late night

7/11 Cutie
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatikim na ba kayo nung Dalandan at Calamansi Juice na gawa ng Zesto?

Kase kung oo, totoo namang mas masarap yung dalandan na version diba?

 

Yan ang happy thought ng 26 years old na kasalukuyang nag lalakad sa labas ng compound nila para sa kanyang daily late night walks.

 

Mag isa na lang din naman sya sa buhay, bukod sa dalawang pusa nyang walang minutong hindi nag papatayan, bukod don, wala na talaga.

 

Hindi rin naman sya papayag na tawaging kamag-anak ang mga kapitbahay nya, dahil sa dugo at apelyido man eh mag kapareho sila, sa ugali at paniniwala naman eh hindi.

 

Outcast, Blacksheep, Malas, Ampon.

 

Yan, yan ang tawag sa kanya ng mga tiya at tiyo niyang maka share ng buhay sa facebook eh akala mo naman hindi baon sa utang.

 

Wala na rin naman syang pake, hanggat hindi sya kinakausap ng mga ito eh ganon na din sya, pataasan na lang ng pride.

 

Kaka kwento ko sa ganap nya sa buhay eh nakarating na sya sa 'second home' nya. 

 

7/11 sa tapat ng crossing.

 

Agad naman syang pumasok, nag situnugan na yung nakasabit sa pinto at agad ding tumingin ang tao sa may cashier at yung isa pang staff na nag aayos ng mga chichiryang napag tripan ng mga kabataan kanina.

 

Malaki ang ngiti ng dalawang staff nung makita sya, as usual madami nanamang chika at manlilibre nanaman ito ng malupitan.

 

Naghanap na agad sya ng mauupuan sa loob, saktong kasi na wala namang nakaupo doon sa usual spot nya, yung upuan at lamesang nakatapat mismo sa crossing.

 

Trip na trip nya don kase kita lahat, mga nagsisigawang tricyle driver, mga lasing na konti na lang eh masasagasaan na ng truck, mga nag ttrabaho tuwing gabi na nagaantay ng bus, at syempre ang favorite nyang panoorin.

 

Mga mag jowang nag ddate.

 

Mas interesting kung mag bbreak na at mag babatuhan ng mga pagkain.

 

Bukod sa mukha silang tanga, dagdag linisin din yun dito sa dalawa nyang tropa.

 

"Gago, medyo late kana ngayon Soledad ah" sabi nung cashier na maliit with blonde na buhok.

 

"Medyo Miks, na corner ako ni de fourth sa kanto eh" may pag irap pa si Soledad habang sinasabi yun.

 

Oo nga pala, Caine Louis Soledad.

 

Anak ni Fransisco Soledad V at Lourdes Soledad, parehong wala na sa earth dahil kinuha na ni Lord nung twelve palang si Caine.

 

Pati yung supposed to be baby bro nya eh hindi rin nakaligtas nung naaksidente sila.

 

"Sino nga ulit si de fourth?" tanong ni Miks, yung cashier na maliit.

 

"Fransisco Soledad IV, Lolo ko." walang ganang sagot ni Caine sa kaibigan.

 

Tamang tango tango na lang si Miks, mukang natandaan na.

 

Sa dami ba namang kwento ni Caine tungkol sa malupit na family tre

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
50 streak #1
Reread my fave!!!
_rtempest
1039 streak #2
Chapter 16: ang ganda🥺
profshaklu #3
rereadingg hihi cute cute pa rin nito 😌 solid talaga ng mga stories mo ate ry 🦋✨🦋✨🦋
Hisseulgi_
#4
interestinggg
iana013
#5
ooohhh..ito b ung nsa twt???😍😍
AYN147
#6
Chapter 12: Kiligz
Patreng #7
Chapter 2: Napagkamalan pa ngang staff🤣
Patreng #8
Chapter 1: Anong brand nang hakdog😂 hindi masarap
Wag mo na isipin ahahahahahaha
AYN147
#9
Uyy fave ko to
seulrenety
#10
Chapter 13: awww