TWO

Where Did We Go Wrong?
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 


"Win?"


Itong mga nakaraang araw, napapansin ko lang na unti unti lumalayo sa akin ang asawa ko. Hindi ko alam kung nappraning lang ako o ano pero ang distant nya na kasi sa akin.


Ibang iba na.


Tulad ngayon, kanina ko pa sya tinatawag at hindi nya ako masyadong pinapansin. Mas interested pa sya sa cellphone nya kaysa sa akin.


"Win?" tawag ko ulit at tumingin sa kanya na busy sa phone nya may pangiti ngiti pa sya


Lumapit ako sa kanya at akmang titingin sa phone nya ng nakita kong pinatay nya ito. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa nya.


May tinatago ba sya sa akin?


"Yes, Rina?" sabi nya sa akin at tumayo ng kama akmang lalabas ng kwarto


"Ilan flight mo next week?" tanong ko sa kanya at agad naman syang napatingin sa akin


"I have two flight next week then may four days akong no work. Why?" sagot nya at napangiti naman ako


"Really?! Out of town kaya tayo, plan ko rin kasi mag take ng leave next week." excited kong sabi sa kanya


"Uhmm, how about your operations?" tanong nya pero bakit parang medyo nalungkot sya sa sinabi ko


"Naayos ko na and naitransfer ko na sa ibang doctor na willing itake yung operations ko." sambit ko at medyo napangiwi yata sya sa sinabi ko


Hindi ba sya excited o masaya man lang na magbonding kami?


Ang tagal na din kasi nung huling nag out of town kami. Pero bakit parang ayaw nya akong kasama?


"May nakaplan na kasi ako next week with my parents. Gusto ko sanang magbonding kaming tatlo at matreat naman sila." sabi nya at medyo napakamot naman sya ng ulo


"Can I go with you or nah?" I asked hoping na he will agree


"Sorry Rina but I plan to go out with my parents and to bond with them. Namiss ko kasi sobra." Sagot nya at napatango na lang ako


Although medyo nalungkot ako na hindi ako pwedeng sumama, naiintindihan ko din naman dahil baka nga gusto nya lang talaga na makabonding ang parents nya. Sobrang nabusy din kasi kami nitong mga nakaraang buwan. Okay lang naman sa akin yon, marami pa naman kaming time together.


I-take ko na lang din yung parents ko at yung kapatid ko. Siguradong mag-eenjoy ang family namin sa pag out of town na gagawin namin. Tawagan ko nga sila later.


Lumabas na si Winter sa kwarto at nagpatuloy na lang ako sa pinapanood ko sa tv. Narinig kong biglang tumunog ang phone ng asawa ko at patuloy lang ang sound ng pag pop ng message. Hindi ko ito pinansin. Tumigil na din naman.


Pero ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog ulit ito. Naintriga naman ako tiningnan ito.


Workmate


Why are you not replying? Busy?


Napataas at napakunot naman ang kilay ko sa nabasa ko.


What the hell?!


Nakita ko na pumipihit ang door knob at agad ko naman inoff ang phone nya. Humiga ulit ako na parang wala lang.


"Hon, may messages ka yata. Tunog ng tunog yang phone mo." sabi ko sa kanya, hindi ko inaalis ang paningin ko sa tv


"Binasa mo?" tanong nya at bakit parang kinakabahan sya


"Nope." sagot ko dahil parang ayaw nya na mabasa ko yon


"Okay" sagot nya at naramdaman ko ang pag hugot nya ng malalim na hininga


Bakit parang ang weird ng nararamdaman ko?


Wala naman siguro syang tinatago, di ba?


-


Nasa La Union ako ngayon with my fam. Excited na excited nga sila nung niyaya ko sila at hinayaan ko naman ang kapatid ko na sila na ang magplano ng gala at kung saan nila gusto.


Agad nilang sinuggest ang La Union at umoo na lang ako dahil alam ko naman na gustong gusto nilang makarating doon. Ngayong andito na kami nakita ko kung gaano kasaya ang mga parents ko.


Kanina pa sila naliligo sa dagat at ang little sister ko naman ay kinukuhanan sila ng pic at ako naman ay nakasunod at pinapanood lang sila.


Nakakatuwa lang na panoorin sila na nag eenjoy at masaya. Nakakamiss din talaga silang makasama at makabonding.


"Ate, ate Rina!" masayang tawag ng kapatid ko sa akin


"Tara picture tayo!" sigaw nya at tumingin ako sa kanila, medyo malayo layo na pala sila sa akin


"Coming!"


After taking pictures, we've decided to eat lunch since we all felt hungry na. Mag aala una na din kasi. To be honest, I'm starving.


"Ate Rina, can I order this?" tanong ng aking sister na katabi ko ngayon, nilingon ko sya at tumango


"Order everything you want Ning." sambit ko at mukha naman syang ginanahan


Si Ning ang mas nakababata kong kapatid mas matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon. Isa syang college professor at literature naman ang subject na itinuturo nya. Hindi namin expected na magtuturo sya kasi ang lagi nyang sinasabi ay gusto nya mag work sa isang media company kahit daw yung mga behind the scenes work ay okay sa kanya. Kaya nung tinake nya yung literature imbis na mascom talagang nagtaka kami at ang sinabi nya lang sa amin ay hindi nya daw gusto yon.


Katulad ko isa din syang scholar ng bayan. Pareho kaming graduate ng UP Diliman at talaga naman na pinag igihan namin ang pag-aaral para hindi maalis ang scholarship namin. Parehas kaming naging working student at nakita namin dalawa ang struggle para maabot ang mga pangarap namin. Hindi kasi kaya ng parents namin na mapag-aral kaming dalawa ng sabay kaya naisipan na lang namin mag UP at thankfully ay pareho naman kaming nakapasok.


Looking back, worth it lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan namin pamilya noon at ngayon ay pareho ng retired and parents namin.


"Really?" she asked again and I nodded in response


"Ma, pa order din kayo ng kahit anong gusto nyo." sabi ko at tumango naman sila


"Ang bait bait talaga ng ate kong to!" pambobola ng kapatid ko, sigurado may kailangan to sa akin


"May kailangan ka no!" mapang-asar kong sabi sa kanya


"Wala kaya!" Iling nya


"Talaga ba?" pang-iinis ko


"Talaga!" bulalas nya


"Sure na yan ha? Di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
matutuwa ak kapag nag update na i2ng story huhu hintay lang sa gedli
luvremix
#2
Chapter 3: I like this story. I hope we get an update soon 🙏🏼
Jayeem
#3
Chapter 3: ayon sa mga comments gago daw si Minjeong Kaya mukhang interesting haha gusto ko Kasi Yung mga ganong vibes na Minjeong
wnddmks_ 661 streak #4
Chapter 2: nah wtf. Winter cheater🤬
CincoYoo
#5
Chapter 2: nangangabet si gago
minatozakidubudubu #6
Chapter 2: gago
rinagayed
#7
Chapter 2: luh gago huhu baka cheating to gago😭😭😭😭😭😭
Enterusername_here
#8
Chapter 1: Kinakabahan ako baka angst
howdoyouknowmee
539 streak #9
Chapter 1: Upvoted kahit mukhang masakit sa title pa lang haha