One

Takipsilim
Please Subscribe to read the full chapter

Iilan na lang ang mga tao dito sa office. 

 

Almost 8pm na rin at nakauwi na halos lahat. 

 

Sa row namin, ay dalawa na lang kaming natitira. 

 

Ako, at yung taga kabilang team na si Karina. Karina Yoo.

 

Mabilis akong nag ayos ng gamit para umuwi. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng gutom. Bibili na lang ako ng dinner ko sa 7eleven malapit sa apartment. Wala na rin naman akong time magluto.

 

Pagka-shut down ko ng pc ko, agad akong tumayo at inayos ang office chair sa ilalim ng mesa.

 

Dumerecho nako at naglakad palabas ng hall para sumakay ng elevator. Pinindot ko ang down button at nag antay.

 

Maya-maya, narinig ko ang nagmamadaling paglalakad palabas ng hall. Di ko alam kung sino pero laking gulat ko ng makita ko na si Karina Yoo pala.

 

Di naman kami close, so hindi na ako umimik. Tahimik lang din siyang nag antay ng elevator. 

 

Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa ring dumadating na elevator. Ang weird lang dahil ang tagal ata ngayon.

 

Hindi naman ako pwedeng mag stairs dahil nasa 26th floor kami. Nakakapagod if ever.

 

Tumingin ako sa relo ko, out of habit, dahil unusually late ang elevator ngayon.

 

“May maintenance ata ngayon…” bulong ng kasama ko.

 

Ngayon ko lang ata narinig ang boses niya at di ko inexpect dahil may konting kalaliman ‘to.

 

“Ah, okay.” Sagot ko. “Thanks sa info…Karina, right?”

 

“Yup, you’re welcome…uhh…” biglang kunot ng noo niya. Hindi siguro niya ako kilala.

 

“Winter. Winter Kim.” I said, faking a smile.

 

“Ahh right, Winter Kim!” Taas tono niyang sinabi. “Sorry, I’m not really good with names. Pero I’m good at remembering faces.”

 

“I see.” 

 

Maybe I can ask her kung gaano katagal yung maintenance. 

 

“Karina, would you know kung what time matatapos yung maintenance?”

 

“Yeah, uhh, I heard almost done na dapat by 8, pero mukhang nag extend sila.”

 

“I see.” Tumango ako. “Thanks ulit.”

 

She smiled. “No worries.”

 

Lumipas ang five minutes at finally, may dumating na din na elevator.

 

Nagsabay kami ni Karina ng pagpasok sa loob. 

 

“After you,” sabi niya.

 

Nag fake ulit ako ng smile at umuna na ng pagpasok, sabay pindot sa ground floor button.

 

Sumunod siya ng pagpasok at pumwesto siya sa pinakalikod, leaning her back to the wall.

 

Tahimik kong pinanood ang mga numbers sa maliit na screen sa taas ng elevator buttons. 

 

25..24..23…..20….15….

 

Bumagal ang elevator pagdating sa 10th floor. Mukhang may sasakay. Umatras ako at napansin ko ang pag ayos ng tayo ni Karina.

 

Hindi nagbukas ang pinto, much to our surprise.

 

May mahinang sound akong narinig na parang machine na nasisira at pagkatapos ay namatay bigla ang ilaw sa loob ng elevator.

 

Holy …teka lang…

 

“Wait... No…” Bulong ng nasa likod ko.

 

Paulit-ulit kong pinindot ang open button hoping na magbukas ang elevator, pero namatay na rin ang ilaw sa screen.

 

“Oh my god..” Napatingin ako kay Karina na parang nakakita ng multo. “Did the elevator just break?”

 

“Mukhang ganun na nga…” sagot ko habang kabadong hinahanap sa pindutan ang emergency call button.

 

I quickly pressed the button upon finding it at nag antay ng sasagot sa kabilang linya.

 

Isang mahabang beep sound ang tumunog at sumunod ang boses ng mamang lalaki.

 

“Hello?” Narinig namin mula sa speaker.

 

“Hello po kuya. Nastuck po kami sa elevator.” Agad kong sinabi.

 

“We’re at 10th floor kuya.” Dagdag ni Karina.

 

“Ahh, hello ma’am. Pasensiya na po, may power outage po kasi sa building. Paantay na lang po ng ilang minutes, binubuksan lang po yung generator.”

 

“Gaano katagal po kami mag aantay?” Karina asked, moving beside the speaker.

 

“Baka mga five minutes lang po. Mabilis lang po yun, pa-wait na lang po saglit.”

 

“Okay kuya, thank you.” I said, calming my nerves habang mas lalo atang kinabahan si Karina.

 

She suddenly went closer sa side ko, her face positioned right in front of the speaker. 

 

“Safe ba dito, kuya?” 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
552 streak #1
UPVOTED
readingatdawn_
#2
Chapter 1: patiently waiting po ako sa ud otor. take your time lang po.

and by the way, gusto ko yung magiging takbo ng story. like, parang feeling ko may secret crush or gusto ni " K " si " W " noon pa man (?) basta nung nagstart silang maging magkaworkmate (?) not sure pero parang ganun heheh sa tingin ko lang naman. so yeah! wait ko na lang din siguro yung next ud mo otor. ingaaats po palagi :))
Patreng #3
Chapter 1: Excited na ko dito,may bago ako aabangan. Karina para paraan sa getting to know each other charot ahahahaha
wenrene22
#4
Chapter 1: hoy nakakabitin author-nim ang ganda na nung umpisa
Paparapakyaw #5
Chapter 1: Ay taray abangers akes dito
kang_ddeul
#6
Chapter 1: wahhh panibagong aabangan 🤩
ManduAnton_ #7
Chapter 1: i’m not sure if i’m the first one to view your story pero it’s been only the first chapter and ang ganda na! i’ll wait for your update, author! 😄