Two

The Radish's Confession
Please Subscribe to read the full chapter

K.CW

 

"HOY! ANO YON?!"

 

 

Napakagandang bungad naman niyan, Choi Yena. Napatingin pa tuloy ang karamihan sa mga estudyante na nangangalkal sa mga lockers nila. 

 

 

Ang ingay naman kasi ng bibeng to!

 

 

"Alin?" painosente kong sagot. Syempre pakipot pa lola niyo.

 

 

"Sus! Akala mo hindi ko nakita ha! Pangiti-ngiti ka pa nung binigyan ka ng sagot! Lantot-lantot HAHAHAHAHA!"

 

 

 

Tangina, sobrang ingay niya. Sinusundot-sundot niya pa bewang ko habang sinasabi yon.

 

 

 

"Ano bang sinasabi mo diyan ha?"

 

 

"Wag ka na magmaang-maangan, pre! Kita ng mga cute kong mata ang palitan niyo ng ngiti. Kayo ah!"

 

 

"Sino bang sinasabi mo diyan?" 

 

 

Sige, Chaewon, pagpatuloy mo 'yan gaga ka. Halata na eh!

 

 

"Sino pa? Edi si 4 yea—"

 

 

Bago pa man masabi nang tuluyan ng bibeng to ang dapat niyang masabi, tinakpan ko na agad yung bibig niya.

 

 

 

Medyo nahirapan pa ako kasi lumalayo  siya!

 

 

 

Dahil nahihirapan na siyang huminga, buong pwersa niyang tinanggal yung kamay kong nakatakip pa rin sa bibig niya.

 

 

 

May laway pa ata niya 'yung palad ko, yikes!

 

 

"Ano ba! Wag mo nga ilagay sa bibig ko yung kamay mo! Baka pinangulangot mo yan kanina!" pag-iinarte niya.

 

 

 

Sus, akala mo naman naliligo. Naku wag ako, Choi Yena.

 

 

 

"Ayaw mo lang marinig yung 4 years eh," dagdag niya pa. Aba matindi.

 

 

 

Naramdaman kong namula yung mukha ko sa sinabi niya kaya sinapok ko siya, ganti na rin kanina sa pagsapok niya sa akin sa classroom.

 

 

 

"Aray! Gumalang ka sakin, mas matanda ako sayo!" reklamo niya. Arte naman.

 

 

 

"Matanda ka lang ng isang taon kaya wag kang gumaganyan!"

 

 

 

"Ay ewan. Tara na nga sa cafeteria. Iniwan na tayo ng mga bruhang yon, mga patay-gutom talaga. At saka baka nandoon na si Yuri ahihi!" pag-aanyaya ni Yujin.

 

 

Naku po, ayan na naman siya.

 

 

 

Hinahanap na naman niya si Yuri, Grade 8 na crush niya. 1 year lang agwat nila kaya masaya ang gaga. 'Age doesn't matter' daw eh, sige pagbigyan.

 

 

 

Nakilala niya si Yuri dahil sa Music Club. Pareho silang President ng respective levels namin (kahit mahirap paniwalaan kay Yena.)

 

 

 

President sa level namin si Yena at sa Grade 8 si Yuri. Parehong na-elect na officer kaya mas nakilala ni Yena si Yuri kahit di siya pinapansin nito. May girlfriend na kasi hehe, na kaibigan pa namin. Saklap lods HAHA!

 

 

 

At sinong tinutukoy ni Yena na mga bruha?

 

 

 

Syempre mga kaibigan namin! Actually may pangalan kami eh, 'Enozi Squad'! Wag niyo na tanungin sinong nakaisip, halata namang si Choi Yena nagsimula niyan.

 

 

 

Wala kaming ibang maisip kaya sinabayan nalang namin trip niya, ni hindi nga namin alam kailan naitatag yan eh.

 

 

 

Nakarating na nga kami sa cafeteria. As expected, nandoon na nga ang mga bruhildang patay-gutom.

 

 

 

"Ang bagal niyo." tamad na bungad sa amin ni Hyewon pagkaupo. Itanong niya sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamyen
#1
Chapter 4: Hala, ang ganda ng plot😭😭

Waiting pa rin...
Miyawaki_Saku-Chan
#2
Chapter 3: HOYYYY BAKIT NANANAKIT??
Miyawaki_Saku-Chan
#3
Chapter 2: Hala huyyyyyyyy
minguri_iz_coming
#4
Chapter 3: sakit naman yon lods
jendeuklisa
#5
Chapter 1: this is fun! ahahaha my tagalog aint that good yet but this is easy to read! love the plot as well kaya mo yan kim 🫶
halkum #6
Chapter 1: First time reading a tagalog fic here and it's good!
minguri_iz_coming
#7
omg! can't wait