isa

i hate yu
Ayoko na talaga ng monday dati tahimik ang buhay ko excited pa akong pumasok sa school pero nung mag collage ako parang hate ko na yata ang school wala akong ibang reason kundi dumating lang naman si Karina sa buhay ko. Tanginang babae yan araw araw na lang nangbbwiset, hindi yata buo araw nito na hindi ako ginagalit, siguro andami ko nang kasalanan kay lord dahil kay Karina 
 
 
Nasa school na ako ngayon kasama ang pinsan kong si Ryujin, dito kase nagaaral jowa nya na si Yeji kaya sinundan nya din pati ako dinamay kung ibang school siguro pinasukan ko walang bbwiset sa araw ko. Hindi naman mahigpit ang mga parents namin pag dating sa pagaaral namin, sabihin na nating may pera kami pero hindi naman kami lumaki na mayabang at priority din namin ang pagaaral "hi Winter, morning" kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Karina nakita kong nakangisi sya halatang nangaasar na naman "tangina mo, Karina lumayas ka dito aga aga nambbwiset ka na naman" pagtataray ko sa kanya ​​​​​​"minumura mo na naman ako, patabi ako ha" tatabi na sana sya sakin nang ilapag ko ang bag ko sa uupuan nya "ulol, tigilan mo ako baka masapak kita" natawa naman sya sa nasabi ko "ayoko nga" magsasalita palang ako kaso tapos na ang free time at nag ring na ang bell kaya tumakbo na sya sa room nila "haynako, araw araw na lang" napatayo naman ako sa inuupuan ko at nakasalubong ko si Ryujin  "Aga aga naman nakabusangot ka dyan Winwin, si Karina na naman dahilan nyan no" umakbay sakin si Ryujin habang nakain "ano pa nga ba, sya lang naman bwiset sa buhay ko saka ikaw" hinampas nya ako sa braso "grabe hindi mo talaga ako mahal, ako lang nagiisa mong pinsan" tipid ko syang nginitian "oo nga eh, no choice ako" ​​​​​​nagtawanan kami habang naglalakad "sige dyan ka na, ayun na baby ko oh" sabay turo kay Yeji kung minamalas nga naman friends ni Karina ang jowa ni Ryujin "hi winter, sama na naman ng mukha mo" natatawang sabi ni ning sakin "syempre bwiset na naman yan kay Karina" pag sabi ni Giselle na nakaakbay kay Ning nagtawanan silang lahat napatingin ako agad sa pwesto ni Karina at sinungitan sya tinawanan nya lang naman ako, nakakabwiset talaga mukha nya. 
 
 
Taon taon akong palaging binabadtrip ni Karina minsan ay hinahayaan ko na sya dahil para syang bata na hindi marunong makinig kahit sa condo namin ni Ryujin ay hindi nya pinapalampas "Winter" nagulat ako nang makita si Karina sa tabi ko nasa condo namin sya kasama si Yeji, Ning at Giselle padating pa lang si Yuna at Lia nasa sala sila at kami lang ni Karina dito sa kwarto ko magkagroup din kase kami sa research kaya no choice ako "problema mo na namang puta ka" hindi ako agad nakagalaw nang maramdaman ko na nakayakap sya sakin "wala, payakap ha" napatango na lang ako at tinapik-tapik ang likod nya, naramdaman ko na ang pagbasa ng damit ko umiiyak si Karina "Karina, anong nangyari?" para bang naglaho ang inis ko sa kanya at napalitan ng pagaalala "Sila mama kase nagaaway na naman" mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya kahit palagi nya akong binibwiset hindi ko itatanggi na bigla na lang magbabago ang lahat, kami din ang mag kasama pag dating sa gantong situation "​​​​​dito ka muna kahit hanggang mamaya" pag comfort ko sa kanya at napansin kong nakalma na sya hanggang sa makatulog na. Inayos ko ang pwesto nya at lumabas muna ng kwarto "Win, iniinis ka na naman ba ni Karina?" pagtatanong sakin ni Lia, nakarating na pala sila "nagpapahinga si Karina wag na muna nyo guluhin" tinignan nila ako na para bang may kahulugan "napagod yun kakaasar, tuloy nyo na yang ginagawa nyo" pag susungit ko sa kanila "defensive mo naman ssob" pangaasar ni Ryujin sakin at hindi ko na lang ito pinansin. Mag gagabi na kaya pumasok na ako sa kwarto para gisingin si Karina halatang puyat na naman sya ganto naman palagi kaya sanay na din ako "Karina, gising ka na dyan mag gagabi na" nagunat sya at bigla akong hinila kaya napayakap ako sa kanya "​​​​​​bango mo" namula naman ako sa sinabi nya 'ano ba yan, Karina' agad naman syang napabangon sa pwesto nya "sorry kala ko panaginip" so napapanaginipan nya ako?? hahahaha "okay lang, dito ka na kumain para makauwi ka din nang maaga" tumango naman ito at sabay na kaming kumain, hinatid ko din sya sa labas ng bahay namin "uhm Winter, salamat ha sa susunod gagalingan ko pa mangbwiset" napairap naman ako at bigla syang tumawa "joke lang, salamat uwi na ako" nagbabye na lang ako hindi ko din napansin na nakangiti na pala ako "HOY ANO YAN BAKIT KA NAKANGITI" etong unggoy nato hilig manggulat nabatukan ko tuloy sya "Ryujin, para kang kabute kung san san ka nalabas" Hindi ko na inintay na magsalita sya at tumakbo na ako sa kwarto ko 'tangina mo Karina, eto na naman tayo sa kakaibang pakiramdam magaakto na naman ba tayong parang walang nangyari'
 
 
Karina
 
Buo na talaga araw ko pag nabbwiset ko tong si Winter cute nya kase mukha syang tuta pero ang totoo kaya ko sya iniinis lagi para hindi halatang gusto ko ng atensyon nya, oo crush ko sya noon pa 3 years na kami sa collage malapit na din kami mag graduate. Nung una hindi ko naman sya dapat aasarin kaso parang nabwiset sya sakin kaya pinagpatuloy ko na lang ang pambbwiset sa kanya hanggang sa tumagal. Wala pa naman sa isip ko na umamin sa kanya baka mareject ako syempre ayoko naman mareject noh de joke kung ano desisyon nya okay lang 
 
Nandito ako ngayon sa kwarto nya at syempre ano pa ba ginagawa ko malamang nambbwiset "Karina, ano ba tangina" wait parang sobra na yata ako "​​​​​​hindi ka kase namamansin" nakanguso kong mukmok sa harap nya "masama nga mood ko, hindi ka ba makaintindi?" natahimik naman ako galit na talaga sya hindi na naman to bago sakin pero grabe din kaba ko pag sobrang inis na nya sakin "sorry, sige uwi na ako" napayuko ako sa hiya tatayo na sana ako nang maramdaman ko ung mga yakap nya "bakit ka uuwi? hindi naman ako sayo inis" bakit hindi ako makagalaw para tuloy akong bato dito " dito ka lang" mahina nyang sabi sa tenga ko, hindi ko alam ano nagtulak sakin na gawin to ano bang ginawa ko, hinalikan ko lang naman si Winter sa labi at hindi ko pa din inaalis napapikit ako habang nakahawak sa mga pisngi nya sabay bitaw "sorry hindi ko alam bakit ko ginawa-"  hindi pa ako tapos nang maramdaman ko uli ang labi nya sa labi ko 'hmm Winter' banggit ko at napahawak ako sa bewang nya, kumalas sya sakin hindi ko alam san ako pupunta pero alam ko tinakbuhan ko sya eto na naman ako tatakbuhan ang mga bagay na hindi ko mapanindigan. Hindi na bago samin paulit ulit  na lang pero hanggang ngayon wala pa ding nangyayari  
 
 
Winter 
 
Dalawang buwan na simula nang hindi na ako ginugulo ni Karina nilayuan nya ako. Alam ko nagiisip sya dahil sa nangyari samin sa kwarto ko hindi naman ako nagtatampo dahil alam ko naman ang reason nya. May gusto ako sa kanya at palagi na lang nangyayari samin yung tatakbuhan nya ako pagkatapos nya akong halikan para siguro kaming tanga na nagkukunwaring walang alam sa nangyayari pagkatapos ng halik babalik na naman sa dati, mambbwiset na naman sya.  Habang wala sya ginamit ko din ung time na yun para masure kung ano bang nararamdaman ko sa kanya lalo sa pagdedesisyon dahil ayoko naman magsisi. Sa mga times na wala sya para bwisiten ako, sa mga times na panay pangalan nya ang nababanggit ko dun ko napagtanto na gusto ko sya iniintay ko lang ung tamang oras para samin dahil ayokong pangunahan "ano na Winter tulala ka na naman dyan, iniisip mo na naman si Karina" pagtabi sakin ni Yuna sa labas ng school namin pauwi na kami nabili kami ng kwekwek "ingay mo Yuna" ​​​​​​sabay batok sa kanya "miss mo na noh" napatingin naman ako sa kanya at natahimik "oo na, miss ko na" tinawanan nya ako at tumingin sa likod ko tangina si Karina nandito nakasunod pala "libre mo ako bukas Win!!!" Sigaw ni Yuna sabay punta kila Lia napatingin ako sa pwrsto ni Karina nginitian nya ako grabe tagal mo akong iniwasan tapos ngingiti ka lang dyan "hi Winter, i miss you din sabay na tayo umuwi ha" hindi pa din naalis ang makahulugan nyang ngiti halatang nangaasar "wag ka nga mangasar ngayon ka na lang nga nagparamdam mambbwiset ka pa agad" wala naman akong nagawa kaya tumango na lang ako. Nasa tapat kami ng condo hindi ako makasalita sa sobrang hiya at baka naboboring nato sakin magsasalita pa lang ako nang maramdaman ko na niyayakap na nya ako "i miss you so much Winter, araw araw hindi ka nawawala sa isip ko gusto ko itanong kung ayos ka lang ba, namimiss ko na amoy mo sorry kung nawala ako kailangan kong magisip para hindi ko na uli takbuhan ung mga bagay na pinipilit kong iwasan" umiiyak na si Karina pati ako naluluha na 'ako din naman, miss na kita sobra' "wag ka na umiyak niyayakap mo na nga ako eh pasok tayo sa loob ng condo mahamog na kasi, kalma ka na dyan okay ba?" tumango si Karina hinawakan ko ang kamay nya at pumasok na kami sa loob "upo ka muna dyan kuha ako water" aalis na sana ako pero pinigilan nya ako natawa naman ako at tumabi sa kanya "Winter gusto kita, gusto kita noon pa kaya palagi kitang binibwiset kase hindi ko alam pano ko makukuha atensyon mo, wala naman talaga akong balak mangasar kaso yun lang ang alam kong way para mapansin mo ako sorry kung dalawang buwan pa bago ko maamin lahat sobrang duwag ko pero ngayon hindi na ako magdadalawang isip, gusto kitang ligawan wala akong pake kung ayaw mo liligawan pa din kita" napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo nya napansin nya sigurong natawa ako "​​​​​​anong nakakatawa Win nakakainis ka naman eh" pagmaktol nya sakin "gusto din kita hinihintay ko lang na matauhan ka ayoko din magmadali kahit hindi ka na manligaw-" napatigil ako sa pagsasalita nang tumayo sya at humarap sakin "hindi gusto ko manligaw wag ka makulit dyan" medyo mahaba haba din ang pakikipag talo nya sakin wala naman akong nagawa kundi sumangayon na lang 
 
Magkasama kami ngayon ni Karina at halatang bwiset na samin si Ning landi kase ni Karina sa buwan naman na lumipas nakita ko naman na seryoso na sya talagang ligawan ako. Kahit ilang buwan na ang lumipas wala naman masyadong nagbago samin binibwiset nya pa din ako palagi siguro ang nagbago lang e hindi na ako masyadong irita sa kanya mas naiirita ako sa ibang papansin sa kanya gusto ko ako lang, gusto ko sya laging kasama at ayoko na ding mapunta pa sya sa iba "Ano ba yan! lumayas nga kayo dito panay kayo landian" Tinabihan naman sya ni Giselle "baby sorry na kase late gising ko kaya hindi kita nasundo promise bukas aagahan ko na talaga" pangungulit ni Giselle kay Ning, kaya pala badtrip to kase hindi nasundo. Kami kami lang din pala magjojowaan si Ryujin at Yeji ayun happy together pa din kumakain sila ngayon nagsusubuan pa nga, si Yuna at Lia naman nagkaaminan na din nung nakaraang linggo mga lasing kase pero happy naman ako sa kanila matagal na kase silang magcrush dumating na nga sa point na nagseselosan sila pero hindi pa din sila nakaamin sa isa't isa, kailangan lang pala nila malasing. Si Ning at Giselle mag m.u nahuli kase namin sila nagddate kaya napaamin na din sila samin, kami ni Karina eto mag aanim na buwan na din pala simula nang nanligaw sya sakin balak ko syang sagutin mamayang gabi paguwi namin hindi ko na mapigil nararamdaman ko sa kanya. Naglalakad kami ni Karina nakahawak sya sa kamay ko habang nagkkwento sya sa nangyari sa araw nya cute mo talaga "Karina" napatigil naman sya sa pagsasalita "Why?" huminga ako nang malalim at humarap sa kanya "Sinasagot na kita" ​​​​​​nakatingin lang sya sakin at biglang tumawa "Syempre sasagot ka pag may tanong ako pero wala naman kaya wag ka na sumagot nagkkwento yung tao dito tapos sasabat ka dyan" sabay taray nya sakin naiinis na ako ha shunga ba to "no, i mean stop ka na sa panliligaw mo kase starting today girlfriend mo na ako" ewan ko kung may nakakakita samin ngayon pero magkatitigan lang kami after ko magsalita "Winter, wag ka magjoke baka maniwala ako" pagsabi nya na may halong kaba "sino ba may sabing nagjjoke ako?" nagulat ako nang bigla nya akong niyakap "pakilig ka noh alam na alam mo pano ako kunin porket crush kita eh" hinampas ko naman sya at kumalas sa mga yakap nya, hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi at ngumiti "I like you so much" ​​​​​​sabay yakap sa kanya nakakakilig pala talaga to.
 
Simula nang maging kami ni Karina mas lalo pa namin nakikilala ang isa't isa may mga times na naiinis ako sa kanya gaya ngayong araw, panay dikit sa kanya ung ka groupmate nya napasa na naman nila ung project ano pa bang gusto neto makadikit sa girlfriend ko parang linta "babe, wag ka na magselos sinabihan ko na yun nagsorry na din sya kaya pansinin mo na ako please' panglalambing ni Karina sakin hindi naman talaga ako galit nagpapalambing lang ako sa kanya "dun ka na" kinabahan naman ako dahil nakatitig lang sya sakin napasobra ba ako?? "ikaw lang mahal ko" napatigil ako sa pagbabasa sa nabanggit nya ​​​​​​sinabi nya bang mahal nya ako? hindi pa kase kami nagsasabihan ng ganun kaya nagulat ako sa sinabi nya "seryoso ako, Winter mahal kita sobra" nakatitig lang ako sa kanya magsasalita pa sana sya uli pero inunahan ko na syang halikan, ngayon na lang kami uli nagkiss grabe na siguro mula ng pisngi ko "I love you, Karina" pagkakasabi ko agad bago pa ako makagalaw ay nakayakap na sya sakin "I love you" sabi ni Karina sa gitna ng mga yakap namin, hindi talaga to papatalo sakin sige ikaw na panalo 'panalo ka din naman sakin eh' 
 
 
​​​​​​Umabot na kami ng taon pero wala pa ding nagbabago mas lalo naming minamahal ang isa't isa sa mga times na may hindi kami pagkakaintindihan mas pinipili naming pagusapan hanggang sa maayos, isa sa natutunan ko habang minamahal si Karina ay matutong mag handle ng pasensya hindi mo naman agad kailangan mag desisyon sa lahat ng bagay para hindi ka magsisi. Buti na nga nang inintay namin ung tamang time para samin at hindi kami nagmadali, hindi kami nagpadalos dalos sa pagdedesisyon. Masaya at kuntento ako sa kung anong meron kami ng mahal ko. 
 
I love yu Karina.
​​​​​​
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
minrinaaaa_
#1
Chapter 1: cutie nmn
u_ujiman #2
Chapter 1: hahahaha ang cute, hay when
howdoyouknowmee
540 streak #3
Upvoted!