Chapter 1 - Where Am I?

Sa Ilalim Ng Kalawakan

3 taon na akong nangungulila dahil sa pag-iwan niya sa'kin. 

Hindi ko naman akalain na hindi ako makaka-move on agad. Kahit andaming magagandang babae. Siya lang ang hinahanap ko, si Krystal lang. 

3 taon na din tuwing bakasyon ay uuwi kami sa probinsya ng matalik kong kaibigan, si Wendy at pupunta sa dagat tuwing gabi. 

Maramdaman namin ang katahimikan ng dagat at ang ganda ng kalawakan, dahil nalulungkot parin ako sa sitwasyon namin ay umiinom ako ng alak tuwing may pagkakataon. Isang araw ay hilong hilo ako, kakagaling ko lang sa bahay ni Wendy.

 Uminom kami at kumanta, pauwi na ako sa bahay ngunit nawalan ako ng balanse at may kotseng papalapit sa akin pagkatapos non, hindi ko na alam ang nangyayari.

Malungkot ako sa nangyari sakin, hindi ko alam kung saan ako nagkulang noong iniwan ako ni Suho.

 Bakit hindi siya naghintay sa'kin, at nakahanap ng easy to get. Pero makaka-move on din naman ako nito, lalo na't sinasayang niya lang ang mga taong katulad ko. Kakagaling ko lang sa bayan to buy the things I need kasi 10 days uuwi na kong Maynila at sisimulan ko na ang pagkokolehiyo ko. Medyo inaantok ako habang nagdridrive, gabi na eh wala naman sigurong taong lumalabas ng ganitong oras kaya binilisan ko na pagtakbo ng kotse ko.

Napansin ko na mawawalan na pala ng gas ang kotse kaya dumiretso ako sa malapit na gasolinahan.

"It's fun when you're driving a car tuwing gabi, at wala masyadong kotse. Windows down, and you're listening to your favorite music." I tweeted

"Pagkatapos may nakadress na puti at duguan sa daan" Joy replied

"Tas bigla kang nabangga" Yeri added

'Wag naman sanang mangyari 'yan, sinasabi ko sa sarili ko.

Puro kalokohan si Joy sa twitter, sumama pa yung mas bata. Hindi ako naniniwala sa mga multo, at mga white lady na naglalakad sa daan tuwing gabi. Habang iniisip yung ay nagising ang aking kaluluwa sa babaeng nasa daan, tinapakan ko agad ang break ng kotse. Nahimatay siya, naumpog niya ang ulo niya sa kotse antanga naman ng babaeng 'to. Pero hindi naman siya white lady, yung kulay ng buhok niya orange tapos naka jacket lang siya at jogging pants. Gusto ko sana siyang iwan, ngunit nakita ko ang mga lalaking papalapit sa amin. Mukhang mga lasing at wala sa katinuan ang mga lalaki kaya pinasok ko nalang siya sa kotse. Ambigat niya, my nose suffocates dahil sa masangsang amoy ng alak, dumiretso na ako sa bahay at pinahiga ko siya sa couch namin, buti nalang ako lang magisa sa bahay.

Nagising ako, 'di ko naman bahay 'to bakit ako nandito? Infairness, maganda ganda yung bahay

"Where am I?" I tweeted

"Gising ka na pala, lika kain ka"

"Sino ka? " habang tinitignan ko ang babae, hindi ko siya mamukhaan

"Basta! Kakain ka ba o hindi?"

"Loh, grabe siya oh. Sino ka muna?"

"Pinapatagal mo pa oras ko noh?" Sinabi niya ng may halong galit

"Sige na nga" tinanggal ko ang malaking kumot na yumayakap sakin at tumayo ako ng hindi namamalayan na nakahubad pala ako

"HOY! BAKIT MO KO HINUBARAN? MANYAKIS KA BA? HINDI NA AKO GAGO KA" mangiyak-ngiyak kong sinabi

"Ang kapal naman ng mukha mo, di kita type noh. Pasalamat ka nga kasi sinakay kita sa kotse ko. Kung hindi, baka binastos ka na ng mga lalaking lasing na nandoon" Seryoso niyang sinabi

"So ano? Ako naghubad sa sarili ko? Anong ebidensya mo?" Sinabi ko

"Sa living room ka naghubad. Ipakita ko pa sayo cctv namin" Nawala yung angas ko sa sinabi niya

"m-ma-may c-cctv kayo??" sumigaw ako

"oo! Wag mo nga akong sigawan, magdamit ka na kanina ka pa nakahubad. Andyan yung damit, para lumayas ka na sa pamamahay ko. Kahit mag pasalamat lang hindi mo masabi"

"Edi sorry, thank you idelete mo nalang yung paghubad ko sa cctv hehehe" pagkatapos kong sabihin ay sinungitan ako, di porket maganda ka ay ganyan ah!

Nagsuot na ako ng damit at dumiretso ako sa dinning area nila.

"Nagluto ako ng lugaw. Baka magustuhan mo"

"Masarap naman 'to pag may hangover" sagot ko

Unang higop ko sa lugaw ay nakapagease agad sa tyan.

"so tell me, bakit ka nasa kalsada at bakit ka lasing?" grabe akala ko ba kakain lang ako dito tas lalayas na?

"ah, wala lang naglasing lang kami ng kaibigan ko" nerbyos kong sagot

"You might get in trouble next time, don't get drunk too much" I just nodded on what she said pagkatapos naming kumain ng lugaw, ay aalis na ako sa malaki niyang tirahan

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong niya

"Ayoko nga sabihin, crush mo ko noh?" I

"Edi wag, lumayas ka na!" rinig ko ang gigil ng kanyang boses

"Joke lang, ako si Seulgi. Ikaw?"

"Ayoko nga sabihin"

"loh, sige na miss Ill tempered"

"ANONG SABI MO?" she gave me a look kaya natakot ako

"Hindi po Ate hehe sabi ko na nga babye salamat Ate!!" ayoko na siyang magalit pa nagwave ako at nagsabi ng goodbye

Andaya lang na alam niya pangalan ko pero yung pangalan niya hindi ko alam hmp. 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 3: Ganda po author abangan ko to :))