Final

Raven Black
Please Subscribe to read the full chapter

Kailan nga ba nagsimula mag-fall apart lahat? Siguro nagsimula maburyo sakin si Karina nung sinabi kong madedelay ako sa pag-graduate.



 

“Baby,” bungad ng girlfriend ko pagkabukas ng FaceTime. Ganito lang routine namin. Pagkauwi ko galing school, FaceTime muna kami. Habang siya naman nasa kabilang panig ng mundo, nag-reready na pumasok sa trabaho.

 

Mag-iisang taon na rin siguro kaming LDR. Shortly after kasi gumraduate ni Karina ng BS Nursing, nakakuha siya ng job opportunity sa US. As much as I wanted her to stay, hindi naman ako ganoon ka-selfish ‘no. Alam ko nang matagal na ‘tong pangarap ni Karina. At mas nananaig naman sakin ‘yung gusto ko siyang suportahan kaysa i-hold back siya.

 

Kinakaya naman namin ‘yung LDR. Matagal na rin kasi ‘yung relasyon namin kaya siguro ganito kami katatag. High school sweethearts. First love din namin ang isa’t isa.

 

Mas bata ako ng isang taon kay Karina. Nagkakilala kami dahil naging kakampi ko siya sa isang quiz bee na sinalihan namin. Malamang sa malamang, ako unang nagka-crush samin. Pagpasok ko pa lang kasi sa conference room na pagrereviewhan namin, parang nag-pause agad mundo ko pagkakita ko sa kanya. One thing led to another, and after a year, naging kami rin.

 

Sa totoo lang, may pagkatamad ako. But being with Karina helped me improve myself. Corny man pakinggan pero totoo naman kasi. Karina? Malinaw ang mga pangarap niya sa buhay. High school pa lang kami lagi niya na shinashare sakin mga plano niya. First, makapasok sa dream school niya. UP Manila. BS Nursing daw ang gusto niyang kuhanin na course. Tapos mas maigi daw sana kung makakakuha din siya ng scholarship sa DOST.

 

Naalala ko nga na magkasama pa kami, at ang higpit ng kapit niya sa kamay ko habang nagloload sa laptop niya ‘yung resulta ng UPCAT. Hindi na ako nagduda na papasa ‘yung girlfriend ko. Si Karina pa ba? Siya na yata pinakamasikap na taong nakilala ko. Kapag may gusto siya, paghihirapan niya talagang maachieve.

 

Pagkakita namin ng pangalan niya na may nakasulat na UP Manila at BS Nursing sa tabi, niyakap niya ako nang mahigpit. May tears of joy pa nga siya. Tapos sabi niya ako naman daw ang sunod.

 

Natuto akong mangarap nang mataas dahil kay Karina. Proud na proud ako sa kanya palagi, at gusto ko maramdaman niya rin ‘yung ganung klase ng pride sa akin. Gusto ko maging proud din siya na ako ang girlfriend niya.

 

Tinulungan pa ako ni Karina noon na mag-review para sa UPCAT, kahit na most of the time eh naglalandian lang naman talaga kami. Awa ng Diyos, nakapasa naman ako. UP Diliman. Civil Engineering.

 

Magkaiba man kami ng campus ni Karina, at kahit na sobrang busy kami, nabibigyan pa rin namin ng oras ‘yung relasyon namin. Strong kasi talaga ‘yung foundation namin eh. Isa pa, alam rin naman ng mga pamilya namin at tanggap nila. Kaya hindi kami nahihirapan ni Karina na magtago.

 

Nakagraduate on time si Karina. With Latin honors pa nga. Graduation dinner niya noong sinabi niya sa akin na nakakuha siya ng opportunity. Abroad.

 

Nasanay na ako sa presensya ni Karina. Hindi ko alam kung kakayanin ko na malayo kami sa isa’t isa. ‘Yung magkaibang campus kinaya ko dahil lagi pa rin naman kaming nakakapagkita. Pero pag ibang bansa? Tuwing kailan ko na lang siya makakasama nun? Masyado na ba akong dependent sa kanya? She holds me together. Pero supportive girlfriend naman ako. Alam ko naman na dati pa na ito ‘yung gusto ni Karina. Kahit na may doubt sa puso ko at medyo masakit sakin, pinakita at pinaramdam ko sa kanya na susuportahan ko siya sa lahat-lahat.

 

“One year, baby. Matatapos ka na rin naman. Susunod ka naman sakin, diba?” Tumango ako. Gumawa na kasi kami ng plano namin sa buhay. Kapag nakapag-abroad si Karina, susunod ako. Kaya nga pinag-iigihan ko rin ang pag-aaral ko dahil gusto ko talagang makasunod sa kanya. Nangingilid na ‘yung luha ko habang nandito kami sa labas ng airport. “Don’t worry. We’ll be together until the end. Kahit na physically apart tayo for a while,” she reassured me. Niyakap ko lang siya nang mahigpit. Naramdaman ko ring tumulo ‘yung luha ng girlfriend ko sa balikat ko.

 

Hindi maganda kutob ko dito, pero alam ko namang mahal na mahal namin ang isa’t isa. Kakayanin naman siguro namin to. Isang taon lang naman.

 

“Baby, miss na kita,” sambit ko sa kausap ko sa screen.

 

Nag-pout naman si Karina. “I know. I miss you too. Sobra, Winter.”

 

Tinitigan lang namin ang isa’t isa sa screen. Nakabisita naman ako kay Karina nung December. Naghanap din kasi ako ng mga part-time para makaipon at mapuntahan ko siya. Natuwa naman siya sa suprise kong pag-bisita, pero kulang ‘yung isang linggo para makabawi sa ilang buwan na hindi kami magkasama.

 

“You’re graduating naman na eh,” nanigas ako sa sinabi ni Karina. I’ve been hiding something from her. May binagsak akong subject last sem. Madedelay ako ng paggraduate. “In a few months, you’ll be here with me.”

 

Hindi ko na kaya pang itago ‘to kay Karina lalo na’t kitang kita ko yung hope at longing sa mata niya.

 

“Baby, may sasabihin ako.” Kumunot naman bigla ‘yung noo ni Karina, at natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero ayoko naman siya paasahin sa wala.

 

“Ano ‘yun?”

 

“Di ako makakagraduate on time.” Hindi ako nakatingin sa kanya habang sinasabi ko ‘yun. Isa, dalawa, tatlo. Binibilang ko ang mga segundo pero hindi pa rin nagsasalita si Karina.

 

Nilingon ko ulit ang screen at tsaka niya binasag ‘yung katahimikan. “Bakit?”

 

“May bagsak ako last sem. Need kong i-retake.” Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin alam anong nangyari sakin. Bakit nagkaganun ang grade ko. Masyado yata akong apektado ng pag-alis ni Karina.

 

“Hindi mo pinaglaban?”

 

“Sinubukan ko pero terror prof eh.” Nagmakaawa ako sa professor ko nun. Maliban din kasi sa mga plano namin ni Karina, hindi ko alam paano haharapin mga magulang ko lalo na’t overachiever ako simula high school.

 

“Anong sabi nila mama at papa?” Mama at papa na rin kasi ang tawag niya sa mga magulang ko. Nag-insist kasi sila dahil anak na rin daw ang turing nila kay Karina.

 

“Bawi daw, at siguraduhin kong hindi na ako magkakabagsak ulit.”

 

Bakas na bakas sa mukha ng girlfriend ko ‘yung disappointment. May halong frustration na rin siguro.

 

“I’m sorry,” nakayuko kong sabi. Hiyang hiya ako kay Karina. Hinihintay ko na sumagot siya pero binabaan niya na pala ako.



 

 

 

Pero hindi pa siguro ‘yun yung simula ng dulo. Nagkabati rin naman kami noon pagkatapos ng isang linggo. Bumalik lang sa normal na parang walang nangyari. Baka ‘yung simula talaga eh noong na-miss ko ‘yung video call namin para i-celebrate ‘yung pay raise niya dahil sa kalasingan.


 

 

 

Ginigising ako ni mama dahil alas singko na raw ng hapon. Ayoko pang bumangon dahil sobrang sakit ng ulo ko. Sabado rin naman ngayon. Babalik pa sana ako ulit sa tulog pero nag-sink in sa akin na alas singko na ng hapon.

 

. May call dapat kami ni Karina kaninang tanghali pero nag-oversleep ako dahil umaga na rin ako nakauwi. Hindi ako nagising sa alarm ko.

 

Dali-dali ko namang hinanap ang phone ko at nakita kong ang daming missed calls at messages galing kay Karina.

 

Madaling araw sa kanila ngayon sa LA. Nag-dalawang isip ako kung tatawag ba ako dahil baka nagpapahinga na si Karina. Nag-scroll ako sa messages niya, at mukhang galit siya. Hindi ko naman siya masisi dahil may mali naman talaga ako. Nagsend ako ng sorry at sinabi kong hihintayin ko siyang magising para makapag-call kami.

 

Nilabanan ko ‘yung sakit ng ulo ko. Kahit na gusto ko pang matulog, gusto kong hintayin na magising si Karina. Kailangan kong bumawi. Mga alas dose ng madaling araw tumawag na siya sakin, at dali-dali ko ‘tong inaccept.

 

“Baby, sorry,” sabi ko agad sa kasintahan ko. Mukhang bagong gising siya.

 

“Saan ka galing?” Alam ko ‘yung ganitong tono ng boses ni Karina. Sobrang bihira ko lang ‘to marinig sa kanya dahil hindi naman siya madalas magalit sakin.

 

“Uminom kami ng org mates ko. Inumaga ako at na-late ng gising,” halos pabulong kong sabi.

 

May pilit na tawa namang lumabas kay Karina. “Naka-schedule na ‘to, Winter.” Rinig na rinig ko ‘yung sakit sa boses niya.

 

“I know. It’s my fault. Sorry. Babawi ako.” Umiling lang si Karina.

 

“Wala ka bang balak magtino, Winter? May binagsak ka ng subject tapos ganyan ka pa mag-walwal? Hindi ka na ba talaga mag-eeffort para satin?” Nasaktan ako sa mga sinabi ni Karina. Anong hindi nag-eeffort? Hindi niya alam na pinipilit ko lang tapusin ‘tong lecheng Civil Engineering na ‘to para sa kanya. Last year ko pa gustong mag-shift. Gusto kong i-pursue ‘yung Music. Hindi ko tinutuloy dahil masisira ko lang ‘yung lintek na timeline namin.

 

“Isang beses lang naman ‘to, Karina.” Pagod kong sabi. Totoo naman. Ngayon lang naman ako nagkaganito. Sa totoo lang, lately, kinakain ako ng insecurities ko habang nakikita kong thriving ang career ni Karina. May progress na siya doon sa US, samantalang ito ako, nag-take pa ng step backward. Napadalas tuloy ang pag-inom ko para i-distract ang sarili ko.

 

“So porket isang beses lang eh hindi ka na mali? Wala na akong karapatan magalit? Ganun ba ‘yun?”

 

“Wala naman akong sinasabing ganyan. Namimisinterpret mo ko eh.” Frustrated na ako at medyo tumataas na ‘yung boses ko. Parang ngayon lang kami nagkasagutan nang ganito ni Karina sa hinaba-haba ng relasyon namin.

 

“Parang ganun kasi ‘yung dating sakin eh. Palusutin ko na. Isang beses lang naman,” nanginginig na ‘yung boses niya. “Sa ibang araw na tayo mag-usap.”

 

Hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Karina na sumagot, at binaba niya na ‘yung call. Napahawi naman ako sa buhok ko dahil sa inis. Wala ako sa mood na manuyo ngayon. Pinabayaan ko na lang muna si Karina.


 

 

 

 

‘Yun siguro ‘yung isa sa mga pinakamatagal naming away. Inabot nang dalawang linggo bago kami nag-sorry sa isa’t isa. Sabi ni Karina, hindi niya naman daw sinasadya na masabi ‘yun. Dumagdag lang rin daw ang pagod at stress niya sa trabaho sa problema namin. Looking back, siguro nga hindi niya sinasadya na bitawan ‘yung mga salitang ‘yun, pero deep inside, she probably meant every single word. Kahit na nagkaayos kami nun, nabawasan ‘yung pagtawag namin sa isa’t isa, pero mahal na mahal ko pa rin si Karina noon. Hanggang ngayon.

 

Last straw siguro ni Karina eh noong nag-decide ako na mag-stop sa UPD without consulting her. Huling sem ko na dapat. Ireretake ko na lang ‘yung binagsak ko. Pero sinukuan ko na ‘yung engineering. Tumigil ako dahil sinubukan kong mag-apply sa isang unibersidad sa New York noong April. For fun lang dapat pero nakatanggap ako ng acceptance letter. Desidido ako noon na i-pursue ‘yung pagiging musician. Naisip ko na piliin naman ‘yung gusto ng sarili ko. Ayokong paikutin lang ‘yung mundo ko kay Karina. Susuportahan niya naman siguro ako katulad ng pag-suporta ko sa kanya. Pero mali pala ako dun.



 

 

 

 

 

“Baby, available ba sa midyear ‘yung ireretake mo?” Umiling ako sa kanya. May hint ng disappointment sa mukha niya pero nawala rin naman ito agad.

 

“Actually, I have news for you.” Excited na akong i-share kay Karina ‘yung balitang natanggap ako sa New York University Steinhardt School last week. Noong nag-apply ako wala naman talaga sana akong balak ituloy ‘to, pero nandito na ‘yung chance. Narealize ko na sayang naman at baka kainin ako ng what ifs habambuhay kapag hindi ko pa ginrab ‘to. Lalo na may scholarship pa ako.

 

“What is it?” Parang good mood din si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 1: anak ng pating :)
Gwapako987
#2
Chapter 1: Hurts so good
Maatt_booii #3
Chapter 1: Love is not enough talaga eh no
howdoyouknowmee
539 streak #4
Upvoted pa rin