End.

Date Me
Please Subscribe to read the full chapter

"Anong plans mo for your birthday?", tanong ko kay Ryujin na nasa tabi ko.

We're currently walking sa parking lot papunta sa classroom namin. Malapit na rin kasing magtime. Mas mabuti nang early.

Strict kasi yung professor namin sa subject na yun. Ganun talaga siguro kapag matatandang dalaga.

"I talked to my parents na, pinayagan nila ako magcelebrate sa bar with you guys".

"What? Won't they get mad? I mean, you're supposed to celebrate with them".

For the past years na kilala namin si Rj, she usually celebrates her day with her family and then after that, kami naman, her friends.

Her and Ning are two of those lucky family oriented kids. I've already met their parents and they're really fond of me as I am with them.

Ang babait nila and super welcoming. No wonder my friends are the same.

Envy is not the right term to describe how I am feeling, but I really wish I have a family like them.

My sister and I aren't living sa mismong house namin. Wala rin naman kaming uuwian dun, yung mga magulang namin busy sa kaniya-kaniya nilang buhay.

We just talked to them na since we're already college na naman, it's time for us to live independently, well not really, as you can see.

They bought us a condo na malapit sa kung saan kami nag-aaral and dun kami nagsstay na dalawa.

"Hm we agreed naman na we'd spend the whole day to celebrate and then sa gabi, tayo naman".

"Marami ka bang ininvite?", tanong ko sa kaniya habang inaayos sa pagkakalagay yung single strap backpack na suot ko.

"Not really, kayo lang naman nila Ning and then yung circle ni Yeji".

Yeji, her girlfriend. I still can't decipher how Ryujin managed to get her say yes.

She's our senior, well, hindi sa course namin since nasa kabila yung building nila. She's a med student.

Both of us are taking Civil Engineering while Ning's Architecture so medyo nakakarelate pa rin kami sa struggles ng isa't-isa.

We were also lucky enough para maging classmates sa ibang minor subjects namin.

"Oh look, your gf's coming our way", sabi ni Ryu na binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin and there she is.

Wearing her school make up look and clothed with our uniform but with her usual two-buttoned-open white blouse and skirt na sobrang ikli tignan dahil sa height niya kaya mas na-highlight lalo yung legs niya.

"Hey, sugar. Morning", bati niya na ngiting-ngiti at nagwink pa sabay hawi sa buhok na nakarahang sa mukha niya, "hello to you too, Ryujin".

"Hi, Kars", bati pabalik nitong kasama ko.

Karina Yoo.

Have you ever heard of that name?

The ever so pretty, rich and famous long, wavy raven-haired girl.

Physical appearance aside, one of the good things about her is her smart brain. She excels sa field niya along with Yeji.

I may not be in the same field with them but I saw how my ate struggles when doing school related works.

But--I just wanna add.

Karina is also the ever so annoying over confident brat na nakilala ko. What she wants, she gets.

Alam ko because isa rin siya sa mga pinag-uusapan dito sa school and of course, Ryujin.

Binaling niya yung tingin niya sa akin.

"How about you cutie? Aren't you gonna greet me back?".

I didn't answer, instead, I gave her the most boring look I could give for today.

She acted like shivering, rubbing her arms with her palms.

"Whew so cold".

I rolled my eyes and nagpatuloy sa paglalakad at nang lalampasan ko na sana siya ay pinigilan niya ako by my forearm.

"What's with the rush? Maya-maya pa naman magsstart yung class", sabi niya na hindi pa rin ako binibitawan

"We have different schedules".

"May I remind you na I know YOUR schedule?".

Tinignan ko si Ryujin na parang nagmamakaawa to help me save myself from this woman.

But of course, as a very supportive bestfriend, Shin freaking Ryujin just patted me on the shoulder and said,

"Kaya mo na yan, malaki ka na. I'll be waiting na lang sa room".

And boom. She just left me sighing in defeat as I watch her leaving figure.

Great, now I have to deal with this annoying pretty face.

Morning
.

.
Officially
.

.
Ruined.

I internally groaned. What did I even expect?

Hindi naman daw siya bothered na ginugulo ako nitong babaeng 'to since she's Yeji's classmate and friend.

Yeji's friend...

Damn, ngayon ko lang naisip. It means kasama siya sa mga ininvite ni Ryujin sa birthday niya.

Cool.

Parang ayaw ko na lang umattend but I have no choice.

"So...are you just going to entertain your internal battles instead of me?".

I glared at her.

Siya 'tong gusto akong magstay dito tapos ako pa mageentertain sa kaniya? Kapal.

"What do you want now?", tanong ko na nakacross arms at nakakunot ang noo.

"Woah, chill. I just want to walk with you".

"Stop pestering me, pwede ba?".

Umakto siyang parang nag-iisip. "Hmm, should I, really?".

"Yes".

"Okay, no it is", she answered giving me her sweetest smile that I just want to smack off her face.

I rolled my eyes at nagsimulang maglakad ulit.

"Why did I even bother to ask", I deeply sighed.

Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula yung pamemeste niya sa akin. Hindi ko rin malaman kung anong rason niya.

Basta I know na this has been going on for almost how many weeks na, actually months na nga. Hindi siya natitinag kahit anong pambabara ko sa kaniya kaya ako na lang mismo ang napagod.

Wala akong time para sabayan siya sa kalokohan niya.

"Babe, wait for me".

"Wag mo akong tawagin using that".

"Using what?", painosente niyang tanong.

"Oh c'mon stop playing dumb".

"Why?".

Wtf? Why? Is she for real?

I looked at her in disbelief.

"What do you mean 'why?', obvious naman na hindi ko gusto and for 's sake, ATE Karina", purposely emphasizing the word 'ate' for her to get na I am not interested with what game she's intending to play, "why would you call someone using an endearment you're supposed to use with your boyfriend?", inis na dagdag ko pa habang tinitignan siya ng matalim.

She looked at me na nakakunot ang noo and tilted her head to the left.

"You know, you're the only one claiming he's my boyfriend".

I looked at her with an arched brow.

Hindi ko alam kung ano bang trip nito sa buhay o kung humihithit ba 'to.

Hindi naman siya baliko, is what everybody would assume. Wala siyang history of dating girls or kahit flings man lang.

Kinalma ko ang aking sarili at huminga ng malalim. Nakakainis.

Magsasalita pa sana siya nang may tumawag na sa kaniya.

Speaking of the devil.

"Rina", after niya makalapit ay he immediately wrapped his arms around her waist.

Pre walang aagaw diya--

Ay marami pala actually, ikaw ba naman jowa mo ang isang Karina Yoo.

Wow, I sounded like speaking highly of her ha? Well, I hate to admit but yeah, hindi naman ako bulag.

Lee Jeno, one of the varsity players ng men's basketball team sa school and her BOYFRIEND.

Yan, I capslocked it na. Dinedeny pa kasi. Like? I don't see the point?

Of course, yung mga kalevel ni Jeno jojowain niya, there's no way she'd date a sore loser.

"Hey, handsome", bati niya sabay hawak sa chin ni Jeno and tilted his head that gave her access to peck his cheek.

Habang ginagawa niya yun ay nakatingin lang siya sa akin with lazy eyes.

Napangiwi ako, ang pangit naman ng mga nasasaksihan ko ngayon. Eto ba yung hindi boyfriend? Sinong niloko niya.

I mean, yeah, they're one of the pretty perfectly matched couples dito sa school and marami ang kinikilig na nakakakita sa kanila when they show affections in public.

But still, I don't want to be involved in this narrative. Cringe malala.

Walang hiya ka Ryujin. May kalalagyan ka talaga mamaya.

Does the universe hate me this much?

"Uy Winter!".

Ay haha joke.

Napa 'thank you, Lord' ako ng wala sa oras nang marinig ko ang boses si Yujin.

Classmate at kaibigan rin namin ni Ryu.

Isa 'tong sitwasyon na 'to sa mga pinagpapasalamat ko sa kaniya kahit na bwisit na bwisit din ako dito. Masiyadong matalim ang tabas ng dila.

Nakita ko siyang tumatakbo papalapit dito dala ang gamit ng...ate ko?

Yung bag at saka mga libro panigurado sa ate ko talaga 'to e, siya lang naman yung mahilig maglagay ng mga sticker designs na ganon sa mga gamit niya!

Oo, med student din ang kapatid ko. She's actually in the same class with Karina and Yeji and maybe friends too? I don't know.

Umalis ako sa harapan ng magjowang naghaharutan at sinalubong si Yujin.

Hindi naman nila mapapansin na wala na ako, busy sila sa sariling mundo.

"Yo! Kaninong bag at mga libro 'to?", tanong ko sa kaniya nang makalapit ako.

Hinuhuli ko kung magsasabi ba siya ng totoo o ano.

"Ha? Ah eh, sa kaibiga--, oo, tama! sa kaibigan ko 'to".

Pinanliitan ko siya ng mata at tinitigan ng matagal. Nailang siguro kaya nagyaya na umalis.

"Sandali, hintayin muna natin kaibigan mo, baka walang magamit yun mamaya sa classroom nila".

"Baka ma-late na tayo".

"Hindi 'yan".

"Sige...".

Para namang hindi mapakali itong si Yujin base sa mga kilos niya. Yung paa niya panay tap sa ground, tapos panay rin yung pagpurse ng bibig niya at palinga-linga.

Hay tama na nga, naaawa na ako dito. Wala namang kaso sa akin kung may something sila ni ate. Base naman sa pagkakakilala ko kay Yujin ay maayos naman siya.

"Hey, joke lang, wag ka kabahan haha. Asan ba nagpunta si ate?", tanong ko sa kaniya.

Mas mabilis pa kay flash na napalingon siya sa akin at halata ang gulat sa mga mukha.

"Ate?".

"Yup".

"Bakit...sakin mo tinatanong?".

Huminga ako ng malalim at sumeryoso ang mukhang tinignan ko siya.

"C'mon, Yuj. I know, okay?".

"P-pano mo alam?".

"Sus ako pa ba? Eh alam na alam ko mga gamit nun", sabay tingin sa mga hawak niya, "tsaka ilang beses ko na kayong nakitang magkasama no".

Totoo yan, one time habang naglalakad-lakad ako sa mall ay nakita ko silang dalawa nakaupo sa loob ng isang restaurant, parang may pinag-uusapan tapos nagtatawanan. 'Tong si kapatid ko naman may pasubo pa ng pagkain.

Harot kung harot.

"Sorry, Win 'di ko agad nasabi sa 'yo", sabi niya na kinakamot ang batok at ninerbyos na tumawa.

"Ano ka ba, ayos lang uy. Wala namang masama dun. Anyway, kayo na ba?".

"Uhm, oo, kakasagot niya lang sa akin".

Tumango-tango lang ako.

"Hindi ka...galit?".

"Why would I be mad? Naghihintay nga lang ako na kayo mismo yung umamin. Tsaka alam ko namang mabuti kang tao".

Lumiwanag naman yung pagmumukha niya na parang kanina lang ay parang natatae.

Hindi ko naman pinapakealaman kung sino yung mga nagugustuhan ng kapatid ko, plus, buhay niya naman yun. Basta andito lang ako kapag kailangan niya.

At saka mas napanatag ako na malamang kakilala ko yung naging jowa ng kapatid ko. At least I know she's in good hands.

She's the only one I have right now, well, aside from my friends. Hindi ko naman gugustuhin na may mangyaring hindi maganda sa kaniya.

"Salamat, Win. Hindi ko man maippromise na hindi ko masasaktan ang ate mo pero if ever man, i just want you to know na unintentional yun and rest assured na wala akong masamang motives sa kaniya".

"I know, Yuj. I know", sabay tap ko sa braso niya para i-assure siya, "uy ayan na pala ang apple of your eyes e".

Nang-aasar kong sabi sa kaniya na agad naman niyang ikinapula habang tinuturo si ate na parang may hinahanap.

Paniguradong si Yujin yun.

"Ate Chaewon!", sigaw ko, dahilan para mapatingin siya sa gawi namin.

Kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong wala lang sa kaniya na makita kaming magkasama ni Yujin habang hawak ang mga gamit niya.

Pero sa loob-loob niyan kinakabahan na 'yan.

"Anong ginagawa niyo dito?", tanong niya na while looking at me pero hindi nakaligtas sa akin yung subtle niyang pag glance kay Yujin.

"Hinihintay ka", nonchalant kong sabi sa kaniya.

"Huh?", wow maang-maangan ka pa ha.

"Yuj, bigay mo na mga gamit niya, di bagay sa kaniya magsinungaling".

Yujin just chuckled at ibinigay kay ate yung bag niya maliban sa books na siya pa rin ang magbibitbit.

Shock was evident on ate's face. Hindi niya ineexpect na malalaman ko and ganito lang yung reaction ko.

"Wha-How?!".

"I'll be the one to tell her na lang, Win. Sama ka ba? Hatid ko siya sa building nila".

"God, no way, didiretso na ako sa room, I've had enough third wheeling for today", sabi ko sa kanila sabay aalis na.

Pero bago yun binalingan ko muna si ate.

"Don't worry ate, ayos lang sa akin, tho you have to tell me the deets later".

Relieved na ngumiti si ate.

"Thank you, Win", sabi niya sabay hug sa akin.

And the best little sister award goes tooo?

"Oh siya sige na. Bye lovebirds".

After that napaisip ako.

Is the new trend nowadays ay magjowa ng mas matanda? Halos lahat ng mga kakilala ko na ka-batch ko puro nasa upperclassmen yung jowa o di kaya flings. Even my friends, jeez.

Wala pa naman sa isip ko 'yan. Or just what Ning has said, baka hindi pa lang ako nakakahanap ng katapat ko.

___

"Happy birthday, bud!".

Masiglang bati ko when Ryujin answered my call. I'm not gonna bet na kung ako ba yung first na bumati sa kaniya since alam ko hindi magpapahuli yung girlfriend niya.

I heard her chuckle sa kabilang line.

"Thank you, Win. Hindi ka pa rin talaga magpapahuli no?".

Hindi ko siya nakikita pero naiimagine ko nang naiiling siya.

Tumango ako out of habit, "Oo naman, hindi ako papayag maungusan bilang best bud".

"Hay nako, you and your competitive ".

"So ano, ako nga ba yung naunang bumati?", excited na tanong ko.

Kanina pa kasi ako nakaabang sa orasan. I literally prevented myself from falling asleep.

Don't get me wrong, I always do this whenever people I love and sobrang lapit sa akin ay magcecelebrate ng kanilang special day.

I may not be the showy type but hey, I'm trying, this is the least I can do to show them na super naa-appreciate ko sila.

"I knew you're gonna ask that but sorry to say Yeji beat you, AGAIN", she said emphasizing the last word.

I sighed in defeat, "At least, I tried. Bawi next year".

"Ewan ko sa 'yo, pero don't worry, ikaw naman yung second na bumati. You're a minute earlier than Ning".

"See? Nasa akin pa rin ang korona", I proudly bragged, "siya sige na, I'm gonna sleep. Bye, enjoy your day with your fam".

"Thanks, Win. And hey, don't forget my gift. Bye".

At the mention of it. Naalala kong mamaya na pala ako bibili ng gift ko for her. Masiyadong busy kasi sa acads kaya walang time magcanvas kung anong magandang regalo. And palagi kaming magkasama, hindi naman pwede isama ko 'yun sa pagbili.

I already have something in mind na before pa. I just hope wala akong kapareho ng ibibigay.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
turtlerabbitpeach #1
Chapter 1: ehem part 2 ehem
CincoYoo
#2
Chapter 1: wala ba part 2? sure na? :(
minminread #3
Chapter 1: i think part two po eme. thank you!
kang_ddeul
#4
Chapter 1: waahhh ang gandaaa, thank you po for writing this, otor-nim!! ^^ pero pwede din po kung may kasunod hihi <3
Sachiko31
#5
Chapter 1: Ang aming tots about dito otor is need namin ng part 2. 🤣😂
renczq #6
Chapter 1: i think need po ng part 2 🗣️🗣️ hehe
RyuMinjeongie #7
Chapter 1: BITIN PO 🗣️ I THINK NEED NG PART 2 😊
winter_chan22 #8
Chapter 1: Angganda deserve ng part 2 hahahahaha
brodtwk #9
Chapter 1: The storyline is so good, it's giving me so much butterflies in my stomach omg. please if you have time make a part 2 or karina's pov... Ang ganda talaga TT