit lumipas pa ang panibagong limang taon, itatago at itatago mo pa rin ang nararamdaman mo.

 

Dahil masyado siyang mataas. 

 

Masyado siyang perpekto para sa’yo.

 

 

;

 

 

Taong 2017, Grade 8 

(Special Science Curriculum Building -  1st Floor, Room 2)

 

Hindi mo na mabilang kung ilang beses ka na bang nagdasal at nagpagpag ng nanginginig mong kamay. Ngayon na kasi ang release ng report card niyo para sa 2nd Quarter, at nag-aalala ka na naman sa resulta. 

Alam mo naman sa sarili mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Doble sipag, gaya ng lagi. Pero syempre, hindi mo maalis ang kaba. Hindi dahil baka mawala ka sa Top 10.

 

Pero baka may sabihin na naman ang pamilya mo.

 

“Rene, tapos na meeting ng parents. Tara na sa loob.” Kalabit ni Joy sayo at hinila ka na papunta loob ng classroom niyo. Hindi mo na pala namamalayan ang nangyayari, huling alala mo nga ay may kinukwento sayo ang kaibigan mo.

 

Agad na hinahanap ng mata mo ang pangalan mo sa rankings na nakadikit sa may gilid ng blackboard. 

 

Top 4

Serrano, Irene Jade - 93

 

Hindi na rin masama kaya pinalakpakan mo na rin sa isip ang sarili mo. Aalis ka na sana sa pwesto mo dahil nagsisilapitan na rin ang mga kaklase mo para kuhanan ang listahan, pero natigilan ka ng makita mo ang nasa unang una.

 

Top 1

Alonzo, Seulgi Kensley - 96

 

Kumislap ang mga mata mo sa tuwa at naging mas masaya ka pa nga ata para sa kanya kaysa para sa sarili mo. Hindi mo na naman maiwasan na mamangha dahil sadyang ang galing galing niya para sa mga mata mo. Dahil simula pa Grade 7, siya na ang laging nasa pwesto na iyon. 

 

Bigla mo namang naramdaman na may lumapat na kamay sa balikat mo. “Congrats, Irene.”

 

Para ka na namang kiniliti sa hindi malamang dahilan. Ayan na naman ang pagkabil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
000014
#1
Chapter 1: laban bading!
seulrenety
#2
kakasimula pa lang ng august pero angst agad 😩 i love it emz