sa pagitan: malabo ang dulo at simula

sa pagitan: malabo ang dulo at simula
Please Subscribe to read the full chapter

Ang bilis lang ng araw. Thursday na kaagad parang Monday lang kahapon. Ang bilis matapos ng araw kapag hindi binibigyan ng pansin at kapag binibisi lang ang sarili.

"Uy, Win, ayos ka lang?"

Hindi ko nilingon kung sino 'yong nagsalita dahil kilalang kilala ko ang boses ng kaibigan ko.

"Mhm. Oo naman." Umayos ako ng tayo sa tapat ng bintana at nanatili lang nakatingin sa nangyayari sa labas. "Kanina ka pa d'yan?" I asked without sparing a glance at her way.

Hindi ko kasi napansin ang pagdating niya. Masyado akong na-engross sa panonood sa nakikita kong scenery sa labas ng bintana.

I felt her presence sa tabi ko. I just let her. Besides, dalawa pa lang kami ang nandito sa loob ng council office.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Ano ba ang tinitingnan mo d'yan?"

Tumahimik saglit. I think she was searching the area kung may nakakaagaw ba ng pansin since nakatulala lang akong nakatingin sa labas. Medyo mainit na sa labas dahil malapit na mag alas otso y media, it also means maraming mga estudyante ang humahabol sa mga first class nila.

It was a normal sight. Nothing unusual.

Ningning suddenly hummed. "I see . . ."

Sa sinabi niya, napalingon ako sa kaniya. "What?"

She smirked. "Alam mo, para kang may saltik sa ulo." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. The audacity of this girl. "You are waiting for Ate Rina to arrived, 'no? You are hoping na masilayan mo siya ngayon."

Napanguso ako. "Asa ka! 'Di, 'no! 'Tsaka bakit ko naman gagawin 'yon?" I sounded so defensive. Kasi naman! How'd she know?

Tumalikod na ako at nagtungo sa desk ko. Doon ko kasi nilagay ang bag ko kanina. Kailangan ko na magtungo sa departamento baka mamaya mahuli pa ako sa first class ko.

"Denial ka pa. Aminin mo na kasi na namimiss mo na ang bff mo!" pang-aasar niya pa.

I just rolled my eyes. Panay lang ang sunod niya sa akin hanggang sa paglabas ng office.

"Puwede ba, Ning, tigilan mo nga ako. Mali nga ang iniisip mo. Hindi ko siya namimiss dahil una, nag-uusap kami palagi." It was a blatant lie. "Pangalawa, nagkikita kami sa school." No, we haven't seen each other for 3 days now. "Pangatlo—"

"Hi, 'Te Rina!"

"Huh? Asan?"

Mabilis akong lumingon sa direksyon kung saan nakatingin si Ningning just to end up being disappointed. Wala naman si Karina roon.

I felt disappointed but the other part of me was kind of relieved dahil hindi ako ready na humarap kay Karina. Hindi ko alam ang gagawin ko if ever bigla siyang magpakita sa akin.

"Namimiss mo nga!" she cracked up a loud laugh with matching paghampas sa braso ko.

​​​​Siraulo 'to.

"Lumayas ka. Nandidilim ang paningin ko sayo."

Binilisan ko na lang ang paghakbang ko pero may mga paa yata ito ng kabayo dahil nakahabol siya sa akin.

"Aminin mo na kasi. Mahirap ba 'yon?" pangungulit niya.

As if madali lang aminin ang bagay na 'yon!

"Wala akong aaminin."

Sa dalawang taon ko sa university, parang ngayon ko lang naramdaman ang layo ng departamento namin sa opisina ng council. Ang tagal kong makarating sa departamento nang sa gayon ay mawala ang umaaligid sa akin na bubwita. Magkaiba kasi kami ng department.

"Sige na nga, hindi na kita kukulitin. Ikuwento mo na lang sa 'kin 'yong mga nangyari during your school excursion. At bakit after no'n, hindi ko na kayo nakitang magkasama ni Ate Rina."

Bumalik sa aalala ko 'yong mga naganap during school excursion. I was trying my best to erase those memories especially that one particular episode in my mind, pero itong kaibigan ko pinaalala ulit sa akin. Tuloy unti-unti na naman nagcra-crawl sa isip ko 'yong mga nangyari, every second and minute na mga nangyari that night, fresh na fresh pa rin sa alaala ko.

I don't want to remember that again.

It was just too much for me to handle.

Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay ng kaibigan ko sa magkabilang braso ko, shaking me gently. I was quickly pulled back from my reverie.

"Ba't ka umiiyak? Gagi, hoy, okay ka lang ba?"

Hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa paglalakad. We were both standing in the middle of the hallway, habang patuloy lang sa pagdaan 'yong mga students sa paligid namin.

"Is everything okay? I was just teasing you lang naman, e. I didn't mean it, I swear. Please stop crying."

Agad-agad kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko, saka yumuko sa kaharap ko. Ayaw kong makita ako ni Ning na umiiyak pero I think huli na. Basta ayaw ko pa rin. Stubborn na kung stubborn. Magmumukha akong ewan kung gano'n.

"Baka isipin ng mga tao na pinaiyak kita. Let's go somewhere else."

Nilagay niya 'yong isang kamay niya sa forearm ko at dinala ako sa paghakbang niya. Hindi na ako nagpumiglas at nagpadala na lang sa kaniya. Sa isip-isip ko, hindi naman siguro ako ququestionin ni Sir Lee bukas kung bakit ako umabsent sa class niya. At saka ngayon lang naman 'to, e. Ayaw ko rin pumasok na ganito ang mukha ko.

Ilang sandali pa, biglang huminto si Ning. When I lifted up my head para tingnan kung nasaan kami, napagtanto ko na nasa loob kami ng computer lab. Kami lang ang tao sa loob pero nakabukas 'yong isang computer na nasa front desk.

"Don't worry, it's just the two of us here. Ako ngayon ang naka-assign sa panel so we have this room to ourselves."

I sat down quietly. Hindi ako makatingin kay Ning dahil sa biglaan kong pag-iyak kanina. Nakakahiya sa kaibigan ko.

"Win," kinuha niya 'yong isang upuan na malapit sa amin at naupo sa harapan ko. "Are you alright?"

I nodded while staring down at the ground. Mayro'n pa ring namumuong luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko na lang tumulo ang mga 'to. Tapos hinihiccup ako.

"Did I say something wrong?"

I shook my head. "It's not . . ." I bit my lip para itago ang paghikbi ko. "May naalala lang ako. That's all."

Nilagay niya 'yong isang kamay niya sa hita ko, then she rubbed it weakly. "Okay. Do you mind sharing it with me?"

I opened my mouth, but closed it again quickly. I hesitated. Hindi ko rin alam. Or maybe I'm just scared kung ano ang iisipin ni Ningning kung malalaman niya ang tungkol doon. Ayaw kong pag-isipan ako ng masama ng kaibigan ko. Ayaw kong ijudge niya ako. Kahit pa alam ko sa sarili ko na ibang tao ang kaibigan ko, na hindi niya ako pag-iisipan ng gano'n, hindi pa rin nawawala 'yong mga negative thoughts that were clouding my mind.

"Winter," she called na dahilan para bumalik ako sa reyalidad. "We are friends. Please know that you can always count on me. I'll try to understand you. Now, is there something you want to tell me?"

I didn't know what came over me basta bigla na lang ako yumakap sa kaniya. Kasunod niyon ay ang paghagulhol ko. Hinagod niya ang likod ko, comforting me.

Simula no'ng bumalik ako galing sa school excursion, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-overthink every night at pinipilit ang sarili na maging busy everyday para lang i-block ang mga unnecessary thoughts na pumapasok sa isip ko. But now I'm in front of my friend, para bang ngayon ko lang naramdaman ang pagod at takot na iniiwasan kong maramdaman these past few days. E, hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Ang gusto ko lang at this very moment ay ilabas ang tinatago kong emosyon.

Sobrang bigat na rin kasi, e.

"Hey, it's okay," Ningning said in her very gentle tone. "Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako."

So I did.

Bahala na nga magmukhang ewan. Hindi ko na mapigilan.

Ilang minuto rin kaming nag-stay sa gano'ng posisyon hanggang sa kusang huminto ang mga luha ko sa pagtulo. Dahan-dahan na rin ako kumalma at umiwas sa mga bisig ni Ning. She stared at me worriedly which I returned with a small smile.

"Sorry. I think nabasa ko ang blouse mo," nahihiya kong sabi.

She rolled her eyes. "Ito talaga ang una mong tinuunan ng pansin imbis ang sarili mong mukha? Look at yourself."

I snorted shortly. "'Wag ka nga magpatawa!"

"Well, I'm glad napatawa kita." Umayos siya ng upo at humarap sa akin ng direkta. "Do you want water? Bibilhan muna kita sa labas—"

"No. 'Wag na." I interrupted. "Ayos lang ako. Thank you."

Tumango lang siya at hinintay na kumalma ako ng tuluyan. Nang makahinga ako ng maluwag, saka lang ako tumingin ng diretso sa kaniya.

"Sorry kung napag-alala kita. Hindi ko inaasahan na bigla akong iiyak with the mention of you know . . ." I trailed off, contemplating whether imemention ko ang pangalan ng best friend ko or not. I chose the latter. "Basta siya. Kilala mo na siya." Umiwas ako ng tingin at naglabas ulit ng malalim na hininga, sabay hikbi.

"You know, Giselle said na after the school excursion, isang beses pa lang nagpakita si Ate Rina sa class nila. I'm guessing absent na naman siya ngayong araw."

Hindi na ako nagulat sa narinig ko dahil 'yon din ang iniisip ko. I didn't see her earlier. Hindi kasi 'yon nahuhuli sa klase maliban na lang kung traffic o may commotion sa kalsada. At kung uma-absent naman—hindi siya uma-absent. Palaging may valid and acceptable reasons siya sa tuwing wala sa class nila.

"Alam mo na ang tungkol do'n dahil napapadalas ang pagsilay mo sa bintana ng council hoping to have a glimpse of her. Am I right or left?"

I nodded timidly.

As much as I want to keep it within myself, narealize ko na deserve ng kaibigan ko na malaman ang mga nangyari. I've been silent for many days na, at saka Ningning is my friend too. I trust her wholeheartedly.

Feeling ko nga may alam na siya, e, pero hindi niya lang ako pinepressure na mag-open up. Parang hinihintay niya lang ako na magkuwento.

"I knew it. So what happened to the both of you?"

I reluctantly looked at her. Nakatingin lang siya sa akin with her eyes full of concern. I can tell na gusto niyang marinig ang mga sasabihin ko the way she patiently closed para makapagkuwento ako.

Sandali ako nag-ipon ng lakas ng loob, then I pursed my lips. "No'ng last day kasi namin sa resort . . . in our shared room . . ." I can feel the rapid heart rate and nervousness sa buong sistema ko. Medyo sumisikip na naman ang dibdib ko, parang anytime mahihimatay ako.

"Yeah?"

Humugot ulit ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

"We kissed."

 

Nakakapanlumo man sa puso sapagkat ngayong araw na matatapos ang school excursion, hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. Kahit papaano ay nakapagpahinga kami ng isang linggo malayo sa mga school works and responsibilities. Nagpapasalamat ako dahil binigyan kami ng chance to take a breath at makapag-enjoy kahit panandalian lang. At least binigyan kami ng 1 week break. Kaysa wala.

At ngayon, nasa balcony kami ng room namin, naghihintay lang sa paglubog ng araw.

Hindi naman masyadong bongga ang resort, sakto lang sa bulsa, at pang-Instagrammable ang paligid. Hindi na rin masama. At saka, nag-enjoy kami sa stay namin so far. Ngayong gabi ang huling stay namin dito. Nakakalungkot at nakakagaan sa pakiramdam at the same time.

"Psst!"

I looked at the person behind me. May inaasikaso siya roon sa rounded table. I think nagtitimpla siya? Hindi ako sure.

"Oh?" walang emosyon kong sagot.

"Anong gusto mo, tea? Coffee? Or me?"

Nagtitimpla nga.

Natawa ako sa huli niyang sinabi. Baliw.

Kunwari hindi ako kinilig. Erase! Bawal ako kiligin. Mali.

"Paano kung marinig ka ng boyfriend mo? Sige ka, magseselos 'yon." I rested my elbows sa nagsisilbing railings ng balcony habang nakatingin pa rin kay Karina sa likuran.

Nakita ko ang pagnguso niya bago tumalikod sa gawi ko. Mayro'n lang siyang kinuha na bagay na medyo malayo sa kaniya kaya napilitan siyang lumapit doon.

"Mhm, funny. Can you stop mentioning him? It's just us na nandito ngayon, see?"

Basa pa ang mahaba niyang buhok, I noticed. 'Yong tipong bagong ligo pa lang pero mainit na kaagad ang ulo. Name my best friend.

Ngumisi lang ako sa kaniya. "Malay natin. Baka mayro'n pala siyang inimplant na device sayo tapos maririnig niya ang lahat na pinag-uusapan natin."

Lumapit siya sa akin at huminto sa tabi ko. Inabot niya sa aking 'yong isang tasa na kanina lang ay bitbit niya.

"Ayan, oh. Drink water. Stop saying weird things, you are creeping the hell out of me."

Tatawa na sana ako sa naging reaction niya pero napatingin ako sa laman ng tasa na hawak ko. Tubig lang ang laman nito.

"Bakit tubig lang sa 'kin?" I whined.

"Tinanong kita kanina kung ano'ng gusto mong inumin pero hindi ka sumagot. Magtimpla ka na lang ng sayo."

Bakit naman!

Gusto ko ng tea.

Tuluyan na ngang tumulis ang nguso ko.

Magrereklamo pa sana ako pero bigla kong naramdaman ang isa niyang kamay sa baywang ko. She pulled me closer to her to the point nag-crash ang shoulders namin.

"Wipe that pouty face of yours. Share na lang tayo ng akin."

I smiled in victory. I leaned my head on her shoulder as I nodded subtly. It was warm.

"Let's watch the sunset together, ah?"

She glanced down at me and flashed me a bright smile. "You're really an idiot. That's what we are doing right now, silly."

Idiot na nga, silly pa. Hmph!

"Sabi ko nga." I mumbled.

"Stop being cute."

Lumingon ulit ako sa kaniya with a teasing grin plastered on my face. "I'm cute?"

"I said quiet. Look, papalubog na ang araw."

Hindi na ako umimik at pinanood na lang ang unti-unting paglubog ng araw. ​​​​​​I believe nasaksihan din namin ang golden hour kanina. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Tapos naririnig namin ang mahinang hampas ng mga alon at unti-unti na rin lumiliwanag ang ilaw ng buwan.

"Me and Jeno fought again," biglang sabi ng katabi ko.

Kaya pala.

"What is it about this time?"

She went silent for a moment. kaunti na lang ang nakikita naming liwanag ng araw at medyo nagfafade na ito. Gayunpaman, nakatingin pa rin kaming dalawa sa iisang direksyon.

"About us."

Napalingon ulit ako sa kaniya.

Wala na akong pakialam kung hindi ko masisilayan ang tuluyang paglubog ng araw dahil mas mahalaga sa akin ang sasabihin ng best friend ko.

Our eyes met. Lumantad sa akin ang medyo naggloglow niyang mukha. Her face bathed in the orange light of sunset, slightly glowing and immaculate. I audibly gasped. She looked unreal.

I wanna freeze time and just embrace this moment.

"W-what did you say?" I mentally cursed myself. Did I just stuttered?

Sandali siya tumikim ng tea, at saka ngumiti ng marahan. "Forget it. It's just a silly fight, really. Nothing serious."

Gusto ko pa sana siya tanungin pero napukaw ang atensyon ko sa kamay niya na hanggang ngayon ay nasa baywang ko pa rin. She was drawing unfamiliar patterns sa bandang waist ko. Medyo nakikiliti na ako.

After a long while, ako ang sumira ng komportableng katahimikan.

"Kaya ba hindi ka sumama sa kaniya?"

She tilted her head. "What do you mean?"

Kahit pa medyo madilim na, kitang kita ko pa rin ang pagkunot ng noo niya at pagtaas ng kilay niya. Tumigil na rin sa paggalaw ang mga daliri niya sa baywang ko.

I forcibly tore my eyes away from her at pinokusan ang empty horizon—that feeling of overwhelming fondness bubbled up in my chest.

"I mean, 'di ba kayo dapat ang magkasama ngayon? You are supposed to go to Baguio together."

Sumandal siya sa railings habang nakaharap pa rin sa akin. We looked like a shadow na lang sa balcony since the sun had already gone down.

"We decided to cancel our plan because it wasn't worth it. It would've been cancelled anyway kasi masyadong malayo ang Baguio. I just reconsidered my decision in the last minute and decided to tag along with you." Paliwanag niya.

"'Yon ba ang dahilan ng away niyo?"

"Partly."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Dapat ba akong maguilty?

Pero, bakit naman?

"You are overthinking." Napangiwi ako when she suddenly flicked her fingers on my forehead. "Pumasok na tayo. Madilim na dito sa labas."

Hindi niya na ako hinayaan na makapagsalita dahil hinila niya na ako papasok sa shared room namin. Siya na rin 'yong nagsarado ng sliding door ng balcony.

"What do you want to eat for dinner?"

"Anything. 'Wag lang veggies," I replied as I flashed her a toothy grin.

She smirked. "We'll have veggies then."

What!

I was sulking the whole dinner dahil tinotoo niya 'yong sinabi niya. Halos lahat lang naman ng inorder niya ay may halong gulay, e'di nahirapan ako sa pagpili ng ulam. Mabuti na lang talaga mayroong mga prutas, 'yon ang kinain ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto at naramdaman kong pumasok siya roon.

"Are you still angry at me?"

Tapos na yata siya sa pag-aayos ng table na ginamit namin (I didn't help her because I was sulking nga) at siya lang din ang nag-asikaso ng mga kalat namin after kumain.

Hindi ko siya pinansin kung hindi mas lalo ko lang sinubsob ang mukha ko sa unan.

I felt the other side of the bed dipped down like someone sat on it. Alam kong siya 'yon kaya hindi lang ako kumibo. Bahala siya. Pinakain niya ako ng mga damo kaya.

"Winteot, hey."

She poked my arm twice.

I didn't budge.

"Hindi mo talaga ako papansinin?"

I shook my head.

Oh, 'di ba parang shunga lang. Hindi raw papansinsin pero umiling bilang sagot. "Ang rupok mo, Winter," I thought to myself.

Ang sweet lang kasi ng pagkakasabi niya, hindi ko matiis.

I heard her giggle. "I'm sorry. Ginawa ko lang naman 'yon kasi tingnan mo naman ang katawan mo; puro ka na lang unhealthy snacks and junk foods. That's why you should eat veggies and fruits rin to maintain your healthy body."

Healthy body raw. Nye-nye!

I peeked out from under the soft pillow at saka sinamaan siya ng tingin.

"Ayaw ko nga ng gulay, e."

Kinurot niya ako sa tagiliran ko na dahilan para mapaupo ako. I whined loudly.

"Stop whining, Winteot. 'Tsaka nagsosorry na nga ako."

I gave her a serious look. "Mag-promise ka muna na hindi mo na 'yon uulitin."

Tinaasan niya ako ng kilay at saka hinampas ang hip ko. It made me flip sa kabilang side ng kama. She laughed at me.

Mapanakit.

Nakakarami na siya, ah!

"I won't promise. Starting from now on kakain ka na ng veggies. I will not take a no as an answer."

Tinalo niya pa si Mommy. Si Mom nga hindi ako ginaganito.

"Karina—"

"Move ka muna do'n. Ayusin na natin ang bed, come on. Medyo inaantok na ako."

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba sa kama namin para ayusin ito. Tinulungan ko siya para mas mapadali. At saka, alas nuwebe na rin pala. Hindi kami puwede magpuyat dahil maaga pa ang biyahe namin bukas.

Kung ako lang ang masusunod, gusto ko sana mag-extend kami kahit isang araw lang. But sadly, it has to end. Bukas na kaagad kami uuwi.

"All done!" She clapped her hands while smiling. "Mauna ka na may tatawagan lang ako, 'kay?"

I looked at her bearing an odd expression. "Akala ko ba inaantok ka na?"

She shrugged. "Yup. Mabilis lang 'to."

"Okay . . ."

Bumalik siya sa balcony at sinarado ang sliding door. Syempre para walang makapasok na insects or flies. Pinanood ko lang ang ginagawa niya through the glass door of the balcony. May pinipindot siya sa phone niya hanggang sa tinapat niya ito sa tainga niya.

Nahiga na ako sa kama.

Nakakapagod ang mga ginawa naming activities buong araw. We did surfing, swimming, and sunbathing. Sumakay rin kami sa floating cottage. Grabe. I think mas marami ang ginawa namin ngayong araw kumpara noong mga nakaraang araw. Ngayon lang din nagsink in sa akin ang buong kaganapan.

Bigla akong nakaramdam ng pagod sa buong kalamnan. Gusto ko nang magpahinga at matulog pero nasa labas pa rin si Karina. I sighed.

"Mabilis lang daw," I whispered to no one.

I glanced at her direction. She was still on the phone.

I was planning to wait for Karina to come back but my eyelids betrayed me.

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may kamay na gumagalaw sa tagiliran ko. Magpapanic na sana ako pero naalala kong kasama ko pala ang best friend ko sa room.

"Rina?" I murmured.

She was back hugging me kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi na rin naman ako pumilit na humarap sa kaniya because the way she was holding me gently, I knew siya ang best friend ko.

"It's me," she whispered. "You fell asleep."

I yawned. Nagsisimula na naman pumikit ang mga mata ko.

"Yeah . . ."

"Did I wake you up? You can go back to sleep, Winteot."

Gusto kong bumalik sa naudlot kong dreamland but at the same time iniisip ko siya. Sa tono niya kasi parang hindi pa siya inaantok.

"What time it is?"

"It's already past eleven."

Tila nagising ang diwa ko sa narinig ko.

"Isang oras ka sa balcony? Sino 'yong kausap mo? Ba't ka natagalan?" sunod-sunod kong tanong.

Akmang haharap na sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako by tightening her hug sa akin. Hindi hamak na mas malaman at malakas siya sa 'kin, 'no. Hindi ako pumalag, malamang.

"I talked to Mom. She asked me kung matutuloy tayo sa pag-uwi bukas at mag-iingat daw tayo sa biyahe. Tapos tumawag rin si Jeno kaya natagalan ako sa labas. Go to sleep na."

Not when I'm already awake and hella curious kung ano ang pinag-usapan nila ng jowa niya. Nawala na ang antok ko.

"Hindi ka na nagkukuwento tungkol sa inyo ni Jeno. Kumusta kayo?" casual kong tanong.

Dati kasi nagkukuwento naman siya sa akin tungkol sa kanilang dalawa pero ngayon bihira na lang. Syempre nagwo-worry ako.

Halata na hindi ako fond or close sa boyfriend niya, but still! I'm just worried about her, that's all.

"We are both okay."

Muntik pa ako atakahin sa puso nang naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Mas lalo lang nagising ang kaluluwa ko. Tapos nararamdaman ko 'yong ano niya! Nakadikit ang dibdib niya sa likod ko! I'm fully aware na gifted ang best friend ko pagdating sa body, brain, humor at sa iba pang aspects. Lahat-lahat na.

"You know that's not the answer to my question. What I mean is, okay lang ba kayo, as in a relationship?"

Lumuwag ang pagkakayakap niya so I took it as a chance para humarap sa kaniya. Pero nagsisi ako sa desisyon ko.

Wrong move.

I literally held my breath ng 5 seconds sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. When I realized it umurong kaagad ako ng kaunti para magkaroon kami ng space.

"Same pa rin ang sagot ko. What do you expect me to say ba?"

"I don't know. I feel like hindi kayo okay pero sabi mo naman okay lang kayo, e'di okay lang kayo."

Ang gulo kong kausap pero I think na-gets niya ang point ko (as if may point 'yong sinabi ko) dahil nagbitiw siya ng mahinang tawa.

"I get you. I'd think the same thing din siguro kung ako ang nasa posisyon mo. To be honest, it's complicated." She said, smiling sadly. It was my turn to be serious and just waited for her to continue. "It just doesn't feel right anymore."

My mouth hung open.

Is she serious?

"Why'd you seem so shocked?"

​​​​​​I closed my mouth.

"Pero 'di ba, you two are together . . ."

"We know na kung ano man ang mayro'n sa amin ni Jeno, lahat 'yon ay for show na lang, Winteot."

"I thought you are for real in love—"

"I thought so too."

We went silent afterwards. Kahit crickets walang maririnig. Nakakabingi ang katahimikan. I didn't mind it though as I was busy entertaining my own thoughts. My mind is filled with so many unanswered questions.

Iniintindi ko pa rin ang sinabi niya. Madali lang naman icomprehend ang ibig niyang sabihin pero ang hirap igrasp.  It doesn't make sense?

Marami na akong namimiss na mga bagay tungkol sa best friend ko. Hindi na ako updated about sa buhay niya, specifically tungkol sa lovelife niya.

"Hey, you okay?" She cupped my cheeks with her hands and forced me to look at her. "Say something."

Ano ang sasabihin ko?

"Thank you?", "Welcome?", "Goodluck?"

Aba, ewan! Hindi ko alam.

Should I say some comforting words sa kaniya? I don't think so. I'm sure she'll just feel even worse if I do. Nanatili lang akong tahimik.

"What if I kiss your lips? Will that get you to talk?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. But when I looked at her, seryoso lang ang mukha niya. 'Yong mga mata niya parang may sinasabi pero I can't quite comprehend.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang binitawan niya ang mukha ko. Biglang nanlamig ang cheeks ko, both itched at the loss of warmth.

"It's already late. We should sleep na."

She was about to turn to the other side but my hand stopped her from doing so. It was impulsive. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon.

Basta. Gusto kong ibalik niya ang mga kamay niya sa mga pisngi ko para makaramdam ulit ako ng init.

At aminin ko man o hindi, I was kind of waited for her to do the stunt na sinasabi niya. I just thought na mas warm ang lips niya kaysa sa mga palad niya.

I'm going crazy. This is crazy.

"Winteot—"

"You didn't hear me utter a single word, ba't hindi mo 'ko hinalikan?" my voice came out as barely a whisper, unsteady.

"Winter." She normally call me 'Winteot' and it sounded good, maybe medyo foreign lang pakinggan kapag tinatawag niya ako sa totoo kong pangalan. I liked it either way. "You don't know what you're talking about."

What could possibly go wrong?

What's wrong with that? We're best friends. It's natural, I guess. It's normal for best friends to show their affection to each other, right?

Of course it's normal to show each other's affection, but kissing? Kissing. Gusto kong tumawa sa iniisip ko. I was trying to rationalize the idea of kissing my best friend. I must be crazy.

But she started it.

Now I'm curious.

"No. This is wrong."

Bago pa man siya makagalaw, dinantay ko ang isang paa ko sa thighs niya to prevent her from moving. I immediately moved closer to her, our forehead were gently touching. Her breath hitched, so as mine.

I've been holding it back.

I like her. I secretly like her. So much.

I've been wanting to cross that line sa pagitan naming dalawa. I always resisted though because I knew it would ruin everything na binuild naming friendship for many years, at sa kadahilanan din na may boyfriend siya.

Ngunit ngayon na nandito na kami sa sitwasyon na 'to, ang hirap pigilan ng bugso ng damdamin. I mean I could kiss her right here. Right now.

Why does she have to be so pretty?

Why does she have to be so attractive?

Why does she have to be perfect in every way possible?

Why does she have to be my type?

Why does she have to be my best friend?

Akala ko maiinis siya sa ginawa ko pero nagulat ako sa naging reaksyon niya. Surprisingly, she didn't protest. Naramdaman ko ang mga daliri niya sa shoulder ko, touching lightly. I can smell the mint of the toothpaste that she used earlier. On top of that, I shuddered when I felt her breath hit my face.

We stayed in that position—not until she moved her head slightly. Her lips finally came in contact with mine.

Pakiramdam ko naparalyze ang buong katawan ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Feeling ko malalagutan ako ng hininga.

Is this okay?

I can't tell.

Napapikit ako when she sighed, brushing her lips against mine in the process. Nalunod na ako sa nararamdaman ko. I puckered my lips and kissed her slowly without thinking about what I was doing. I felt her lips moved as well.

Soft. Warm. Cherry.

I had goosebumps and chills ran all over my body.

"Everyone makes mistakes. I'm sure this is okay, right, Winter?"

That was the last thing I heard before she dove deeper into our kiss. Napasinghap ako sa ginawa niya.

It hasn't been a minute since we kissed, I unintentionally let out a moan.

Holy .

 

Buong period nakatulala lang ako sa kawalan. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko namalayan na dismissal na pala namin.

Great. Wala akong natutunan ngayong araw.

Kasalanan 'to ni Ningning.

​​​​​Kung hindi niya ako kinorner kanina e'di sana malaya ang isipan ko ngayon—sana mamayang gabi pa ako mago-overthink at hindi sa loob ng silid.

Pagkatapos ko kinuwento sa kaniya ang naganap noong last day namin ni Karina sa resort, nag-hysterical siya bigla sa loob ng computer lab. Hindi lang naman siya makapaniwala na nangyari 'yon sa amin ng best friend ko. Me too. Tinuturing kong fever dream lang 'yon. Minsan kino-convince ko ang sarili ko na imagination ko lang 'yon. Ngunit sa tuwing maaalala ko 'yong ghost feeling ng halik ni Karina, naiiyak ako. Kasi totoo ang pangyayari na 'yon.

Naaalala ko pa ang softness ng mga labi ni Karina. The kiss. The feeling. 'Yong amoy niya that time. Everything felt so surreal, it almost felt like a dream.

Nababaliw na ako.

"You two should talk about it."

'Yon ang payo ni Ningning sa akin before we parted ways. Gusto ko rin mangyari 'yon pero may malaking question mark.

Paano?

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Karina pagkatapos ng mga nangyari sa amin noong gabi na 'yon. Kahit nga noong pag-uwi namin, we stayed silent lang throughout the drive.

How did all of this happen all of a sudden, anyway? 

Nakakalungkot lang isipin.

Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sa amin, hindi ko na sana hinayaan na mangyari ang bagay na 'yon.

Kung sana hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko.

Kung sana pinairal ko ang rational side ko.

Kung sana inisip ko muna ang magiging kalalabasan ng gagawin namin at tinago ang nararamdaman ko for the sake of our friendship, e'di sana maayos kami ngayon.

I hate myself for that.

Pero bakit gano'n, hindi ko maramdaman 'yong regret na dapat kong maramdaman.

I liked it.

Mali ba na aminin kong gusto ko 'yong ginawa namin?

I didn't regret kissing her. At the same time, I'm worried sick about my best friend.

Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ni Karina ngayon. Iniisip din kaya niya ang mga iniisip ko? Did she regret it? Feeling ko she hated me now. Gayunpaman, I can take all the consequences. Basta masigurado ko lang na okay lang siya and that she didn't get hurt sa ginawa ko.

She can hate me if she want, ayaw ko lang na masaktan siya.

It was all my fault, after all.

"Winter!"

Naputol ang train of thoughts ko sa pagtawag sa akin ng pamilyar na boses. It was Giselle. Nasa labas siya ng classroom at kasama niya si Ningning.

Tumayo ako sa upuan ko para lapitan sila.

"Bakit kayo nandito?"

Hindi nila sinagot ang tanong ko, sa halip ay iniharap sa akin ni Giselle ang hawak niyang phone.

"Did you check your phone? Kahapon pa raw tumatawag si Tita Tiff sayo pero hindi ka makontak," ani Ningning.

Tita Tiffany? As in Karina's Mom?

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
IkkIeo
Pasensya na sa mga nalinlang sa title at description. Anyway, I wrote it while listening to Ed Sheeran's "Friends". Try niyo rin pakinggan.

Thank you for reading!

Comments

You must be logged in to comment
seiikihavre
#1
Chapter 1: ihhh ang ganda naman and cute 🥺🫶
arkiminjeong
#2
Chapter 1: Ang cuteeee! Thank you for writing this, authornim~ 💌
Jaeeeeee_
196 streak #3
Chapter 1: Ang ganda!!! Goodluck sa new journey niyo. Sana kayo pa rin hanggang ngayon 🥰
ryujinie__
691 streak #4
Chapter 1: Ang cute cute. 🥺 special chap juseyo 🤧
Topkangseul
#5
Chapter 1: Huyy ang cute 🥺
yukiyukii123
#6
B
Genniee #7
Chapter 1: ang cute cute lang nila! ><
Rettxxies
#8
Chapter 1: Sana all po akoo lord when? Skshsjsks napakagands po author so much
shihopyon
#9
Chapter 1: napa sana ol nlng ako
kilig to the bones wlang binatbat malamig na coke
Enterusername_here
#10
Chapter 1: Ganto dapat bonding, nakakakilig sila. Sanaol