Introducing ang Dabarkads and the IT Girls

Love and Games

 

 

 

 

Introducing ang Dabarkads and the IT Girls

 

“HOOOOOY MINJEONG WINTER KIM! AKALA MO HINDI KO ALAM YUNG GINAWA MO KAGABI?!” sigaw ng mokong kong kaibigan. Sinalubong ako nito at hinampas ako sa braso.

“Aray. Shuta ka bes sang sakit nun ah. At wag mo ngang pinagsisisigaw yan. Kapag ikaw nagsasabi ng ganyan parang ang laswa.” Sumbat ko. Nagtungo kami sa mezzanine ng library para gumawa ng assignment.

“Luh, oa ka ah. At tsaka kapal naman nito parang ako lang ang green minded satin.”

“Oo ikaw lang naman.”

“Hindi kaya, si Ningning ang malala.”

“Luh, sumbong kita kay Ning.”

“Eh di isumbong mo. Pero ang sama talaga ng loob ko sayo. Akala mo hindi ko makikita yung rank mo kanina? Hoy parehas lang tayong Epic nung “natulog” tayo. Sino ba naman ako di ba?” Talagang nilagyan pa ni bestie ung quotation mark. Natatawa ako sa kanya.

“Oo nga eh, sino ka ba naman. Chariz! Bes naman hindi mabiro. Sorry na. Bawi ako sayo. O ito yung plates, gayahin mo na lang.” Inabot ko sa kaniya yung plates na nagmamadali kong ginawa kaninang umaga.

“Ayun o. Thankies bestie. Sino nga pala kalaro mo kagabi?” Nilatag ni bestie yung mga gamit niya at agad sinimulan ang pag gawa ng plates niya.

“Naalala mo sila Aldous at Angela?”

Biglang natigil si bestie sa ginagawa niya at tumingin sakin ng nakasimangot. “Inadd ka nila?”

“Yep. Paano ko sila makakalaro kung hindi di ba?” Natatawa ako sa itsura niya. Naalala nanaman niya ang kaganapan kagabi. Vietnam war flashbacks. “Ikaw ba, inadd ka?” pang-aasar ko sa kanya.

“Oo, pero hindi ko sila pinansin. Naka-squad ba sila?”

“Yep yep. Asan na nga pala sina Ning at Yuna?”

“Papunta na. Bumili lang sila ng kape. ‘Lam mo naman yung dalawa, mga adik sa kape. Minsan nagtataka ako kung effective pa ba yung kape sa kanila. Sakin kasi hindi na, kulang na lang singhutin ko na yung ground coffee para lang umipekto.”

 

Baliw talaga tong si Ryujin. Kung ano ano pinagsasasabi. Pero, totoo din naman. Parang kulang ang dalawang tasa ng kape sa isang araw sa sobrang puyat namin. Sila Ning at Yuna hindi ganun kadalang magkape pero this 4th year parang araw araw na din sila nagkakape. Hay, stress ng mga 4th year talaga.

 

“O, ayun na sila.” Kumaway si Ryujin sa 2 babae na paakyat ng mezzanine.

“Hi bes!” Gandang salubong ni Ningning. Pagkatingin kay Ryujin, well parang walang energy niyang binati ito. “ Hi Bonak.”

 

Namakyu si Ryujin na siyang ibinalik ni Ningning.

 

“Bes ka jan. Ako bestie nitong si wintot noh.” Magsisimula nanaman tong dalawang ito.

 

Araw-araw silang nag-aaway, si Ningning at si Ryujin. Kung si Ryujin ang bestie ko since childhood, si Ningning naman ang “self-proclaimed BFF ko.

 

Nung high school kasi kami, nag-transfer from Hong Kong itong si Ningning. Samin itinabi ni Ma’am Garcia kaya dun kami naging magka-close. Mabait naman si Ning, medyo may pagkamataray lang. Need lang niya noon ng magtuturo ng Filipino kasi super Englishera.

 

Since class president ako, sakin napunta ang task na yun. Si Ryunjin naman sunod sunod lang. Ayaw niya kasi sa responsibilidad.

 

“Ayaw ko sa mga ganyan. Ako na lang tagalista ng noisy bestie.”

 

__________

 

Flashback

 

“Hi. My name’s Ning Yizhou, but I prefer being called Ningning. What’s yours?”

“Uy bes, spokening in english oh.”

 

Siniko ko si Ryujin kasi biglang nawala yung ngiti ni Ningning. Nakakatakot itsura nya ngayon.

 

“Bes, umayos ka nga.” pabulong kong sinabi kay Ryujin.

“Sorry. I’m Minjeong Winter Kim, but I prefer Winter. This right here is Ryujin Joanne Shin.”

“Call me Ryujin.”

 

Tinignan lang kami ni Ningning.

 

“Hmmm. You’re nice Winter. You are my new best friend from now on.”

“Hoy weyt a minit. What do you mean best friend? For your information, I’m Winter’s best friend.”

“Hmmm. We’ll see.”

 

_______

 

Present Day

 

Simula noon, lagi na kaming magkasamang tatlo. Palaging nag-aaway yung dalawa kasi ako daw ang best friend nila. Pwede naman silang dalawa pero ayaw patalo sa isa’t-isa.

 

“Oy bes, may scramble sa labas o, tara.”

“Here, try this milk tea best friend.”

“Mag-STEM kami ni bestie ko, ikaw ba Ning, sama ka? Haha diyan ka na sa ABM niyo.”

“Parang kakayanin mo naman ang STEM Ryujin. Wag kang epal.”


 

“Hi Ning. Hi Yuna.”

“Hi Yuna. Hello luningning.”

“Tsk.”

“O, ang aga aga mag-aaway nanaman kayo. Please lang ha, masakit ulo ko.”

“Wow, kakahiya naman sayo Yuna. MaSakIt UlO kO.”

“Buisit ka talaga Ryujin. Hahaha.”

 

Baliw talaga itong mag-pinsan na ito. Yuna “Hussey” Shin. Bakit Hussey? Aba malay ko sa taong ito. Fan daw siya ni Olivia Hussey, at tsaka nainggit daw siya kay Ryujin na may second name.

 

Magkaklase si Ning at si Yuna sa subject nilang Accounting 102. Ang tangkad na babae tong si Yuna, maganda pa. Downside lang, pinsan niya si Ryujin at naging close si Ning. Charot. I love you Ryujin and Ning. Pero yun nga, pinaghalong Ryujin at Ning tong si Yuna.

 

Vlogger din siya, pero 6 pa lang ang followers niya: parents niya, kuya niya, tapos kaming 3. Nakakatuwa pero mga edit niya kahit ganun lang.

 

“Bakit mukhang adik ka, Winter?”

 

Tumawa si bestie at si Ning, grabi kasi talaga ang tabas ng dila nitong si Yuna eh.

 

“Grabi siya o. Paano ba naman hindi magmu-mukhang adik ito, eh nag ML hanggang umaga.”

“Parang hindi ka naglaro ah.”

“At least mas maaga natulog kesa sayo.”

“Pwede ba magsitigil kayo? Nasa lib tayo, tapos ang ingay niyo.”

“Oo nga, bes magtigil ka na diyan at tapusin mo na yang plates. May klase pa tayo mamayang 1.”

 

______________

 

“Saan tayo mag-lunch? I’m hungry na.”

“Tara, jabeeeh.”

“Gesi gesi.”

 

Inayos na namin ang mga gamit namin at bumaba ng mezzanine. 11 am pa lang naman kaya may time pang mag-lunch. 12 PM kasi start ng classes nila Ning at Yuna kaya mapapaaga kami. Ok lang din naman samin kasi dagsaan na mga tao pag patak ng 12 PM eh. Rush hour. Tsaka para makabiyahe din tong business majors kasi nahiwalay ang campus ng course nila samin. Kung bakit pa sila pumupunta sa main imbes na dumiretso sa mismong campus lib nila, hindi ko din alam.

 

Nakarating kami sa Jollibee ng maaga. Umorder na din sila Ryujin ng pagkain at kami naman ni Yunanaghanap ng table. Medyo madami na ding kumakain dito.

 

Nakahanap kami ng tableat hinintay namin sila.

 

“Psst. Winter, yung grupo ni Karina?” pabulong na sinabi ni Yuna. Sinenyasan niya yung nasa likod ko.

“Ha? Saan?” Napalingon ako at oo nga, shems.

 

Hindi ko napansin kanina, pero tatlong table and layo samin, dun sa medyo sulok, nakaupo ang mga IT girls. Grabi, ang gaganda nila. Kilalang kilala sila, hindi lang sa university, pati sa ibang schools kilala sila. At pag sinabi kong schools, kasama ang high school.

 

Akalain mo yun? Mga high school pa lang, ang haharot na.

 

Ang mga IT girls ay isang grupo ng magagandang IT major students.

 

Simulan natin kay Yeji Lucy Hwang. Kambal ni Hyunjin Hwang na isang varisity player. Godly looks kung baga pero para sakin mukhang si toothless at yung partner niya. Bukod sa maganda, magaling pang sumayaw at pinakamabait sa grupo nila.

 

Si Chaeryeong Judy Lee. Paano ko ba siya idedescribe? Lutang? Mukha kasi siyang wala sa wisyo palagi pag nakikita ko. Nakatabi ko na siya minsan sa IT subject namin. Mabait siya at sobrang talino sa computer softwares eh. Kaya nagtaka ako kung bakit nahiwalay siya sa IT blockmates nila. Sabi niya lang mali yung room na pinasukan niya, dapat pala sa D804 siya, eh ang klase namin D805. Kaloka daw kasi dalawang pintuan per room sa building kaya ayun.

 

Sunod si Julia Jisu Choi, aka Lia. Grabiti. Maganda pero mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Kakatakot yung RBF niya. Naalala ko tuloy si ate Joohyun sa kaniya, pero shhh lang, secret lang natin yun ah.

 

Spokening in dollars tong si Lia. From Canada kasi. Business major siya pero close niya sila Yeji kaya nabansagan ding IT girl eh. Balita ko mayamanin tatay niya.

 

Speaking of spokening in dollars, meron din si Giselle Aeri Uchinaga. Conyo queen na daig pa si Ning kung maka-english. Palagi siyang may bitbit na novel pag nakikita ko siya sa library. Best friend ni crush. Adik din sa anime kasi naalala ko nung sinama ako ni Ryujin sa isang anime convention na ginanap sa Azalea. Grabi yung kinosplay niya, halatang pinag-effortan.

 

At ang panghuli, Katarina Jimin Yu, aka Karina. Grabi. Diyosa. Mama Mary. Sa kanya ko masasabi na god is a woman talaga. Charot. Akala mo pinaulanan ni Lord lahat ng magaganda sa buhay eh: matangkad, maganda, at mayaman pa.

 

Sobrang sipag pa niya kasi talagang kina-career ang pagiging IT student. Palaging nakatutok sa laptop niya eh.

 

Pero ubod ng sungit. Akala mo kung sino. Kung hindi ka lang maganda hindi kita papansinin.

 

“Uy teh, yung laway mo tumutulo na”

“Hayup ka Yuna, hindi naman eh.”

 

Sa lakas ng tawa ni Yuna, napatingin mga tao sa katabing table. Pati table nila Karina nagsitinginan samin. Iwas tingin ako agad siyempre.

 

“Pero kakatitig mo diyan sa grupo nila, baka lumiyad yang si Karina. Akala ko okay na kayo?”

“Civil kami sa isa’t-isa. Sungit pa din as usual. Kung hindi lang siya ang Pres ng org, hindi ko yan kakausapin”

“K.”

 

La ka talagang kwenta kausap Yuna.

 

___________

 

Flashback

 

“Saan ka na Ning? Papunta na kami sa gym.”

“Papunta na po. Bakit ba kasi ang daming hagdan dito. Hinihingal na ako puta.”

 

Ang lakas ng tawa ni Ryujin ng marinig niya itong si Ning na hinihingal.

 

“Wait ka namin dito sa labas ng gym.”

“Ryujin!”

 

Nagulat kami ng may tumawag kay Ryujin. Isang matangkad na babae. Kala mo model dahil bukod sa matangkad, sobrang fashionista ng suot. Kala mo rarampa.

 

Sinalubong ng yakap ni Ryujin yung babae. Mukhang mas bata samin.

 

“Uy andito ka pala. Bakit hindi mo sinabi?”

“Sinabi ko sayo. Seener ka lang kasi. Hello po.”

“Hello.”

“Ah, Winter si Yuna pala. Pinsan ko. Yuna, si Winter, bestie ko.”

“Bestie amp. Corny mo insan.”

“Ako, corny? The capacity. Dito ka na mag-aaral?”

“Hindi, hindi. Nagpunta lang ako kasi feel ko. Eh di malamang. Ano ba gagawin ko dito, aber?”

“Eh Di MaLaMang. Gaga, malay ko ba. Anong course ba kukunin mo? Buti nakapasa ka.”

 

“Financial Management kukunin ko. Ikaw ba teh?”

“Oh, baka makasama mo si Ning , business din kasi kukunin niya. Civil Engineering kami ni Winter.”

“Ikaw? CE? Weh? Totoo ba Winter?”

“Oo eh. Pati ako hindi makapaniwala.”

“Luh? Walang tiwala sakin ha bestie? Hindi naman masakit, parang kagat lang ng shark.”

“Ikaw mukha kang shark.” Pagsulpot ni Ning.

“Hello. Yuna po pala. Pinsan nito” tinuro niya si Ryujin.

“Ah, my condolences. BFF ni Winter, my name is Ningning.”

“My CoNdOlEnCes. Tangina niyo. Tara na nga mag-enroll. Buisit.”

 

Tinawanan namin si Ryujin at sumunod na lang. Ang haba ng pila sa gym. Sakto kasing sabay ang sched namin ng enrollment sa mga business majors at IT.

 

Nakapasok na ako sa gym pero hindi ako napansin nung babaeng pababa sa bleachers. Nagkabungguan kami at nahulog yung phone at enrollment form niya. Siyempre gentlewoman ako, tinulungan ko.

 

Pagkaabot ko ng phone sa kanya, shet. Shet ng malala. Nasa heaven na ba ako? Sabi ni Ryujin sa impyerno daw ako babagsak kasama niya kaya nagtataka ako kung nasa heaven na ba ako? Ang ganda.

 

Akala mo anghel na bumaba sa lupa. Tapos yung boses. Yes, I do. I will marry you.

 

“Sorry.”

“U-uhm. N-o problem. Kasalanan ng daanan yun.” Lord, pwede pakikuha na ako dito or pakibaon na ako sa lupa. Naririnig ko na kasi yung hagikgik ng mga leche kong kaibigan eh.

“Huh? Uhm. Thanks na lang. Alam kong maganda ako pero pwede makuha ko yung phone ko?”

Luh, oo na lang.

“Sorry. Ito oh. Pasensya na.”

“Ok lang. Minsan tingin tingin din sa dinadaanan.”

 

Aba teka lang. Bakit parang ako may kasalanan? Siya itong nakatutok sa phone at hindi tumitingin sa dinadaanan.

 

“Teka, ikaw itong hindi tumitingin at nagce-cellphone lang, bakit ako may kasalanan?”

“Eh hindi ba? Tsaka ikaw tong bumunggo sakin.”

“Ako pa talaga? Wag kang piling ate.”

“O, tama na yan. Pasensya na po, medyo triggered lang kaibigan namin ngayon.”

 

Hinatak ako ni Ryujin palayo. Nilingon ko siya at ang sama pa din ng tingin niya sakin. Binalik ko yung tingin siyempre.

 

Buong araw na kumukulo dugo ko pag naalala ko yung nangyari na yun. Nalaman ko din na IT student siya. Medyo sikat siya sa university.

 

After nung first interaction namin, hindi na kami nagkita buong first year kasi hindi na din sabay ang schedules at iba ang building namin sa IT.

 

Nakikita pa din namin yung grupo nila Karina kasi maliit lang naman ang Baguio, so we’re bound to see each other one way or another.

 

Ang sumunod na interaction namin ay nung nasa second year kami. Sumali kasi ako sa isang non-curricular school organization. Nature person kasi ako kaya sumali ako sa environmentalist org na to. Nag-volunteer ako na sumama sa tree planting nila, doon ko na din nakita ulit si Karina. Kasama niya si Yeji.

 

“Oh, nandito ka pala.”

“Magkakilala kayo, Karina?”

“Hindi po.”

“Ah, ako pala si Yeji.”

“Hello po.”

“Bakit ka nandito?”

“Malamang sasama sa tree planting activity. Ano ba sa tingin mo gagawin ko dito?”

 

Tumawa si Yeji dahil namula si Karina dahil sa galit or dahil sa kahihiyan. Or both? Basta, nakakatakot yung itsura niya pero nasabi ko na eh.

 

“Who the are you to talk to me like that?”

 

Hindi ko alam kung dahil BI si Ryujin or what, pero hindi ko alam san ko napagkukukuha lakas ng loob kong ito.

 

“WhO tHe ArE yOu To TaLk To Me LiKe ThAt? Sino ka ba?”

 

Ang lakas ng tawa ni Yeji. Cute. Pwede pa-crush na lang Miss Hwang. UwU.

 

Medyo napaatras ako kasi mukhang mananapak tong si Karina eh. Buti na lang nandito si Yeji, my savior.

 

“O, tama na yan. Puso mo Karina baka sumabog. Haha. Ilalayo ko na muna itong kaibigan ko. Sorry about sa kaniya ah, Winter. It was nice meeting you.”

“Sorry? Bakit ka nagsosorry? Uy Yeji bitawan mo nga ako.”

 

Buong trip inaawat kami ni Yeji kasi everytime na magkakalapit kami, nati-trigger kami sa isa’t-isa. Medyo hindi ko na-enjoy ang tree-planting pero para sa environment, go lang.

 

Simula nung unang activity ng org, nagtuloy tuloy ang pag-volunteer naming tatlo. Nasama ko pa si Ryujin. Nagtataka ako kung bakit sumama tong mokong na to samin kasi ni pag-linis hindi niya magawa.

 

“Ang cute ni Yeji. Hay.”

 

Ah, kaya pala. Crush ni bestie. Sorry, Yeji, ako na magpapaubaya. Charot. Sis before mistresses bes.

 

Hindi kalaunay ay naging officers kaming apat dahil active members kami.

 

__________

 

“Winter, patulong naman bes.”

 

Pinuntahan ko sila Ningning at Ryujin, at tinulungan ko sila magbitbit, well si Ryujin lang pala kasi hindi naman nagbubuhat talaga tong si Ningning. Dakilang sponsor namin siya.

 

“Uy bestie, si Yeji. Grabi ang ganda niya talaga.”

“Hoy, umayos ka nga. Nakatitig ka nanaman sa kaniya. Oh ayan, napatingin tuloy sayo si Lia.”

“Bakit ba ang sama ng tingin palagi ni Lia sakin? Kala mo ang laki ng kasalanan ko naman sa kaniya.”

“Ano ba kasi ginawa mo?”

“Wala. Napansin ko lang na everytime na mag-uusap kami ni Yeji, palagi na siyang naka-glare sakin. Crush ba ako nun?”

“Mahiya ka nga. As if naman. Wag assuming, insan.”

“Hindi naman ah. Ako na kaya ito. Sino ba hindi magkakagusto sakin?”

“Madami.”

 

Akmang babatukan na sana ako ni Ryujin ng biglang nakarinig ako ng boses sa likod ko.

 

“Hey guys. Ning, pwede makisabay sa inyo papunta ng school?”

“Sure. We’re just finishing up.”

“Hi guys.” “Hey” “Hullo.”

“Hi Yeji. and Friends.”

 

Gago ka Ryujin. Ang sama nanaman ng tingin sayo ni Lia eh.

 

“Hi Ryujin. Hey Winter, may emergency meeting pala tayo mamayang gabi. Sa Silang building na lang, room S104 na lang.”

“Ok pi.”

 

Siniko ni Yeji itong katabi niya, hindi kasi umiimik si Karina ng nag-exchange pleasantries kami. Nakatutok nanaman sa phone niya, pati si Giselle, mukhang naglalaro sila kasi naririnig kong may nagpapatayan. ML ba yan? Parang.

 

“What? Oh. Yeah, be there and don’t be late.”

 

Yun lang ang sinabi niya.

 

“Sungit” pabulong kong sinabi. Narinig ata niya.

“What?”

 

Sabi ko nga. Naka-glare siya sa akin eh.

 

“Wala. Opo sabi ko.”

 

Pinanliitan niya ako ng mga mata, parang may gusto pang sabihin pero bumalik atensyon niya sa screen ng phone.

 

“Bes, push mo na yung top. Ano ba ginagawa mo? May SS ako, tara.” sabi ni Giselle.

 

Ngumiti na lang si Yeji at nagpaalam na din sila. Naiwan si Lia kasi nga kasabay niya tong sila Ningning at Yuna pagpunta ng campus nila.


 

__________

 

“Grabi, sungit naman talaga ni Karina. Magkaibigan talaga sila ni Lia noh? Parehas na masusungit, galit sa mundo yern?”

 

Natawa ako sa sinabi niya. Medyo totoo naman kasi. Matapos naming kumain, dumiretso na yung mga business people papuntang paradahan ng campus. Kami naman ni Ryujin naglakad na pabalik sa school at pumasok na sa klase.

 

“Anong oras pala matatapos meeting niyo?”

“Hindi ko alam. Usually isang oras lang kapag emergency pero hindi natin sure. Bakit?”

“Hintayin ka na lang namin sa Reve Cafe.”

“Sige sige.”

 

___________

 

After class, naghiwalay kami ni Ryujin. Imeet up na lang niya sila Ningning at Yuna sa Reve Cafe habang hinihintay ako. Sabay kasi kami palagi ni Ryujin umuwi, at itong sila Ning at Yuna, ayaw pang umuwi.

 

Nagtungo ako sa S104 para sa meeting. Medyo nag-detour muna ako kasi nature’s call. Hehe.

 

Binuksan ko ang pinto at bumungad ang isang anghel na pinalayas sa langit.

 

“You’re late.”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 5: rina amp malakas lang sa chat🤣🤣🤣
howdoyouknowmee
539 streak #2
Upvoted!
Nevusxc
#3
Chapter 4: YIZ NAMAN HAHAHAHAHAHAHHA GO MGA BHIE ITULOY ANG LANDI